Share

56

56

"May problema ba sa 'kin ang amo mo?" Bulong ni Adrian habang nagliligpit kami.

Kanina pa kami natapos sa pagkain. Ako at si Adrian ang nagpresinta na mag-ayos habang ang iba ay pumasok na sa loob ng bahay nila tiya. Si tiya at Tyson naman ay nasa may bungad ng pinto nitong likod-bahay at may kung anong pinag-uusapan. Nilingon ko ang gawi nila. Hindi naman nakatingin sa amin si tiya ngunit bakit nasa amin ang mga titig ni Tyson?

"Ha? Bakit?" Nilingon ko ulit si Adrian na abala na sa pagpapatong-patong ng mga ginamit namin na monoblock. "Anong sinasabi mo riyan?"

"Kanina pa kasi masama ang mga titig niya sa 'kin." Tumingin siya sa akin. "Baka naman may masama kang kinuwento sa kaniya tungkol sa akin, ah?"

Natawa naman ako. "Sira ka. Wala, ah! Hayaan mo lang siya. Ganiyan talaga 'yan." Nagpokus ako sa pagtupi ng kurtina na ginamit namin kanina panapin sa may lamesa.

Napansin kong lumapit ang mga paa ni Adrian sa akin kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya.

"Bakit?" tanong ko.

Tumitig
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status