Partager

006: New Romantics

Auteur: ailabyrinth
last update Date de publication: 2021-07-03 11:37:35

"May seminar workshop ng journalism dito sa School sa sabado. Kapag umattend tayo pwede natin 'yun maisama sa resume." wika ni Diana.

Ilang segundo din akong nakatulala dahil napapaisip ako na sumali dito.

Mahilig ako magsulat pero hindi ako gano'n kamulat sa journalism writing.

Workshop lang naman diba?

"Tara?" sagot ko.

"3 saturdays 'yun." dagdag pa niya.

"Okay lang para sa certificate!" pag-amin ko at sumang-ayon naman dito sina Rain at Paula.

Kasalukuyan kaming nag-aayos ngayon ng mga papeles para sa darating na immersion next month.

Naghahanda na din ako para sa darating na mock interview namin kay Ms. Jemerlin sa makalawa.

We still have 1 month left before our immersion at wala akong mailagay na kahit na anong achievements sa resume ko dahil simula noong ipinanganak ako, wala akong nagawang kahit na anong makabuluhan.

Senior High School na ako ngayon and after college makikita ko na ang reyalidad ng buhay kaya kailangan ko ng matutunang makisama dito.

Napagdesisyunan namin ng mga kaklase ko na sumali sa Journalism Seminar Workshop ng The Phantom na sinabi ni Diana and today is the first week and I'm intimidated.

Sabi ng Adviser na si Ms. Myrtle ay getting to know each other lang muna ang gagawin ngayon at next week pa kami magsisimula ng totoong workshop at lahat sila na kasama namin nila Diana, Paula at Rain ay may background na sa journalism base sa mga kwento nila.

Lahat sila sumasali sa mga contests katulad ng Media Convergence and DSPC.

Minsan pa nga sila-sila daw ang magkakalaban 'nung Elementary at Junior High School.

Base rin sa kwento nila ay palagi silang may naiuuwing medalya o kung hindi naman ay certificate.

Never nila naranasan matalo!

Sino naman kami dito di'ba?

Katulad ko ay ito din ang unang pagsali nila Diana, Paula at Rain sa isang School Publication pero di hamak na magaling talaga si Diana mag drawing kaya tiyak na papasa siya bilang cartoonist kung sakali at hindi katulad namin nila Paula na nagsisimula pa lang.

"Anong strand mo?" tanong sa'kin ni Nelson.

"TVL-ICT mag classmates kaming tatlo." sabi ko sabay turo sa mga katabi ko.

"Ang layo sa journ ha." sabi naman ni Tracy.

"Ay grade 12 kayo? ICT din ako grade 11 Maaasahan." sagot ni Nelson.

"Uy hala edi iisa lang room natin? Ang galing naman!" manghang sabi ko sa kaniya.

Nagpakilala din sa'min si Ms. Myrtle na first timer SPA pala at kinantahan niya din kami ng Two Less Lonely People dahil sabi ni Nelson ay kumakanta daw ito.

Nagyaya pa silang kumain sa labas pagkatapos pero hindi na kami nakasama pa dahil birthday ni Paula ngayon.

Habang naglalakad kami ni Paula pauwi ay may biglang humarang sa'min na babaeng street children at biglang sumayaw sa harapan namin at winawagayway ang mga kamay at sumisigaw.

"Wwwwhhhooooo!!!" aniya.

"Happy Birthday Paula nagustuhan mo ba surprise ko? Hahahahaha!" pang-aasar ko sa kaniya.

"Tangina Kybelle nagulat ako ang creepy hahahahaha!" sabi niya sa'kin at hinampas pa ako sa braso.

Nagtatawanan lang kaming dalawa hanggang sa maghiwalay kami para sumakay ng jeep.

"Bye, Kybelle ingats!" pagpapaalam ni Paula bago sumakay ng jeep.

"Thank You, Happy Birthday!" habol ko pa.

Nang sumunod na linggo ay nagsimula na ang seminar at hindi lang si Ms. Myrtle ang nandoon kundi pati 'yung SPA daw ng college na si Ms. Hassle.

