Home / Romance / You Are The Reason (Tagalog) / Chapter 3: A Trip With Him

Share

Chapter 3: A Trip With Him

last update Last Updated: 2025-08-15 15:01:23

Kaagad humingi ng apology si Denzel dahil pinahintay niya ng ganoong katagal ang kanyang mga kasama. Maaga naman siya nakaalis pero naabutan pa rin ng traffic.

"I'm sorry kung pinahintay ko kayo ng matagal. Ma-traffic na kasi sa daan. Alam na, balik eskuwela nanaman mga bata." paliwanag na lamang ni Denzel na hindi maalis ang ngiti sa mga labi.

Mga ilang segundo ay biglang sumingit sa kanilang usapan si Gabriel, "Kasama ka?" Habang naniningkit mga mata nito na inaalam ang sasabihin ni Denzel.

"Ofcourse, ako nga nag-invite sa kanila na mag-outing eh," diretsahang sagot niya.

Pipigilan na sana ito ni Katherine na huwag magsalita subalit huli na siya dahilan upang magtaka naman si Denzel.

Kaya, nagawa niyang tumitig sa dalaga, "Why?"

Tinignan ni Gabriel nang masama si Katherine dahil sa ginawang pagsisinungaling nito sa kanya.

Nilapit ng dalaga ang kanyang bibig sa tainga ng kaibigan upang ibulong na lamang niya ang kasagutan sa tanong, "I didn't tell them that you invited us on a trip except, Arianne."

Napangisi si Denzel sa kanyang narinig saka napatitig siyq sa gawi ni Gabriel, "Kaya naman pala, Kath kung bakit ganyan ang itsura ng isang mong bodyguard. Ba't di mo na lang kasi sinabi?"

"Sa palagay mo ba nandito kami kapag di ako nagsinungaling?" nangngatwiran pang tugon ni Katherine kay Denzel dahil kung di siya nagsinungaling malamang di siya nakabihis ngayon.

"Ok, fine," napalunok ng laway ang binata sa gano'ng sistema. "Pero gusto ko tanungin pa rin siya- " Turo niya kay Gabriel na kanina pa silang pinagmamasdan. "Papayag ka pa bang matuloy itong outing?"

"Wala na akong magagawa dahil nandito na halos lahat!" sagot ni Gabriel na nakikita pa rin sa itsura nito ang pagkainis. Binaling na lang niya ang atensyon sa mga kailangang gamit na ilalagay sa compartment ng sasakyan.

"Thanks pa rin. Akala ko di na tayo matutuloy," nang may panghihinayang sana sa boses ni Denzel.

"Ikaw naman kasi Kath, ba't di mo kasi sinabi?" May paggmamaktol na pahayag ni Arianne sa kanyang pinsan. Umaakting din na wala siyang alam para namang di siya mapag-initan pa.

"Matutuloy pa rin 'yan noh. Siya lang naman kasi KJ dito sa atin,, tzk!" sambit ni Katherine nang may halong saya ngunit may pagkasarkastiko.

"Sabagay, hihihi," nagtawanan lamang silang dalawa ni Arianne.

"Oh, ano alis na ba tayo?" sigaw ni Denzel sa kanyang mga kasama samantala sila Gabriel naman ay nauna na palang nakasakay ng kotse.

Sina Katherine at Arianne ang kasama ng binata sa kotse nito. Nang paandarin na ng binata ang sasakyan ay bigla na lamang lumapit sa kanila sina Gabriel at Alfred na assistant bodyguard ng dalaga.

"Hey!" gulat at nagtatakang sambit ni Katherine sa mga ito.

Hindi nagtagal ay pinagbuksan na lamang kaagad ni Denzel ng pinto ng kanyang kotse ang dalawa na nasa labas.

"Dito kami na sasakay," paliwanag ni Gabriel nang makaupo na sila kasama sila Arianne.

"What?" gulat at reklamong tanong ni Katherine.

"Akala ko ba sa kabila sila," sabi pa ni Arianne nang may pagtataka rin.

