LOGINPagod na pagod ako pagdating ng gabi. Parang kinuha ng mga polo shirt ni Sir Lucas ang lahat ng energy sa katawan ko. Pagkatapos ng hapunan at paglilinis sa kusina, diretso na ako sa servant’s quarters. Ang plano ko talaga, ititupi ko pa 'yung mga bagong tuyong damit ni Sir na kinuha ko sa sampayan kanina, pero pagbagsak ng likod ko sa manipis na kutson, tinalo na ako ng antok.
“Mamaya na lang... five minutes lang,” bulong ko sa sarili ko habang yakap-yakap ang unan. Pero ang five minutes, nagtuloy-tuloy. Nakalimutan ko na nang tuluyan ang basket ng mga de-kalidad na tela na nakatambak sa gilid ng higaan ko. Maghahating-gabi na nang magising ako dahil sa isang mahinang kaluskos. Hindi ko muna iminulat ang mga mata ko, iniisip na baka si Gina lang na naiihi o si Tess na nananaginip na naman. Pero kakaiba ang tunog. Mabibigat na hakbang, seryoso, at parang galing sa direksyon ng pintuan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang isang mata. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang matangkad na pigura na nakatayo sa gitna ng dilim. Dahil sa liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana, nakita ko ang anino ng isang lalaki kaya napasigaw ako sa takot. “Shh! Anya, shut up!” Bigla niyang tinapalan ng kamay niya ang bibig ko. Natigilan ako. Kilala ko ang boses na iyon. Baritono, malamig, at medyo naiirita. Agad kong kinapa ang switch ng lamp sa tabi ko. Sa dilaw na liwanag, tumambad sa akin si Sir Lucas. Nakasuot siya ng midnight blue na silk pajamas na mukhang mas mahal pa sa buhay ko. “S-Sir Lucas?” nauutal kong tanong. “Anong ginagawa niyo rito? Akala ko kung sino na!” “I need my clothes. You forgot to deliver them,” diretsong sabi niya, nakakunot ang noo. “I knocked, but you were sleeping like a log.” Bago pa ako makasagot, nakarinig kami ng mga mabilis na yabag mula sa hallway. “Anya?! Anong nangyari?!” boses iyon ni Manang Ruchel. “Anya, bakit ka sumisigaw?!” dagdag pa ni Gina. Nanlamig ang buong katawan ko. Patay. Kapag nakita nila si Sir Lucas sa loob ng kwarto ko sa ganitong oras, kahit wala kaming ginagawa, bukas na bukas din ay nasa kalsada na ako dala ang sako ng mga damit ko. “Sir, tago!” bulong ko, ang mga mata ko ay parang lalabas na sa sobrang taranta. “What? No, I’ll just explain—” “Hindi pwede! Si Manang Ruchel ’yan! Isusumpa ako niyan!” Hindi ko na hinintay ang permiso niya. Hinila ko ang braso ni Sir Lucas, na infairness, ang tigas talaga at sapilitan siyang pinahiga sa kama ko. “Anya, what the hell are you doing?!” reklamo niya, pero dahil sa liit ng kwarto ko, wala siyang choice kundi sumunod bago pa bumukas ang pinto. Mabilis ko siyang binalot ng makapal kong kumot. Dahil matangkad siya, kinailangan kong mamaluktot sa tabi niya para magmukhang isang malaking tumpok lang ng unan at kumot ang lahat. Niyakap ko siya nang mahigpit sa ilalim ng tela, ang mukha niya ay nasa tapat ng dibdib ko habang ang mga braso ko ay nakapulupot sa likod niya. Amoy mamahaling sabon siya, at sa puntong iyon, hindi ko alam kung mamatay ako sa takot o sa kilig. Bumukas ang pinto kaya pumikit agad ako at nagtulog-tulugan. “Anya! Anong nangyari? Bakit ka sumigaw?” hingal na tanong ni Manang Ruchel. Pinilit kong gawing antok na antok ang boses ko nang umakto akong biglang nagising. Humikab ako nang malakas habang mahigpit pa ring nakayakap sa ‘higanteng unan’ ko sa ilalim ng kumot. Naramdaman kong nanigas ang katawan ni Sir