Mag-log in"Andyan na si Kybelle." sabi ni Ahmad pagkakita niya sa'kin sa pintuan kaya napalingon lahat kasama siya.
"Tapos na kampanya ng papa mo?" tanong ni kuya JM."Oo." naiilang kong sagot sabay pumwesto sa likod katabi si Callie."Si Kybelle mayaman 'yan 'e andaming sasakyan. 'Nung birthday ko nagpahatid pa 'yan sa bahay tapos dala-dalawang sasakyan pa 'yung gamit." pagsabi ni Ms. Myrtle randomly sa mga second batch ng Phantom."Oo nga, manlilibre nga 'yan mamaya 'e, di'ba Kybelle?" pang-uuto naman ni Ahmad."Oo sakto kakain tayo sa McDo mamaya pagkatapos di'ba?" pagpapaalala ni Miggy ng napag-usapan nila kanina habang wala pa ako."Ba't ako na naman nakita niyo wala akong pera." sagot ko naman."Next time na..." bulong ko pa."Bumulong sabi niya next time na daw HAHAHAHAHAHAHAHA." pagbubuko naman sa'kin ni Callie sa kanila."Wag na ngayon na para kasama natin sila. May iniiwasan ka ba?" biglang sabi ni kuya JM na ikinagulat ko.Paano niya nalaman?
"Wala! Sino namang iiwasan ko?" pagdepensa ko kaagad."Sige ah, libre mo na kami mamaya." pagsingit ni Kang."Oy, guise wala munang uuwi mamaya ah, manlilibre si Kybelle." pag-announce na ni Ahmad kahit hindi pa ako sumasang-ayon."Edi bilisan na natin dito nagugutom na'ko 'e. Activity na tayo. Group yourselves into five tapos gumawa kayo ng news article tungkol sa away ni Duterte sa China." sabi ni Ms. Myrtle halatang nagmamadali na nga.Dahil anim kaming nandito na pioneer batch naiwan akong mag-isa at nakigrupo sa mga grade 11 at dahil sobrang minamalas ako ngayon, magkagroup kami ni Jedrick kasama si Neville."Hi, ate." pagbati ni Neville sa'kin.'Yung isa walang kibo naghahanap lang ng information sa g****e para sa article na gagawin."Hello." pagbati ko din sa kanya ng taas-noo."May papel kayo? Wala akong dala 'e." tanong ko ulit ng nakangiti."Si Jedrick meron. Jed papel daw." sabi niya dito."Ilan?" paglingon niya sa'kin."Isa lang..." sagot ko.Isa lang. Tulad ng isang beses mo lang akong pwedeng saktan. Hindi ko alam kung anong plano ng tadhana at pinaglapit niya pa ulit tayong dalawa pero hindi na uusad pang muli ang bilang, hanggang isa lang."Ate, ayan na." napabalik ako sa ulirat ng magsalita si Neville.Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kaniya ng matagal habang iniaabot niya ang isang pirasong papel.Kinuha ko ito ng mabilis at yumuko kaagad para magsulat.Nakakahiya!Nakita niya pa akong nakatitig sa kanya!At hindi pa talaga siya umiwas dahil nakipagtitigan din siya!Nakakainis dahil hindi naman ako dapat ganito kaaffected kasi nakaraan na 'yun. Sabi nga ng classmate ko 'nung grade 8, "Past is past no need to discuss"."May nagawa na ba kayo?" tanong ko."Paano kami makakagawa 'e nasa'yo 'yung papel?" pagsagot ni Jedrick.Bakit siya pa 'yung galit????Di'ba dapat ako 'yon kasi ako 'yung iniwan niya sa ere ng walang sabi-sabi?"Ako na magsusulat, may naisip na ba kayo?" pagpapanggap ko na kunwari ay hindi ako nainis sa sinabi niya.Hindi niya naman siguro alam na ako 'yung ex niya na nakilala lang niya sa internet di'ba?Bakit ko nga ba dinadala pa 'yon dito, 'e hindi naman counted 'yon sa ibang mundo?"Una na kayo sa McDo magwwithdraw lang muna ako." sabi ko sa kanila ng matapos ang workshop."Sama na kami baka tumakas ka 'e." sabi ni Kang."Ako tatakas? 