"Bakit dito pala kayo sasakay?" tanong ni Katherine kina Alfred at Gabriel.

"Mr. Villarosa, right?" biglang tanong ni Gabriel kay Denzel. "Nakalimutan ko kasi na dapat pala kasama namin dito ang dalawa."

Napabuntong-hininga na lamang si Katherine at wala siyang ginawa kundi makatabi ang kanyang striktong bodyguard na si Gabriel.

"Ok, wala naman sa'kin na problem 'to since alam kong need niyong bantayan nang maigi si Kath," wika ni Denzel at biglang nawala naman kanyang ngiti sa labi nang napansin niya sa salamin na magkatabi pala sina Katherine at Gabriel.

"Di naman kami kikidnapin ni Denzel eh. Masyado lang kayong strikto na dalawa," reklamo pa ring saad ni Katherine.

"Si Sir Gabriel lang may utos nito, Ma'am Kath. Sumunod lang din ako sa kanya," paglilinaw ni Alfred habang itinuro nito si Gabriel.

"Ok, fine," tugon na lang ng dalaga nang may pagsuko dahil pag-aaksaya lamang pa ng laway ang makipagdiskusyon.

Nang makarating na sila sa lugar, mabilis na lumabas ng kotse si Arianne pati si Katherine. Napapaligiran ng maraming puno at halaman ang lugar. Mayroon ding batis na pwedeng paliguan ang makikita dito. Para talaga siyang kagubatan dahil sa napapagitnaan din ito ng mga bundok.

Nababakas sa mukha ng dalaga ang pagkamangha sa kanyang nakikita, "Nice 'to ah, Haze." Biglang napatakip ng bibig si Katherine nang anaman magkamali siyang pagsambit ng pangalan.

"Tzk!" dinig na dinig ng dalaga ang pagreklamo ng kaibigan. "Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo ah? Hays!"

"Sorry na. Nakasanayan ko na kasi tawagin kang Haze eh." Depensa na lang ni Katherine sa kanyang sarili.

Mga ilang minuto nakapagpatayo na rin sila ng tent doon. Tanging si Katherine at Arianne ang magkasama. Karamihan lima sila sa iisang tent samantala mag-isa lang din si Gabriel.

"Hiking muna tayo!" Biglang anunsyo ni Denzel sa kanila. "Kaya mo ba, Kath?"

"Syempre naman. Nasubukan ko na kaya 'yan noong elementary and high school days pa," nakangiting sagot ni Katherine habang nakatitig pa rin siya sa kanilang pupuntahan. Buo ang kanyang tiwala sa sarili na kaya niya pa rin iyon.

"Ako, susubukan pa lang since di ako sumasali noon sa mga camping and fieldrip katulad nito sa school," paliwanag naman ni Arianne tungkol sa kanyang boring na teenage days at napaakbay na lamang siya sa kanyang pinsan.

"Ano, game?" mabilis na singit ni Denzel habang nararamdaman na niya ang excitement sa kanilang gagawin. "Warm up lang muna tayo, ah."

Sinimulan na rin nila ang umakyat pagkalipas ng mga ilang segundo. Ingat na ingat si Katherine sa bawat paghakbang dahil may parte na may bato ang daraanan, may malalaking ugat sa mga puno at sa mga makamandag rin na damo. Sa wakas, nakarating na rin sila malayo sa kanilang kinaroroonan kanina.

Hingal na hingal at pawis na pawis sina Katherine at Arianne habang patuloy na pag-angat ng kanilang binti at paa sa pupuntahan. Nakikita sa kanilang mukha ang pagod na may kasama namang enjoyment.

Inabutan kaagad ng binata ang dalawa ng tubig, "Heto inom muna kayo!" Nang makita niya sa mga mata nito ang kapaguran.

Naabutan din sila kaagad nila Gabriel kahit sandali silang nahuli sa kanila.

"Naks, parang mag-jowa sina Ma'am Kath and Sir Denzel ah!" nakangising komento ni Yael sa mga ito nang mapansin niya rin kasi uminom si Denzel doon sa boteng ginamit ni Katherine.