"Good Morning people! I'm Ms. Hassle from Magdiwang ang College Publication ng A.C. Nandito ako para mag recruit ng members. Sino ba mga grade 12 students dito?" tanong niya.

Nagtaas naman kaming tatlo nila Diana ng kamay at inabutan niya kami isa-isa ng Application Form at bond paper.

"Magsulat kayo diyan ng sample article or sample drawing tapos ibigay niyo sa'kin saka fill up an 'yung form." aniya.

Napakunot ako ng noo sabay nagtaas ng kamay.

"Ma'am para saan po ito 'e hindi naman po kami dito mag-aaral ng college?" tanong ko.

"Dito na kayo mag-aral. May scholarship kaming offer dito sa Magdiwang kapag napili 'yung gawa niyo at maging part kayo ng Publication." pagpilit niya sa'min na parang siya ang boss.

Hindi naman ito ang pinunta namin dito 'e?

"Magsusulat kayo?" tanong ko kila Rain.

"Tinatamad nga ako 'e." sambit ni Paula.

"Kahit ano nalang isulat niyo." sabi naman ni Diana na nagsisimula ng mag drawing.

Wala akong nagawa kundi fill up an ang form at nagsulat ng article.

Jusko wala pa nga akong natututunan!

Nakatapos ako ng hindi mukhang article 'yung kinalabasan pero ipinasa ko pa rin.

Bahala siya diyan dahil wala naman akong balak sumali sa Publication niya.

Pagkaalis ni Ms. Hassle ay nagsimula na si Ms. Myrtle sa discussion.

Nagsimula siya sa policy ng campus Journalism na Republic Act 7079, Parts of the Newspaper at tinuruan niya kami on how to write articles.

During discussion syempre hindi mawawala ang student interaction.

Napapahanga ako ng mga estudyanteng kasama namin dito dahil base sa mga sinasagot at dinadagdag nilang impormasyon ay halata na kabisadong-kabisado na nila ang lahat ng tungkol sa newspaper.

Mas lumiit 'yung tingin ko sa sarili ko!

Bakit ba kasi ako nandito?

Napuno ako ng kaba ng matapos ang discussion at kailangan na naming gumawa ng sarili naming articles.

Pinili naming dalawa ni Paula unahin 'yung feature category dahil 'yun ang pinaka madali at dahil na din sa literary writer ako.

Isa pa, ngayon lang ako naging bukas sa journalism kaya sa tingin ko ay ito pa lang ang kaya kong gawin sa ngayon.

Samantalang sila Rain at Diana naman ay news category ang pinili.

Nangangapa pa ako 'nung una at ilang beses ko tinitignan 'yung sample article na binigay sa'min para gawing guide.

Nakailang revised din ako bago ako nakuntento habang sila Paula ay nakatapos kaagad.

Aasahan ko pa bang seseryosohin nila ang seminar na'to 'e sabi nga ni Tracy malayo ang journalism sa strand namin na TVL-ICT?

Pero hindi ako katulad nila dahil gusto kong pasukin ang ibang mundo.

Kung noong pagawain kami ni Ms. Hassle ng article na basta ko lang sinulat, ngayon ay na conscious na ako.

Kinakabahan ako!

Hindi ko alam kung tama ba 'yung mga sinulat ko.

Kahit naman certificate lang ang habol ko dito ay kailangan ko pa din ingatan ang sarili ko na huwag mapahiya sa workshop na'to.

Mga professional ba naman ang kasama ko!

When I finished my first article I saw fulfillment.

Parang hindi ko nakilala ang sarili ko.

For the first time nagkaroon ako ng ambag sa lipunan dahil sa mga salitang isinulat ko.

Ganito pala ang pakiramdam kapag may naisusulat ka na isang mahalagang pangyayari sa lipunan.

"Uuwi na kayo? Kain tayo sa labas!" pag-aaya ulit ni Ms. Myrtle.

Nakakatuwa naman dahil nakikisama pa rin siya sa'min kahit labas na ang usapang Journalism.

"Libre mo Ma'am? Tara!" sabi naman ni Nelson.

