Masuk"Her family doesn't love her."
"I pity you, Kybelle.""I retweeted your poem. Thank me, pathetic girl."Ilan lamang 'yan sa mga masasakit na salitang natanggap ko dahil sa ginawang pagkalat ni Val ng personal story ko.
I'm just starting to see the other side of the world but someone already blocks my way.
It was painful.
I don't think I can trust people again.
I cried the whole night because of that memory until I fell asleep.
Kinabukasan ay walang pasok kaya naisipan kong gumising ng maaga para pumunta sa gym.
Hindi ko yata kaya na mag stay lang dito sa bahay buong araw.
Dahil tiyak na magpapadala na naman ako sa sakit na nararamdaman ko.
Gusto ko munang umiwas sa mundo ng social media kahit saglit lang and have a healthy life.
Kahit papaano ay may mabuti ding naidulot ang pagkawala ni Kyrine dahil simula nang mawala siya ay hindi na gano'n kahigpit sa'kin sila mama kaya nakakalabas na ako ng bahay tuwing walang pasok.
Pero syempre may limitations pa rin kung saan lang ako pwedeng pumunta.
Pagkadating ko sa gym ay nagpalit kaagad ako ng damit.
Nakasandong puti at short ako na terno tapos white sneakers saka tinalian ko ang buhok ko.
Doon ako pumwesto sa treadmill na may kaharap na TV para nalilibang ako habang tumatakbo.
Makalipas ang trenta minutos ay may dumating na dalawang lalaki.
"Pre, dapat pala dati pa tayo lumipat dito sa gym na'to 'e. Hindi magkahiwalay ang babae at lalaki." rinig kong sabi 'nung isa.
Kita ko sa peripheral vision ko ang pagngisi nito.
Nakaramdam ako ng inis at mas binilisan pa ang kilometer ng threadmill at ng pagtakbo ko.
"Ayan ka na naman Jin baka mamaya mapaaway na naman tayo dito 'e." sabi naman 'nung isa.
Napalingon ako sa katabi kong babae ng bigla itong umalis.
"Umalis tuloy, tsk." rinig kong sabi ulit 'nung Jin.
"Nasaan na ba si Jedrick? Sabihan mo nagsisialisan na ang mga babae dito at kailangan na ng charms niya." dagdag pa niya."Papunta na daw siya." sagot naman 'nung isa."Tawagan mo nga Joven para sigurado. Baka mamaya mawala na naman bigla 'yun." pamimilit pa 'nung Jin.Joven pala pangalan 'nung isa.
Hininto ko ang threadmill at nagpunas ng pawis saka ako bumaba.
Napatingin ako doon sa Joven at ng mapatingin din siya sa'kin ay bigla kong binaling ang tingin sa iba.
He has long brown curly hair, thick brows, and pinkish lips. He's also wearing a black shirt and pants.
Pumunta ako sa locker at kinuha ang mga gamit ko bago ako dumiretso sa comfort room para maligo.
Nagulat ako dahil ng mapadaan ako sa male comfort room ay nakita ko si Sean.
Nagtama ang mga tingin namin.
"Hi?" nahihiyang bati ko.
"Hey, you're Kyla right?" sabi niya habang nakataas ang kamay sa batok kaya kitang-kita ko ang adam's apple niya."It's Kybelle." sagot ko at tumawa."Oh sorry, dito ka din pala nag gym?" tanong niya na ikinagulat ko.Marunong naman pala siya magtagalog 'e!
Naalala ko tuloy bigla si Sir Michael na kahawig niya.
"This is my first time actually." sabi ko sa kaniya.
"Why don't you make it regular so I could see you often?" tanong niya.Nagulat ako sa sinabi niya pero parang wala namang malisya sa kaniya 'yon.
"I'll consider that." sagot ko.
