공유

Chapter 6

작가: Ajai_Kim
last update 최신 업데이트: 2023-05-30 15:59:30

HAYA'S POV

"For you, Haya."

Ngumiti si Yuie sa akin saka nito inilagay sa armchair ng upuan ko ang isang kulay puting lunchbox.

Tinotoo nga niya ang sinabi niyang araw-araw na niya akong gagawan ng breakfast para matikman ko ang luto niya. Ngumiti nalang rin ako sa kanya pabalik at binuksan ang laman ng lunchbox. It's a pasta with cherry tomatoes on top. Sa kabilang layer naman ng lunchbox ay may slices ng lasagna.

"Here's your fork." Inabot ni Yuie sa akin ang hawak niyang tinidor. Kinuha ko ito at sinimulan nang tikman ang niluto niya.

Infairness, ang sarap talaga niyang magluto. Kumbaga ay lahat nalang kayang gawin ni Yuie. Bukod sa pagiging matalino niya ay husband material rin siya. Maswerte talaga ang magiging girlfriend ng kaibigan kong ito.

"It's delicious, Yuie. Pwede ka nang mag-asawa nito!" pabiro kong sabi na ikinapula ng buong mukha niya.

"Ah, hehe. W-Wala pa nga akong nagiging girlfriend tapos asawa na kaagad?" sagot niya.

"Mag-girlfriend ka na kasi para naman may palagi na rin'g tumikim ng mga luto mo." I wiggled my eyebrows pero bumuntong-hininga lang siya at umiwas ng tingin sa akin.

"I'm waiting for someone, Haya and all I want is her." seryoso niyang sabi dahilan para matahimik ako.

I don't want to put any meaning in his words. May napapansin na talaga ako sa kanya noong una pero ayoko nang malaman pa iyong sagot. Hindi nalang ako nagsalita at kumain nalang. Sina Camille at TJ naman ay wala pa dito sa classroom. Palagi nalang talagang nagsosolo ang dalawang iyon at alam kong magkasama lang sila. Hindi ko nga alam kung nililigawan na ba ni TJ si Camille dahil obvious naman na may gusto siya sa kaibigan namin. Ganon rin si Camille sa kanya at bagay naman sila dahil pareho silang gwapo at maganda.

Ilang minuto lang ay nagsidatingan na rin ang mga kaklase namin including Camille and TJ at syempre hindi na nawala sa kanila ang panunukso sa amin ni Yuie. Nag-umpisa na rin ang klase nang magdiscuss na ang teacher namin na kakarating palang. After 4 subjects done ay nagpunta na kaming tatlong magkakaibigan sa Cafeteria para kumain ng lunch.

Nagkukuwento lang si Camille nang mga kaganapan na nangyayari sa buhay niya kanina nang may lumapit sa amin.

It's King again with his friends.

"Good afternoon, Haya!" nakangiting bati ni King.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy nalang sa pagkain ko ng macaroni salad.

"Sorry nga pala if I didn't know na may boyfriend ka na pala at mukhang Tito mo na." tumawa ito na ikinatawa rin nina Jerson at Kyohei.

Gulat na gulat ang mga kaibigan ko sa sinabi ni King at lahat sila ay napatingin sa akin.

"May boyfriend ka na, Haya?" gulat na tanong ni Camille.

Magsasalita na sana ako nang bigla namang sumabat si King. "Hindi mo alam? May boyfriend na si Haya na Kendrick ang pangalan. Sinundo pa nga siya dito sa school, e. Guess what? That guy looks older than her tapos mukha pang adik dahil maraming tattoo sa katawan." King is mocking me at saka ako tinaasan ng kilay.

Sa inis ko ay tumayo na ako at hinarap siya. "You don't need to invade my personal life, King. Wala ka na rin'g pakialam kung may boyfriend man ako o hindi na mas matanda sa akin. Just move on and pay attention to your fangirls in our school." I said.