"Hindi." sagot ni Ms. Myrtle.

"Saan tayo kakain? Mcdo?" tanong ni Tracy.

"Oo tara, photoshoot na din tayo 'dun!" dagdag pa ni Kang.

Napalingon ako kay Diana na katabi ko na nag-aayos ng gamit at nagtanong.

"Sasama ba tayo sa kanila Diana?" sabi ko.

"Tara, wala naman na tayong gagawin 'e." aniya.

Nauna ng umalis sila Paula at Rain kanina dahil may pupuntahan pa daw sila kaya kami na lang ni Diana ang naiwan.

Katulad ng sinabi ni Kang ay nag photoshoot nga kaming lahat pagkatapos kumain.

Isa kasi siya sa mga photographers sa grupo.

Natagalan pa nga kaming kumain dahil puro tawanan ang ginagawa namin.

Natapos namin ang tatlong linggong workshop na gano'n ang mga nangyari at sa wakas ay may nailagay akong achievement sa resume ko.

Pero hindi lang achievement sa resume ang napala ko dahil achievement din 'to sa sarili ko dahil nakahanap ako ng mga bagong kaibigan.

Balewala lang sa aming tatlo nila Diana, Paula at Rain 'yung Journalism Seminar Workshop na pinuntahan namin 'nung una kaya laking gulat namin ng malaman na kapag nag workshop ka ay officially part ka na ng publication.

"Gusto ni Sir J na ilagay sa newspaper lahat ng events na nangyari buong taon."

Pagbasa ko sa message ni Ms. Myrtle.

"Wala pa namang Phantom 'nun 'e san tayo kukuha ng mga information?" reply ni Ahmad.

"Kailangan natin maghanap 'yun utos ni boss 'e." sagot ni Ms. Myrtle sa kaniya.

Nasa immersion kami ngayon at kaharap ko ang mga sandamakdak at iba't-ibang papeles na nakalagay sa pila-pilang karton katulad ng Meralco Bills, Statement of Accounts, at Official Receipt ng Company na kailangan ko i-encode.

Tuwing lunch break ay naghahanap ako ng contact na may information tungkol sa mga nakalipas ng events sa School ngayong taon gaya ng sabi ni Ms. Myrtle.

Natapos ako sa immersion na ito ang daily routine.

Every lunch break at pagkauwi sa gabi ay ang gawain sa Phantom ang inaasikaso ko.

Wala naman na dapat akong pakialam pa dito dahil nakuha ko na ang gusto ko pero bakit parang ang hirap ng tapusin ang bagay na hindi pa man nasisimulan?

Bakit ang hirap ng bumitaw kahit wala pa akong commitment?

Nasa harapan ako ngayon ng aking lamesa kung saan nakalagay ang isang papel habang pinaglalaruan ko ang ballpen sa aking kamay.

Tuwing gabi ito ang gawain ko, ang magsulat ng mga tula.

Ilang minuto ko pang pinaglaruan ang aking ballpen dahil wala akong maisulat na pumapasok sa utak ko.

Napatingin ako sa bintana ng lumakas ang hangin.

Sobrang tahimik ng gabi at tanging ito lamang ang maririnig.

Nagtagal doon ang paningin ko bago ako napabuntong-hininga at ibinalik ang tingin sa papel.

Hinayaan ko na kusang gumalaw ang mga kamay ko.

Kybelle the poet, was just blown by the wind.

Kung noon tuwing gabi ay nagsusulat ako ng mga poetry, now I'm writing an article.

I smile when my heart starts to beat faster.

I already fell in love with writing when I started with literature but I didn't know I would fell this hard because of journalism.

Baby, we're the new romantics.