"Oo nga eh," sang-ayon naman ni Patricio. Tuwang-tuwa silang pinanonood ang dalawa samantala seryoso lamang tinititigan ito ni Gabriel. Nais niyang obserbahan lamang ang bawat kinikilos ni Denzel kung mayroon mang kahinala-hinala.

"Matagal na ba sila magkakilala?" biglang tanong na lang ni Gabriel sa dalawang kasama na kapwa ding personal bodyguards.

Si Yael ang unang sumagot, "Oo, nasa college pa lang si Ma'am Katherine friends na sila ni Sir Denzel. Madalas nga 'yang magpunta sa bahay nila dati."

Napalingon saglit si Gabriel kay Yael habang ito'y nagkukwento.

"Pero naging close din niya si Ma'am Solemn na mama ni Ma'am Katherine, " dagdag pa nito.

"Ang sabi naman ni Ma'am Kath na friends lang talaga sila niyan at napagkakamalan na mag-jowa dahil gano'n daw talaga si Denzel maalaga at mapagmahal sa mga kaibigan niya," wika naman ni Patricio.

Para kay Gabriel, hindi sapat ang opinyon nila ni Patricio at Yael para maging kampante siya at magtiwala. Kailangan niya pa rin maging alerto at mapanuri dahil iyon obligasyon niya.

"Dahan-dahan lang." Habang inaalalayan ni Denzel si Katherine paakyat at sumunod din naman sa kanya si Arianne.

"Grabe, nakakapagod!" sambit ni Katherine at tumambay muna sila matapos ang isang oras na paglalakad. "Pero, nakaka-missed 'yong ganito!" Nakanguso siya habang nagkukwento.

Ngumiti nang tumitig si Denzel kay Katherine at napansin din iyon ni Arianne.

"Kung gusto mo at kung papayagan ka pa susunod, gawin natin ulit ito tapos sumakay tayo sa kabayo at iba pa," suwestiyon ng binata.

"Sana nga." Hinihiling ni Katherine na muli pa sana dahil ito ang isa sa mga bagay nagbibigay sa kanya ng enjoyment.

"Ako rin para naman maiba kaya?" singit naman ni Arianne sa usapan. "Eh, dahil sa sitwasyon ni Katherine nadadamay pa rin ako. Syempre magpinsan kami at ako ang personal assistant niya kaya kung nasaan siya nandoon din ako para alalayan siya."

Matapos ang dalawang oras na pag-akyat nila sa bundok muli silang bumababa at bumalik sa dating kinaroroonan. Halos magagabi na sila nakarating dahil madilim na rin ang kapaligiran.

Gumawa ng apoy ang ilan sa kanila upang magsilbing liwanag at magkaroon ng init sa kanilang paligid.

Ngayon, walo silang nakaupo at nagkukumpol sa isang pwesto habang kumakain ng gabihan.

"Ayos, ang pagkakaluto ah!" komento ni Yael habang ninanamnam ang pagkain. "Sino kaya nagluto?"

"Si Kuya Denz ang nagluto niyan," si Arianne ang mismong nakasagot dahilan upang natigilan si Katherine sa kanyang narinig.

"Ang sarap eh!" sambit naman ni Patricio. "Pwede pa makakuha niyon?" sabay tawa habang turo sa isang putahe na nakalatag sa kanilang harapan.

Kaagad naman siyang pinigilan ni Gabriel at pinaalalahanan ito, "Kakain pa ang limang kasamahan natin."

Napangiwi si Patricio dahil panghihinayang niya makakain ng ganoong ulam na inihaw na manok.

Matapos nila kumain ng gabihan, nagkahiwa-hiwalay ang iilan sa kanila saka kumain naman ang limang kasamahan pa na di pa kumakain.

Kinuha ni Denzel ang gitara at sinubukang pagtugtugin iyon. Narinig kaagad ni Katherine ang tunog ng isang instrumento dahilan para lumabas siya sa kanilang tinutulugan.

"Di ka makatulog?" tanong ni Katherine sa binata.

