Share

CHAPTER 18

Humahalakhak sa tuwa si Devon habang siya'y tila lumilipad sa ere sakay ng isang parachute na hinihila ng isang uri ng sasakyang pandagat. Mula sa puwesto niya, tanaw na tanaw niya kung gaano kalawak ang dagat na tila kumikinang dahil sa sinag ng araw. May kataasan ang lipad nila at sa halip na malula, mas nakararamdam pa ng tuwa at pananabik si Devon dahil sa ganda ng tanawin sa ibaba.

" Ganito pala pakiramdam ng ibon, 'no? Ang saya! " Nilingon ni Devon ang kasama niya sa parasailing para tignan ang reaksyon nito at pakiramdam niya mas lumundag ang puso niya nang makita kung gaano ka-inosente ang ngiti ni Pablo habang nakatanaw sa ibaba. Ngayon lamang niya ito nakitang may malawak na ngiti at hindi man siya ang dahilan, siya naman ang nakahanap ng paraan. " Pablo, marunong ka bang mag swim? "

Napalingon naman si Pablo kay Devon na halos hindi na niya makita ang mukha dahil natatakpan ito ng mga lumilipad na hibla ng buhok. " Laking ilog ako. Bakit? "

" Kapag nahulog ba ako, sasaluhin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status