────────────────────────────────────────────────────

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   037: Never Grow Up

    Kinabukasan, tuloy ulit ang laban. Akala ko dati kapag nakapag-consult na sa abogado, may kasunod nang linaw, hindi pala. Minsan pagkatapos ng legal consultation, mas lalo mo lang mare-realize kung gaano kagulo 'yung realidad kasi hindi sapat na may katotohanan ka kundi kailangan mong patunayan, ayusin, ilatag, i-defend at nakakainis isipin na habang may mga estudyanteng nag-aalala lang tungkol sa quizzes at recitation, kami nag-aayos ng affidavits, nagbubuo ng timelines, nag-aaral kung paano protektahan ang sarili legally. Tatlong araw matapos 'yung meeting kay Attorney Villanueva, nagsimula kaming magtrabaho nang seryoso sa kaso at doon ko unang naintindihan kung gaano kahalaga ang detalye sa legal process. Hindi pwedeng “parang ganito.” Hindi pwedeng “feeling ko.” Hindi sapat 'yung “alam ko.” Everything needed structure. Evidence, and consistency. Habang nakaupo ako sa dining table namin kasama si Papa at si Sean isang gabi, nakakalat ulit 'yung folders sa harap namin. Paran

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   036: Out Of The Woods

    Walang nakakaalam kung gaano kabigat si Jedrick sa puso ko noon.Hindi lang naman kasi siya simpleng crush. Hindi lang simpleng almost. Siya 'yung tipo ng tao na unti-unting naging parte ng sistema mo hanggang hindi mo na namalayang umiikot ka na lang sa kan'ya.'Yung tipo ng pagmamahal na kahit hindi ka piliin naghihintay ka pa rin kahit ubos ka na, kahit paulit-ulit ka nang nasasaktan, kahit alam mong hindi ka naman talaga sasaluhin 'at siguro 'yun 'yung dahilan kung bakit hindi ko agad narealize na matagal na pala akong pagod.Pagod magmahal nang mag-isa. Pagod umasa sa mixed signals. Pagod gawing personality 'yung pagiging “understood but never chosen.”Kaya noong sinabi ko kay Sean sa parking lot ng school, “I think I finally moved on.” parang may kung anong bumitaw sa dibdib ko. Hindi dramatic... walang ulan, walang background music pero ramdam ko 'yung gaan. 'Yung pakiramdam na sa wakas, hindi na ako nakatali sa nakaraan at siguro mas naging totoo 'yon dahil si Sean 'yung kahar

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   035: Right Where You Left Me

    May mga araw talagang nakakalimutan mong estudyante ka pa rin na sa kabila ng legal consultations, publication contests, emotional breakdowns, at mga gabing halos hindi ka makatulog kakaisip, may quizzes pa ring naghihintay sa’yo sa Google Classroom.May deadlines, may reporting, may groupings, may research paper na hindi naaawa kahit wasak na ang mental health mo.33 notifications, 3 missing activities, 2 reflection papers, 1 performance task na kailangan video presentation, at isang professor na may kapal ng mukha maglagay ng caption na:“I understand everyone is busy, but deadlines are deadlines.”Tangina mo rin po respectfully.Napahiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame. Pakiramdam ko wala pa akong sapat na oras para i-process lahat ng nangyari nitong mga nakaraang linggo.Media convergence sa Rizal, 'yung overnight sa Antipolo, 'yung paglapit namin lalo ni Sean, 'yung kaso ni Kelley, 'yung meeting sa abogado, 'yung realization na adulthood is just surviving one crisis while

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   034: Hits Different

    Kinabukasan, pakiramdam ko isang linggo na akong hindi natutulog. Pagod pa rin ang utak ko mula sa meeting namin kay Attorney Villanueva kahapon. Hanggang paggising ko, umiikot pa rin sa isip ko 'yung mga salitang probable cause, affidavits, witness credibility, due process.Ang bigat! Parang isang maling salita mo lang, may buhay na pwedeng mabago.Kaya siguro pagkakita ko sa chat ni Ahmad sa GC naming apat, halos matawa ako sa sobrang contrast.Ahmad: "STARBUCKS. NOW. Kailangan ko makita personal boyfriend mo bago ako mamatay."Miggy: "Kapag catfish ’yan susuntukin ko."Kang: "Magto-toothbrush ba kami o tanggap na niyang squammy tayo?"Napailing ako habang natatawa at sa unang pagkakataon simula kagabi ay medyo gumaan ang dibdib ko kasi minsan talaga, kailangan mo lang maalala na may mga kaibigan kang walang emotional regulation para hindi ka tuluyang mabaliw.Bandang hapon, dumating ako sa Starbucks malapit sa School.Kitang-kita ko agad sila, syempre maiingay.Si Ahmad nakasandal

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   033: CANCELLED!

