NAPAGPASYAHAN na ni Lara bumalik na lang na lang sa hotel na tinutuluyan niya ngayon tutal gumagabi na at hindi pa rin siya nagdi-dinner. Mabigat ang kanyang loob na tumayo at muling tiningnan ang Empress hotel.
“Hay Empress Hotel anong ginawa mo sa akin?” Eksaktong pagtalikod niya ay nabungaran niya si Mr. Legaspi na lubhang niyang ikinagulat. “Hay! Sir! Nakakagulat ka naman.” “Oh! Sorry if I scared you I didn’t know that it was you,” pagsisinungaling niya. Muli ay naamoy ni Lara ang matapang na pabango ni Mr. Legaspi kaya kahit gusto pa niyang makipag-usap e pinili niyang takpan ang ilong. Inamoy ni Liam ang sarili baka nababahuan na si Lara sa kanya pero hindi naman, he still smells good. Napansin naman iyon ni Lara. “I’m sorry po Mr. Legaspi sensitive lang po talaga ang pang-amoy ko.” Yun naman pala, akala tuloy niya e mabaho na siya. “Anyway, I don’t mind if you cover your nose.” “Thank you Sir,” naiilang niyang sagot. “By the way, kumain ka na ba kasi ako hindi pa baka gusto mo akong sabayan tutal nagkita na rin lang tayo.” Gusto sana niyang tumanggi pero ang totoo kumakalam na ang kanyang sikmura at hindi na siya makapaghihintay pa ng ilang sandali. “Ahm nakakahiya naman po Sir.” “No, you don't have to, please I insist you to join me for dinner. What do you want to eat?” “Pork barbecue grill po Sir,” hindi na siya nahiya dahil nagke-crave talaga siya ngayon ng barbecue at kailangan niyang makain yun, kung hindi ay mahihirapan talaga siya sa buong magdamag. Dinala siya ni Mr. Legaspi sa isang special barbecue place kung saan talagang naglaway siya sa amoy pa lang. Nawala ang hiya niya kahit kaharap pa niya ang CEO ng Legaspi Construction Company. Medyo naasiwa si Liam sa pagkain ni Miss Bernal ng barbecue grill with mayonaise. Pero ganoon siguro ang craving ng mga naglilihi. Pagkatapos ay inihatid niya ito sa hotel kung saan pansamantalang tumutuloy. ISANG oras pa ang lumipas bago siya tuluyang umuwi, hindi niya agad makuhang umalis para iwanan si Miss Bernal kahit hindi pa siya masyadong sigurado na siya nga ang ama ng dinadala nito. Ang pinanghahawakan pa lang niya ay ang second person’s statement. But he assumed na kanya nga iyon. Pagakauwi niya ng mansion agad siyang nag-message kina Donie, Albert, at Daniel at ganito ang sinabi niya. We have a serious problem about Nightbird I need to talk to you tomorrow you must be there in my office. Si Daniel agad ang unang nagtanong sa kanya dahil nagkita sila sa mansion doon din pala ito natulog kasama ang asawa at mga anak. Dumating din ng umagang iyon sina Donie at Albert na hindi makatiis. “Oh my, hindi talaga makapaghintay, ang sabi ko sa office di ba.” “E pwede naman dito e, makiki-breakfast na rin kami,” tugon ni Donie. Eksakto pa ang pagdating ni Jake, isa rin sa kanyang kapatid na ubod ng kulit. “O bakit nandito kayo?” lumapit ito kina Donie at Albert para mag-fist bomb. “E may urgent na patawag si Boss,” pagbibiro ni Donie. Nagpakawala ng hininga si Liam, “You guys are amazing.” “And what is the agenda?” curious na tanong ni Jake. “Hay naku itong si Kuya nakabuntis ng Nightbird,” pahayag ni Daniel. “Ano Nightbird as in ibon?” pag-uulit pa ni Jake. “Hay ano ba kasi ang pag-uusapan natin tungkol kay Nightbird?” pangungulit naman ni Donie. Tiningnan sila isa-isa ni Liam at tinatantiya ang mga magiging reaksiyon ng bawat kapag nalaman nilang si Nightbird ay isa sa mga empleyado niya. Nag-usap sila sa library at siniguradong walang makakarinig na iba lalo na ang parents nila dahil hindi pa niya alam ang magiging epekto ng pangyayari sakaling malaman nila. Natulala ang lahat sa kinuwento niya at hindi agad nakapagbigay ng reaksiyon. Hanggang sa matawa na lang si Jake. “Are you serious, totoo ba yang kwento mo kuya o nangpa-prank ka lang?” “I told you not to listen to kasi alam kong ganyan ang magiging reaksiyon mo,” napipikon niyang kastigo kay Jake. Binato ni Daniel ng gusot na papel si Jake