"Hindi eh," saglit na tumigil si Denzel at niyaya ang dalaga na tumabi sa kanya. Ito ang madalas gawin nila noon sa tuwing wala ang kanilang professor, magpatugtog ng gitara na sinasabayan ng pagkanta.

Nakaagaw-atensyon ito sa ibang kasamahan kaya naman nagawa rin ni Arianne lumabas ng tent at nagtungo sa kinaroroonan nila Denzel at Katherine. Natigilan si Alfred na assistant bodyguard ng dalaga. Umupo ito malapit sa kanila upang makinig din ng musika at syempre makipagkwentuhan na rin.

Lumapit ang iba pa at sumunod din si Gabriel na nasa dulo nakaupo na di siya gaano nakikita.

Kasalukuyan kinakanta nina Katherine at Denzel ang kantang, "You Are The Reason" ni Calum Scott.

_I'd climb every mountain

And swim every ocean_

Nakatitig lang binata sa kanya habang sinasambit ang bawat lyrics ng kanta. Dahil iyon ang nais niyang iparating para kay Katherine. Gagawin niya ang lahat para mapaibig ito. Noong college pa lamang sila, gustong-gusto na ni Denzel ang dalaga.

_Just to be with you

And fix what I've broken_

Yeah, nanghinayang lamang siya nang magkahiwalay sila bilang magkaibigan pagkatapos ng kanilang graduation. Kaagad siyang nagpunta ng America para magtrabaho kasama ang kanyang pamilya. Ngayon, may pagkakataon hindi na niya ito palalampasin.

_Oh, 'cause I need you to see

That you are the reason_

Naduwag siya noon na aminin ang totoo kaya naman laking pasasalamat niya napagbigyan siya ng tadhana na magkita sila ulit.

Kinanta naman ni Katherine ang sumunod na chorus at muli silang nagsabay sa dulo ng awitin.

"Wow, nice! So romantic dude," sigaw ni Patricio habang patuloy niyang pinapalakpakan ang dalawa at ganoon rin ang ilan sa kanila.

"Oo nga eh, Kuya Pat," sang-ayon at kinikilig na pahayag ni Arianne na di tumitigil sa pagpalapakpak. Bigla siyang napatanong tuloy kina Katherine at Denzel. "Hoy, magjowa ba kayong dalawa?"

"Anong klaseng tanong 'yan, Arianne?" Natatawa na lang si Katherine. Kapag kasi kinakanta nila ang song na 'yon napagkakamalan silang dalawa na magkasintahan. "We aren't."

"Weh?" tangging sagot ni Arianne sa kanya.

"We are just friends. Sadyang malakas lang ang chemistry naming dalawa," sabay paliwanag at kindat ni Denzel. "Di ba, Kath?"

"True!" sang-ayon ng dalaga kasabay na may pagtango.

Naging puno ng asaran at kwentuhan ang gabi hanggang sa dinalaw na rin ng antok ang ilan sa kanila.

Kinaumagahan ay nagpunta naman ilan sa sila sa gawing batis kung saan malinaw ang tubig at malawak ang nasasakupan nito.

Nagtatampisawan silang lahat kasama na si Katherine. Si Gabriel at iilan sa mga kalalakihan ay nanatili lamang sa pagbabantay. Nakaupo ang binata malapit sa may batis habang may hawak na libro.

"Boss Gabriel, di mo ba kami sasamahan maligo dito? Malamig ang tubig," sigaw at pagyaya ni Yael sa kanya.

"Sarap kaya maligo!" dagdag ni Patricio at sumang-ayon din ang iba pa.

"Sige, kayo na lang," pagtangging pahayag ng binata kasabay ang paglipat niyang tingin sa libro na hawak kanina pa at maging doon sa kinaroroonan nila Katherine.

"Sige, guys langoy muna ako," paalam muna ni Katherine sa kanyang kasama.

"Sure, basta mag-iingat ka lang, ah", paalala at mabilis na sagot ni Denzel.

