Share

Chapter 9

Napabalikwas ako ng bangon. Panaginip na naman ulit. Pumikit ako ng mariin para alalahanin ang naging panaginip ko pero hindi na naging malinaw pa ang mga nangyari. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili bago bumangon.

The usual day and my usual routine. Sabado at walang pasok kaya naman napatingin ako sa oras. Alas-sais pa lang ng umaga. Kadalasan pag walang pasok ay tanghali na akong nagigising. Pero ngayon napaaga dahil sa dumalaw na panaginip.

Tahimik ang buong kabahayan ng bumaba ako. May nakita akong papel na nasa mesa. Meron iyong  sulat-kamay ni Lola na nagsasaad na pumunta sila ng bukid. Matapos basahin ay lumabas na lamang ako at nagsimulang magdilig ng mga halaman. 

Kagabi, tadtad ng text ni Aia ang cellphone ko. Nag-aayang mamasyal daw sa bayan. Hindi ko alam ang isasagot dahil siguradong mag-aalala na naman si Lola. Pero hindi niya talaga ako tinigilan kaya naman bago maghanda ay gagawa muna ako ng mga gawaing bahay.

Matapos kong magdilig ay pinakain ko din ang mga manok. Dalawang palapag ang aming bahay pero makitid lang ang sakop nito at gawa lahat sa light materials. Mahilig sa mga halaman si Lola at nag-aalaga naman ng manok si Lolo. Tuwing umaalis sila sa bukid, ako na muna ang nag-aasikaso sa mga iyon.

May munting palayan din kami. Iyon ang pinagkukunan namin ng pangunahing pangangailangan. Sina Lolo at Lola na ang nangangalaga doon. Si Papa lang ang nagtatrabaho sa amin kaya naman malaking tulong talaga ang ang aming bukid. Speaking of, hindi na muling nakatawag ang ama ko simula nang magtrabaho siya sa mga Chrysalis. Sobrang busy siguro at marami kasing turista ang dumadayo sa hotel na pinagtatrabahuan niya. 

Narinig kong tumunog ang aking cellphone. Pumasok ako sa loob at sinagot iyon. 

"Sheaaaaaa!" Aia shrieked on the other line. "Tapos na kong mag-ayos, we're on our way papunta diyan!"

Medyo inilayo ko ang cellphone sa aking tainga dahil sa lakas ng boses niya. 

"O, sige na mag-aayos muna ako. Text kita pag okay na."

"Whaaaat?! Hindi ka pa nakapag-ayos? Alert! Maya2 nandiyan na kami."

Binaba niya na ang tawag. Dali-dali naman akong naligo at nag-ayos. Hindi ko alam kung anong isusuot ko dahil minsan lang naman ako lumalabas. Konti lang din ang mga maaayos ko na damit.

Pinili ko ang isang cream na bestida at flat sandals na binili ni papa sa akin. Inilugay ko lang ang aking buhok na hanggang balikat at naglagay ng konting pulbo. Tumingin ako sa salamin at nang makitang medyo maayos na ay bumaba na ako. Saktong tumawag naman si Aia.

Ini-lock ko ang aming bahay at naglakad papunta sa gate. Nakita ko ang van nina Aia. Dumungaw siya sa bintana at kumaway. Lumabas siya ng sasakyan at bigla akong nahiya sa kanyang suot. With her branded ragged jeans and croptop polo with ankle boots para akong inosenteng nene pag pinagtabi kami.

"Yie! Ang cute mo! Para kang inosenteng prinsesa." humagikgik si Aia.

Uminit ang pisngi ko. Compared to her looks, I am really nothing. 

"P-pangit ba? Saan ba kasi tayo pupunta? Hindi ko tuloy alam kung ano ang susuotin," nahihiya kong tanong. 

"Ano kaba, ang cute mo nga. Para tuloy akong bad girl pag tinabi sa'yo." napabungisngis siya. "Anyway, sa bayan lang naman tayo. Festival natin, haler! 'Lika na!" 

Oh, it's our festival. Wala talaga akong kamuwang-muwang sa mundo. Umandar na ang sasakyan at hindi naman naawat sa kakadaldal si Aia. 