"Where are you heading after this? Do you want to have some drink?" pagpapatuloy niya sa usapan."I'm going to the mall with my friends. Maybe next time we could hang out and drink 'coffee'." pag-alok ko sa kaniya as a sign of respect.I emphasized the word 'coffee' dahil baka akala niya ay niyayaya ko siyang pumunta sa bar at mag-inom.
I'm scared to do that!
Baka mamaya kung ano pang magawa kong kalokohan habang lasing edi mas pinagkaitan na ako ng parents ko ng kalayaan?
"Sure, it's nice to see you again Bella." sambit niya at kinindatan niya ako bago pumasok sa loob.
Tulad niya ay dumiretso na din ako sa loob.
Habang naliligo ako ay naisipan ko na magpatugtog ng Lover ni Taylor Swift at sinabayan ito.
"Can I go where you go? Can we always be this close forever and ever? And ah, take me out, and take me home. You're my, my, my, my... lover." pagkanta ko.
Napahinto ako sa pagkilos ng biglang may idea na pumasok sa isip ko.
Paano kaya kung may manligaw ulit sa'kin?
Sasagutin ko ba?
I shook my head and I continue bathing.
It can't be.
I can't give love when I'm too fragile.
I can't give love when I don't know how to love myself.
Patapos na ako maligo ng biglang huminto ang tugtog dahil may pumasok na isang message galing kay Jashley at sabi niya ay nandoon na daw sila ni Kelley sa mall.
Pagkatapos kong mag-ayos ay napatingin na naman ako sa dalawang lalaking kasabay kong mag work out kanina.
Dumating na siguro 'yung isa pang hinihintay nila kanina dahil tatlo na sila doon na nag-iingay ngayon.
"Pre, bakit ba ngayon ka lang?" rinig kong tanong 'nung Jin.
"Napuyat ako sa article na sinusulat ko." sagot 'nung kausap niya.Nakatalikod siya sa'kin but he's wearing dark blue shirt, short, at black rubber shoes. Matikas ang tindig niya kaya halatang nag work out talaga siya.
"Baka naman kaya ka napuyat dahil naghihintay ka ng reply 'dun sa ka chat mo tapos tinulugan ka naman pala." sabi ni Joven.
"Sino 'yang ka chat mo pre? Chicks ba? Baka naman may kaibigan pakilala mo'ko." sabi ni Jin."Shut up, Jin." naiiritang sabi nito.Hindi ko na narinig pa ang iba nilang pinag-uusapan dahil nagtungo na ako sa labas at umalis.
Nagulat ako dahil pagkasakay ko ng jeep nakita ko si Irish.
"Uyy, hi punta ka din sa mall?" tanong ko sa kaniya.
"Yes, are you alone? Because I am!" sambit niya."My friends are waiting for me there." sagot ko.May tumawag sa kaniya kaya naputol ang usapan namin hanggang makarating sa mall.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko para itanong si Jashley kung nasaang lugar sila.
"Saan kayo?" tanong ko.
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago sumagot si Jashley.
"Food court." sabi niya.
Papasok ng sana ako ng mahagip ng paningin ko Irish sa bandang gilid at umiiyak.
Lumapit ako sa kaniya at nagtanong.
"What happened?" tanong ko.
"Pinapauwi na'ko ni mama kasi daw wala akong kasama at baka daw mapahamak lang ako." sabi niya."Do you want to join us instead?" pag-alok ko sa kaniya sabay ngumiti.Pagkapasok namin ni Irish ay hindi na ako nahirapan hanapin kung nasaang banda ng food court sila Jashley kahit madaming tao dahil doon lang naman sila nakaupo sa unahan.
"Ang tagal mo." sabi ni Jashley.
"Sorry, dumaan pa ako ng gym." sabi ko naman."Kailan ka pa nag gym?" tanong ni Kelley."Ngayon lang." sagot ko."Si Irish nga pala, taga Business Management." pagpapakilala ko sa kanila."Hi, Irish I'm Jashley and she's Kelley." pagpapakilala ni Jashley."Hello, Irish." pagbati ni Kelley."H-hi... I'm Hannah Irish Reyes. Irish na lang for short." aniya at tumingin sa'kin na animo'y nanghihingi ng tulong dahil nahihiya siya.She's so cute!