Ngumisi siya. "No, Haya. Alam mo bang wala pang tumatanggi sa akin pero tinapakan mo ang ego ko bilang isang lalake. Hindi ko naman ginagawa 'tong paghahabol sa'yo, sa'yo ko lang ginagawa 'to dahil alam mo rin na babae ang unang lumalapit sa akin para sa atensyon ko. Pinahiya mo ako dito sa St. Therese! Ipinamukha mo sa iba na hindi lahat ng gusto ko makukuha ko kaya hindi mo ako masisisi kung patuloy pa rin kitang guguluhin." nakatiim-bagang niyang sabi.

His men's ego? King Argonza really think that he can get all the girls he wants by his charms and looks. Nakahanap siya ng katapat niya at ako iyon. I don't care about his looks because he has a bad personality. He's a bully and I don't like that kind of guy. Never!

"King, kahit anong gawin mong pambubwisit sa akin ay hinding-hindi pa rin kita magugustuhan. Humanap ka nalang ng atensyon sa ibang babae at 'wag sa akin dahil wala ka namang mapapala." sabi ko at humalukipkip.

"Ang tapang talaga. Walang kinatatakutan," side comment ni Jerson at tumawa ito ng sarkastiko. Si Kyohei ay nakangisi lang sa akin.

Biglang tumayo si Yuie mula sa kinauupuan niya at hinarap nito si King. "Stop bothering, Haya Mr. Argonza. You already violating and invading her personal matters. Gusto mo bang makarating pa sa Dad mo ang lahat ng gulong ginagawa mo sa school na 'to?" banta ni Yuie dahilan para sumama ang tingin ni King sa kanya.

"Oh? Here you go our Mr. Student Council President na palaging nakabuntot kay Haya. Subukan mo lang magsumbong kay Dad kundi malalagot ka sa akin." matigas na sabi ni King na may halong pagbabanta kay Yuie.

"Hindi ako natatakot sa'yo, King. Marami ka nang nalabag na rules sa school natin at sa isang iglap lang ay baka patalsikin ka na dito sa oras na guluhin mo pa ulit si Haya. Choose your options, bother her or stay away from her?" Yuie said.

Pwede nang mamatay si Yuie dahil sa mga masasamang tingin sa kanya ni King. Halata naman ang pagpipigil ng galit ni King dahil nakakuyom na ang mga kamao nito at nakatiim-bagang.

Sandaling may binulong si Kyohei kay King pagkatapos ay huminga ito ng malalim at binalingan ulit si Yuie. "I'm not yet done with you, Yuie Fajardo." madiing sabi nito pagkatapos ay umalis na rin kasama sila Jerson at Kyohei.

I sighed in relief at muling umupo sa upuan ko. Ganon rin si Yuie na nakatingin sa akin.

"Is that true, Haya? M-May boyfriend ka na?" tanong ni Yuie na may seryosong ekspresyon.

Kaagad akong umiling. "Wala. I only said that to King para layuan na niya ako pero totoo na sinundo ako ni Kuya Kendrick dito sa school kahapon." sabi ko.

"Kuya Kendrick? 'Yung bestfriend ni Kuya Duke na nagpunta sa birthday party niya?" tanong naman ni Camille.

Tumango ako. "Oo. Siya nga."

Hindi na nagsalita si Camille kahit mukhang gusto pa nitong magtanong sa akin. Si TJ naman ay naging abala nalang sa paggamit ng phone niya.

"By the way, sleep over tayong apat sa bahay. Friday naman ngayon kaya pwede tayong magpuyat." biglang paanyaya ni Camille.

"That's a great idea! What do you think Haya and Yuie?" nakangiting baling sa amin ni TJ na itinigil saglit ang paggamit niya ng phone.

"Okay lang. Wala naman akong gagawin bukas." sabi ni Yuie.

"Me too." sabi ko.

"Ayon! Magmovie marathon tayong apat or maglaro nalang sa entertainment room namin. Okay 'yon, 'di ba?"

