Share

Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire
Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire
Penulis: Gala8eaGreen

Chapter 1: Biglaang Kinasal?

Penulis: Gala8eaGreen
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-13 22:59:34

     “Handa ka na ba? ‘Pag pumasok na tayo, isipin mo ng kasal na tayo.” Tumayo nang matuwid si Menard Young.

      Hindi pa rin pumapasok sa loob ng munisipyo ang binatang si Menard Young at si Graciella Gomez. Kapwa sila estranghero sa isa’t isa at ngayon heto sila at nagbabalak magpakasal.

    Namumula ang mata ni Graciella. Naiiyak siya sa totoo lang pero determinado na siya. Ito lang ang naiisip niyang paraan para tuluyan ng  lumaya sa poder ng kanyang tiyahin-  si Lupita.

      Kipkip ang kanyang malaking bag at laman niyon ang kanyang mga dokumento. Dilaw ang suot niya na damit. Mahigpit ang hawak niya sa kanyang mga dokumento at tiim ang kanyang mga mata. Doon siya humuhugot ng lakas para sa desisyon na ilang beses na niyang pinag-isipan. 

     Parang sirang plaka ang mga sermon ng kanyang tiyahin na paulit-ulit na naririnig niya. “Kaya walang magkagusto sayo dahil wala namang espesyal sayo!” panlalait pa nito sa kanya. Pinasadahan siya nito ng tingin at nanghahamak ang bawat titig nito sa kanya. Disgusto at pagkasuklam ang nasasalamin niya sa mata ng tiyahin.

       Palagi siyang nirereto sa kung sino-sinong lalaki na kakilala nito pero wala man lang pumasa sa panlasa niya. Kung hindi may kapansanan, masyado namang mahihina ang kukote ng mga kinakatagpo niya. Minsan pa nga may isang lalaki na Pedro ang pangalan tapos pilantod ito. Kung anong sama ng hilatsa ng itsura nito ay siya din ang sama ng ugali nito.            

      Nang maulila siya dahil sabay na namatay ang kanyang mga magulang ang tiyuhin na na si Roger at ang ang asawa nga nito na si Lupita na ang kumupkop sa kanya. Simula nang magkolehiyo siya, nag-umpisa na siyang magtrabaho habang nag-aaral. Nag-aambag na rin siya kahit paano. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit pabigat pa rin ang turing sa kanya ng tiyahin.

     Gusto na rin niyang bumuo ng pamilya lalo at malapit na siyang lumampas sa kalendaryo. Sabi nga ng iba, mahirap ng magkaroon ng supling ‘pag may edad na ang babae. Tipikal na buhay lang naman ang pangarap niya pero ayaw yata makiayon ng tadhana!

    Ngayong araw nga, wala sa isip niya na basta na lang dinala ang kanyang mga dokumento. Parang may kung anong bumulong sa kanya na ihanda ang kanyang mga papeles at baka ito na ang swerte niyang araw. Baka sakali na magustuhan niya ang kanyang katagpo. Papayag kaagad siyang magpakasal dito.

       Bahala na.

        Parang biro naman ng tadhana na ang kanyang katagpo ay may dala ring dokumento. Akala niya talaga isang simpleng pagtatagpo lang ang magaganap. Iyon ang akala niya.

      Matangkad si Menard Young nang mabistahan ni Graciella. Mapungay ang mga mata nito na nakamasid sa mga galaw ng mga tao sa loob ng eleganteng coffee shop. May mangilan -ngilan na babaeng nakatingin sa kanila lalo at nakapustura si Menard at halatang mayaman ang dating.

      Hindi inaakala ni Graciella na gwapo ang maging katago niya sa date na iyon. Ang kaharap niya yung tipo ng lalaki na hindi pakakawalan ng babae. Iyong ideal man na sinasabi ng karamihan. Para kasing isang obra maestra ang anyo ni Menard.

       Isang Computer Programmer  ang trabaho ng katagpo niya, ayon pa sa Tiyang Lupita niya kaninang umaga lang. Mula sa maayos na pamilya at nagtatrabaho sa isang malaking kumpanya sa bansa. Masyado diumano itong subsob sa trabaho kaya nakalimutan nang atupagin ang pagpapamilya. 

     Kanina habang nag-uusap sila ni Menard, napatingin siya sa mahahaba at makinis nitong daliri. Nagtataka siya kung bakit ang kinis nito kung subsob ito sa trabaho, dapat na magaspang ang kanyang mga kamay. Pasimple niyang tiningnan ang hilatsa ng mukha nito habang kausap ang serbidura ng coffee shop kanina.

      Hindi pa rin makapaniwala si Graciella na walang naakit na mga babaeng katrabaho nito. Hindi niya alam kung sino ang may diperensya. Si Menard ba o sadyang bulag ang mga ito sa pisikal nitong katangian? Kaya nagtataka siya kung bakit sa isang ordinaryong tao ito na katulad niya nag-alok ng kasal.

     Iba na talaga ang kalakaran dito sa mundo!

     “Miss Gomez, may sampung minuto ka para magdesisyon. Pag-isipan mo nang mabuti ang alok ko para ‘di ka magsisi sa huli.”