Lucas nang maramdaman niya ang paggalaw ko. “Ha? Ah... Manang... sorry po,” sabi ko, pikit-mata pa. “Nanaginip lang po ako. May... may malaking daga raw na gustong kainin ang duster ko. Pasensya na po, nagising ko kayo.” Lumapit si Gina at tiningnan ang paligid. “Daga? Grabe naman ang sigaw mo, teh. Akala ko pinapatay ka na.” “Nanaginip lang talaga ako, promise. Sobrang pagod lang siguro sa paglalaba kanina,” dagdag ko pa habang pinakikiramdaman si Sir Lucas na yakap–yakap ko. Lord, sana hindi niya ako sipain palabas ng kama. Nagkatinginan ang tatlo. Mukhang hindi sila kumbinsido, pero dahil hatinggabi na at antok na rin sila, bumuntong-hininga na lang si Manang Ruchel. “Magdasal ka bago matulog para hindi ka binabangungot. O sige na, lumabas na tayo,” utos ni Manang. Nang sa wakas ay sumara ang pinto at narinig naming lumayo na ang mga yabag nila, hindi agad ako gumalaw. Nanatili kaming ganoon sa loob ng ilang minuto. Nakayakap ako sa kanya at halos hindi na humihinga. “Are they gone?” bulong niya. Malapit na malapit ang mukha niya sa leeg ko kaya ramdam ko ang mainit niyang hininga dahilan kung bakit ako namula. Dahan-dahan kong inalis ang kumot. Bumungad sa akin ang mukha ni Sir Lucas. Ang buhok niya ay medyo gulo-gulo na, at ang mga mata niya ay parang may halong inis at gulat. “Opo, Sir. Safe na po,” bulong ko rin. Pero hindi ko pa rin binibitawan ang yakap ko. “Sorry po talaga. Hindi ko lang po gustong mapagalitan ni Manang.” Bumitaw siya at dahan-dahang umupo sa gilid ng kama ko. Napansin ko ang pamumula ng mga tenga niya. Tumingin siya sa basket ng mga damit na hindi ko natupi sa tabi ng mesa. “I’m leaving for a business trip to Singapore in four hours,” panimula niya, ang boses niya ay bumalik sa pagiging seryoso pero mas malumanay na ngayon. “I needed to bring those clothes. I didn't mean to scare you.” Napaayos din ako ng upo, inaayos ang gulo-gulo kong buhok. “Business trip? Ngayon na po? Hala, Sir, sorry po talaga! Ititupi ko na po ngayon din, wait lang!” Patalon na sana ako paalis ng kama pero pinigilan niya ang braso ko. “Stay. Don’t make any more noise. Baka bumalik sila.” Napatitig ako sa kamay niya na nakahawak sa akin. Mabilis ang tibok ng puso ko, daig pa ang washing machine sa turbo mode. “Eh, paano po ’yung mga damit niyo? Baka wala kayong maisuot.” “I’ll just grab them and fold them myself in my room,” sabi niya, sabay tingin sa orasan. “I’ll wait here for ten more minutes just to be sure the hallway is clear.” Katahimikan. Isang awkward pero nakakalunod na katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa sa loob ng maliit kong kwarto. “Sir... galit po ba kayo?” tanong ko sa mahinang boses. Tumingin siya sa akin, matagal. “Inis, oo. Because you screamed like the house was on fire. But... I guess I shouldn't have entered your room without warning.” Tumingin muna siya sa pinto bago lumingon ulit sa akin. “Go back to sleep. And Anya?” “Po?” “Nice pillow. But don't hug me too tight next time. I could barely breathe.” Next time? May next time pa?!Habang binibigkas ko ang mga linyang iyon, iniharap ko ang aking pinakapropesyonal na ngiti sa panauhing nakatayo sa aking harapan. Ngunit ang ngiting iyon ay unti-unting napawi at tuluyang nawala nang matitigan ko nang maayos kung sino ang taong nasa tapat ko. Tila biglang huminto ang ikot ng mundo. Ang hangin sa aking paligid ay naging napakabigat at mahirap hingahin. Nakatayo sa tapat ng