Isa lang muna ippost ko. Need to edit my latest chapter. Thank you.
KUNOT ang noo at palakad-lakad si Kate sa gilid ng pool habang hawak niya ang red wine glass. Patuloy na ginugulo ang isip niya nang dahil sa sinabi ni Mari tungkol sa hidden camera sa opisina nito. Napahinto siya sa ginagawa niya nang magsitindig ang mga balahibong ma-realize na baka iyon ang magpapabagsak sa kanya. “What’s the problem, Kate?” tanong ni Silvana na kanina pa nakaupo sa foldable lounge chair habang pinagmamasdan ang anak. Nang pagod na ang mga paa ni Kate ay umupo siya katabi ng mommy niya. “I have a big problem, Mom. May hidden camera sa opisina ni Mari at kailangan ko iyon mabura,” nababahalang sabi ni Kate. Ngumisi lang si Silvana. Kinuha niya ang kanyang kape sa side table saka niya sinimsim iyon. Napatingin si Kate sa mommy niya habang inaabangan ang sunod nitong sasabihin. “Malaki ang posibilidad na ang secretary ni Mari ang may hawak no’n. Nabalitaan kong naaksidente si Mari at sinugod sa ospital.” Nanlaki ang mata ni Kate. Natuwa siya nang marinig iyon.
One hour ago… Madilim ang kalye habang naglalakad si Bitsy pabalik sa apartment niya. Wala na kasi siyang oras magluto kaya sa convenience store na lang siya bumili ng dinner. Habang naglalakad sa pasilyo patungong apartment ay may nakita siyang anino at yapak na tantya niyang isang lalaki na parang sinusundan siya. Nagmadali siyang lumakad hanggang sa nakabalik siya. Pagdating niya sa loob ay agad siyang dumiretso sa kusina. Nahagip ng kanyang mata ang mahinang liwanag mula sa nakabukas na corporate laptop ng Harrington sa ibabaw ng lamesa. Hindi pa kasi niya nai-su-surrender ito dahil may mga importanteng files pa siyang kailangan kunin upang matulungan niya ang boss niyang si Mari. Umupo siya sa lamesa at sinuri ang laptop niya. May mga nakatagong footage ang laptop niya galing sa hidden camera at kailangan niya i-upload ito sa email at maipadala kay Mari. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa progress bar sa screen. “Sixty five percent pa lang?” reklamo niya rito haban
TAHIMIK na nakahiga si Mari sa kama nang pumasok bigla si Clarence sa kwarto niya. Napansin ni Mari ang pagod at paghahabol hininga nito. Kunot ang noong pinagmasdan niya ang asawa. “Anong nangyayari sa’yo?” tanong niya. Huminga nang malalim si Clarence. “Bitsy is dead. Someone killed her!” nginig ang boses niyang sinabi iyon. Napasinghap si Mari. Pumasok sa loob ang mga kasama niya nang marinig iyon. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa balita.Pagod at pinagpapawisan si Clarence dahil sa kamamadali niyang bumalik sa ospital. Umupo siya sa tabi ni Mari upang magpahinga.“And how about the video?” tanong ni Mari.“Inspector Cruz is trying to locate Bitsy's corporate laptop. They might call any moment. They're still investigating,” tugon niya.Napatingin sa malayo si Mari at biglang gumilid ang luha niya. Hindi niya inakalang madadamay ang secretary niya rito. Malaking responsibilidad din ito sa kanya at kasabay no’n ay nakokonsensya siya.“This is all my fault,” ani Mari sa sarili.
