Share

Chapter 2

"You want to be a what?!" Gulat na tanong ni Dad.

"I want to apply as their maid. That way mas makikilala ko pa siya nang lubusan," I replied.

I know. Pretending to be a maid would seem like I'm an undercover spy like one of those action movies I watched. It may sound childish or useless to others pero gusto ko talagang gawin ito. Getting married to someone all of the sudden is boring enough. So why not do something crazy before getting married. Malay niyo, mag-eenjoy pa ako.

"Anak, hindi na nga kita pinapahirapan pa. Why would I agree on your plan to be their maid?" Nag-aalala niyang tanong.

"Dad, you asked for this favor. Gusto ko lang ding gawin yung pabor mo sa paraan na mag-eenjoy ako. Besides, pretending to be a maid could be the best way to know him. You know, walang filter," I explained.

"You can know him through constant chats. Hindi mo na kailangan pang magpanggap. Please, anak. Huwag mong pahirapan yung sarili."

I sighed. "Do you think he will show his true self when I do that? No. He will act good like how people expected him to be."

Why can't Dad see my point? Hindi ba siya nag-aalala na baka saktan ako nung tao? What if nananakit pala siya at saka niya lang ipapakita sa akin kapag nakasal na kami? Paano kung gumagawa siya nang illegal na gawain at madamay pa ako? I still want to do a lot in life and I don't want this marriage hinder what I want to do in life.

"Anak naman--"

"If you won't agree then I would have to say no for this proposal," I paused. "Take it or leave it."

Napapikit siya nang mariin at yumuko. I watched him as he started combing his hair with his fingers frustratedly.

"Do you really need to?" He asked.

I nodded. "Yes."

"But it's risky."

"I am willing to take the risk," determinado kong sabi.

Bumuntong-hininga siya at tumango. Napangiti ako nang bahagya. He agreed. Yun lang naman ang hinihintay ko mula sa kanya. I knew he would agree. If he won't then his friend's company will be compromised.

"Thanks, Dad," ngumiti ako at tumalikod na. "See you at dinner!"

"I won't be home until midnight," sabi niya kaya napahinto ako.

"Po?" I asked without facing him.

"Marami pa akong tatapusin dito kaya hindi muna ako makakauwi nang maaga. You're okay with that, right?" 

Tumango ako kahit nakatalikod pa rin.

"It's fine, Dad. Maaga din naman akong matutulog since aasekasuhin ko pa yung bago kong trabaho," masigla kong sagot.

"Trabaho?" He asked again.

Pilit akong ngumiti bago siya hinarap. "As a maid. I need to pull some strings para makapasok. Anyway, huwag po kayong magpapagutom. Bye!"

Kumaway ako sa kanya at agad tumalikod.

"Take care!" Sigaw niya pabalik.

Pagkalabas ko nang office niya ay saka na nawala yung ngiti. Hindi na naman niya ako masasamahan sa pagkain. Ilang beses lang niya ako sinabayan simula pa nung naghiwalay sila ni Mommy. All he had been doing was to work. Minsan napaisip pa ako kung anak pa ba yung trato niya sa akin. He didn't act as my father anymore when they separated. Hindi na ako magtataka kung bakit madali lang sa kanya ang itali ako sa iba. Ngayon ko lang siya pinagbigyan. 

One reason that why I agreed to do this because I want to get recognition from him. Nakatayo na ako nang sariling clothing line but I didn't get a single congratulations from him. Natapos ko yung kolehiyo at ganun pa rin. It seems like my hard work is not enough for him— or maybe he just doesn't care.

Gusto ko lang naman ipatunay sa kanya na kaya ko ding maging mabuting anak. I could be the daughter that he can be proud of. I may seem fine from the outside but I am broken in the inside. Gusto ko lang marinig mula sa kanya ang mga katagang 'I am proud of you, anak'. Is that too much to ask?

"Welcome to the Chandler Mansion!" 

The mayordoma welcomed me. Gusto ko na sanang ngumiti sa paraan niyang pag-welcome sa akin pero agad namang nawala yung ngiti niya sa mukha. 