Naalala ko na naman tuloy bigla 'nung nakita ko siyang umiyak kanina.
I shook my head at sumama na sa kanila.
Kung saan-saan kaming apat nagpunta.
Nalibot na nga yata namin pati sulok nitong mall!
Bumili kami ng mga damit, bag at sapatos.
Naglaro sa arcade at nag KTV.
Balak pa sana namin manood ng sine kaso malapit ng mag gabi at hahanapin na daw si Irish.
Sayang!
Mabilis na nakapalagayan ng loob nila Jashley at Kelley si Irish kahit mahinhin ito at malayo sa personality nilang makasat.
Muli nilang pinasaya ang araw ko dahil sa walang katapusang biro nila at kakulitan.
Pagkauwi ko ay balik na naman sa sitwasyong malungkot ang buhay ko.
Humugot ako ng lakas ng loob para magbukas ng social media.
Bumungad na naman ang ilang mga mensahe galing kay Jodi.
Hindi ko na 'yon binasa pa isa-isa and I just told her that I'm fine.
Pero kahit ilang beses ko sabihin na okay lang ako hindi ko maipagkakaila na natriggered na naman ang emosyon ko at may naalala na namang pangyayari sa nakaraan.
Still, I'm thankful because I have very supportive friends, and that matters most.
"Mabuti naman at okay ka na. Huwag ka na ulit malulungkot ha?" sabi ni Eros.
"I can't promise you that." reply ko."That's fine, basta I'm here if you need someone to talk to. Don't hesitate to reach out to me okay?" pangangako niya pa."Yes, Thank You! I appreciate you a lot." pagpapasalamat ko sa kaniya."Have you written again today?" tanong niya."No." pag-amin ko."Why? Don't tell me hihinto ka na dahil lang sa nangyari kagabi?" dugtong pa niya."I don't know." sabi ko."Why? Akala ko ba okay ka na?" naniniguradong tanong niya."Yes, I'm really fine but I don't think I'm ready to showcase myself. You know I'm new in this field." pagpapaliwanag ko."Erin, you will never be ready for anything. You just have to do it." pagpapagaan niya pa sa loob ko."Do you think I can do it?" tanong ko sa kaniya."Of course, you can! Nagawa mo na 'nung una ano pa kaya ngayon di'ba? Huwag mo din sanang isipin na hindi porket nakaranas ka ng betrayal, lahat na ng tao ay 'yun na ang gagawin sayo. There are still people who see you're worth and I'm proud because I'm one of that!" patuloy niya pa."How sure are you you're one of that huh?" reply ko sa kaniya na may pang-aasar.Buong gabi ay nagkulitan lang kami ni Eros at dahil sa kaniya ay nakalimutan ko sandali ang mga problema ko.
He's right.
I'm so lucky I have my friends who see my worth.
After that conversation with Eros, I really tried my best to be better.
I learned how to control my emotions.
I become more persistent and passionate about writing...
until I realized that this is my rescue.
I smiled as I tweeted my realization poem in that memory.
My life twisted
as they insisted.In a tier, I got listed
and it was resisted.I become consisted
until...I forgot that you existed.