'E ako nga 'yung tinakasan! Sige na saglit lang ako hanap na kayo pwesto." diretso na akong naglakad sa ATM Machine na malapit at hindi na hinintay pa ang sagot nila o kahit lingunin man lang ang expression ni Jedrick sa sinabi ko.Pagdating ko sa StarBucks kung saan katabi nito ang ATM Machine ay pumila kaagad ako ngunit hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko may mga matang nakatitig sa'kin.Sabi nila madami daw kasing snatchers dito ngayon.Nang ako na ang susunod ay laking gulat ko ng nakita ko si Jedrick sa gilid ko."Sige na, babantayan kita." sabi niya."Huh?" kunot-noo kong sabi."Madaming snatcher dito, baka manakawan ka." pagpapaliwanag niya."O-okay..." sagot ko.Bakit parang mas kinabahan ako 'nung dumating siya?Sinimulan kong magkalikot sa ATM Machine pero mas malikot 'yung puso ko.Paano ba naman kasi halos magdikit na 'yung mga likod namin sa lapit para matakpan niya ako.Tinagalan ko 'yung pagbibilang sa perang nakuha ko kasi hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya ng ganito kalapit at siguro ay nahalata niya 'yon kaya nagsalita siya."Matagal ka pa ba?" tanong niya at bigla na siyang lumayo kaya kinuha ko naman ang opportunity na 'yon para humarap sa kaniya."Tapos na." sabi ko habang inaayos ang bag ko."Mauna ka na 'don may pupuntahan lang ako saglit." sabi niya bigla."Ha? Saan?" nagtataka kong tanong."May kakausapin lang ako saglit." sagot niya sabay turo sa Starbucks.Kaya ba siya nandito?Akala ko naman concern siya sa'kin kaya niya ko sinundan."Okay." sabi ko at iniwan na siya."Ayan na finally!" sabi ni Miggy."Ang tagal mo naman Kybelle namalimos ka pa yata 'e." pang-aasar naman ni Kang."Order na kayo, anong gusto niyo?" pagtatanong ko."Bili ka bff fries Ky tapos ice cream saka meal." pagsagot ni Ahmad."Wag na magmeal nakakahiya naman kay ate." sabi ni Keith."HIndi okay lang, kaya nga ako nagwithdraw 'e." pagkontra ko agad."Sige, BFF fries 'n McFloat Combo saka 10 pcs Chicken McDo with rice na lang." sabi ni Neville."Okay." sabi ko at umalis kami nila Ms. Myrtle at Ahmad para umorder."Teka, ate ayaw pala ni Jedrick ng Chicken." paghabol ni Neville.Alam ko Neville."Isa nga pong BFF fries 'n McFloat Combo, 10 pcs Chicken McDo with rice, saka isa ding McSpaghetti." pagorder ko sa counter."Para kanino 'yung spag?" tanong ni Ahmad."Kay Jedrick." sagot ko."Ay, wow special!" sabi pa niya."Allergic kasi siya sa chicken." sabi ko pa."Paano mo alam?" tanong ni Ms. Myrtle at tinignan nila ako ng makahulugan."Ba't kayo ganyan makatingin? Sinabi ni Neville kanina hindi niyo lang yata narinig." pagdepensa ko."Wala naman kaming sinasabi bakit ka defensive?" sabi ni Ahmad."Malamang nagtatanong kayo!" sagot ko ng may pagkairita."Number 19." pagtawag sa'min sa counter."Ayan na, tara na." pag-aaya ni Ms. Myrtle para kuhanin na namin ang order.Pagkarating namin sa lamesa ay may isang nadagdag.Familiar."Ate, anong binili niyo kay Jedrick?" tanong ni Neville."Spaghetti Neville." si Ahmad ang sumagot."Oh, kuha na kayo, 'wag kayo mahiya." sabi ni Ms. Myrtle at isa-isa naming inilapag ang mga binili at inabot ko kay Jedrick ang sa kaniya."Thanks." sabi niya na hindi ko pinansin dahil nakatingin sa'kin 'yung katabi niya na kilala ko.Si Jodi.Oo, siya 'yung kaibigan ko sa internet pero nagtataka ako kung bakit hindi niya ako pinapansin?Hindi niya ba ako namumukhaan?"Hala may bago kulang 'yung foods." pagworry ni Ms. Myrtle ng mapansin niya si Jodi na katabi ni Jedrick."May sobra namang isa sa chicken, sa kaniya na lang 'yung kay Jedrick may spag na naman siya 'e." sabi ni Miggy at iniabot kay Jodi 'yung isang chicken at rice."How did you know na spaghetti ang gusto ng boyfriend ko?" mataray na tanong naman sa'kin ni Jodi na ikinagulat ko.Boy friend niya 'yang ex ko?Parang