Home / Romance / Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire / Chapter 2: Menard Young- Nagkamali ka yata?

Share

Chapter 2: Menard Young- Nagkamali ka yata?

Author: Gala8eaGreen
last update Last Updated: 2025-01-13 23:01:20

      Sampung minuto lang ang itinagal ng seremonyas. Ilang ulit na binasa ng staff ang mga paalala sa bagong kasal.

     “Pambihira, pati photo booth, may instant na!” Napailing si Graciella at inaya si Menard na kumuha sila ng larawan sa booth na iyon.

     Isang pitik lang at tapos na at kumpleto ang kanilang mga larawan. Ganap na silang mag-asawa.

     

    “Hindi ka ba natatakot na baka babaero ako?”tanong pa mi Menard.

     “Ano naman ang mahihita mo kung lolokohin mo ako, aber?” Umarko ang kilay ni Graciella at pinasadahan ng tingin ang kanyang “asawa”. Tinago na niya ang kanyang dokumento sa kanyang bag habang napapailing.

      “Makipagkita tayo sa pamilya ko. Yayain natin sila nang isang hapunan isa sa mga araw na ito,” saad pa ni Graciella.

      “Kailangan pa ba natin maghintay? Bakit hindi na lang natin gawin ngayon din?” suhestiyon pa ni Menard.

    Akala niya ang babaeng naiinis na pakasalan siya ay basta na lang siya hihilahin pauwi, pero mukhang nagkamali yata siya. Gusto naman talaga nito na pakasalan ang sinumang pakasalan ang kung sinumang Pontio Pilato kahit peke man ito!

      Desperada na siyang makaalis sa poder ng kanyang tiyang. Naisip ni Graciella ang tiyahin at lumambot naman ang kanyang puso.

      Hindi naman ako kabilang sa pamilyang iyon. Isa lang akong sampid at kailangan ko ng umalis para sa kapayapaan ng lahat-- iyon na lang ang kanyang sinabi sa sarili.

      “Uuwi muna ako at dalawang araw na mananatili doon. Kailangan ko muna na magpaalam sa kanila. Magkita na lang tayo.”

      “Mabuti.”

       Hindi man lang pinigilan ni Menard si Graciella.. Hindi naman sila pamilyar sa isa’t-isa kaya para ano pa at pipigilan niya ito?

   Gusto niya pa sana ihatid pauwi si Graciella pero bago niya magawa ito, tinuro nito ang isang nakaparadang lumang sasakyan.

       “Gusto mo ihatid kita?”

        Tumikwas ang gilid ng labi ni Menard. Hindi niya naisip na sa katulad niyang makapangyarihan ng tao, sasakay siya sa isang kalawanging sasakyan. Takot siyang matetano kung sakali.

      Namilog ang mata ni Graciella sa sari-saring emosyon na nakikita sa mga mata ni Menard. Nakita niya kasi kanina na nakasakay lang ng taxi ang kaharap kaya minabuti niyang magmagandang loob pero mukhang hindi maganda ang dating nito.

    Napangiwi na lang siya sa itsura ng sasakyan niya. Luma na at maraming sira ito. Idagdag pa ang mga kalawang na nakadikit sa katawan nito.

     Isa siyang pintor at binebenta ang kanya mga likha online. Minsan naman ay online tutor.  Malaki pa sana ang kikitain niya kung hindi lang pinapagawa sa kanya ang mga gawaing bahay ng kanyang Tiyang Lupita. Minsan talaga ito ang nagbibigay sa kanyang ng maraming problema.

        “Do you have a license? Kung gusto mo bilhan kita ng matinong sasakyan,” alok pa ni Menard sa kaharap.

     “Wala.”

       Kaya naman pala electric car ang gamit ng isang ito. Napalatak na lang si Menard lalo at hindi nga naman kailangan ng lisensya ang sasakyan ni Graciella.

     Sa totoo lang, may ipon na sana si Graciella para sa isang van na gusto niyang bilhin pero nagkasakit nga ang anak ng pinsan niya kaya nagamit nila ang ipon niya. Hindi naman siya nakatiis lalo at mahal niya ang anak ng pinsan na si Lily.

       

      Hindi naman siya ng klase ng tao na gusto manloko lalo pa at nagboluntaryo na nga ang kaharap na bilhan ng sasakyan. Sapat na pinakasalan siya nito nang walang alinlangan.

     Wala namang kasiguruhan ang hinaharap. Mas mabuti ng ikasal siya ng maaga kaysa magsisi sa huli. Kahit na mataas naman talaga ang tsansa na naghihiwalay ang mga nagpapakasal.

     “Do you have a place to stay? Kung gusto mo, tumingin na tayo ng bahay na mauupahan,” suhestiyon pa ni Menard pero tila pag-utos ang dating nito kay Graciella.

     “Saka na kaya tayo maghanap ng mauupahan,” sagot naman ng dalaga.

     Ang hindi nito alam, isang luho ang pag-upa ng sariling bahay para kay Graciella. Hindi makapaniwala si Menard sa narinig.