"Daya mo naman, Kath," biglang singit at pagmamaktol ni Arianne kay Katherine. "Nagkukwentuhan pa nga tayo dito oh!"

"Mamaya na! Samantalahin ko muna 'to na sumisid sa ilalim kasi mamaya uuwi na tayo eh," sagot ng dalaga ng may pakiusap na tinig mula sa limang metro na ang layo niya sa mga kasama.

"Sige, mag-iingat ka ah," muling paalala ng kanyang pinsang si Arianne.

"Oo," aniya ni Katherine pagkatapos lumubog na siya sa tubig.

Nagsilangoy na rin ang iba pagkatapos ng sandaling kwentuhan. Lumipas ang ilang minuto, hindi makita ni Arianne ang pinsan kaya kaagad muna niyang inahon ang sarili upang tawagin si Katherine baka sakaling nasa malapit lamang ito.

"Kath, nasa'n ka?" sigaw niya dahilan para mapansin siya ni Denzel. "Kath?" muli niyang sigaw subalit walang marinig na sagot.

Kaagad muling lumusong sa ilalim si Arianne upang hanapin si Katherine dahil kanina pa ito hindi nagpapakita. Tatlong minuto na rin siya naghahanap subalit di pa niya ito natagpuan. Kaya, muli nanaman niyang inahon ang sarili.

Lumapit sa kanya si Denzel, "What's happening, Arianne?"

"Si Kath, di ko makita kanina pa eh," kinakabahang sagot ng dalaga.

"Hanapin ko," mabilis na lumusong ang binata sa ilalim ng tubig samantala si Arianne ay patuloy na tinatawag ang pangalan ng pinsan hanggang sa malapit na siya sa kinaroroonan ni Gabriel at ng kanilang mga kasamahan pa.

"Si Katherine di namin makita!" Pagbibigay niyang alam sa mga ito at bakas sa mukha ng dalaga ang takot at pag-alala.

"Tara, hanapin natin," sambit nila Patricio at mabilis na nagpunta sa tubig.

Ilan pang segundo bago lumusong din sa tubig si Gabriel upang hanapin ang dalaga.

Maya-maya pa ay nakitang bitbit ni Denzel si Katherine na walang malay kaya naman taranta silang umahon sa tubig. Napansin ito ni Gabriel na malayo pa ng bahagya sa kanilang kinaroroonan.

Pinahiga ng binata tapos ginawaran ng first aid si Katherine. Nakaahon na rin si Gabriel at may halong pagkadismaya naman sa mukha nito nang hindi siya mismo ang nakaligtas sa babae na siya tangi kamang ang magpoprotekta at magliligtas dito.

Palihim na nakakuyom ang kamay ng binata habang ginagawaran ni Denzel ng pangunahing-lunas si Katherine.

"Kath, gumising ka please!" hiyaw ni Arianne sa kanyang pinsan.

"Umahon ka, Kath." malumanay pero may matinding pag-alala sa boses ni Denzel.

Mga ilang sandali ay biglang umahon si Katherine at lumuwa siya ng maraming tubig mula sa kanyang bibig.

Hinimas ni Arianne ang likod nito, "Salamat!" saka mabilis na niyakap ang pinsan.

Namumutawi sa mukha ni Denzel ang tuwa nang makita niyang naimulat ni Katherine kanyang mga mata.

"Saan ka ba kasi nagpupunta, ah?" sermon ni Arianne sa kanya. "Sabi mo marunong kang lumangoy?"

"Pinulikat ako, Rian nang makarating na ako sa medyo malalim," paliwanag ni Katherine habang nanghihina pa rin siya.

"Susko, Kath. Mabuti na lang mabilis ka nailigtas ni Kuya Denz," napatitig saglit si Arianne kay Denzel na kitang-kita rin ang pag-alala sa kanya.

Nag-alinlangan si Denzel na yakapin ito nang napatingin siya sa mukha ni Katherine kahit gaano katindi na ang kanyang pag-alala.

"Sana, di na ito makakaabot kay Mr. Rodelio ang nangyari," biglang singit ni Gabriel sa eksena. "Kundi, malalagot tayo sa kanya."