kahapon lang galit na galit siya jan kasi iniwan ako sa ere ah?"Sinabi ko po ate." ani Neville kahit wala siyang sinabi.Bakit niya ako nililigtas?Ano bang nangyayari?"May girlfriend ka pala Jedrick. Gaano na kayo, katagal?" sabi ni kuya JM."Recent lang, hindi kasi ako easy to get." si Jodi ang sumagot kahit hindi naman siya ang tinatanong."Ikaw ba 'yung pinuntahan ni Jed kanina kaya siya nawala?" tanong ni Keith."Yes. I was waiting for him on StarBucks and he said na kakain daw kayo dito kaya sumama na lang ako para makilala na din kayo." aniya."Ikaw, E...Kybelle may boy friend ka?" baling niya sa'kin.Pero bago pa ako makasagot ay nagsalita si Callie."Magkakilala kayo ni Belle?" tanong niya dito.Nakangiti si Jodi ng sarcastic ng sabihin niya ang katagang, "oo"."Wala akong boy friend." sagot ko ng mahina sabay yuko at tinapos ang pagkain."Wala 'yang oras mag boyfriend madaming problema 'yan sa buhay." pagsingit naman ni Kang."Tulad ng?" pag-usisa pa ni Jodi."Private matters na hindi mo na kailangan malaman." pagsingit din ni Miggy sa naiiritang tono ng mapansin niyang interesado sa'kin si Jodi."Okay, good luck with that then." huling katagang sinabi niya bago manahimik ang lahat."Nakita ko kanina si Ms. Hassle sa labas ng room gusto na naman yata magrecruit ng members 'e SHS pa lang naman sila." pag-iiba ni kuya JM ng topic maya-maya."May bago ba 'dun? Kahit yata Elementary yayayain 'nun sumali sa Magdiwang." sabi naman ni Ms. Myrtle."Sino po si Ms. Hassle?" tanong naman ni Neville.Gabi na ng matapos kaming kumain. Kung anu-ano pa kasi ang mga pinag-usapan namin bago kami nagdesisyon umuwi.Hindi na din nagsalita pa si Jedrick at Jodi after 'nun."Bye po mga ate at kuya saka Ms. Myrtle. Salamat sa libre ate Kybelle!" sabi ni Neville at sabay silang umuwi ni Keith."Bye bye ingat kayo!" sabi ko."Ikaw hindi ka pa ba uuwi?" napalingon ako kay Jedrick ng tanungin niya si Jodi."Hindi mo ba ako ihahatid?" tanong ni Jodi na parang nagpapaawa pa."Sinabi ko naman sa'yo na magkikita kami ni mama ngayon sa Walmart di'ba?" sabi niya dito."Bakit ayaw mo ako isama?" pagdududa niya dito."May 'private matters' kami 'e." sabi niya dito na ikinangisi ko.Alibi pa more."Okay, sige na uuwi na ako mag-isa." sabi ni Jodi at tumawid upang sumakay ng Jeep."Sabay-sabay na tayong lima isang ruta lang naman tayo 'e. Sabay naman si Kybelle at Ahmad 'di ba?" ani Ms. Myrtle."Oo, 'dun kami sa Walmart sasakay." sabi ni Ahmad."Sabay niyo na si Jedrick di'ba punta ka din 'dun?" tanong ni Kang."Oo, sige tara na Jedrick." pagyaya ni Ahmad dito.Habang naglalakad ay kinakabahan ako dahil inabot na ako ng gabi at lagot ako nito panigurado.Tapos ayaw pa makisama ng mundo dahil antagal dumating ng Jeep."Ibang jeep na lang kaya sakyan natin?" ani Ahmad na naiinip na."Dalawang sakay? Babalik tayo sa A.C.? Mas mapapalayo ako." sabi ko."May gagawin pa kasi kami sa bahay malapit na'ko ma late." sabi pa nito."Sige na, mauna ka na." pagdesisyon ko."Sigurado ka ayaw mo sumabay?" pagkklaro pa nito."Sige na, okay lang baka dumating na rin 'yung jeep maya-maya." pagsagot ko."Sige, una na'ko ingat!" sabi nito at umalis na.Naghintay pa ako saglit ng dumating na nga 'yung jeep.Paalis na dapat kami ng biglang may humabol.Si Jedrick.Akala ko ba kasama niya mama niya?Bakit parang ang bilis niya naman yata sa loob?Bakit dito siya sumakay sa jeep na sinasakyan ko? Iisa lang ba dadaanan namin?Tila ba'y nabasa niya ang nasa isip ko dahil..."Hindi na daw kami tuloy sabi ni mama kasi gabi na." sabi niya sa'kin.