reception desk si Ma’am Sofia. Ang ina ni Lucas. Nakasuot siya ng isang napaka-eleganteng terno na pinalulutang ng mamahaling alahas sa kanyang leeg at tainga, ngunit hindi ang kanyang kasuotan ang pumutol sa aking paghinga, kundi ang kanyang mga mata. Nakatitig siya sa akin nang may malamig, matalim, at nagbabantang titig. Walang anumang bakas ng pagkagulat sa kanyang mukha, na para bang alam na alam niyang matatagpuan niya ako rito. Napalunok ako nang walang oras. Ang aking mga kamay na nakapatong sa ibabaw ng counter ay pilit kong ibinaba sa aking gilid upang itago ang matinding panginginig
Ang mga sumunod na araw ay lumipas na parang isang panaginip na ayaw kong gisingan, ngunit wala akong pagpipilian kundi ang gumising araw-araw at harapin ang mundo. Ang buhay ay patuloy na gumagalaw kahit na sa pakiramdam ko ay huminto na ang sa akin noong gabing iyon, noong gabing tuluyan nang bumitiw si Lucas at iniwan ang huling piraso ng aming nakaraan. Bawat umaga, bumabangon ako nang may panibagong sugat sa dibdib. Pilit kong isinusuot ang aking uniporme, inaayos ang buhok, at pinipintahan ng simpleng pampaganda ang aking mukha upang maitago ang nangingitim na balat sa ilalim ng aking mga mata dahil sa walang patid na pag-iyak tuwing gabi. Sa harap ng salamin, sinasanay ko ang aking sarili na ngumiti, isang ngiti na para lamang sa layuning makatagos sa pangaraw-araw na trabaho. Ngayong araw, last day na ng pag-stay niya sa hotel. Ito na ang huling araw na makikita ko siya. Bilang isang receptionist sa hotel, ang aking pangunahing tungkulin ay ang maging magiliw. Kailangang mag
Bumigat ang hangin sa loob ng sasakyan. Ang simpleng paghinga ay tila naging isang mabigat na pasanin habang patuloy naming dinadala ang nakakatunaw na katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ang mga ilaw sa kalsada ay mabilis na nagdadaan sa labas ng bintana, gumuguhit ng mga mabilis na anino sa mukha ni Lucas na ngayon ay bakas na ang labis na pagod. Kumikirot ang dibdib ko. Ayaw ko sa sitwasyon na ito pero wala akong magawa. Unti-unting lumingon si Lucas sa akin, at sa pagkakataong ito, wala na ang galit sa kanyang mga mata. Napalitan na ito ng isang mapait at blangkong ekspresyon na mas lalong nagpasikip sa aking dibdib. Ang kanyang mga balikat ay bahagyang nakayuko, parang taong sumuko na sa isang digmaang matagal niyang ipinaglaban ngunit alam niyang talo na siya sa simula pa lang."Anya..." mahinang sambit niya, basag ang boses at halos pabulong na umabot sa aking tainga.Napalunok ako nang mariin, pilit na pinatitigas ang aking sarili sa kanyang harapan. Hinanda ko ang aking is
Binuksan ko ito at pinahiran ang aking labi. Ang lamig at ang bahagyang pamamanhid niyon ay nagbigay-daan upang pansamantalang maibsan ang hapdi ng sugat na likha ng sarili kong panggigigil kanina. Habang pinapahiran ko ang ibabang labi, ramdam ko ang bawat galaw ng aking mga kamay na bahagyang nanginginig pa rin dahil sa halo-halong emosyon na patuloy na nag-uunahan sa aking dibdib. Paulit-ulit kong idiniin nang bahagya ang aking daliri sa may pilat at sariwang sugat, pilit na ginagamit ang pisikal na sakit upang takpan ang mas matinding kirot na nararamdaman sa loob. Ang simpleng gawain na ito ay nagsilbing panandaliang takas mula sa reyalidad na nakapaligid sa amin. Sa bawat paghipo ko sa aking labi, naaalala ko kung paano ko kinagat ang aking sarili kanina habang pinipigilan ang sariling sumabog sa harap ng lalaking ito. Ang malamig na amoy ng ointment ay hinaluan ng amoy ng mamahaling pabango ni Lucas na nanunuot sa loob ng tahimik na sasakyan, isang amoy na minsan kong minahal
