Share

Chapter 117: Tagapagtanggol

Author: Gala8eaGreen
last update Huling Na-update: 2025-06-09 17:55:08

Kumunot ang noo ni Graciella. Hindi niya ine-expect na narito ang asawa. Masyado namang malakas ang radar nito. Medyo may kalayuan din ang opisina nito mula sa kanyang shop. Ano ang purpose nito sa pagparito?

Naguguluhan pa rin si Tobias kung bakit nakasakay sa isang customize mini van si Menard. Madilim ang mukha ni Menard at kita sa mata nito na gusto nitong lamunin siya ng buo. Ano ba ang ginawa niyang mali? Inutusan siya na alamin ang background ng asawa nito and yet galit ito na lumapit siya kay Graciella.

Hindi pala nagsinungaling sa kanya si Trent nang sinabi nito sa kanya na nagpapanggap na mahirap si Menard. Gusto pala ng pamangkin na maglaro ng bahay bahayan at may asawa pa na kasali! Menard Tristan Young really amuses him. Ni sa hinagap hindi niya inaasahan na gagawa ito ng ganun kababaw na bagay para lang iwasan ang kagustuhan ng mga magulang nito.

Napaigtad si Tobias nang malakas na sinara ni Menard ang pinto at tila kidlat na lumapit ito sa kanila n
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 133: Ang bahay

    “Aba, sumosobra ka na ah!” Asik ni Rupert at lalapit sana kay Graciella pero pinigilan ito ng ina. “Pag-isipan mo ang sinabi ko, pamangkin,” malumanay na saad ni Roberta. Hindi siya pwedeng magmatapang lalovatcmayvpabor itong hihingin. Nagkiskisan na ang mga ngipin ni Graciella sa sinabi ng tiyahin. Ano ang feeling ng mga ito, pabor ang gagawin nito sa kanya imbes na perwisyo? “Walang dapat pag-usapan tiyang. Hindi na sana kayo nagsinungaling sa babae. Napasubo pa kayo nang wala sa oras,” matigas na saad ni Graciella. Hindi na siya nagtataka. At sinongvmatinong babae ang magpapakasal sa pinsan niyang walang silbi?Not unless susuhulan nila ito. “Paano mag-aasawa ang pinsan mo kung hindi kami magbibigay ng demand ni Amor?” Paliwanag ni Roberta. “Sana naging tapat kayo kay Amor. Paano ‘pag nalaman niya na wala naman talagang maibibigay si Rupert sa kanya? Pwede pa niya kayo kasuhan ng panloloko,” naiiritang saad ni Graciella. Kahit kailan talaga a

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 132: Nagmamadali

    Akala ni Graciella, natakasan niya ang tiyahin. Sa malas, nakatapak siya ng plastic bottle. Tumunog iyon at napalingon ang tiyahin sa direksyon. “Graciella, andyan ka lang pala,” bati ni Roberta sa pamangkin. Bitbit ang mga dala-dala, lumapit siya kay Graciella. “Ang ganda na ng pamangkin ko.” Hindi pa rin umiimik si Graciella. Basta na lang siya nakatingin sa tiyahin at seryoso ang kanyang mukha “Bakit hindi ka naimik diyan? Ayaw mo na kami pansinin kasi may narating ka na?” Sumbat kaagad ni Roberta kay Graciella nang makita na hindi natutuwa ang pamangkin na nagkita sila. Tumikwas lang ang kilay ni Graciella. Ni hindi lumpait sa tiyahin para magmano. “Pinsan mo, si Rupert. Madala siya ang kalaro mo noon,” pagpapakilala ni Roberta sa anak. At sinong makakalimot sa pinsan niyang walang ginawa noon kundi ang apihin siya? Iiyak yata ang araw kung hindi siya nito awayin noon eh! “Kumusta ka na, Graciella. Tama, ako ‘yong kalaro mo noon