────────────────────────────────────────────────────Kinabukasan, tuloy ulit ang laban. Akala ko dati kapag nakapag-consult na sa abogado, may kasunod nang linaw, hindi pala. Minsan pagkatapos ng legal consultation, mas lalo mo lang mare-realize kung gaano kagulo 'yung realidad kasi hindi sapat na may katotohanan ka kundi kailangan mong patunayan, ayusin, ilatag, i-defend at nakakainis isipin na habang may mga estudyanteng nag-aalala lang tungkol sa quizzes at recitation, kami nag-aayos ng affidavits, nagbubuo ng timelines, nag-aaral kung paano protektahan ang sarili legally. Tatlong araw matapos 'yung meeting kay Attorney Villanueva, nagsimula kaming magtrabaho nang seryoso sa kaso at doon ko unang naintindihan kung gaano kahalaga ang detalye sa legal process. Hindi pwedeng “parang ganito.” Hindi pwedeng “feeling ko.” Hindi sapat 'yung “alam ko.” Everything needed structure. Evidence, and consistency. Habang nakaupo ako sa dining table namin kasama si Papa at si Sean isang gabi, nakakalat ulit 'yung folders sa harap namin. Paran
Walang nakakaalam kung gaano kabigat si Jedrick sa puso ko noon.Hindi lang naman kasi siya simpleng crush. Hindi lang simpleng almost. Siya 'yung tipo ng tao na unti-unting naging parte ng sistema mo hanggang hindi mo na namalayang umiikot ka na lang sa kan'ya.'Yung tipo ng pagmamahal na kahit hindi ka piliin naghihintay ka pa rin kahit ubos ka na, kahit paulit-ulit ka nang nasasaktan, kahit alam mong hindi ka naman talaga sasaluhin 'at siguro 'yun 'yung dahilan kung bakit hindi ko agad narealize na matagal na pala akong pagod.Pagod magmahal nang mag-isa. Pagod umasa sa mixed signals. Pagod gawing personality 'yung pagiging “understood but never chosen.”Kaya noong sinabi ko kay Sean sa parking lot ng school, “I think I finally moved on.” parang may kung anong bumitaw sa dibdib ko. Hindi dramatic... walang ulan, walang background music pero ramdam ko 'yung gaan. 'Yung pakiramdam na sa wakas, hindi na ako nakatali sa nakaraan at siguro mas naging totoo 'yon dahil si Sean 'yung kahar
May mga araw talagang nakakalimutan mong estudyante ka pa rin na sa kabila ng legal consultations, publication contests, emotional breakdowns, at mga gabing halos hindi ka makatulog kakaisip, may quizzes pa ring naghihintay sa’yo sa Google Classroom.May deadlines, may reporting, may groupings, may research paper na hindi naaawa kahit wasak na ang mental health mo.33 notifications, 3 missing activities, 2 reflection papers, 1 performance task na kailangan video presentation, at isang professor na may kapal ng mukha maglagay ng caption na:“I understand everyone is busy, but deadlines are deadlines.”Tangina mo rin po respectfully.Napahiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame. Pakiramdam ko wala pa akong sapat na oras para i-process lahat ng nangyari nitong mga nakaraang linggo.Media convergence sa Rizal, 'yung overnight sa Antipolo, 'yung paglapit namin lalo ni Sean, 'yung kaso ni Kelley, 'yung meeting sa abogado, 'yung realization na adulthood is just surviving one crisis while
Kinabukasan, pakiramdam ko isang linggo na akong hindi natutulog. Pagod pa rin ang utak ko mula sa meeting namin kay Attorney Villanueva kahapon. Hanggang paggising ko, umiikot pa rin sa isip ko 'yung mga salitang probable cause, affidavits, witness credibility, due process.Ang bigat! Parang isang maling salita mo lang, may buhay na pwedeng mabago.Kaya siguro pagkakita ko sa chat ni Ahmad sa GC naming apat, halos matawa ako sa sobrang contrast.Ahmad: "STARBUCKS. NOW. Kailangan ko makita personal boyfriend mo bago ako mamatay."Miggy: "Kapag catfish ’yan susuntukin ko."Kang: "Magto-toothbrush ba kami o tanggap na niyang squammy tayo?"Napailing ako habang natatawa at sa unang pagkakataon simula kagabi ay medyo gumaan ang dibdib ko kasi minsan talaga, kailangan mo lang maalala na may mga kaibigan kang walang emotional regulation para hindi ka tuluyang mabaliw.Bandang hapon, dumating ako sa Starbucks malapit sa School.Kitang-kita ko agad sila, syempre maiingay.Si Ahmad nakasandal