Tumango kaming lahat sa suggestion ni Camille. Hindi na rin bago sa aming apat na magkakaibigan ang magsleep-over sa bahay nila Camille. Minsan pa nga sa bahay naman nila TJ. Magkakakilala na ang pamilya namin kaya wala nang kaso sa kanila kung magsi-sleepover kami ng magkakasama.

Pagkatapos naming kumain sa Cafeteria ay bumalik na rin kami sa classroom namin at ilang subject pa ang nagdaan ay natapos na rin ito at dismissal time na. Sabay-sabay kaming apat na lumabas ng classroom at nagdesisyong magkikita mamayang 6pm sa may 7/11 na malapit lang sa lugar namin. Uuwi muna kami saglit ng bahay para kumuha ng mga extra shirts and other stuffs para sa sleep over sa bahay nila Camille mamaya.

Nauna nang umalis sila TJ, Camille at Yuie dahil may sasakyan na sila pauwi sa mga bahay nila. Nag-insists pa nga si Yuie na ihahatid na ako sa amin pero tumanggi ako. Masyado na kasing malayo ang bahay nila sa amin at baka gabihin pa siya sa daan kung ihahatid ako.

While I was waiting for a taxi ay nakita ko na naglalakad papalapit sa akin si Paolo. Wala itong kasama kahit pa si Evelyn. Mukhang kakalabas lang nito sa school nila dahil may nakasukbit pang backpack sa balikat niya at naka uniform pa siya ng Southern Academy.

"Haya," malumanay niyang sabi nang makalapit na ito sa pwesto ko.

Hindi ko siya pinapansin. Hanggang ngayon ay galit pa rin ako dahil sa ginawa niya. Hinayaan niyang magkasakitan kami ng kapatid niya dito sa school.

"Galit ka pa rin ba sa 'kin?" tanong niya.

Hinarap ko siya. "Buti alam mo." mataray kong sabi.

Napayuko siya na parang nasasaktan. Isang sadboy na para bang sinaktan ko ang buong pagkatao niya.

"Sorry kung hinayaan ko man kayong mag-away ni Evelyn. Naiinis at nagseselos lang kasi talaga ako dun sa lalakeng nakasalamin na kasama mo. You know how much I love you and I only did that because of my stupidity." malungkot niyang sabi.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaunting awa kay Paolo. I know he only likes me but he annoys me so much kahit ilang beses ko nang sinabi sa kanya na ayokong magpaligaw.

Hindi ko alam kung paano siya nagkagusto sa akin. Gwapo siya, sikat at maraming fangirls. Kahit sa kabilang school pa siya nag-aaral dahil 2nd year college na siya ay kilalang-kilala pa rin siya sa buong St. Therese. He's a soccer player in Southern Academy at nananalo ang team nila sa mga Regional Competition sa buong Pilipinas na related sa soccer.

"You don't need to be jealous dahil kaibigan ko lang 'yung lalakeng nakita mong kasama ko." I said.

Ewan ko ba kung bakit iyon ang nasabi ko. Siguro dahil ayoko na rin'g nakikitang may lalakeng nasasaktan dahil sa akin. Wala na nga dapat akong i-explain kay Paolo but he needs to know that para kahit papaano ay mapagaan ko ang loob niya. Compare to King, Paolo is nicer and smarter. Talagang na inlove lang siya sa isang katulad kong NBSB at ayaw pang magkaboyfriend.

Umaliwalas ang mukha ni Paolo sa sinabi ko at ngumiti ito. "Talaga ba? Then can I court-"

"As I said Paolo, ayokong magpaligaw sa'yo." diretso kong sabi.

He nodded. "Kung ganon, pwede bang maging magkaibigan nalang tayo? K-kahit pagiging magkaibigan nalang, Haya. I just want to know you better." pakiusap niya.

I sighed. "Sigurado ka ba diyan? I don't want to hurt your feelings lalo na at alam kong may nararamdaman ka para sa akin."

