Share

Huling Misyon

Limang araw lamang ang itinagal nang pagpapahinga ni Leo at magaling na ang sugat niya. Nandito ako ngayon sa kaniyang kwarto at tinatanggal ang bandage sa kaniyang sugat. Nang matanggal ko iyon ay sinipat ko ang braso. Naghilom na yun.

"Hayan. Okay ka na." wika ko tsaka siya tiningnan. Matamis ang ngiting iginiwad niya sakin tsaka ako kinindatan.

"Magaling ang nurse ko e." wika niya. Inirapan ko lang siya.

"Tatawagan ko so Agent Jerald para sabihin na handa na ako." wika niya. Nag-usap kasi sila na kapag ayos na si Leo doon na nila sisimulan ang paghuli kay Ysmael.

"Sige." wika ko tsaka umupo sa tabi niya.

Inakbayan niya ako na mas nagpakilig sa akin. Kinuha niya ang cellphone niya sa bedside table. Tiningnan ko ang ginagawa niya. Idinidial niya ang cellphone number ni Agent Jerald. Ilang ring lang ang lumipas, sinagot na iyon ni Agent Jerald. Iniloud speaker iyon ni Leo para marinig ko.

"Agent Leo! Kamusta?" tanong ni Agent Jerald na nasa kabilang linya.

"Ayos na po ako." wika niya
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status