Sinang-ayunan naman ito ni Katherine dahil tiyak na magagalit sa kanya ng husto ang lolo.

"Hindi naman ata tama 'yon, brad!" Pangangatwirang pahayag ni Denzel kay Gabriel. "Karapatan ng lolo niya malaman ang tungkol dito."

"Sa palagay mo ba kapag nalaman niya ito, hindi siya magagalit sa'min at sa'yo?. Di mo siya kilala kung paano magalit kapag tungkol sa apo niya ipinag-uusapan?" muling paliwanag ni Gabriel nang may kataasan na sa kanyang boses. "Ang mabuti pa maghanda na tayo pauwi," utos niya saka tumalikod at naglakad na lang din palayo.

Nang makauwi na sila sa mansion kaagad silang tumungo sa kani-kanilang silid.

"Siguradong ayos ka lang, Kath?" nag-alalang tanong pa rin ni Arianne sa kanya.

Tumango si Katherine, "Oo, Arianne. Kailangan ko lang siguro magpahinga. Masasakit mga katawan ko eh," daing ng dalaga kaya dumiretso na siya kaagad sa kanyang kwarto.

Kinabukasan, masasakit pa rin ang katawan ni Katherine. Napapadaing siya sakit habang inuunat mga ito. Hindi gaano maayos ang kanyang pakiramdam kaya naisipan niyang maligo muna.

Nang makaligo na siya, biglang kumatok sa kanyabg pintuan si Arianne.

"Rian, bakit?" kaagad niyang sagot na nanghihina pa rin.

Nakayuko ang ulo ni Arianne nang siya magsalita, "Gusto ka raw makausap ni lolo."

Dahil sa itsura ng pinsan, hindi na niya tinanong ito uli at diretsong lumabas ng kanyang silid. Kumatok si Katherine sa pinto ng opisina ni Mr. Rodelio saka siya pumasok.

"Tawag niyo raw po ako?"

"Ano itong nalaman kong nag-outing kayo na may kasamang lalaki na taga-labas?" Kitang-kita sa mukha ng matanda ang pagkunot ng kanyang noo.

"Kaibigan ko po siya, Lo. Niyaya niya kami gumala," malumanay na sagot ni Katherine lalo na wala pa siya gaanong lakas.

"Niyaya? At sumama pa kayo sa taong di niyo pa lubusang kilala?" galit na galit na pahayag ni Mr. Rodelio. "Katherine naman, ilang beses ko ba dapat sa'yo-"

Kaagad pinutol ng dalaga ang sasabihin pa nito, "Matagal ko na pong kilala si Denzel, lolo. College friend ko po siya."

"Paano ako maniniwala diyan? Dahil, ngayon ko pa lang naririnig ang pangalan niya at kailanman di ko pa siya nakikita o nakikilala man lang!" muling giit pa ng matanda kay Katherine.

"Nagkahiwalay lang kami dahil nagkanya-kanya na ring buhay, Lo. May mga priorities at goals 'yong tao na dapat unahin at ganoon rin po ako," paliwanag pa ni Katherine subalit hindi iyon naging sapat kay Mr. Rodelio.

"Di ko pa rin papaniwalaan mga sinasabi mo, apo!" wika ni Mr. Rodelio.

Napabuntong-hininga si Katherine saka muling sinubukang magpaliwanag sa matandang lalaki, "Hindi ko na rin po siguro papahabain pa 'to. If you really want assurance about him, I'm begging you now to investigate him as soon as possible." seryosong saad ni Katherine. "Whatever the result will be, tatanggapin ko po 'yon nang maluwag. Iiwasan ko na po siya. Iyon naman po ang gusto niyo di ba mga patunay? So this is the best way to do, Lo para mawala na sa inyo ang mga agam-agam na 'yan na parati ko kayo niloloko."

Pagkatapos, tinalikuran na ni Katherine ang matandang lalaki saka naglakad nang tahimik palayo sa opisina.