para matigil na ang pagtawa. “He is serious about that story, Nightbird is real and she is pregnant right now at si kuya Liam ang ama. How can it be a prank?” Tumigil si Jake at naging seryoso ang hitsura. “Really?” “Hay sabing oo nga di ba at kami nga ang may kasalanan ng lahat ng iyon,” paliwanag pa ni Donie. “E pano yun, empleyado mo pa pala siya ano nang gagawin mo ngayon Liam?” tanong ni Albert. “Hindi ko alam,” halos mabaliw siya sa kakaisip ng paraan. “Kuya you should take care of her no matter what. Tandaan mo anak mo ang dinadala niya kahit medically you are not sure. Pero malaki ang posibilidad na anak mo iyon,” mariing paliwanag ni Daniel. “At kasangkot tayo sa pagkakabuo ng batang iyon, well not really,” saad ni Donie. “Kuya alisin mo siya sa hotel na iyon, delikado para sa kanya at saka sabi mo siraulo yung boyfriend niya baka hanapin at saktan niya ulit si Nightbird,” babala ni Jake. May punto si Jake pero paano niya sisimulang pangalagaan sila e hindi nga niya alam kung saan magsisimula. “Paano ba, I don’t know what to do,” damang-dama niya ang frustration. Litung-lito siya ng mga oras na iyon kaya lumabas muna sila para kumain ng breakfast at humigop ng mainit na kape. Sabay-sabay silang lumabas ng library at sinalubong sila ng Mommy at Daddy nila siyempre hindi mawawala si Donya Leonora. “O Liam bakit mukhang balisa ka na naman at mukhang hindi nakatulog. Napapadalas na iyan ha,” pag-aalala ng Mommy niya. “Good morning Mom, I’m okay.” “Hmmm… I’m not convinced. Mukhang may mabigat kang dahilan.” “Si Nightbird,” natatawang sagot ni Jake. “Shut up,” pigil naman ni Liam “Puro kayo kalokohan kumain na kayo,” saway ni Donya Leonora na kanilang lola. Maya-maya’y may dalawang batang nag-uunahan na umupo sa kandungan ni Liam. It was Charlotte and Miggie, Daniel’s children. “Hello my little bunnies,” malambing niyang hinalikan ang magkapatid.“Gosh, tama na ang drama, I need to go home, hinihintay na ako ni Nate,” sabat naman ni Lara na feeling okay na ang pakiramdam kahit nahihilo pa.“No, you stay there at magpagaling ka. Ipinasundo na siya ni Daniel at nadoon na siya sa mansion,” sagot naman ni Jake. “Lara, I’m sorry din sa sinabi ko sayo, I was out of my mind. Hindi kita pinakinggan dahil pinaghaharian ako ng galit. Buti na lang tinawagan mo pa rin ako sa oras ng panganib.”“Hay okay lang ‘yon.”“Lara, me and Daniel promise you na ibabalik namin sayo si kuya. Wala nang sinumang pwedeng humadlang.”Napatawa si Lara ng bahagya dahil sa katotohanang tinanggap na niya ang tuluyang pagkakalayo nila ni Liam. Hindi na siya umaasa pa, tama na, sarili naman niya ang kanyang iisipin. Baka talagang ito ang kapalaran nilang dalawa.“Ano ba kayo, hayaan na natin ang lahat. Tanggapin na lang natin na baka hindi talaga kami para sa isat-isa. Huwag na kayong gumawa ng anumang paraan. Sobrang dami na ng pangyayari na nagpahiwalay sa am
“Hello, Lara I’m canceling our contract. Sa iba ko na lang ipapagawa ang garden ng clinic ko. I’m sorry.”Nagtaka si Lara sa desisyon n iyon ni Abby. Hindi na siya nakasagot dahil binabaan na siya nito ng tawag. May kutob siyang hindi naging maganda ang naging pag-uusap nila ni Jake.Pumunta siya sa mansion para kausapin si Jake. Wala pa ito pero hinintay pa rin niya. Buti hindi ito natagalan at agad ding dumating.“Jake, what happened? She cancelled our contract.”“Lara, please huwag ka nang makialam, problema ko ‘to, problema namin ‘to. Ni hindi mo nga maayos ang problema nyo ni kuya e tapos makikisawsaw ka pa sa problema namin ni Abby!”Parang sinaksak sa puso ang pakiramdam ni Lara sa kanyang mga narinig. All this time ganon pala ang tingin sa kanya ni Jake matapos ang mga panahong dumaan sila ni Liam sa mga pagsubok.“Oh, wow, huh, pasensiya ka na…” Halos maluha siya sa pagkapahiya. “Pasensiya ka na, I’m sorry, sige hindi na ako makikialam. I’m sorry.” Lumabas siyang lumuluha, pa
