Share

CHAPTER 16

Tila hindi magkakakilala ang mga nakaupo sa parihabang mesa dahil sa katahimikang naghahari ilang minuto na ang nakararaan. Lahat nagpapakiramdaman, ang mga mukha ay makakakitaan ng kalituhan sa sitwasyong kinalalagyan, maliban na lamang kay Caleb nakaupo sa dulo ng mesa, hindi mawala-wala ang ngiti sa labi nito habang kinakausap ang isang staff patungkol sa panghimagas na ihahain mamaya nang biglang tumayo si Devon sa kinauupuan.

" Para saan ba ang mga 'to, Caleb? " tanong ng dalaga, tumingin sa mga kasama na nag aabang sa sunod na sasabihin niya. " Ano ba ang ibig sabihin ng ginawa mo na 'to?"

" Reconnecting with my old friends? " Nagtatakang tanong pabalik ni Caleb, sumenyas sa staff na umalis muna sa mesa nila at bumalik na lang kapag tinawag niya " I mean, ilang years ko rin kayong hindi nakita. Gusto kong kumustahin kayo lahat since may mga pinagsamahan rin naman tayo kahit papano, hindi ba? "

" And what makes you think na gusto ka naming makita? " tanong ni Kasey na nasa tabi n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status