"Katherine, bumalik ka dito!" tawag ni Mr. Rodelio subalit hindi na niya ito nilingon pa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • You Are The Reason (Tagalog)   Chapter 7: Bad News

    Nakatulala habang tumutulo ang luha ni Katherine habang tinatapos pa niya ang anunsyo ng isang publishing house na kung siya nag-submit ng mga nobela. Isa rin 'tong malaking kahihiyan sa kanya sa pangyayari kahit di pa napapatunayan at malaking panghihinayang din ito sa akdang sinulat niya na ngayon nasabing ninakaw umano niya.Mga ilang sandali ay biglang pumasok ng kanyang silid si Arianne. Natigilan ito nang makitang mugto ang mga mata ng kanyang pinsan."Nabasa mo?" tanong niya rito at tumango si Katherine. "Hindi ko alam kung paano nangyari. Nagulat na lang ako kanina nang makita ko sa newsfeed." Nilapitan nito ang pinsan at niyakap nang mahigpit."Ga---lit at sa----kit ang nararam----daman ko ngayon, Rian. Hindi ko alam kung ano ga----gawin ko." Humihikbing pahayag ni Katherine dahilan upang maging putol-putol bawat salitang sinasabi niya."Iiyak mo lang lahat 'yan, Kath. Nandito lang ako."Matapos niyon nakatulog si Katherine samantala si Arianne naman ay nagtungo sa dining are

  • You Are The Reason (Tagalog)   Chapter 6: Unknown Number

    Nagulat si Gabriel sa naging pahayag ni Mr. Rodelio. Binawi nito ang pagpapaalis sa kanyang msnsion at mananatiling magtatrabaho bilang personal bodyguard ni Katherine. Hindi niya inaasahan na mismo pa ang dalaga ang gumawa niyon para sa kanya. Nagkaroon pa tuloy siya ng utang na loob sa babae."Nakiusap ng dalawang beses sa'kin ang apo ko. Binigyan niya ako ng isang mahalagang rason para sumang-ayon sa kanya," wika ng matanda. "Kaya sana hindi masayang 'yon. Sa susunod kailangan mo mapatunayan na tama ang naging desisyon ni Katherine.""Maraming salamat po, Sir Rodelio," natutuwang sabi ni Gabriel."Sa apo ko ikaw dapat magpasalamat dahil binigyan ka niya ng isang pagkakataon. Mabuting tao ang apo kong 'yon kahit matigas ang ulo." Kaya, sa huli doon niya napagbigyan ang dalaga."Maraming salamat pa rin po." Nakipagkamayan siya kay Mr. Yuzon at ngumiti rin itobsa kanya."Walang anuman. Sadyang mabait lang aking apo. Paano na 'yan Mr. Bustoz, kailangan ko ng bumalik sa opisina dahil ma

  • You Are The Reason (Tagalog)   Chapter 5: He Saved Her

    Hinawakan ni Denzel nang mahigpit ang dalawang dalaga na kasama niya habang napapalibutan sila ng mga lalaki."Hindi ba kayo magsasalita?" muling sabi ng lalaking nakaitim.Wala sa kanila ang umimik at nanatili lamang na nakatayo at pinagmamsdan lamang ang kalaban dahilan para mainip ito."Ano! Sasabihin niyo o hindi?" Kitang-kita sa mukha nito ang pagagalaiting makuha ang babaing tagapagmana ni Mr. Yuzon. "Sige, madali lang ako kausapin." Sinenyasan niya ang mga kasamahan na ikasa ang baril at itutok kila Katherine, Denzel at Arianne."Huwag po! Maawa kayo sa amin," takot na takot na wika ni Arianne sa kanila subalit tinawanan lamang siya ng mga ito."Boss, mukhang itong isa ang hinahanap mo," turo ng isa pang lalaki kay Katherine. Lumingon iyon sa kanya at tinititigan.Naluluha na ang mga mata ng dalaga sa kanilang sitwasyon, randam niya mabilis ng pagtibok ng kanyang puso nangmuling bumalik ang pinakamasakit na alaala niya. Pangyayaring nagdulot sa kanya ng matinding trauma kaya ay