     “Hindi, Mr. Menard Young. Tara na at pumasok. Buo na ang desisyon ko.”

      Siya dapat ang mag-isip ng ‘sandaang beses at baka hindi niya alam ang kanyang pinapasok..

      Pumasok na sila sa loob ng Civil Registrar ng munisipyo. Tahimik ang kabuuan ng silid. Walang nangahas na magsalita at panay nakikiramdam ang isa’t isa.

      Sa loob ng opisina, panay paalala ni Menard kay Graciella na sagrado ang pagpapakasal. Ni hindi man lang daw niya inalam kung isa ba siyang pugante o may pagkakasala sa batas. Bago pa lang silang magkakilala at kaagad na siya nagtiwala rito. Anito pa, “ Miss Gomez, masakit ikasal sa maling tao. Walang problema sa akin kung ngayon pa lang ay aatras ka na.”

      Mapaklang napangiti si Graciella. 

       Masakit?

        Balewala sa kanya na mamuhay na miserable kaysa mamuhay na mag-isa.

       Matagal nang namatay ang kanyang mga magulang dahil sa isang disgrasya sa sasakyan. Simula noon, kinupkop siya ng kanyang Tiyong Roger. Malaki ang kita nito pero sadyang matapang at bungangera ang asawa nitong si Tiyang Lupita. Walang magawa ang kanyang tiyong kundi ang sumang-ayon na lang ito sa lahat na gusto ng asawa para lang sa ikatatahimik ng mga buhay nila. Hindi ito pumayag na silang dalawa ng kapatid na kupkupin. Tanging siya lang ang pinayagan nito kaya nagkahiwalay na sila ng kanyang kapatid.

     Alila ang turing sa kanya ng kanyang Tiyang Lupita. Kahit ayaw ng kanyang Tiyong Roger na ganoon ang magiging turing sa kanya, wala itong magawa sa bagsik ng asawa nito. Lahat ng gawaing bahay ay sa kanya nakatoka. Ang mga pinaglumaang damit ng pinsan niya ang pwede niyang suutin. Kung bibilhan naman siya ng tiyuhin, nagagalit ang kanyang Tiyang Lupita.  

      Maagang nag-asawa ang kanyang pinsan na si Rowena. Mas lalo pang naging masikip ang kanilang tinitirhan lalo pa at nakipisan na ang asawa nito sa kanila.

        Sa balkonahe na nga lang siya natutulog. Nagkasya na lang siyang lagyan iyon ng kurtina upang kahit paano ay may sarili siyang espasyo. Tatlong metro kwadrado lang ang kanyang espasyo at doon siya sumisiksik.

           Mabuti na lang at normal na tao ang kanyang katagpo kanina at kaagad na pumayag sa alok nito. Makakatakas na rin siya sa wakas sa impyerno na kinasadlakan.

      Napatingin si Menard sa mga dokumento na hawak ni Graciella. Sumilay ang ngiti sa sulok ng kanyang labi.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 175: Tama na!

    Tumaas ang kilay ni Menard nang matanggap ang mensahe ni Louie. Kalakip ng message nito ang video ni Harry na nakadungaw sa bintana ng kotse nito at sumisigaw. Napatiim ang bagang ni Menard sa napapanood. He is worried na baka kung anong pananakit ang abutin ng asawa nito sa kamay ng walanghiyang lalaki na iyon. “Sundan kaya natin ang mag-asawa,” naibulalas na lang ni Menard. Naawa siya kay Rowena lalo at bitbit pa nito ang walang muwang na anak. “Hangga’t maaari, hindi ako manghihimasok sa magiging usapan nila, Menard. Iba na si Rowena. Hindi nas siya ang dating walang imik at duwag na babae. Kaya na niyang ipaglaban ang sarili niya. Ang gagawin na lang natin ay suportahan siya sa magiging desisyon niya sa hinaharap,” saad ni Graciella. Para kasi sa kanya, buo na ang desisyon ng pinsan na makipaghiwalay sa asawa nito. At kung mag-aaway man ito sa bahay nila, kaya na nito ang sarili. ******* Samantala, naunang dumating si Rowena sa b

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 174: Sa bahay na tayo mag-usap

    “It seems like the idiot is not afraid of someone,” matigas na saad ni Menard habang nakatitig kay Harry. “Huh! Ang lakas ng loob mo magmayabang! Parehas lang tayong mga empleyado ng Young Group! Kung makaasta ka para kang CEO ng kumpanya, pwe!” Bwelta ni Harry sa pasaring ni Menard. Si Rowena, panay hila na sa braso ni Harry pero pumiksi kaagad ang huli kaya halos sumadsad si Rowena sa sahig. Mabuti na lang at naagapan ng manager ang huli. “You are disgusting! You treat your wife in public in the most shameful way,” kutya ni Menard kay Harry bago alalayan ang mag-ina na tumayo at itago ito sa likuran niya. Sinenyasan si Graciella na dapat ma-secure ang kaligtasan ng mag-ina “Kaya naman namin ayusin ang gusot namin mag-asawa. Pero kayong dalawa ng walang kwentang babae na nobya mo ang dakilang sulsol bakit nagkaganito ang asawa ko,” akusa ni Harry sabay duro sa dibdib ni Menard. Hindi man lang natinag si Menard. Di hamak na mas matangkad naman siya