    

       Noong nakaraang taon nga, ginusto ni Graciella na umalis na sa poder ng tiyuhin. “Pagkatapos ka namin pakainin at alagaan, lalayasan mo na lang kami ngayong kumikita ka na? Wala kang utang na loob!” Galit na galit ang kanyang tiyang sa nalaman na gusto niyang bumukod. Nahihirapan na kasi siya na andami nila sa loob ng luma at masikip na bahay lalo pa at wala namang matinong banyo ang bahay ng mga ito.

      Takot lang talaga ang tiyahin na mawala ang ambag niya sa buwanang gastos nila sa bahay kaya nagalit ito.

     “Say no more. Ako na ang magdesisyon. Ako naman ang may kakayanan na gumastos sa pagsasamang ito, huwag ka na lang kumontra. May meeting kami sa opisina kaya mauuna na ako,” malamig na saad ni Menard.

    Kanina pa naghihintay ang tsuper niya kaya aalis na sana siya. 

     

      “Pwede ba ako humingi ng contact number mo?” habol pa ni Graciella.

      “This.” Inabot ni Menard ang isang tarheta. “Don’t lose it. It’s your only way to contact me in this marriage.”

       Umalis na kaagad si Menard. Nasa harap na ng coffee shop ang sasakyan niya na mamahalin.

       “Senyorito, saan po tayo? Sa kumpanya po ba o uuwi na kayo?” tanong pa ng tsuper.

       “Sa kumpanya, may meeting ako mamayang alas tres.”

       Mula sa mayamang angkan si Menard. Bilyon ang kanilang yaman kung tutuusin. Siya na ang namamahala sa mga negosyo nila matapos magretiro ang mga magulang at nag-migrate.

     

     “Menard Tristan Young? What’s wrong with you, hijo? Your blind date was waiting for you!” 

      Malumanay ang boses ng kanyang mama sa kabilang linya pero halata ang galit nito lalo at binuo ang kanyang pangalan. Sanay siyang Menard ang tawag sa kanya ng mga kamag-anak. Nagiging Menard Tristan Young lang siya kung seryoso ang mama niya.

      “Don’t bother, Mama. Kinasal na ako at hawak ko na ang marriage certificate ko.”

      Saglit na natigilan ang kausap pero kaagad na nakabawi.

      “Anong sinabi mo? Anong certificate?”

      “The Young Group of Companies doesn’t need other people's wealth. Anong siglo pa ba nauso ang fixed marriage, mama?” balik tanong ni Menard sa ina. “Pwede naman na ang mga mas nakababata kong kapatid ang ireto mo sa kanila kung gusto mo talaga ang babaeng ‘yon.”

      “Ikaw nga ang gusto nila, hijo.”

       “This talk is getting nonsense, mama. I am married and that’s it!”

      “Bakit kasi ora-orada kang nagpakasal. Sana man lang pinakilala mo sa amin ng iyong papa,” naging mahinahon na ang boses ng ina lalo at dinig na ang pagkabagot sa boses ng anak.

      “I will introduce her to you at the right time.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 166: Blue sapphire

    Menard reluctantly obliged. Pinagbigyan na lang ang asawa lalo at ayaw naman niyang maging malungkot ito. Magana silang kumakain. Hindi na nga sila gumamit ng plato. Bumili pala ng dahon ng saging si Graciella at doon na sila sa mesa mismo naghimay ng lobster. Engrossed na engrossed si Graciella sa paghimay ng kanyang lobster. Tig-isa ba naman sila ni Menard kaya amused siyang himayin ang malaking sipit ng lobster. AT dahil masarsa iyon, tumalsik iyon sa mukha ni Menard. “Oops, sorry,” nakangising saad ni Graciella sabay bunot ng tissue na nasa box. “Napasarap lang sa paghihimay, Mr. Young.” “Mr. Young? Really Graciella? I thought we have agreed that you call me by my name,” maasim ang mukha na saad ni Menard habang tinitingnan ang nakangiting mukha ng asawa. Medyong maraming sauce ang tumalsik sa kanyang mukha kaya dalawang beses nitong pinunasan ang mukha niya. “Ngayon ko lang napansin, mas makinis ka pa pala sa akin, Menard. Ano

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 165: Cheers!

    Naiiyak si Graciella sa sinabi ng asawa. Kaya pinilit niyang hindi pumatak ang luha. Napasinghot siya. “Are you crying right now?” Tanong ni Menard habang nakatutok pa rin ang atensyon sa daan. “It’s okay to cry, especially when you feel like it.” Kumunot ang noo bigla ni Graciella. “Ano ‘yon iiyak ako for the sake of crying? Duhh!” natatawang saad na lang niya. Kunwari ay pinapahid ang luha na wala naman talaga. “By the way, nabanggit kanina ni Gliezl na nasa NCR din pala ang trabaho niya. Do I hear it right na sa Alferez Conglomerates siya nagtatrabaho? Alyanna Alferez’s family owned the company. They are second to my boss’s company,” banggit ni Menard. In the future he has to be wary of his wife’s sister. The mere fact that Gliezl works for the Alferez, kailangan niyang maging mas maingat. “Ang liit pala ng mundo na ginagalawan natin. Kakompitensya ba ng boss mo ang kumpanya ng pamilya ng babaeng patay na patay sa kanya?” Tanong ni Graciella sa

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 164: Ang susi sa kanyang pagkatao.