    Napahigpit ang hawak ko sa ballpen na nasa ibabaw ng mesa.Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko bawat salitang binibitawan ni Attorney Villanueva may kasamang bigat na unti-unting dumadagan sa dibdib ko.Ganito pala kapag totoong legal case na. Hindi na ito tsismis sa hallway. Hindi na simpleng issue sa publication. Hindi na ito 'yung kaya mong takasan kapag nag-off ka ng phone.May records. May affidavits. May evidence. May consequences at higit sa lahat may mga taong pwedeng masira habangbuhay.“Complicated cases,” pagpapatuloy ng abogado habang inaayos 'yung mga dokumento sa harap namin, “are the most dangerous ones because both sides usually carry partial truths.”Tahimik lang kaming nakikinig nila Papa at Sean.Nasa conference room kami ng maliit niyang law office. Mahina 'yung ulan sa labas habang malamig 'yung aircon sa loob pero pakiramdam ko pinagpapawisan ako.“Kapag rape allegation ang usapan,” dagdag niya, “the court does not immediately assume guilt or innocence. C

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   032: Nothing New

    May mga lugar talagang mas gumaganda kapag tama 'yung kasama mo at siguro 'yun ang nangyari sa Tagaytay kasi ilang beses na akong nakapunta roon noon—kasama pamilya, classmates, publication staffers—pero ngayon lang naging ganito kalambot 'yung hangin. Ngayon lang parang bawat ulap may dalang kilig.Kasama ko kasi si Sean at nakakainis aminin pero parang unfair 'yung epekto niya sa mundo ko.Pagkatapos naming magpicnic sa damuhan overlooking the ridge, humiga muna kami sa picnic blanket habang tahimik na pinapanood 'yung ulap na mabagal gumalaw sa langit.Malamig 'yung hangin, may amoy ng damo at kape mula sa malapit na café at sa 'di kalayuan, maririnig 'yung mahihinang tawanan ng ibang tourists pero parang kami lang 'yung tao sa mundo.Nakahiga ako patagilid habang nakatingin sa kan'ya. Nakapikit siya, ang isang kamay ay nasa batok niya habang nilalaro ng hangin 'yung buhok niya.Hindi ko maintindihan kung paanong may mga taong mukhang tahanan kahit simpleng nakahiga lang.“Why are

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   002: Red

    Lumipas ang mga araw, linggo at buwan na gano'n pa rin ang every day routine ko. Magkukulong sa kwarto, mag-iisip kung bakit ganito ang pakikitungo sa'kin ng mundo, iisipin 'yung mga pangyayari na gusto kong mangyari sa buhay ko. Hanggang sa hindi na kakayanin ng utak ko na mag-isip pa kaya idadaa

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   001: Wildest Dreams

    Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Umaga na pala. Ang bilis naman! Kakatulog ko pa lang kanina. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko pero nahihirapan ako dahil namamaga pa ito galing sa matinding pag-iyak ko kagabi hanggang kaninang madaling araw. Kahit hanggang ngayon a

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   027: Mastermind

    Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi dahil may alarm kundi dahil buong gabi akong hati sa pagitan ng kilig at takot. Kilig dahil hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin 'yung lambing ng boses ni Sean kagabi. 'Yung paraan ng pagsabi niyang "pretty girl" na hanggang ngayon parang nakaukit pa rin sa

  • Writings of Kybelle (Tagalog)   025: Electric Touch

    Tanghali na ako nagising.'Yung klase ng gising na lutang pa rin ang isip mo habang nakatitig sa kisame, pilit inaalala kung anong araw na ba at bakit parang may kaba agad sa dibdib mo pagkadilat mo pa lang.Tapos naalala ko...Si Sean!Date namin ngayon!Napabalikwas ako agad ng bangon habang kinu

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status