Chapter 10Mugto ang mga mata ko habang umaakyat sa stage dahil sa walang tigil ko na pag-iyak nitong nakaraang araw. Hanggang ngayon, hindi parin ako pinapansin ni Ignacio. Iniiwasan niya na ako. Ni sulyap wala man lang siyang ginawa para tumingin sa gawi ko. Gusto ko siyang lapitan kanina pero ang mga mata ng ibang kaklase ko na nakasaksi sa nangyari sa araw na yon ay alam kong hinuhusgahan na agad ako. After noong nangyari sa party at hinahabol ko siya sa kalsada ay hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Bakit ayaw niyang makinig sa akin? Kahit ako nabigla sa pangyayari kung bakit yun ginawa ni Ronald sa akin.Habang nakaupo sa gitna ng kalsada at tinatawag ang pangalan niya kahit hindi ko na natatanaw ang sasakyan niya ay nadatnan ako nina Singko at ibang mga kaklase, pinasakay nila ako sa sasakyan niya para iuwi sa bahay namin. Pero tumanggi ako dahil pupuntahan ako sa bahay nina Ignacio. Ayaw man ng mga kaklase ko ay wala silang magagawa dahil panay iyak ko sa harapan nila.Per
Chapter 11"Honey!" Tawag ng lalaki sa kanyang asawa. "Uhmm, sorry ma'am but we're not allowed to give any information about our personal details to others. Hoping for your kind consideration." saad ko. Hindi ako sure kung tama ba ang pagka english ko. Bahala na. " Oh! I see. Sorry about that miss. You look familiar that's why. Sorry again." aniya at kinuha na ng asawa nito ang pinamili nila."Sorry for that." hingi ng paumanhin ng lalaki."It's ok sir, thank you for shopping and have a nice day po." wika ko sa kanila habang nakangiti."Likewise, let's go hon.""Because she looks familiar, that's why I'm asking.""I know. Tinakot mo tuloy ang bata," rinig ko pa sa sinabi ng asawa ng ginang. Ipinagbabawal ang pagbibigay ng mga information tungkol sa amin unless if necessary.Baka mamaya niyan kilala nila ako tapos oh no wag naman sana Lord God, nanginginig ako habang sina scan ang items ng kasunod na customer. Hanggang natapos na lang ako ay hindi pa rin ako mapakali. Hindi kaya?
Chapter 12"Ayos ka lang?" bigla kong nilingon si Tuko na nasa harapan ko na pala. Binalik ko ang tingin sa itaas pero wala na ang bulto niya doon.Hindi kaya guni-guni ko lang ang lahat ng yun?"Michaella!" tawag ulit niya sa akin na ngayon nakahawak na sa braso ko. Nasa dance floor parin kami at wala na sa tabi ko ang mga kaibigan, may lumapit sa kanila kaya napunta sila kung saan."Ayos lang ako, bigla yata akong nahilo dahil kanina pa ako nagsasayaw na puro kaliwa ang mga paa. You know, at saka ang sakit sa mata ang mga ilaw." sabi ko sa kanya."Gusto mo na bang umuwi tayo?" tanong niya.Umiling ako dahil ayoko pa,"mamaya na, hintayin na muna natin ang mga kaibigan ko, bigla na lang akong iniwan dito eh. Nakakainis," saad ko. Inalayan niya ako para makabalik sa upuan namin."Sana nagdala pala tayo ng extra slipper mo, baka sobrang sakit na ng mga paa Mica," concern talaga itong lalaking ito.''Kaya nga eh, di bale mamaya maglalakad na lang akong nakapaa papunta sa sasakyan mo, pwe
Chapter 13"Mica! Ikaw nga," bigla akong nagulat kung sino ang tumawag sa akin.Tumalikod ako para makita ang tumatawag na mama, ibang bata pala ang tumawag na mama at hindi si Saul. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.Pero hindi ko naman inaasahan na makikita ko ang dating kaklase ko."Gail? Domingo? Hi. Kayo pala, kamusta?" bati ko sa kanila.Nginitian nila ako, nakayakap si Gail kay Domingo. So, sila ang nagkatuluyan? I'm happy for them."Ito maayos naman, going strong sa relasyon namin. Akalain mo yun, dati pa kami nitong aso't pusa kung nagbabangayan." Natatawang sabi niya. "Ikaw kumusta ka na? Matagal ka na bang nandito sa Cebu? Nandito ba nakatira ang asawa mo?" sunod-sunod na tanong ni Gail."Oo, matagal na rin na dito kami nakatira dahil nandito ang mga magulang ko. Kaya nandito rin ako," ani ko. Alam kong hinihintay nila ang isang sagot ko.Pangit naman siguro na sabihin ko na wala akong anak."Uhm, single mom…kayo hindi niyo dala si baby niyo ngayon? Date niyong dalawa?" s
