Share

CHAPTER 19

Nakapagtapos si Devon ng kolehiyo sa kursong tourism at sa mga sandaling ito, tila gusto niya ulit mag-aral sa kursong may kinalaman sa teatro para maging mahusay sa pag-arte lalo na sa mga sitwasyong gugustuhin na lamang niyang lamunin ng lupa.

Mula sa pagkakapikit, bahagyang idinilat ni Devon ang mga mata upang silipin kung saang banda na sila at kung ilang oras pa ang kailangan niyang tiisin bago makawala sa nakaiilang na katahimikan sa loob ng sasakyan na kasama si Pablo na abala sa pagmamaneho. Pauwi na sila mula sa resort at alas nuebe na ng umaga ngunit wala pa ring nagpapakitang araw dahil sa mga oras na ito ay natatakpan ng makapal na ulap ang kalangitan.

Tinapunan ng tingin ni Devon ang cellphone na hawak niya, at nakita ang message mula kay Kasey na nasa kabilang sasakyan, kinukumusta siya na hindi alam ni Devon kung ikatutuwa niya. Pinili siyang iwanan mag-isa ng kaibigan dahil sumabay ito sa magkasintahan na ang sasakyan ay nasa kanilang unahan. Kung sa ibang pagkakataon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status