Umiling siya. "Hindi na muna ako aasa na magiging higit pa sa magkaibigan ang maibibigay mo sa akin, Haya. Gusto ko lang mapalapit sa'yo. Please let me prove how much I love you. Hindi ko na hinihiling na maging tayo kaagad." he held my hand and I see that he's serious on what he said.

Wala naman siguradong masama kung maging magkaibigan kami kahit palagi niya akong kinukulit at ginugulo para ligawan niya? At least right now he knows his place at kung mahal talaga niya ako ay rerespetuhin pa rin niya ang magiging desisyon ko sa huli.

"Okay." sabi ko at nginitian siya.

Mas lalo pang lumawak ang ngiti ni Paolo. "Thank you. If you don't mind, can I treat you to Starbucks? Mag-usap lang tayo, Haya." he insists.

Tinignan ko ang suot kong wristwatch at 4:30 palang ng hapon kaya may time pa para makapag-usap kami ni Paolo.

I nodded. "Sige. Saang Starbucks ba?" tanong ko.

"'Yong malapit lang dito. Let's go." sabi niya at hinila na ang isang kamay ko para makaalis na kami.

Nilakad nalang namin ang Starbucks na tinutukoy niya dahil malapit lang naman ito sa school namin. Pagkapasok namin sa loob ng Starbucks ay kita ko ang paglingon sa amin ng mga taong nandito sa loob ng shop na hindi ko nalang pinansin.

Umorder muna kami ni Paolo ng drinks at dessert. Ililibre niya daw ako at wala naman akong nagawa kundi ang sumang-ayon nalang. Pagkaorder namin ay umupo na kami sa isang bakanteng upuan.

Paolo was smiling at me habang inilapag nito sa upuan niya ang backpack niya. Walang duda, tama nga ang sinasabi ng mga kaklase ko na effortless sa pagiging gwapo at charming si Paolo Arevalo. Hindi ito gaanong maporma unlike King. Simple lang ang itsura nito at medyo bagsak ang itim niyang buhok. Nakasuot ito ng black wristwatch na tanging accessory lang niya sa katawan. Malinis itong tignan at mukha talagang good boy.

"Nasaan pala si Evelyn? Bakit hindi mo siya kasama?" tanong ko.

Wala naman akong maisip na sasabihin kaya nagtanong nalang ako tungkol kay Evelyn kahit kinasusuklaman ko ang babaeng iyon.

"Baka siguro kasama ang mga kaibigan niya at nagmall sila. She's a shopaholic so, yeah." he said.

Tumango ako hanggang sa dumating na ang order naming dalawa na dala ng isang Starbucks crew.

Nang ininom ko na ang Frappucino na inorder ko ay laking gulat ko nalang kung sino ang lalakeng nakita kong papasok sa loob ng Starbucks.

It's Kuya Kendrick at may kasama itong isang maganda at sexy na babae habang nakapulupot ang braso nito sa bewang niya.

Napalingon siya sa gawi ko at nakita ako. Mukhang nagulat rin siya nang makita ako hanggang sa mapatingin siya kay Paolo. Bigla ay dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Kuya Kendrick at naglakad sila sa bakanteng table na nasa likuran lang namin ni Paolo at doon sila umupo.

Kahit kinakausap si Kuya Kendrick ng babaeng kasama niya ay ramdam ko ang pagtitig nito sa akin. Kinakabahan ako na ewan dahil parang galit na siya sa hindi ko malamang dahilan.

Ibinaling ko nalang ulit ang atensyon ko kay Paolo kahit parang tinatarak ng kung ano ang puso ko.

"Haya, ako na humihingi ng sorry sa nagawa sa'yo ni Evelyn. I will promise to you na hindi na niya gagawin 'yon. She will listen to me." paghingi ng sorry ni Paolo.

Lumunok ako at pilit pa rin'g iniiwasan ang mga tingin ni Kuya Kendrick sa peripheral vision ko.