"Ako si Abby at ako ang masusunod sa pamamahay na ito, maliban sa boss natin," she said with a strict face. "Sumunod ka sa akin. Ihahatid kita sa magiging silid mo."

Tumango ako sa kanya at sumunod. My m*****a side wanted to roll my eyes and fire her with words that I may regret later but my rational side said that it is bad. Huminga ako nang malalim at kinalma yung sarili. That's right, Ava. Kalmahan mo lang sarili mo. Bawal ang m*****a sa pamamahay na ito kasi maid ka lang.

"Ano nga pala pangalan mo?" Tanong niya sa akin.

"Ava po," I replied.

"Ava? Ang sosyal naman ng pangalan mo. Atsaka ang kinis din ng kutis mo. Maganda din yung hugis ng katawan mo. Sigurado ka bang maid ka?" She asked suspisciously.

I nodded. "Opo. May ginamit po akong pampaganda kaya makinis yung kutis ko. At araw-araw din akong nage-exercise para hindi ako madaling mapagod kapag gumawa ng gawaing bahay," I smiled humbly.

Mukha namang nadala siya sa sinabi ko dahil napatango na din siya. Napahinga ako nang maluwag. Buti nalang kumagat siya. I need to keep my acts para hindi mahalata. 

"Ito yung magiging silid mo." 

Binuksan niya yung pintuan at bumungad sa akin ang maliit na silid. Tumaas ang magkabilang kilay ko sa nakita pero bago pa man niya makita ay ngumiti na ako nang matipid.

"Osya. Maiwan na kita. Matapos mong mailagay lahat ng gamit mo ay suotin mo na din yung uniform mo. Nasa cabinet lang yun," turo niya sa gilid.

"Opo. Maraming salamat po," I slightly bowed.

Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa bago tumalikod at iniwan ako. Nang hindi ko na siya makita ay saka na ako pumasok sa silid at sinarado yung pinto. Inilibot ko ang aking mga mata at halos maiyak na sa nakita. My bathroom is bigger than this!

Sobrang liit ng space! May kama sa gilid for one person only. May maliit din na cabinet at saka bintana. Yun na yun. Buti nalang may aircon. Pero kahit maliit lang ito ay malinis naman.

Napaupo ako sa kama at binuksan yung sako bag ko. I have to fit to my concept. Imbes na maleta yung dadalhin ay dinala ko yung sako bag. Nahirapan tuloy akong buhatin yung dala ko. I also have to change my clothes. Gone was my designer clothes. Bumili pa ako nang ilang plain T-shirts at shorts. Wala akong reklamo since pinili ko naman ito. I own a clothing line and yet I wear simple clothes. How ironic.

Binuksan ko yung cabinet at may nakitang uniporme pang-maid. Kinuha ko ito at in-ekspeksyon. I nodded at the quality of the cloth. In fairness mukhang comfortable siyang suotin. Pwede na.

Nilagay ko na yung mga damit ko sa cabinet. Matapos kong gawin ang lahat-lahat ay napahiga ako sa malambot na kama.

"Ito na, Ava. Wala nang bawian ito," bulong ko sa sarili.

Bumangon na ako at isinuot yung uniporme. It looks okay naman. Lagpas tuhod yung length ng skirt at mahaba din yung manggas. Pormal naman siya kung tingnan.

Lumabas na ako nang silid at sakto namang kalalabas din ni Manang Abby sa silid niya.

"Mabuti at tapos ka na. Bilisan mo! Nand'yan na amo mo!" Nagmamadali niyang sabi.

Dahil nataranta siya ay nataranta na din ako. Ano daw? Nandito na boss ko?

Sinundan ko si Manang na halos liparin na yung daan papalabas. Saktong-sakto namang paglabas namin ay siyang paghinto nang sasakyan sa harap namin. A very tall man went out of the car and my jaw almost dropped at his handsomeness. Shit! Ito ba yung papakasalan ko?

Nilingon ko si Manang at nakitang seryoso lang yung mukha niya kaya nakigaya na rin ako. I kept my face as straight as possible.

