Share

Chapter 3

"Huwag kang sumimangot d'yan!" Sita sa akin ng mayordoma. "Anong akala mo sa sarili mo? May-ari ng bahay? Jusko! Dapat maaga kang gumigising!"

Mas lalo akong napanguso habang nagwawalis sa front yard. "Hindi po ako ngumunguso, Manang. Duck lips po ito. Uso ito ngayon."

"Siguraduhin mo lang. Malalagot ka talaga kapag nakita ka ng amo natin na ganyan hitsura mo!"

Tumalikod ako sa kanya at patagong umirap. I don't want to be rude pero kating-kati na akong pagsalitaan siya ng masasamang salita. Sinira niya araw ko!

I was sound asleep in my small room. Di bale na maliit pero cozy naman. Even though I'm still not familiar with the place, ironically, I feel comfortable. Alam ko naman na maid ako pero hindi ko alam na dapat gising na pala ako alas tres ng umaga. Sobrang sarap na ng tulog ko nang bigla akong sigawan ni Manang Abby sa tenga. Ang tamad-tamad ko daw for a maid. Pwede naman niya akong gisingin sa ibang paraan pero kailangan ba talaga akong sigawan?

I woke up still so sleepy at sapilitang pinagluto nang umagahan. Una na din kaming kumain since ang sabi ni Manang marami daw akong gagawin ngayon. Naligo na din ako at nang sumikat na ang araw ay saka na ako nagsimulang magwalis sa front yard nilang sobrang lawak. Aabutan siguro ako ng bukas nito. Buti nalang marunong ako sa mga gawaing bahay. Yes, Dad spoiled me with everything I want pero hindi ako hanggang spoiled lang. I help our maids in cleaning the house. Ako ang naghuhugas sa pinagkakainan namin pero pinagbawalan na ako ni Daddy. Sabi niya nandyan naman daw si Manang para maghugas so why would I bother? 

As I was doing my business, bigla nalang may nagdoorbell. Hindi ko na sana papansinin kasi abala nga ako sa pagwawalis pero si Manang sinita ako para pagbuksan yung pinto.

"Hoy! Buksan mo yung gate!" Utos niya sa akin.

Sumimangot ako pero bago ko pa maharap siya ay sapilitan akong ngumiti. 

"Manang may nililinisan pa po ako," I said, still smiling forcefully.

"Alangan naman ko yung magbubukas? Sino ba sa atin ang mas bata?" She pointed out.

Labag man sa kalooban ay bumuntong-hininga ako at sinunod yung utos niya. Nakabusangot kong tinungo yung gate.

"Daming utos naman neto. Akala mo naman siya yung nagpapasweldo sa akin," I whispered under my breath.

With a frown, I opened the gate and was taken aback by the person behind it. Isang napakagwapong lalaki ang bumungad sa akin. He still have that same smile that he wore last night.

"Hi, Ava. Good morning," bati niya sa akin.

Napakurap ako at agad ding ngumiti. "Good morning din, Sir Kento."

Mahina siyang tumawa. "Stop calling me sir. Sinabi ko naman sa'yo kagabi diba that you can talk to me casually."

"Inappropriate po kasi. Katulong lang ako dito," I reasoned out.

"Pero magkaibigan naman tayo, diba?" He asked.

Napakurap ako at hindi mapigilan ang mapangiti. "Kaibigan?"

"Ayaw mo ba?"

"No. Hindi!" Iling ko. "Naninibago lang."

He chuckled. "From now on, you're gonna call me Kento. Is it clear, Ava?"

I nodded. "Oo. Kento."

Lumawak yung ngiti niya saka umiwas ng tingin. Napangiti ako nang sobrang lapad. Yung tipong parang mapupunit na yung gilid ng labi ko.

"Anyway, gising na ba si Tim? Hindi ko kasi siya sumasagot sa mga tawag ko kaya pumunta na ako dito," tukoy niya sa amo ko.