    Nasa kandungan ni Graciella ang susi ng kanyang pagkatao. Parang may mabigat na bato ang naalis sa kanyang dibdib. Kung ito ang paraan para mahanap niya ang tunay na magulang, talagang nagagalak siya. Dati medyo may tampo na siya dahil umabot sa mahigit twenty years pero hindi pa rin siya mahanap ng mga ito. Pero, nang malaman mula sa mga kamag-anak na ilang beses siyang nagkaroon ng foster family, naisip niya na mahirap nga na mahanap siya ng tunay na pamilya. “Ihanda mo ang sarili mo, Menard. Malamang maraming itatanong ang Tiyong Rogelio sayo. Kailangan mo lang maging tapat sa bawat sasabihin mo. Nakakatakot lang siyang tingnan pero may prinsipyo siyang tao,” paalala ni Graciella. “I know. By how he speaks, he commands respect. At very rational siya magsalita. Akala ko ng kakampihan niya ang kapatid at pamangkin kanina,” komento naman ni Menard. “At least sa adoptive family mo may matinong tao pala na nag-e-exist.” “Oo nga eh. Kaya pasalamat din ako s

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 163: Tigilan niyo na sila

    Ang kaguluhan na iyon ang inabutan ni Rogelio at Gliezl. Napapailing na lang si Rogeliobsa ginawa ng kapatid. “Kuya, mabuti at dumating ka. Tingnan mo ang ginawa ng boypren ni Graciella sa anak ko,” nadramang sumbong ni Roberta sa kapatid. Dinaluhan nito ang anak na napahawak sa leeg nito. Tila nandidiring hinablot ni Rogelio ang kamay na hinawakan ni Roberta. “Hindi na kayo nahiya sa mga bagong dating,” panimula ni Rogelio. “Ikaw Roberta itong nakakatnada pero nagawa mo pa kikilan ang pamangkin mo. Nasaan na ang dangal mo at konsensya?” Napalatak si Rogelio sabay lagay ng dalawang kamay sa likod nito. “Aba naman, tiyong! Kami na nga ang naagrabyado, tapos sila pa na hindi mo kadugo ang kakampihan mo? Nakita mo naman ang ginawa ng boypren ni Graciella sa akin,” tila inaaping sigaw ni Rupert. Nilapitan ni Rogelio ang pamangkin at ubod lakas na sinampal. “Umayos ka nga. Kahit hindi ko pa nakita ang nangyari, alam kong wala kang mabuting gagawin,” se

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 162: Ibang iba na siya

    Unang tingin pa lang ni Menard sa kapatid ni Graciella, alam na niyang retokada ito. Lahat na yata ng parte ng mukha nito pinagawa. Kumbaga sa makina ng sasakyan, na overhaul na ang mukha nito. Kahit si Graciella namangha sa ganda ng kapatid. Hindi na pango ang ilong nito at hindi na rin malaki ang mga panga nito. Para na itong isang sikat na KPop idol. “Nagulat ka ba sa bago kong itsura, ate?” natatawang saad ni Gliezl. “Sa South Korea ako nag-aral at doon ko ipinagawa itong bago kong itsura.” “Mas lalo kang gumanda, Gliezl. Bagay naman sayo ang pinagawa mo,” natatawa na ring saad ni Graciella at saka binalingan si Menard. Sinenyasan ito na lumapit. Binalingan ang kapatid. “Ito ng pala si Menard, ang asawa ko.” “Asawa? Nag-asawa ka na pala, ate?” gulat na saad ni Gliezl pero sinenyasan siya ni Graciella huwag maingay. “Anong nangyrai at nag-asawa ka na? Hindi mo man lang sinabi sa akin,” humaba ang nguso ni Gliezl. “Teka nga at ipapakilala ko

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 161; A piece of jewelry

    Unti unti ng dumadalang ang kabahayan na dinadaanan nila. Nakaisang oras na rin simula nang umalis sila. “Wala ka bang madalas sinusuot noon like jewelry?” usisa ni Menard. Since, wala naman nahanap na clue si Tobias, tatanungin na lang niya ang asawa baka sakali makakuha siya ng clue. “Alahas? Wala. Bakit tinanong mo? Bibigyan mo ako ng alahas?” Napakalaki ng ngiti ni Graciella. Gusto rin sanang matawa ni Menard pero gusto lang naman niya malaman kung may memories ang asawa sa kabataan nito kahit kaunti. “Maybe, one of these days. I’ll think about it if you deserve jewelry as a gift,” natatawang saad ni Menard. Napangiwi si Graciella. “Imbes na alahas, pera na lang ang ibigay mo sa akin. Hindi naman ako mahilig sa mga ganyan.” “Are you addicted to money? Bukambibig mo palagi ang pera eh,” pansin ni Menard. “Sino ba ang ayaw kasi sa pera. Money won’t betray you unlike people. Kita mo si Rowena, pinagtataksilan na siya ng kanyang asa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status