"Okay lang 'yon, Paolo. Kalimutan nalang natin 'yon. It's not your fault." sabi ko at ngumiti ng pilit.

Paolo smiled at me at bigla nitong itinapat sa bibig ko ang isang kutsara na may lamang chocolate cake.

"Eat this, Haya,"

"Ako nalang, Paolo," sabi ko at akmang kukunin na sa kanya ang kutsara nang kaagad niya itong isinubo sa bibig ko.

Out of my instinct ay napatingin ako bigla kay Kuya Kendrick at ganon nalang ang pagkagulat ko nang hinampas niya ng malakas ang table nila nung babae kaya napatingin sa kanya ang mga customer na nasa loob ng Starbucks maging pati na rin si Paolo. Tumayo na ito at nag-walk out nalang saka lumabas ng shop habang nagmamadali naman siyang hinabol nung babaeng kasama niya.

"Baby, wait!" sabi nung babae hanggang sa makalabas na rin ito at sinundan si Kuya Kendrick.

Anong nangyari? Bakit nagalit na lang bigla si Kuya Kendrick?

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • You're Mine (Book 1 and 2)   Epilogue

    CLARISSE’S POV “Welcome family and friends. We are gathered here today to witness and celebrate the marriage of Duke Melendrez and Clarisse Ann Victorino. This is not the beginning of a new relationship but an acknowledgment of the next chapter in their lives together, and we now bear witness to what their relationship has become. Today, they will affirm this bond formally and publicly.” Ngayon ay nagaganap ang second wedding namin ni Duke. Pinipigilan ko lang na huwag umiyak nang todo dahil baka masira pa itong make-up ko na pinaghirapan nina Ate Camille at Ate Haya. Muli akong ikinasal sa lalakeng mahal ko at mas napabilis dahil mahigit isang buwan na din akong buntis. Nasa harapan ko ang pinakagwapong lalake na nakilala ko at ang magiging ama ng batang ipinagbubuntis ko. Para siyang isang karakter sa isang kwento na lumabas sa libro kung titignan. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang isang lalakeng katulad niya ay siyang makakatuluyan ko at ang lalakeng pag-aalayan ng buong buha

  • You're Mine (Book 1 and 2)   Final Chapter

    CLARISSE’S POV Halos hindi maialis ni Vendrex ang tingin niya sa akin ngayong magkaharap kami kasama si Duke. Kakausapin siya ni Duke tungkol sa ipapatayo naming bahay at katulad ng inaasahan ko ay siya nga ang tinutukoy ni Tito Darwin. Tumikhim bigla si Duke kaya nabaling ang atensyon ni Vendrex sa kanya. “Do you know my wife?” tanong niya. Tumango si Vendrex at ngumiti. “Schoolmate kami ni Clarisse at dating kaibigan ako ni Morris.” Natigilan si Duke pagkaraan ay tumango. “Nabalitaan mo na siguro ang ginawa ni Morris sa asawa ko. I wouldn’t forgive him, which is why he’s in jail with his father, who killed Clarisse’s father.” Bumuntonghininga ako para pigilan ang emosyon ko. Nagimbestiga rin si Duke tungkol kay Tito Kai at hindi ako makapaniwala na sinadya nitong patayin si Papa sa ospital sa pamamagitan ng pag-inject ng maraming tPA dosage. Nagresulta iyon ng pagka-overdose ni Papa sa gamot na naging dahilan para bawian ito ng buhay. Ginawa iyon ni Tito Kai dahil gusto niyang