Tinanguan ko lang siya at nanahimik na hanggang sa bumaba ako ng jeep.
Pero nagulat ako ng bumaba din siya.Saan ba talaga 'to pupunta?"Saan ka pupunta?" tanong ko."Diyan lang." turo niya sa iskinita papunta sa'min.Pupunta siya sa'min?Isinantabi ko na lang ang mga iniisip ko at naglakad na ng bigla na naman siyang nagsalita."Sorry about earlier." aniya."Okay lang." sabi ko kahit hindi ko alam kung anong sinasabi niya."No, it's not. Alam ko naguguluhan ka sa mga nangyayari." sabi pa niya."Okay lang." pag-ulit ko sa sinabi ko kanina.Tumingin siya sa'kin at bumuntong-hininga."Sa kaniya lang naman nanggaling 'yung salitang 'yun kanina di'ba?" sabi niya na naman."I don't know what you're talking about." pagsagot ko sa tanong niya."Jodi is not my girlfriend. Sinabi niya lang 'yun to pissed you off. I have two kinds of love right?" aniya sabay tingin sa'kin."Anong connect?" ako naman ang nagtanong."Yes, I shared her sours and sprinkles flours...but this love is ours."────────────────────────────────────────────────────Kinabukasan, tuloy ulit ang laban. Akala ko dati kapag nakapag-consult na sa abogado, may kasunod nang linaw, hindi pala. Minsan pagkatapos ng legal consultation, mas lalo mo lang mare-realize kung gaano kagulo 'yung realidad kasi hindi sapat na may katotohanan ka kundi kailangan mong patunayan, ayusin, ilatag, i-defend at nakakainis isipin na habang may mga estudyanteng nag-aalala lang tungkol sa quizzes at recitation, kami nag-aayos ng affidavits, nagbubuo ng timelines, nag-aaral kung paano protektahan ang sarili legally. Tatlong araw matapos 'yung meeting kay Attorney Villanueva, nagsimula kaming magtrabaho nang seryoso sa kaso at doon ko unang naintindihan kung gaano kahalaga ang detalye sa legal process. Hindi pwedeng “parang ganito.” Hindi pwedeng “feeling ko.” Hindi sapat 'yung “alam ko.” Everything needed structure. Evidence, and consistency. Habang nakaupo ako sa dining table namin kasama si Papa at si Sean isang gabi, nakakalat ulit 'yung folders sa harap namin. Paran
Walang nakakaalam kung gaano kabigat si Jedrick sa puso ko noon.Hindi lang naman kasi siya simpleng crush. Hindi lang simpleng almost. Siya 'yung tipo ng tao na unti-unting naging parte ng sistema mo hanggang hindi mo na namalayang umiikot ka na lang sa kan'ya.'Yung tipo ng pagmamahal na kahit hindi ka piliin naghihintay ka pa rin kahit ubos ka na, kahit paulit-ulit ka nang nasasaktan, kahit alam mong hindi ka naman talaga sasaluhin 'at siguro 'yun 'yung dahilan kung bakit hindi ko agad narealize na matagal na pala akong pagod.Pagod magmahal nang mag-isa. Pagod umasa sa mixed signals. Pagod gawing personality 'yung pagiging “understood but never chosen.”Kaya noong sinabi ko kay Sean sa parking lot ng school, “I think I finally moved on.” parang may kung anong bumitaw sa dibdib ko. Hindi dramatic... walang ulan, walang background music pero ramdam ko 'yung gaan. 'Yung pakiramdam na sa wakas, hindi na ako nakatali sa nakaraan at siguro mas naging totoo 'yon dahil si Sean 'yung kahar