Huminga ako nang malalim, ang dibdib ko ay patuloy pa ring kumakabog nang marahas habang pinapanood siyang tuluyang tumalikod at lumayo matapos ko siyang iwanan doon sa hallway. Akala ko tapos na. Akala ko, sa wakas ay naging sapat na ang mga salitang binitawan ko para tuluyan na niya akong bitawan at huwag na kaming magtagpo muli. Naniniwala akong sarado na ang kabanatang iyon ng aming buhay, na hindi na kami kailanman mag-uusap pa pagkatapos ng araw na ito. Subalit ang kapayapaang inaasahan ko ay sadyang napakabilis maglaho.Hindi pa man ako tuluyang nakakabalik sa aking pwesto ay bigla na lamang sumulpot ang aming head manager sa front desk, ang mukha ay seryoso at may bahid ng pagmamadali. Agad niya akong tinawag at sinabing dapat ko munang iwan ang aking trabaho sa sandaling ito. “Anya, halika, makipag-usap ka kay Sir Lucas.”Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Makipag-usap kanino? Agad akong umiling at akmang tatanggi dahil wala na kaming dapat pag-usapan pa, ngunit huli na ang
Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang aking sarili bago hinarap si Lucas. Ang bawat hibla ng aking katawan ay nag-aabiso na umurong na at tumakbo muli palayo, ngunit alam kong hindi ko na maaaring takasan ang reyalidad na ito. Ang malamig na simoy ng aircon sa loob ng pasilyo ay tila walang bisa upang pawiin ang matinding init ng tensyon na namamagitan sa aming dalawa. Marahas at mabilis ang pagkabog ng aking dibdib, parang isang ibong nakakulong na nagpipilit kumawala. Pinilit kong magpakatatag, iginuhit sa aking mukha ang isang blangko at walang emosyong ekspresyon habang dahan-dahan kong nilingon ang lalaking minsang naging mundo ko, ang lalaking pilit kong ibinaon sa limot sa loob ng apat na mahabang taon. "Nag-sorry naman na ako sa ginawa niyang kasalanan," mahinang wika ko, ang boses ay bahagyang nanginginig ngunit pinilit kong pinatatagin upang hindi niya marinig ang pangamba sa aking lalamunan. Agad na umiling si Lucas, ang kanyang mga mata ay nanlilisik at puno ng ga
Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama, at fear of height yata ang naramdaman ko noong makita ko ang layo ng sahig mula sa kutson. Parang kailangan ko pa ng elevator para lang makababa nang ligtas. Ang mga tuhod ko, kung may sarili lang silang boses, malamang ay nagmumura na sa akin ngayon dahil
Halos mag-split ako sa tuwa habang tinatahak ang daan patungong labanderya. Pagdating ko doon, nadatnan ko ang tatlong iba pang maid na abala sa pagtitiklop at pag-aayos ng mga telang puting-puti.“Uy, ang bagong salta!” bati ng isang morenang babae na may name tag na ‘Gina’. “Si Sir Lucas ba ang
Hindi ko maitago ang saya ko habang naglalakad pauwi. Halos liparin ko ang daan patungo sa aming bahay. Pagpasok ko palang, bumungad na agad si Nanay na naghihiwa ng kangkong habang si Lola naman ay nakasandal sa aming upuang kawayan.“Nay! Lola! May trabaho na ako!” malakas kong sigaw na halos ika
“Anya, aalis ka na ba?”Nag-aayos ako ng mga gamit ko nang bigla iyong itanong ni Lola. Nakaupo siya sa gilid ng aming papag, hawak ang isang basong tubig at ang huling piraso ng kanyang gamot. Ilang araw na rin siyang nagrereklamo sa sakit ng puso niya kaya naman kahit gustuhin kong mag-inarte sa