Chapter 14Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng makita kung sino ang kaharap ko ngayon."What are you doing here?" tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Siya ba ang anak ng may-ari ng building na'to?Bakit sa dami-daming tao ay siya pa? "I said, what are you doing in my office?" kunot-noo niyang tanong muli sa akin."Sir si Michaella Gomeza po ang tinutukoy ng dad niyo po na bagong secretary niyo po," pareho kaming napalingon sa manager na si Miss Santiago.Pwede pa ba akong umurong? Pero.. ano ba itong pinasukan ko?"I'll talk to dad, excuse me." paalam niya sa malamig na boses at pumasok na siya sa kanyang office. Nakita ko pa sa wall glass ang matalim niyang panitig sa akin. Lumapit siya sa bintana at binaba ang venetian blinds. Nakahinga ako ng maluwag na wala na siya sa paningin ko. Aalis kaya ako, pero ka bago-bago ko pa lang at hindi pa nakapag simula ay aalis agad ako?"Miss siya po ba talaga ang magiging amo ko?" tanong ko sa manager. Nginitian niya
Chapter 15Ito na naman ako sa opisina ng M_I building at kakarating ko lang. Ibang araw, ibang assignment at ibang sermon na naman ang matatanggap ko sa bago kong boss slash dating kasintahan. Kasintahan ko ba siya dati? Nagpapanggap lang naman kami at sa pagpapanggap ay ayon may nabuo kaming dalawa.Si baby Saul, my precious one.Napatalon ako sa kinaupuan ko dahil biglang bumukas ang pintuan ng boss ko. Bigla yatang naghahabolan ang pintig ng puso ko dahil sa pagkabigla at kaba.Wearing his white polo na nakatupi sa kanyang siko at naka tack-in sa kanyang black slacks at pinaresan ng black shoes staring right at me. Ang aga ko ngang pumunta sa office pero mas may maaga pa nga sa aming dalawa. Tapos siya pa talaga na boss ko.Wag mong sabihin na dito siya natutulog, may minsan kaya o may araw na narito na talaga siya at hindi na umuuwi. Hmmm paki ko ba sa kanya."G.good morning sir. Coffee?" tanong ko. As usual wala na ang dating turingan namin kundi bilang amo at empleyado na lang
Chapter 16"Mama! mama, gising na po," ingay ng anak ko ang nagpagising sa akin. Minulat ko ang mga mata at nakangiting dumungaw si Saul."Mama, gising na po, magsisimba pa po tayo ngayon!" natatawa na lang akong makita siyang handang-handa na para magsimba, samantalang ako ito kakagising ko pa lang. Nakarating ako kagabi galing sa bar bandang alas onse na, hinatid na kami ni Dino dahil hindi pwede na mag tataxi ako na mag-isa. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isipan ko na nakita ko si Eula, hindi ako nagkakamali, siya talaga yon.Bakit siya nandito sa Cebu? Sinusundan niya ba ako?"Mama, let's go. Ikaw na lang ang hindi nakapag bihis, kanina pa ako." nagdadabog na ang anak ko. Napapangiti na lang ako dahil ganito din minsan ang ama niya. Kapag pumupunta yon sa bahay at may lakad kaming dalawa, umabot na lang kami ng 30 minutes o mahigit pa bago umalis ng bahay dahil ang bagal ko.Hindi naman ako matagal sa pag mamake-up dahil lipstick ayos na ako, tinutulungan ko pa kasi sina
Chapter 17"Be careful anak madapa ka. Juskong batang ito," hindi ko alam kung bakit ko ba dinala ang anak ko dito sa mall na wala si Tuko. Sa sobrang kulit ni Saul, nakakaligtaan ko dahil kung saan-saan pumupunta. Nasa isang boutique ako ngayon dahil mamimili sana ako ng mga damit na dadalhin this coming next week para sa out of town."Yes mama, sorry po." apologetic niyang sabi habang nasa tabi ko na. Nginitian ko siya."Stay lang diyan anak at huwag lalabas ng boutique,ok. Pakibantayan na lang ang ibang gamit natin," saad ko at tumango na lang ang anak ko na nakangiti. Binalik ko ang tingin sa mga damit na napili. Dalawa lang kasi ang blazer ko kaya kailangang makabili ako ngayon ng bago dahil for sure malalaking tao ang makakasalamuha ko kung saan man yang business meeting ni Mr. Baltimoore sa Luzon kaya ito, dapat presentable rin akong tingnan.Nilingon ko ulit ang anak ko na nakaupo sa mahabang silya para sa mga customers. Nalilibang na ito sa kakalaro ng rubik's cube. Isa