"Wala si stepmom kaya free akong gumala. Na-eexcite ako. Marami siguro tayong makakasabay na mga schoolmates natin doon."

"Gagabihin ba tayo? Hindi ako puwedeng gabihin Aia."

"Uuwi tayo mamayang hapon. Hindi din naman ako puwedeng gabihin." ngumisi siya sa akin. 

Nag text ako kay Lola na mamasyal kasama si Aia, sakaling makarating na sila sa bahay ay m****a niya. Habang papalapit sa bayan ay nakikita ko na ang mga banderitas na nakasabit sa mga poste.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa plasa. Marami ang mga nagkukumpulang tao. Siguro ay merong palabas sa open stage.

May ibinilin lang si Aia kay Manong Rex, pagkatapos ay bumaba na kami. Una naming pinuntahan ang open stage. Nakisiksik si Aia habang hila-hila ako. Nagkakandahaba-haba ang leeg namin sa pagtanaw ng sayawan. Hindi kami masyadong makapunta sa unahan sa dami ng tao na nakapaligid. 

This is my first time to be in the crowd kaya medyo hindi ako komportable. Hinila ko na lang ulit paalis doon si Aia na halatang nahihirapan na rin sa pakikipagsiksikan. 

"Woah. That was crazy! First time kong gawin 'yun ah." natatawa niyang sabi. 

Nagulat ako. "First time mo lang din pala sa mga ganito?" 

Napahagikgik ulit siya. "Oo, pareho lang pala tayo. I know na merong annual festival dito sa atin pero wala naman akong puwedeng yayain. You know mga plastic kong friends ang aarte. Buti na lang andiyan ka." 

Aia is an example of a girl who can get whatever she wants. "Rich kid" ika nga. Konting rant sa parents ay makukuha na ang gusto. Branded set of clothes, a pair of expensive boots and a luxury bag, hindi siya bagay sa mga pang nayong selebrasyon lang. She's shining brightly among the crowd but the way she acts right now is the total opposite of who she really is. 

Hindi siya naiilang sa pagtitinginan ng mga tao sa kanya. She's not acting high and mighty kahit mayaman. Kaya niyang makisabay sa kahit ano. Humility is more obvious than the price of her outfit. At sigurado ako mangilan-ngilan lang din ang hindi nakakakilala sa kanya dito. 

Nalaman ko lang noong nakaraan na anak siya ng nagmamay-a*i ng pinakamalaking azukarera sa buong Victorias. Aia Luigi Pereira is the sole heir of the Pereira's properties. Nag-iisang anak at apo. I can't imagine their wealth. Kaya naman lalo akong nahiya tuwing magkasama kami.

Hinila niya ulit ako sa nagtitinda ng dirty ice cream. Bumili siya ng dalawang large cone. Kumuha ako ng pera sa aking wallet pero pinigilan niya ang kamay ko. 

"Ako ang nagyaya sa'yo dito kaya libre ko lahat. 'Wag ka nang magreklamo," pinandilatan niya ako. 

Wala na akong nagawa. Panay ang hila ni Aia sa akin kung saan niya gustong pumunta. Nakakailang stalls na rin kami ng mga pagkain. Meron din kaming nakakasalubong na mangilan-ngilan sa aming schoolmates kaya hindi namin maiwasang tumigil at makipag-usap. 

"Hey Aia, wanna hangout tonight?" sabi ng isang ka-batch namin. 

Napatingin siya sa akin at ngumisi. Yumuko na lamang ako. 

"Nope. Just take your time guys. Pass na muna ako," si Aia. 

"Wow, bago yan ah. Dati naman tumatakas ka pa para lang makagimik--" 

"Jude." putol ni Aia sa sasabihin pa sana nung isang lalaki. "That was before, I don't want to be in trouble again. Shea and I are having fun. Kaya please, leave us alone."

"Acting like a wholesome gal eh?" panunuya pa ng isa, sabay tingin sa akin. 

"Sorry but not sorry. You're not my cup of tea anymore guys, so be it." matapang na dagdag ni Aia. 

Ang mga kasamahang babae ng tinawag na Jude ay umirap muna sa sinabi ni Aia bago nagsialisan. Wala na ring nagawa ang mga lalaki kaya nagkibit-balikat na rin at umalis. 