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 173: Umuwi ka sa bahay

    Naningkit kaagad ang mata ni Graciella nang makita ang bagong dating na si Harry. Nakapamaywang ito habang malakas ang boses na pinagsasabihan ang asawa. Binilisan nila ni Sheila na lumapit pabalik sa table nila. Kinailangan niyang ilapag muna ang plato sa lamesa dahil nanginginig siya sa mga naririnig na salita mula kay Harry. “Ano hindi ka uuwi? Siguro may lalaki kang kinatagpo at dinala mo pa talaga si Leya sa kabababuyan mo,” akusa ni Harry sa asawa habang dinuduro ang asawa. Isang malakas na hampas sa braso ang binigay ni Graciella kay Harry kaya natigil ito sa pagsasalita. “Wala kang pinipiling lugar para ibuka ang madumi mong bibig, Harry. Nasa restaurant ka at sana ilagay mo sa lugar at gumamit ka nang maayos na mga salita. Naririnig ka ng anak mo,” babala dito sa mahinang boses. Hindi namans iya katulad ni Harry na walang urbanidad. Kalalaking tao, ang hilig nitong mamahiya ng asawa sa publiko. Namula si Harry. Matagal na itong nag

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 172:  Buffet

    Samantala, patapos na ang meeting ni Menard kaya tinanggap ang tawag mula sa asawa. “Baka mag overtime na naman ako mamaya. Ikaw na ang bahala kung saan mo sila dadalhin para kumain mamaya,” sagot ni Menard. “Okay lang ba sa sa atin muna tutuloy ang mag-ina? Nasa kanila kasi ang biyenan at hipag niya. Ayaw niyang umuwi muna sa kanila,” pagbibigay alam ni Graciella sa asawa. “No problem. She can stay as long as she wants. Kung hindi siya kumportbale umuwi sa kanila, sa atin na muna ang mag-ina, Sige na at marami pa kaming tatapusin.” Binaba na kaagad ni Menard ang tawag. ******* Ang lapad ng ngiti ni Graciella habang binabalik sa bag ang cellphone. “Okay na. Walang problema sa asawa ko. Narinig niyo naman sinabi ni Menard, Rowena na pwede kayo ni Leya sa unit namin hanggang kailan niyo gusto,” masayang pahayag ni Graciella. Confident naman talaga si Graciella na papayag ang asawa lalo at katulad niya, kinagigiliwan ni M

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 171; Can they stay?

    Napangiti si Rowena sa panulsol ni Sheila. Kilala na niya ang kaibigan ng pinsan sa kwento pa lang ni Graciella sa kanya. “Ate Sheila, ewan ko ba dito kay Ate Graciella. Pareho lang talaga silang nagpapakiramdaman ni Kuya Menard. Halata naman sa mga kilos nila na may feelings sila sa isa’t isa ayaw pa rin nila umamin sa mga nararamdaman nila,” dagdag pa ni Rowena. Kumunot ang noo ni Graciella. Hindi kasi niya nakikita na ganun nga sila ni Menard. O dahil ba sila mismo hindi alam ang sarili nila pero obvious iyon sa mata ng ibang tao? May katotohanan kaya ang sinasabi ng mga ito sa kanya. “Ayan na naman kayong dalawa. Marriage for convenience lang ang sa amin ni Menard. Alam niyo ang rason kung bakit ako nagpakasal sa kanya. At ang rason ni Menard ay para takasan ang pagmamanipula ng nanay niya na ireto siya sa babaeng hindi niya gusto,” tangi pa rin ni Graciella. “Uh huh! Diyan ka nagkakamali my friend. Halata naman sa tingin pa lang ni Menard sayo. Kun

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 170:  Unfair

    Panay simangot pa rin si Trent habang binabaybay ang daan papunta sa canteen. Bumili siya ng pagkain at nagmamadali na bumalik sa opisina ng pinsan. “Bumalik ka pa?” Tanong ni Menard. Nagtataka kung anong sadya ng pinsan. Nakatingin siya sa bitbit na tray ng pagkain ni Trent. “Doon ka na kumain sa canteen.” “Gusto ko rin naman tikman ang luto ni ate Graciella,” nakasimangot na saad ni Trent. Nagdadabog na lumapit sa table ng pinsan at saka nilapag ang tray ng pagkain na bitbit. “Bigyan mo ako ng chicken kahit dalawang hiwa lang.” Kumunot ang noo ni Menard. “Who gave you the right to taste my wife’s cooking?” Sita sa pinsan. “You are so unfair! Sa akin ibinigay ni Ate Graciella ang lunchbox na ‘yan,” katwiran ni Trent. Kinuha ang tinidor at umaktong kukuha ng slice ng manok. Mabilis naman na inilag ang lunchbox. Marahang hinampas ni Menard ang kamay ni Trent. “This is supposed to be my meal. Maaga lang ako umalis kasi may meeting tayo.” “

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status