  • You're Mine (Book 1 and 2)   Chapter 35

    RAVI’S POV “Do you still love her?” Hindi ako makasagot sa tanong ni Margarette. I’d be lying if I said I didn’t love Clarisse; she’s the only one I’ll ever love. Mas lalo siyang umiyak sa hindi ko pagsagot. For the past four years, Margarette help me to heal and move-on but when we returned here in the Philippines and I saw Clarisse, all of what I did was wasted because until now, I still love her. “Ginawa mo lang ba akong rebound, Ravi?” nasasaktang tanong ni Margarette. “I’m sorry,” That’s all I can say. Humagulgol siya at tinignan ako ng masama. I can’t blame her if she’s upset with me; I hurt her. “I did everything to love you and make you forget that girl, but four years have passed and you still love her? How about my feelings, Ravi? I love you so much and I want to live with you for the rest of my life…” she cried harder and clutched my bruised hand. Mahigit isang linggo na akong nandito sa ospital at nagpapagaling dahil sa mga natamo kong sugat at pasa kay Kuya Duke.

  • You're Mine (Book 1 and 2)   Chapter 34

    CLARISSE’S POV Nandito kami sa bahay nila Duke kasama ang pamilya ko. Hindi ko maiwasang kabahan dahil kaharap namin ang parents ni Duke na mahahalatang mga professional at nakakaangat sa buhay. Mabait sina Tito Darwin at Tita Camila sa amin. Kasundo na kaagad ni Mama si Tita Camila na ilang beses nang sinasabi na mukhang nasa mid 20s pa lang si Mama dahil sa youthful look nito. Si Tito Darwin naman ay palangiti din katulad ni Duke at parang pinagbiyak na bunga ang dalawa. Nasa 55 na ang edad ni Tito Darwin pero gwapo at matipuno pa rin sa kaniyang edad. Halatang sa kanya nagmana si Duke. “Hija, kami nang bahala ng Mama mo sa second wedding na magaganap sa inyo ni Duke. I’m just upset because we didn’t attend your civil wedding, but I’ll make sure your second wedding with him is memorable and grand.” Nakangiting sabi ni Tita Camila. Masaya ako dahil tanggap ako ng mga magulang ni Duke. Ang sabi nga ni Ate Camille ay ang kaligayahan lang ng Kuya niya ang hangad ng mga magulang nila

  • You're Mine (Book 1 and 2)   Chapter 33

    DUKE’S POV In the past, I’ve had a lot of sex with various women, including my ex-girlfriends. I’d be lying if I said I didn’t like having sex with them. Who doesn’t enjoy sex? But I can’t seem to find the person I’ll love for the rest of my life. Previously, the majority of my feelings were only lust and the desire to have a girlfriend. Something is always missing. My love and affection for the women I was before were insufficient to make me feel good about my heart and mind. I was in love and became obsessed, and it hurts that my feelings for the woman I loved were not reciprocated. I’m grateful Clarisse’s entered my life. She completely transformed me, and I still can’t believe she agreed to spend an intimate night with me. Habang hinahalikan ko siya ay hinawakan ko ang baywang niya at dahan-dahang hiniga sa kama. Her naked body and wet appearance begs me to cum. She’s so fucking seductive! However, there will be more time for that later. Nang maghiwalay ang aming labi ay ngum

  • You're Mine (Book 1 and 2)   Chapter 32

    DUKE’S POV It makes me happy to see how happy my wife is that her mother and brothers are here with us. All I want is for her to be free to do whatever she wants. She’s only 23 and has plenty of time to pursue her interests and dreams, but I’m glad she agreed to get married to me and I still find it hard to believe that she truly loves me. Ngayong kasal na kami at dala-dala ang apelyido ko ay gagawin ko ang lahat para lang maprotektahan at alagaan siya. I will punish the people who hurted and violated her. My rage was too strong, and it was burning me up right now, but I needed to control it. Ang hindi alam ni Clarisse ay napadakip ko na ang mag-amang Linares sa mga awtoridad at dinala sila sa dungeon kung nasaan din ngayon sila Jude, Jace, Karl, at Rowan. Hindi na ako makapaghintay na parusahan ang mag-amang iyon lalo na’t may bago pa akong nalaman tungkol sa ama ni Morris na si Kairo Linares. I can’t believe such people exist in real life. “Maraming salamat nga pala sa pagtulon

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status