Bumaling si Aia sa akin at medyo malungkot na ngumiti. Tila pilit niyang pinapaintindi sa akin ang sitwasyon. I know I'm not used into it pero alam ko naman ang mga bagay na ganoon. 

"That's my life before I met you. I used to be my dad's greatest headache. Pero paunti-aunti pinipilit ko nang magbago. Ako lang ang maaasahan niya sa huli kaya hindi puwedeng ganoon lang lagi." 

Ngumiti ako sa kanya. Nakikisimpatya. She can't help but show me her vulnerable side. Hindi siya takot na baka husgahan ko siya. She's so brave to tell me all her flaws. Sana, ganoon din ako katapang para aminin ang mga kahinaan ko. 

Nang mapagod na sa kaka-ikot sa mga exhibit na naroon. Nagpaalam si Aia na pupunta sa CR. Nagpasya akong maghintay sa kanya malapit sa isang man-made bridge. Merong fishpond doon na may iba't ibang uri ng isda. Nilibang ko muna ang aking sarili habang naghihintay. 

Naagaw ng pansin ko ang isang mamahaling sasakyan na nakapark sa di- kalayuan ng kinatatayuan ko. I saw a man leaning on the black sleek car. 

I squinted, pilit na inaaninag ang pamilyar na bulto pero laking gulat ko nang makilala kung sino iyon. Siya ang lalaking nakita ko sa mansiyon ng mga Chrysalis.. No not in the mansion but in that garden doing some lewd stuff and...

Nataranta ako kaya naman nang mag-angat siya nang tingin sa akin ay halos mahimatay ako. That familiar, cold and menacing stare. Tagos sa buto siya kung makatingin. My heart is rumaging inside my ribcage. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kabang iyon. I can't afford to see him right now. Sobrang nakakahiya ang mga nangyari nung nakaraan. 

Gumalaw siya at unti-unting lumapit sa kinaroroonan ko. Hindi ako mapakali at gusto ko nang umalis. Nagpalinga-linga ako para hanapin si Aia pero hindi ko siya namataan. 

Papalapit nang papalapit ang lalaki at hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong tumakbo na lang at magtago. 

Yumuko ako at hihingi na sana ulit ng paumanhin kung sakaling lalapit siya sa akin pero laking gulat ko nang magsalita siya. 

"Are you done?" it was his low drawl. 

Nanigas ako. Done? Wala naman akong ginagawa ah. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Iilang hakbang na lang ang aming distansya nang ma-realize ko na sa likod ko pala siya nakatingin. Napalingon ako at nakita kung sino ang papalapit. It was the girl I saw together with him in the garden! Siya pala ang kinakausap nito. 

"Yup, sorry for making you wait, marami kasi ang tao sa cr," sabi ng babae. 

Hindi naman kami magkakalayo pero tila hindi nila ako napapansin. It seems that I don't even exist there. Mabilis akong tumalikod sa kanila at lumayo na doon. Mabuti nga at hindi nila ako nakilala. Labis-labis ang pagkabog ng puso ko sa pinaghalong kaba at kahihiyan. Akala ko talaga sa akin siya lalapit. Ang feeling mo Shea! Lagi ka na lang napapahiya sa tuwing nakikita mo ang lalaking iyon! 

Gusto kong saktan ang sarili ko sa naiisip. I glance at them one more time at nakita kong papasok na sila sa sasakyan ng lalaki. Tuluyan na akong umalis doon at pilit kong kinakalma ang aking sarili. 

Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Aia. Gusto ko nang umalis. Narinig ko ang pagri-ring lang sa kabilang linya. Kasabay noon ang malakas na pagtibok ng puso ko. 

Muli akong lumingon. Suddenly there's a sudden jolt in my system nang makita ko ang kotse nilang papaalis. A mixture of pain and nervousness is eating inside me. Napapikit ako. Hindi ko kayang pangalanan ang nararamdaman ko sa ngayon. 

Sumagot si Aia pagkatapos ng ilang ring. Hearing her voice makes me calm... a little bit. Pero hindi parin naiibsan ang bayolenteng pagtibok ng puso ko. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status