  • You Are The Reason (Tagalog)   Chapter 4: The Armed Men

    Naglalakad si Katherine pabalik sa kanyang kwarto nang makasalubong niya si Gabriel na kakalabas lang din ng silid nito. Hindi niya pinansin ang binata upang komprontahin. Nilampasan lang niya ito nang walang anumang salita na binitiwan.Nang makarating na ang dalaga sa kanyang kwarto ay kaagad na lumapit sa kanya si Arianne, "Kath, ano nangyari?"Nginitian niya lang ito at wala siyang balak magsalita. Dire-diretso lamang si Katherine sa kanyang silid. Masasakit pa rin ang buo niyang pangangatawan dahilan para mapadaing pa rin siya. Kaya, mas pinili na lang niya ang manahimik lalo na napagod siya makipagdiskusyon sa kanyang lolo."Uy, Kath! Kung may problema ka, magsabi ka lang ah. Handa ako makinig," dinig niya sa kabilang silid. Napangiti siya ng kaunti roon at muling bumalik sa seryosong mukha.Kasalukuyang pinanonood ni Gabriel si Katherine sa silid nito gamit ang CCTV camera na nakakabit para siguradong ma-monitor bawat kilos ng dalaga. Napansin niyang matamlay pa rin ito dahilan

  • You Are The Reason (Tagalog)   Chapter 3: A Trip With Him

    Kaagad humingi ng apology si Denzel dahil pinahintay niya ng ganoong katagal ang kanyang mga kasama. Maaga naman siya nakaalis pero naabutan pa rin ng traffic."I'm sorry kung pinahintay ko kayo ng matagal. Ma-traffic na kasi sa daan. Alam na, balik eskuwela nanaman mga bata." paliwanag na lamang ni Denzel na hindi maalis ang ngiti sa mga labi.Mga ilang segundo ay biglang sumingit sa kanilang usapan si Gabriel, "Kasama ka?" Habang naniningkit mga mata nito na inaalam ang sasabihin ni Denzel."Ofcourse, ako nga nag-invite sa kanila na mag-outing eh," diretsahang sagot niya.Pipigilan na sana ito ni Katherine na huwag magsalita subalit huli na siya dahilan upang magtaka naman si Denzel.Kaya, nagawa niyang tumitig sa dalaga, "Why?"Tinignan ni Gabriel nang masama si Katherine dahil sa ginawang pagsisinungaling nito sa kanya.Nilapit ng dalaga ang kanyang bibig sa tainga ng kaibigan upang ibulong na lamang niya ang kasagutan sa tanong, "I didn't tell them that you invited us on a trip e

  • You Are The Reason (Tagalog)   Chapter 2: College Friend

    Bigla nakarinig ng isang pamilyar na boses si Katherine mula sa di kalayuan."Hey, Miss Yuzon! Long time no see."Nilingon niya ito at nagulat sa kanyang nakita, "Haze?""Oh, come on. Denzel na lang itawag mo sa'kin, please? Graduate na tayo sa college eh," reklamo ng binata sa kanya."Matagal na kayo magkakilala?" Naguguluhan si Arianne dahil ganoon na lamang ang closeness nila Katherine at Denzel."Yes!" masiglang sagot ng binata sa kanya at muling humarap kay Katherine."Eh kaya pala napansin ko na sobrang close kaagad kayo eh," muling sambit ni Arianne.Tinawanan lamang siya ni Denzel, "Hmm, magkaano-ano nga pala kayo ni Miss Yuzon?""Magpinsang-buo kami ni Arianne," mabilis na tugon ni Katherine sa binata.Nakipagkamayan si Denzel sa pinsan ni Katherine. "Nice to meet you, Arianne.""Same here," nakangiting sagot nito sa binata. Di rin siya makapaniwala na dati na ring magkaibigan ang dalawa. Napapaisip si Arianne kung nagkaroon din ba relasyon ang dalawa.Binalik ulit ang atensy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status