“Malapit ka nang mapasaakin Abby,” mapanuksong bulong ni Director Go kay Abby habang nasa pantry sila at kumukuha ng pagkain.Tila nakaramdam naman si Abby ng pandididri sa kanyang katawan habang palihim na hinahaplos nito ang kanyang balakang.“Please, Director Go have some respect, nasa public place tayo,” mariin niyang pakiusap.Mapaklang ngiti naman ang iginanti ni Director Go. “Respect? Karespe-respeto ka ba?” pang-iinsulto nito. “Ibinenta ka nga lang sa akin ng pamilya mo, remember?”Napapikit na lang si Abby sa pagpapaalalang iyon ni Director Go. Totoong ipinangbayad-utang siya ng kanyang pamilya dahil sa mga kapritso ng mga ito. Masakit mang tanggapin pero wala siyang magawa sapagkat pingakaisahan siya ng kanyang mismong pamilya. Ito ang pinakamasakit na betrayal na natanggap niya sa buong buhay niya. “I’m sorry but I have to leave, meron pa akong mga pasyenteng naghihintay.” Gumawa na lang siya ng alibi para lang matakasan ang manyakis na si Director Go. Matapos ang kanyan
Nanginginig ang buong katawan ni Lara nang mabasa ang mga habilin ni Liam patungkol sa isinalin na ari-arian sa kanilang mag-ina. Maging ang katotohanang ipinaubaya siya nito kay Clark. Hindi siya makapaniwala.Malungkot na ipinaalam sa kanya ni Jake ang mga naging desisyon ni Liam.“This is not true, this not true!” himutok niya.“I’m sorry Lara, nagawa ni Kuya ‘yon dahil hindi siya sigurado sa mangyayari,” paliwanag ni Jake.“Wala ba siyang tiwala sa akin, na kaya ko siyang mahalin kahit anong mangyari! Na hindi ko siya iiwan! I hate him, I hate him!” sigaw niya.Tahimik lang si Jake.“Bakit ba palagi na siyang handang iwanan ako! Bakit hindi niya ako kayang ipaglaban!”“Im sorry Lara,” ang tanging naisagot lang ni Jake.TIME pass by na pinipilit na lang ni Lara na muling mamuhay ng normal pero may kirot pa rin. Wala na siyang balita kay Liam, maging ang family nito ay hindi na rin nagbabalita sa kanya. Sa tuwing may family gathering sila ramdam niyang umiiwas ang mga ito na pag-usa
Nakiusap si Liam sa pamilya niya na makausap si Lara ng sila lang. Kaya iniwan sila ng mga ito.Pinalapit niya si Lara saka hinawakan ang kamay.“Lara, I promise to comeback in your arms. Kahit anong mangyari babalik at babalik ako sayo.” Hinagkan niya ang kamay nito.“Panghahawakan ko ang pangako mo. At nangangako rin ako na aalagaan ko ang aking sarili at si Nate. Ikaw din, sikapin mong makabalik sa amin please.”Mas lalo lamang nadudurog ang puso niya sa mga iyak na iyon ni Lara. Hindi nito deserve ang masaktan pa.Minabuti niyang tawagan si Clark Manson upang kausapin ng masinsinan. Walang ibang nakakaalam kundi silang dalawa lang.“Clark Manson, siguro naman alam mo ang kondisyon ko,” paunang salita niya. “I don’t know anything,” sagot nito.“My life is at risk at walang kasiguraduhan kung makakabalik pa ako ng buhay o maayos. Tama ka isa akong duwag and I would take the opportunity of being coward.”Kumunot ang noo ni Clark. “I don’t understand.”“It’s about Lara. Gawin mo na a
“If you want her back, ayusin mo ang sarili mo,” minsang payo pa ni Liam.“Who said that I want her back. No. That bitch! Matimbang pala sa kanya ang pamilya niya e de do’n siya.”“Pamilya niya ‘yon, natural lang na gano’ n ang pagtingin ni Abby.”“But I’m her husband, may pamliya na kami, suppose to be.” Napangiti siya ng may kapaklahan dahil naalala niya ang ginawa nitong pag-take ng pills na lingid naman sa kanyang kaalaman na ang pinakadahilan ay ayaw nitong magkaanak.“Baka naman may mabigat siyang dahilan.”“Tss. Whatever, basta ayaw ko na siyang makita.MGA ILANG buwan rin ang lumipas na talagang nawalan na sila ng balita kay Abby.Tuloy pa rin ang buhay, ngayon naman si Jordan na ang ikakasal. Nag-eempake si Liam ng gamit na dadalhin niya habang si Lara naman ay inaayos ang gamit ni Nate. All of a suuden nakaramdam siya ng matinding sakit ng ulo. Pinigilan niya ang mapasigaw sa sobrang sakit, dahil inisip niyang baka naman simpleng sakit lang at mawawala rin maya-maya. Medyo n