NGAYON ay nauunawaan na niya kung bakit sinasabing strikto at masungit si Miguel. Ayaw nitong matulad sa Daddy niya na inaabuso. Sa murang edad ni Miguel ay natuto ito sa buhay dahil sa pagmamalupit ng sariling ina. Tinukod ni Gabriella ang siko niya sa unan habang ang palad niya ay nakasapo sa pisngi. Tinunghayan si Miguel na noon ay nakatingin lang sa kisame na parang malayo ang iniisip. "Ano ang balak mo?" tangkang tanong ni Gabriella. "Kakausapin ko si Daddy bukas." tumingin kay Gabriella. " Nagtataka lang ako na bakit sa chapel siya nakaburol, samantalang may bahay siya na binigay ni Daddy." nakakunot ang noo ng binata. "Sana'y hindi niya naisipan ibenta ang bahay ninyo." "Pero posible din na binenta nga niya ang bahay at ginamit sa bisyo," tiim ang bagang na sabii ni Miguel. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila. Muling nahiga si Gabriella. "Galit ka ba sa Mommy mo?" lakas loob na tanong niya kay Miguel. "Wala naman akong nararamdaman para sa kanya.
NATIGILAN si Miguel sa ginagawa kay Gabriella at itinuwid ang katawan. Marahang binitawan ang dalaga na noon ay nataranta nang marinig ang boses ni Manang Betty. Sa kabila ng pagkagulat ni Gabriella ay maalab pa rin ang mga mata nito sa mainit na tagpo nila ni Miguel. "Kung hindi lang siya si Manang Betty, sisisantihin ko siya," mahinang bulong ni Miguel. Hindi malaman ni Gabriella kung nagbibiro o seryoso si Miguel sa sinabi nito. Napahinga ng malalim si Gabriella habang ang kamay ay nasa dibdib dahil sa kaba. Si Miguel ay mariing napapikit dahil nasa katawan pa rin ang init at pagnanasa kay Gabriella. "Pasok ka na sa loob. Isarado mo na ang pinto," paos ang boses nito at kita sa mukha ang pagkadismaya. Magsasalita sana si Gabriella ngunit marahan siyang piniga ni Miguel sa braso at sinenyasan siyang pumasok na. Walang nagawa si Gabriella kung hindi sumunod kay Miguel lalo na nang alalayan siya nitong pumasok sa silid niya. Bago kabigan ni Miguel ang pinto pasara ay nginiti
NAGING kainip inip kay Miguel ang bawat oras na nagdaan kasama ang mga japanese investors na sobrang hilig sa alak. Hindi niya magawang tumakas sa apat na investors dahil katatapos lang nilang pirmahan ang mga agreements kaninang hapon. At sa tuwing magpapaalam siya sa mga ito ay hinihiritan pa siya ng ilang minuto hanggang sa umabot na ng ilang oras. Mayroon pa sana siyang meeting ng bandang alas-singko pero kinansela niya iyon dahil hindi siya makatanggi sa mga hapon na icelebrate ang naging business deal nila. Hindi din niya akalain na sobrang hilig pala ng mga ito sa alak at mukhang hindi lulubay hanggat hindi nauubos ang alak sa inarkilang silid sa loob ng japanese restaurant. Pero wala siyang magawa kundi makisama sa mga ito dahil malaking halaga din ang ininvest ng mga ito sa kumpanya nila. Ilang beses na rin niyang sinisilip ang oras sa suot niyang relo. Maya't maya rin ay sumasagi sa isip niya si Gabriella. Tiyak na naghihintay ang dalaga sa kanya sa mga oras na iyon. Kanin
BANDANG alas-tres ng hapon ay dumating si Moises pero hindi kasama si Miguel. Sinalubong niya ang matandang Mortiz at inalalayan sa pagpasok sa loob. Hirap itong humakbang dahil nagkaroon pala ito ng fracture dalawang buwan na ang nakakalipas sa bandang sakong noong naglaro ito ng golf kasama ang mga panyero nito. "Baka gabihin si Miguel ng uwi, Gabriella." sabi nito sa kanya habang nakaalalay siya sa braso. "Si Betty nga pala?" tanong nito at nilinga ang bandang kusina. "Inaayos po ang silid ninyo, tito Moises," sagot niya at inalalayan itong maupo sa sofa. "Tatawagin ko po," sabi niya at akma sanang tatalikod na pero siya namang labas ni Manang Betty galing sa silid nito. May dala itong tsinelas. "Narinig kong hinahanap mo ako," sabi ni Manang Betty at nginitian si Gabriella. Sinundan na lang ng tingin ni Gabriella si Manang Betty habang nakatalungko at tinatanggalan ng sapatos si Moises. Hindi niya namalayan na napaupo siya sa sofa katapat ni Moises. "Bakit ngayon mo pa l
PINARAANAN muna ni Gabriella sa harap ng salamin ang sarili bago lumabas ng silid. Nakasuot siya ng maong skirt na ang haba ay below the knee. Tinernuhan niya ito ng plain black semi-crop top. Nagsuot din siya ng flat sandals na kulay brown. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Lalo siyang nagmukhang matangkad sa suot niyang iyon. Kung tutuusin ay panglakad niya ang damit na ito pero wala na siyang ibang pagpipilian. Ang problema niya ngayon ay kung ano isusuot sa mga susunod na araw dahil ilang pirasong damit lang naman ang binaon niya. Akala niya ay makakauwi rin siya kinabukasan nung ayain siya ni Miguel. At hindi rin sigurado si Miguel kung hanggang kelan matatapos ang meeting nito bago siya ibalik sa probinsya nila. Naalala niyang dala nga pala niya ang kwintas na niregalo ni Miguel sa kanya noong kaarawan niya. Kinuha niya sa bag ang kwintas at marahang inilabas mula sa parihabang kahon. First time niyang susuotin ang regalong iyon ni Miguel. Maingat niyang hinawi a
NAGISING si Gabriella sa mumunting halik na dumadampi sa kanyang leeg. Dumapa siya at lalong isinubsob ang mukha sa unan. Ayaw pa niyang imulat ang kanyang mga mata dahil pakiramdam niya ay hindi sapat ang tinulog niya. "Wake up, honey," bulong ni Miguel sa tainga niya at bahagyang kinagat ang dulo nito. Umungol siya nang marinig ang boses ni Miguel at dahan dahang tumihaya upang masilayan ang mukha ng binata. Nakaupo ito sa tabi niya at nakatunghay sa kanya. Hinawi nito ang ilang buhok na kumalat sa mukha niya. "Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Gabriella kay Miguel. Pupungas pungas ang mga matang pinagmasdan niya ang binata. Nakasuot ng pormal na business attire si Miguel. Ang long sleeves na kulay itim ay nakatucked-in sa pants nitong kulay grey, kulay brown ang gamit nitong sinturon. At ang coat nitong kakulay ng pants ay maayos na nakabalabal sa balikat ng binata. Malinis at maayos na nakasuklay ang buhok nito na sa tingin ni Gabriella ay nilagyan ni Miguel ng gel u