May mga araw talagang nakakalimutan mong estudyante ka pa rin na sa kabila ng legal consultations, publication contests, emotional breakdowns, at mga gabing halos hindi ka makatulog kakaisip, may quizzes pa ring naghihintay sa’yo sa Google Classroom.May deadlines, may reporting, may groupings, may research paper na hindi naaawa kahit wasak na ang mental health mo.33 notifications, 3 missing activities, 2 reflection papers, 1 performance task na kailangan video presentation, at isang professor na may kapal ng mukha maglagay ng caption na:“I understand everyone is busy, but deadlines are deadlines.”Tangina mo rin po respectfully.Napahiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame. Pakiramdam ko wala pa akong sapat na oras para i-process lahat ng nangyari nitong mga nakaraang linggo.Media convergence sa Rizal, 'yung overnight sa Antipolo, 'yung paglapit namin lalo ni Sean, 'yung kaso ni Kelley, 'yung meeting sa abogado, 'yung realization na adulthood is just surviving one crisis while
Kinabukasan, pakiramdam ko isang linggo na akong hindi natutulog. Pagod pa rin ang utak ko mula sa meeting namin kay Attorney Villanueva kahapon. Hanggang paggising ko, umiikot pa rin sa isip ko 'yung mga salitang probable cause, affidavits, witness credibility, due process.Ang bigat! Parang isang maling salita mo lang, may buhay na pwedeng mabago.Kaya siguro pagkakita ko sa chat ni Ahmad sa GC naming apat, halos matawa ako sa sobrang contrast.Ahmad: "STARBUCKS. NOW. Kailangan ko makita personal boyfriend mo bago ako mamatay."Miggy: "Kapag catfish ’yan susuntukin ko."Kang: "Magto-toothbrush ba kami o tanggap na niyang squammy tayo?"Napailing ako habang natatawa at sa unang pagkakataon simula kagabi ay medyo gumaan ang dibdib ko kasi minsan talaga, kailangan mo lang maalala na may mga kaibigan kang walang emotional regulation para hindi ka tuluyang mabaliw.Bandang hapon, dumating ako sa Starbucks malapit sa School.Kitang-kita ko agad sila, syempre maiingay.Si Ahmad nakasandal
Napahigpit ang hawak ko sa ballpen na nasa ibabaw ng mesa.Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko bawat salitang binibitawan ni Attorney Villanueva may kasamang bigat na unti-unting dumadagan sa dibdib ko.Ganito pala kapag totoong legal case na. Hindi na ito tsismis sa hallway. Hindi na simpleng issue sa publication. Hindi na ito 'yung kaya mong takasan kapag nag-off ka ng phone.May records. May affidavits. May evidence. May consequences at higit sa lahat may mga taong pwedeng masira habangbuhay.“Complicated cases,” pagpapatuloy ng abogado habang inaayos 'yung mga dokumento sa harap namin, “are the most dangerous ones because both sides usually carry partial truths.”Tahimik lang kaming nakikinig nila Papa at Sean.Nasa conference room kami ng maliit niyang law office. Mahina 'yung ulan sa labas habang malamig 'yung aircon sa loob pero pakiramdam ko pinagpapawisan ako.“Kapag rape allegation ang usapan,” dagdag niya, “the court does not immediately assume guilt or innocence. C
May mga lugar talagang mas gumaganda kapag tama 'yung kasama mo at siguro 'yun ang nangyari sa Tagaytay kasi ilang beses na akong nakapunta roon noon—kasama pamilya, classmates, publication staffers—pero ngayon lang naging ganito kalambot 'yung hangin. Ngayon lang parang bawat ulap may dalang kilig.Kasama ko kasi si Sean at nakakainis aminin pero parang unfair 'yung epekto niya sa mundo ko.Pagkatapos naming magpicnic sa damuhan overlooking the ridge, humiga muna kami sa picnic blanket habang tahimik na pinapanood 'yung ulap na mabagal gumalaw sa langit.Malamig 'yung hangin, may amoy ng damo at kape mula sa malapit na café at sa 'di kalayuan, maririnig 'yung mahihinang tawanan ng ibang tourists pero parang kami lang 'yung tao sa mundo.Nakahiga ako patagilid habang nakatingin sa kan'ya. Nakapikit siya, ang isang kamay ay nasa batok niya habang nilalaro ng hangin 'yung buhok niya.Hindi ko maintindihan kung paanong may mga taong mukhang tahanan kahit simpleng nakahiga lang.“Why are







