Share

KABANATA 25

EYA

NAPATUNGO siya nang matapos na ang pinapagawa sa kanya ni Dr. Lee. Marami ito pinagawa sa kanya tulad nang labanan niya ang isang malaking oso, isang agresibong malaking baka at ngayon naman ang labanan ang isang leon.

Noon una naninibago siya sa lakas na taglay niya. Bago sa kanya iyon, hindi niya rin akalain na kaya niyang bumuhat ng isang kotse ng walang kahirap-hirap. Nilalabas ni Dr. Lee lahat nang nakatagong abilidad niya.

"You are indeed powerful creature, Eya," natutuwang bigkas ni Dr. Lee.

Hindi pa niya lubos maunawaan ang ibig nito sabihin. May ibang lengguwahe ito na hindi pa siya pamilyar. Bagamat tinuturuan din siya ni Dr. Lee na magbasa, sumulat at magsalita ng ibang lengguwahe.

"Nasaan ang Master Ash ko? Ang sabi mo nandito siya kaya sumama ako saiyo!" hiyaw niya.

Malapit na siyang mapuno. Ilan araw na niyang hindi nakikita si Master Ash. Nangako pa naman ito na dadalawin siya subalit hindi ito nagpakita. Hinuha niya

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status