Nang banggitin ang pangalan ng lalaki at bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi. Damn! Gusto kong kalimutan pero hindi ko magawa. Ikaw ba naman ang mahalikan, tingnan natin kung lulubayan ka ba ng alaala.

"H-Hindi ko pa siya--"

"Dude!" Someone shouted.

Magkasabay kaming napalingon ni Kento sa bukana ng masion. It's Timothee. Yung amo ko kaya agad akong umiwas ng tigin. Nagsitaasan yung mga balahibo ko dahil sa naalala. Kahit ang pagtingin nga lang sa kanya ay tila napakahirap.

"Dude! How are you feeling?" Tanong ni Kento sa kanya.

Nagpaalam siya sa akin na lalapitan niya lang yung kaibigan. Tumango naman ako at agad ding nag-iwas ng tingin. Para hindi na ako makaramdam nang pagkailang ay tumalikod na ako at bumalik sa naudlot na pagwalis.

"Who was that? Bago mo?" Rinig kong tanong ni Timothee.

He wasn't able to remember me? Hindi ba niya naaalala yung nangyari kagabi? Hindi man lang niya ba ako namumukhaan? I feel offended.

Pero paano niya naman ako mamumukhaan 'e panay nga yung pag-iwas ko? 

"Don't you know her?" Rinig kong tanong pabalik ni Kento sa kaibigan. "She works here. She's a new maid."

"Really? Kailan lang?"

"She started yesterday. Hindi mo na siya nakilala kagabi since sobrang lasing mo na."

Panandalian siyang natihimik habang ako naman ay napakagat nalang ng labi. Gosh! Sana naman hindi niya naalala kagabi. It still feel so weird.

"Was I that drunk?" Tanong niya. "Wala talaga akong maaalala."

Napahinga ako nang maluwag. Buti naman. Pinagpatuloy ko nalang muna yung pagwawalis habang nakikinig pa rin sa kanilang usapan. Hindi naman halatang Marites, ano?

"Ow!" I heard my boss winced. "What is this?"

Naplingon ko sa direksyon nila at nakitang hawak-hawak niya yung panga niya. Nanlaki ang aking mga mata. Sh*t!

Napatingin siya sa direksyon ko kaya umiwas ako nang tingin.

Tang*na! Hindi ko akalaing magkakapasa yung panga niya. After he kissed me last night, of course hindi ko pwede palalagpasin iyon. Hindi ako nagdadalawang-isip na suntukin siya sa panga. After nun nakatulog agad siya. I didn't bother fixing him to sleep since I didn't like what he did.

"Where did I get this?" Tanong niya.

"You may have bruised yourself when you collapsed on the floor last night. Sa sobrang kalasingan mo ay kahit yung pagtayo ay sobrang hirap. I had to take you home myself," Kento explained.

Chandler sighed. "Remind me not to drink that much again."

"Gladly," Kento chuckled. "Anyway, are you ready?"

"You bet I am," he said. "Maid!"

Napalingon ako sa direksyon nila at tinuro yung sarili. "Ako?"

"Yes you! Ako ba yung maid dito?" Pamimilosopo niya.

Kumunot yung noo ko. How rude.

"Dude, don't be rude," sita ni Kento.

"You know na ayaw ko sa mga lutang. Why did Dad hire someone this slow?" Pang-iinsulto niya.

"Still. She's a girl."

"Whatever," irap niya. "Hali ka nga dito! Dalhin mo mga gamit ko!"

Mas lalong kumunot noo ko. Dadalhin gamit niya? Napalingon ako kay Manang Abby na dali-daling lumapit sa akin.

"Ito yung trabaho mo ngayon. Sasamahan mo sina Sir Timothee ngayong araw bilang personal maid," bulong niya sa akin.

"Personal maid?!" Pabulong kong sigaw.

"Oo! Hindi ba't yun ang inapplyan mo? Sige na! Tama na ang dada. Lapitan mo na amo mo," tulak niya sa akin.

Nabitawan ko yung walis at kahit naguguluhan man at lumapit ako sa direksyon nila. Personal maid? Wala akong sinabi kay Daddy na gusto ko maging personal maid. Ang sabi ko ay maid lang. As in house maid. I don't want to be his personal slave!