Napahigpit ang hawak ko sa ballpen na nasa ibabaw ng mesa.Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko bawat salitang binibitawan ni Attorney Villanueva may kasamang bigat na unti-unting dumadagan sa dibdib ko.Ganito pala kapag totoong legal case na. Hindi na ito tsismis sa hallway. Hindi na simpleng issue sa publication. Hindi na ito 'yung kaya mong takasan kapag nag-off ka ng phone.May records. May affidavits. May evidence. May consequences at higit sa lahat may mga taong pwedeng masira habangbuhay.“Complicated cases,” pagpapatuloy ng abogado habang inaayos 'yung mga dokumento sa harap namin, “are the most dangerous ones because both sides usually carry partial truths.”Tahimik lang kaming nakikinig nila Papa at Sean.Nasa conference room kami ng maliit niyang law office. Mahina 'yung ulan sa labas habang malamig 'yung aircon sa loob pero pakiramdam ko pinagpapawisan ako.“Kapag rape allegation ang usapan,” dagdag niya, “the court does not immediately assume guilt or innocence. C
May mga lugar talagang mas gumaganda kapag tama 'yung kasama mo at siguro 'yun ang nangyari sa Tagaytay kasi ilang beses na akong nakapunta roon noon—kasama pamilya, classmates, publication staffers—pero ngayon lang naging ganito kalambot 'yung hangin. Ngayon lang parang bawat ulap may dalang kilig.Kasama ko kasi si Sean at nakakainis aminin pero parang unfair 'yung epekto niya sa mundo ko.Pagkatapos naming magpicnic sa damuhan overlooking the ridge, humiga muna kami sa picnic blanket habang tahimik na pinapanood 'yung ulap na mabagal gumalaw sa langit.Malamig 'yung hangin, may amoy ng damo at kape mula sa malapit na café at sa 'di kalayuan, maririnig 'yung mahihinang tawanan ng ibang tourists pero parang kami lang 'yung tao sa mundo.Nakahiga ako patagilid habang nakatingin sa kan'ya. Nakapikit siya, ang isang kamay ay nasa batok niya habang nilalaro ng hangin 'yung buhok niya.Hindi ko maintindihan kung paanong may mga taong mukhang tahanan kahit simpleng nakahiga lang.“Why are
Nang maibalik ako sa reyalidad ay kaagad akong nagtungo sa Hospital na tinext sa'kin ni mama. Pagkarating ko doon ay nakita ko sila ni papa sa labas ng isang kwarto. Morgue. Napaluhod ako sa hagulgol. "Belle, tumayo ka diyan." pagsuway sa'kin ni papa."Pa, anong nangyari kay Kyrine?" tanong ko n
Nakikipaghabulan ako ngayon sa tindera ng Mini-House Bank dito sa School na si ate Polly dahil kailangan ko siyang interviewhin para sa article na gagawin ko. Ang dami kasing bumibili ng mga binebenta niya at hindi ako makasingit. "Ayan, finally wala ng pila!" Lumapit ako kay ate at kinuha ko ang p
Gumising ako ng may ngiti sa labi at kinuha ang aking cellphone. Nauna na naman akong nagising sa alarm ko. Ang saya talaga sa feeling kapag may nadiscover kang bago sa sarili mo tapos bonus pang nakahanap ka ng mga bagong kaibigan sa loob ng matagal na panahong paghihintay. Dahil alam kong hindi
"May seminar workshop ng journalism dito sa School sa sabado. Kapag umattend tayo pwede natin 'yun maisama sa resume." wika ni Diana. Ilang segundo din akong nakatulala dahil napapaisip ako na sumali dito. Mahilig ako magsulat pero hindi ako gano'n kamulat sa journalism writing. Workshop lang nam