HABANG busy ang mga tauhan ni Inspector Cruz sa paghahanap ng mga hidden camera sa loob ng apartment ay naroon si Bogart, nagpapanggap ito biglang isang parte ng team. Isang bulalas ang bumasag sa katahimikan nang matagumpay na itinaas ng isang pulis ang isang maliit na camera na nakita niya mula sa tv. “May nahanap akong hidden camera!” anunsyo niya. Napatingin ang lahat sa pulis na iyon at saka lumapit si Bogart dala ang ziplock na ang laman ay mga nakolektang hidden cameras ng apartment. Binuksan niya ang ziplock at ipinasok ng pulis camera.Malalim na ang gabi at pagod na pagod na ang mga pulis dahil umabot ng alas dos ng madaling araw ang imbestigasyon.Sa wakas ay nagsalita na si Inspector Cruz upang tapusin na ang operasyon. “Alright, let’s wrap up!” sabi niya.Bumaling ang tingin ni Inspector Cruz kay Bogart na nakatayo pa rin habang hawak ang ziplock. Nakaramdam siya ng lamig at napalunok. Nanlilisik ang mga mata ng inspektor na may halong panghihinala. May kung anong likid
HULING araw na ni Bitsy nang bumisita si Mari sa chapel. Mabuti na lang ay nakahabol siya pagkatapos ng limang araw na pagpapahinga niya sa ospital. Umuwi na rin ang mga kaibigan niya sa Baguio. Hindi na niya sinama pa ang mga kaibigan at pamilya niya sa lamay dahil gusto niyang mapag-isa.Pagpasok ni Mari sa loob ay dinig niya hikbi ng pamilya sa pagkawala ng sekretarya niya. Sa bawat paghakbang niya patungo sa kabaong ni Bitsy ay unti-unti niyang nararamdaman ang matinding bigat at panghihinayang. “I’m sorry, Bitsy.” Iyon lamang ang lumabas sa bibig niya at saka tumulo ang kanyang luha. Pagkatapos niyang tingnan ang labi ng sekretarya ay lumapit siya sa ina nito upang makiramay. “I am sorry for your loss, M’am Merideth. Nakikiramay ako,” malungkot niyang sabi sa ina ni Bitsy. Hahawakan niya sana ang balikat nito nang bigla siyang tinulak palayo. “Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang anak ko!” sigaw ng nanay ni Bitsy na may halong pagbibintang. Nagdulot ng malak
HAWAK ni Mari ang tablet niya nang maupo siya sa sala. Pinapanuod niya mula rito ang video na nakuha ng dalawang hidden camera; ang sa opisina niya at sa apartment ni Bitsy. Naikuyom ni Mari ang kaniyang kamay kasabay ng pag gilid ng luha niya nang makita kung paanong sinaksak ng tauhan ni Kate ang walang kalaban-labang Bitsy. Napalunok siya upang pigilan ang h’wag humikbi.Halos tatlong araw na walang maayos na tulog sina Clarence at Mari dahil sinamahan nila ang technician habang inaayos ang laptop at ma-restore ang video. “Stop it, Mari,” sabi ni Clarence. Kinuha niya ang tablet kay Mari at nilagay ito sa center table saka siya tumabi rito.“I don’t get the point, Clarence. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kasama si Kate. Na bakit kailangan pa niyang mangdamay ng ibang tao?” mangiyak-ngiyak na wika ni Mari. “H’wag mo na isipin iyon, Mari. Basta alam na nating masamang tao si Kate.” Napabuntong-hininga si Clarence at sa mukha niya ay may halong pag-aalala ay pagkadismaya
APAT na buwang itinago ni Marigold Harrington sa pamilya niya na buntis siya. She had a one-night stand with a man she didn’t know. Tradisyon ng pamilyang Harrington na ibigay ang sarili sa araw lang mismo ng kasal. Ngayon, ang kapatid niyang si Vina lang ang nakakaalam tungkol sa pagbubuntis niya. Kasama ni Mari sa kuwarto niya si Vina. Di siya mapakali at panay lakad niya dahil palaki nang palaki na ang tiyan niya. Baka mahalata ng mga magulang niyang buntis siya. Huminto siya sa ginagawa niya at hinarap si Vina. “Ipalaglag ko na lang kaya ‘to, Ate Vina?” nababahalang sabi ni Mari. Nanlaki ang mata ni Vina. Nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay. “What are you thinking, Mari? Papatayin mo ang bata? Maawa ka naman sa anak mo. Di bale na, magagawan natin ‘yan ng paraan.” “Paano?” kunot-noong tanong ni Mari. Hindi makasagot si Vina. Walang ni isang plano na pumasok sa isip niya. “Basta, gagawa ako ng paraan, Mari.” Huminga nang malalim si Mari. Takot sila pareho sa dad
THEY ended up at a five-star hotel. Dumiretso kaagad sila sa kuwarto. Pagdating nila ay napatingin siya sa lalaki. Medyo madilim ang kuwarto, hindi pa rin niya kita ang mukha nito, lalo na’t lasing siya. Tinitigan siya ng lalaki saka ito ngumisi. “You know what captures my attention? Your beautiful dress. It gives me the desire to see behind that.” Namula ang pisngi ni Mari. Hindi pa nga siya hinahawakan at tila bang nakaramdam na siya ng sensasyon sa buo niyang katawan. Lumapit ang lalaki sa kaniya. Hinawakan niya ang baba ni Mari. Pagkatapos, hinalikan niya ang mga labi nito. Nag-iinit ang buong katawan ni Mari sa ginawa ng lalaki. Kaya naman, ginantihan niya ng marahas na halik. Nang mapansin ito ng lalaki, mas lalo niyang diniinan ito. Itinulak niya si Mari sa malambot na kama. Gumapang siya rito habang nakatitig kay Mari. Napadilat na lang ang dalaga nang hubarin ng lalaki ang damit nito. Napakagat siya ng ibabang labi nang makita ang abs nito. Nag-wo-workout siguro ito a