"Dalhin mo 'yun!" Turo niya sa malaking bag. Hindi na niya ako tinapunan ng tingin at agad tumalikod.

I frowned as I watch his back walking away. Walang gana kong nilapitan yung bag na obvious namang mabigat. I sighed. I reached for it and before I can grab the bag ay may kumuha na nito. I look up and saw Kento smiling.

"Ako na," he said.

Umiling ako. "Hindi pwede. Trabaho ko ito," I insisted.

"Trabaho din ng lalaki ang hindi pahihirapan yung babae," ngisi niya. "Let's go?"

Hindi niya ako hinintay pang sumagot at sumunod kay Chandler. Nilingon ko si Manang na napailing. Para hindi na makarinig ng sermon mula sa kanya ay dali-dali akong sumunod sa dalawang lalaki.

Pagkalabas namin ng gate ay may naghintay palang sasakyan. Ito siguro yung sinakyan ni Kento kanina. Bubuksan ko na sana yung pinto pero pinahinto ako ni Timothee.

"Doon ka sa harap," he pointed at the seat next to the driver.

Hindi na ako sumagot pa at sinunod yung sinabi niya. I opened the door and fastened the seatbelt.

"Marunong pala ang mga katulong na magseatbelt?" Nang-aasar na tanong niya.

"Tim," sita ni Kento.

"What? Nasorpresa lang ako."

"That's not nice," iling ng kaibigan niya.

"I know what's nice and what is not, Kento. Kaya huwag mo akong pangaralan," he said.

Patago akong napairap at nilingon yung bintana. Sinimulan na nung driver ang pagmaneho. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta ang trabaho ko daw ay susundin kung ano yung utos ng boss.

Speaking of boss, hindi ko alam kung bakit parang ayaw na ayaw niya sa akin. Wala naman siguro akong ginawang masama sa kanya no? Well, except sa pagsuntok ko sa kanya na hindi naman niya naaalala. If he hates then guess what? Mas ayaw ko sa kanya. I can't believe Dad agreed for me to marry this rude man. Okay na sana kung si Kento.

Knowing I have a big fat crush on him.

"Kahapon ka pa ata bad mood. May nangyari ba?" Tanong ni Kento sa kanya.

Nananatili lang sa labas ang tingin ko habang nakikinig pa rin sa usapan nila. Curious din ako no kung bakit ang init ng ulo niya. Lalo na sa akin.

"My Dad told me that I am destined to be in a fixed marriage," he said which caught my attention.

"He what?"

"Sinabi niya sa akin kahapon. I don't even know who that person I am marrying. Probably one of those pick me girl daughter of his business friends."

Tumaas ang magkabila kong kilay. Pick me girl? Ako? Pick me girl? Huh! Mukhang magandang ideya nga itong plano kong maging maid niya. Malalaman ko kung ano yung pinagsasabi niya laban sa akin.

"Don't think that way. Since anak ng kaibigan ng Daddy mo, siguro naman desente. Maybe she's a girl with class. Who knows?" Sabi ni Kento.

Mabuti pa itong si Kento sobrang bait. Bakit hindi pwedeng siya nalang. He seems better than the latter. Saka mas nagkakaintindihan pa kami kumpara sa isa. We are now even friends. Mukha naman kaming compatible.

"Alam mo ba kung bakit sinabi nilang don't judge a book with its cover? Ganun din yun. She may look pretty and classy pero may tinatago pa rin yung hindi kanais-nais," sagot niya.

"Why do you think that way? Hindi mo pa nga nakilala yung babae."

"Because I don't like the idea of marrying someone just to keep the wealth of the family," he replied.

I looked down at my fingers as I play with them. Looks like I'm not the only one who feels that way. Hindi ko naisip na baka ayaw din niya ang makasal sa akin. We were left with no choice but to do what we were told to do. Kahit ayaw namin ay wala kaming magawa. This is how our world works. We are rich and spoiled, but we can't always get what we really want.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status