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 131: Muntikang makita

    Samantala, nakamasid lang ang mga bodyguard ni Menard na namamangha sa sasakyan ng kanilang amo. Alerto ang mga ito lalo at tinimbrehan na sila ni Louie tungkol sa tiyahin ng asawa ng boss nila. Mabuti na lang at nakasuot sila ng mga sunglasses at hindi halatang bantay sarado sila sa dalawang tao. “Anong klase ng sasakyan ba iyan, anak? tanong ni Roberta sa anak. Wala naman ideya si Roberta sa mga sasakyan. Basta ang nakikita lang niya, magara at malaki ang sasakyan. “‘Nay, Rolls Royce ang tawag dito.” sabi ni Rupert. Umasim ang mukha ni Roberta. “Ang hirap naman bigkasin. Siguro mayabang ang may-ari niyan,” komento ni Roberta. Hindi naman siguro mahal ang sasakyan na nasa harapan nila. “‘Nay, siguro kung ako ang may-ari ng sasakyan na ‘yan, may karapatan ako magyabang. Hindi lahat kayang bumili nito, mga nasa alta sociedad lang ang may kayang magkaroon ng ganitong sasakyan," paliwanag sa ina. Halos kumislap ang mga mata ni Rupert sa pagkaman

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 130: Mauna ka na

    Nag-ring ang cellphone ni Graciella habang sinisilid sa lunch bag ang lunch box ng asawa. Wala sa sariling basata na lang pinindot ang cellphone at sinagot ang tawag. “Nandito na kami sa baba ng building ilang bloke na lang,” bungad ni Roberta. “Aba sa condo na pala kayo nakatira, dapat lang umakyat kami sa tinitirhan niyo.” Nag-uumpisa ng bumangon ang inis sa dibdib ni Graciella. Kahit anong mangyayari, hindi siya papayag na matunton siya ng mahaderang tiyahin. Bahala sila kung ano ang isipin nito sa kanya. “May mga kainan diyan sa baba, tiyang diyan na tayo magkita,” sagot ni Graciella. Nililihis niya ang sagot para hindi ito magpumilit na pumunta sa unit. “Para ano ba? Gastos lang ‘yan. At saka may mga bitbit akong pasalubong para sayo.” “Hindi ko nga po kayo mahaharap ngayon dahil may lakad ako. May kausap akong kliyente at late na ako. Umalis na ako sa bahay kanina pa.” Rason na lang ni Graciella para matapos ang usapan. Kumukulo talaga ang dugo

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 129: Kaibang atake

    “Pumunta ako sa Tiyang Lupita mo at hiningi ko ang number mo. Akala mo, matatakasan mo ako? Bakit ka nagtatago, ha?” talak na naman ni Roberta sa pamangkin. “Nakaalis na lang ako, hindi ka talaga umuwi sa bahay ng kapatid ko para makipag-usap sa akin!” Tumirik na lang ang mata ni Graciella habang sapo ang noo. Ngayon pa lang, sumasakit na ang ulo kung paano ba niya iiwasan ang tiyahin. “Nalaman ko lang naman na maganda na pala ang kalagayan mo. Nakatira kayo sa condo ng nobyo mo at maganda ang sasakyan niyo. Siguro naman hindi ka tatanggi sa pabor na hihingin ko sa nobyo mo,” may bakas ng galak ang boses ni Roberta. “Kung hinahanap niyo po ang nobyo ko, wala po siya dito. Nasa business trip siya at bakas a susunod na buwan pa ang uwi niya,” malamig na saad ni Graciella. Nangigigil na siya at parang ang sarap nga naman bulyawan ang mahadera na tiyahin. “Ganun ba? Aakyat na ako diyan sa tinutuluyan niyo. Kasama ko ang pinsan mong si Rupert.” Naka

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 128: Kawawang nilalang

    “Sigurado ka? Pwede naman siguro natin ma-meet sila one of these day?” Interesado pa rin kasi si Graciella na makilala ang nasabing kamag-anak ng asawa. “Nasa Canada nga ang may-ari. Nasabi ko na kanina pa hindi ka lang nakinig,” rason ni Menard. Kung alam lang ng asawa niya na si Louie ang kamag-anak na tinutukoy niya. Hindi niya ma-imagine ang mukha ng tauhan kung makaharap na ito ni Graciella. “Matanong ko lang. Kailan ko ba makikilala ang mga magulang mo? Tutal naman nakilala mo na ang mga kamag-anak ko,” pag-iiba ng topic ni Graciella. Curious siya sa kung anong family background ng asawa. Paano kaya ito pinalaki g mga magulang. Bakit hindi man lang ito marunong ngumiti, medyo controlling, at minsan kulang sa common sense. At bakit ito gastador? Para maintindihan niya ang asawa, kailangan niyang kilalanin ang pagkatao nito, and that includes his family background. Masyadong misteryoso sa kanya ang family background ng asawa. Si Trent lang ang kila

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status