Share

Ang Pag-eensayo

Pagkatapos naming maidala si Mrs Sañiego sa isang lugar na ligtas kung saan mga Agent lang ang nakakaalam. Agad kaming bumalik sa Head Quarters para sa pagsasanay. Alas tres na ng hapon ng makarating kami.

Pagkababa ko ng sasakyan ay agad kaming nagtungo ni Leo sa likod ng Head Quarters kung saan saan ginaganap ang pagsasanay. May nakasabit sa gitna na isang papel na may nakaguhit na tao. Hindi pa nagsisimula ang pagsasanay.

"Halika upo tayo doon kina Faith." yaya sakin ni Alexandra at kinuha ang kamay ko patungo sa gilid kung saan nakaupo si Faith. Iniwan ko si Leo na kausap si Harold. Umupo kami sa bakanteng silya na nasa tabi ni Faith. Lumingon sakin si Faith. Ngumiti siya sakin.

"Ikaw yung dinala ni Leo na sugatan diba?" tanong niya sakin.

"Opo, Agent. Ako nga po." wika ko sa kanya.

"Masyadong pormal. Just call me Faith. What's your name?" Inilahad nito ang kamay sakin at tinanggap ko iyon.

"Rhianna, Rhianna Evangelista." wika ko.

"Sandali, naiihi ako. Punta lang ako sa CR." paa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status