Umikot yung lalaki sa sasakyan at binuksan yung kabila. Tumaas yung kilay ko. Is he not coming home alone? Babae ba kasama niya? Are the rumors true about him being a womanizer?

All my questioned were answered when he helped another man out of the car. Mukhang lasing yung isang lalaki kasi halos hindi na siya makatayo. 

"Marami ba ang nainom niya?" tanong ni Manang sa lalaki.

The sobber one chuckled. "Medyo--" napahinto siya nang makita ako. "Hindi ko alam na may bisita pala kayo," he smiled.

My heart fluttered at his smile. Damn! Ngayon lang ako nakaramdam nang ganito. I'm not gonna deny. It looks like I have a crush on him. Ang ganda ng boses niya pati yung ngiti niya. Dad! Hindi na ako mahihirapang pakasalan siya!

"Nako! Hindi namin siya bisita, hijo. Katulong lang din siya sa mansion," paliwanag ni Manang.

Gusto kong ngumuso pero pinigilan ko nalang. 

Tumaas yung kilay ng lalaki. "Oh? Hindi halata," he smiled again. 

"Shinong bishita?" Tanong nung lasing. "Chiks ba? Hehehe."

Kumunot yung noo ko. Sino ba itong lalaking ito? Pinapahirapan pa niya yung poging lalaki. Doesn't he have some decency? My God!

"Hoy! Ano pa ang hinihintay mo?" Sita ni Manang sa akin. "Alalayan mo na amo mo!"

Tumaas yung magkabila kong kilay. "Po?"

"Dalhin mo sa silid niya. Tulungan mo si Sir Kento!" Sabi niya.

Nanlaki ang aking mga mata. What?! So hindi itong poging lalaki ang boss ko kundi itong lalaking lasing? 

Even though I'm still hesitating, lumapit ako sa dalawang lalaki at inalalayan yung lasing. Hindi ko kabisado yung buong bahay pero buti nalang kasama ko sa pag-alalay yung tinawag ni Manang na Kento.

"He will get sober when you make a soup for him," sabi ni Kento nang maihiga na namin yung lalaki.

"Salamat po," ngiti ko sa kanya— pilit tinatago yung kilig.

"Ngayon lang kita nakita dito. Are you new?" Tanong niya.

"Opo. Kakasimula ko lang ngayong araw," sagot ko.

He chuckled. "Please. Huwag ka nang mag-'po' sa akin. Mukhang magkasing-edad lang naman tayo."

Napangiti ako nang marinig ulit yung tawa niya. Sht! Ang sarap sa tenga.

"Okay," I nodded.

"And your name is?" He asked.

Napakurap ako. "Ava," I smiled.

"Hi, Ava. Ako nga pala si Kento. It's nice to meet you." He stretch his hand for a handshake.

"Nice to meet you too," I reached for his hand and we did shake hands.

Hindi mawala-wala sa labi ko yung ngiti at ganun  din siya. I haven't felt this happiness in a long time. Damn! Nakakabuo nang araw!

Bigla nalang nag-ring yung phone niya kaya naputol yung titigan namin. Binawi niya yung kamay niya at kinuha yung phone niya.

"Excuse me," he smiled. "I need to go. Maybe we'll see each other next time."

Tumango ako. "Mag-ingat kayo."

He smiled at me. "You too."

Ngumiti muna siya bago tumalikod at naglakad papalayo. Napahawak ako sa dibdib ko at napangiti na parang baliw. Sobrang bilis nang tibok ng puso ko at nanghihina din yung mga tuhod ko. Napaupo ako sa kama pero hindi ito natuloy nang may naupuan ako. I look at it and saw someone's leg. Nakalimutan ko.

Tumayo ko at pinagmasdan yung lalaking lasing na lasing. Namumula na yung magkabila niyang pisngi. Mahahaba ang kanyag pilik-mata at mapupula din yung mga labi niya.

Nagulat nalang ako nang bigla siyang nagmulat. Tumaas yung kilay ko nang napatitig siya sa akin. A flirty smile formed on his lips.

"You look hot," he said and then closed his eyes again.

I groaned. "Unbelievable! Ito ba yung papakasalan ko?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status