Share

Getting To Know Each Other

ASH...

Nang makita ko siyang naghihintay sa akin after work, sobra akong natuwa, "Ganun ba talaga siya kadesididong makilala ako?" Kaya naman naisip ko na ibigay na ang cp number ko sa kanya. Tutal two weeks na rin naman niya akong kinukulit, wala namang masama kung makipagkaibigan ako sa kanya. Pero no'ng mag-request siya na mag-snack at mag-coffee, tapos tinitigan niya ako, pakiramdam ko hawak ko ang mundo. "Napaka-gwapo naman nito para i-turned down ko." 

Kaya pumayag na rin ako. Mula noon, hindi na siya nagde-deposit ng 100 pesos araw-araw, pero lagi naman niya akong sinusundo after office work. Nalaman ko rin na gimik niya lang 'yon para magpapansin sa akin. "Hmmm, ang haba ng hair ko di'ba?"

"Wala kang work? Eh, ano lang ang ginagawa mo sa araw-araw?

"Iniisip ka." sabay kindat sa akin.

"Seriously?!" sabi ko sabay taas ng isang kilay ko. "Hindi ka ba nagtapos ng college?"

"Actually, engineering undergrad ako."

"Ayun naman pla e. Bakit hindi mo ituloy ang studies mo para may magawa kang may kabuluhan, kaysa araw-araw mong inaaksaya ang oras mo sa pangungulit sa akin."

"Gano'n? Sawa ka na agad sa presensya ko."

"Hindi naman. Sayang lang kasi yung time mo."

"Ok, 'pag naka-graduate ba ako, sasagutin mo na ako?"

"Huh? Bakit may tinatanong ka ba?"

"Come on, seryoso ako." Tiningnan niya lang ako. "Ano pa ba sa tingin mo ang dahilan kung bakit pinupuntahan kita dito? Gusto nga kitang ihatid sa inyo e. Gusto kong makilala ang parents mo, pero ikaw lang ang tumatanggi."

Napaisip ako bigla. Oo nga, halos isang buwan na rin kaming kumakain sa labas pero kahit anong pilit niya, hindi ako nagpahatid sa bahay. Marahil naroon 'yong takot ko na lumalim pa ang pagkakaibigan namin. Hindi ako handa. May pakiramdam akong malayo ang level namin sa isa't isa. Saka ando'n 'yong takot ko na hindi siya ang tipong magse-seryoso sa babae. Mukha kasi siyang playboy. Kahit saan kami magpunta, sinusundan siya ng tingin ng mga babae, masyado kasing angat ang looks niya. Walang babae ang hindi maaakit sa kanya. Isa na ako doon, kaya natatakot akong tuluyang ma-involve sa kanya.

ANDY...

"Mom, I want to finish college." 

"Really son? Finally, you have made up your mind. Thank God, my prayers have been granted after all." 

Nakita ko kung gaano kasaya si Mom sa sinabi ko. 

"Tell me, what school do you prefer? Your dad will be delighted to know..."

"Come on, Mom. Let's not put dad into it. Hindi naman siya ang dahilan kung bakit gusto kong maka-graduate."

"Son, galit ka pa rin ba sa dad mo? It's been three years already. Besides, it's not your dad's fault alone. Ako nga, matagal ko nang..."

"Mom, I don't want to talk about it." 

Humalik ako sa kanya saka ako dumiretso sa sarili kong kwarto.

Bumalik nga ako ng college, gusto kong makatapos this time. Inspired akong mag-aral, gusto kong patunayan ang sarili ko kay Ashanty.

After school, kung wala rin lang akong homework, pinupuntahan ko pa rin si Ashanty sa work niya para sunduin. Kakain lang ng dinner then, ihahatid ko siya sa LRT. Ganoon lang nang ganoon for five months, sabi niya kailangan kong mag-concentrate sa studies ko. Nasanay na rin ako sa ganoong set-up namin. Kahit paano nakakasama at nakikilala ko siya nang husto. 

Napaka-simple niya, walang arte sa katawan. Magaan siyang kausap, puro happy at positive thoughts lang. Hindi rin sya materialistic. Maganda ang trabaho niya, for sure maganda rin ang kita niya pero never siyang bumili ng kahit ano sa mall kapag magkasama kami. Ultimong pagkain namin minsan pinagtatalunan pa namin. Dahil madalas, ayaw niyang magpalibre, lagi na lang may share siya sa kinain namin. Kaya kahit gusto kong bumili ng regalo para sa kanya, hindi ko na ginawa dahil no'ng minsang tanggihan niya 'yong hikaw na binigay ko, ang nangyari, ni-refund ko lang 'yong binili ko sa mall.

Nakikita ko ring maalaga siya at malambing, the way na nagkukuwento siya about sa nanay niya. Pero 'pag pinag-uusapan na namin 'yong sa aming dalawa, umiiwas siya. 

Pero iba ngayong araw na'to, nagulat na lang ako na siya mismo ang magyaya sa bahay nila. Nakasilip ako ng pag-asa.

"Free ka ba tomorrow? Invite sana kita sa bahay namin."

"Ows? Talaga? Kahit busy ako, isisingit ko talaga sa sched ko yan dahil matagal ko nang gusto na makarating sa inyo."

"So, sunduin kita sa 5th Avenue tomorrow. Around 3pm, ok sa'yo?"

"Saturday bukas, wala akong klase kaya, pwede ako kahit whole day pa."

Ngumiti lang siya.

Pag-uwi ko sa condo, naabutan ko si Mom na may kausap sa phone habang nagdi-dinner.

"Hi, Mom." sabay halik sa pisngi niya.

"I'll call you later, bye." Ibinaba niya ang phone at tumingin sa akin. "Hey son, get a plate, halika saluhan mo'ko dito."

"Ok na'ko, Mom. Nag-dinner na ako sa labas."

"Hmm? May dine-date ka na ngayon? You seemed happy. Bakit di mo ipakilala sa akin?"

"Mom. Don't worry, hindi ko pababayaan ang studies ko. Besides siya nga ang nagkumbinsi sa aking bumalik ng school."

"Hmm, I'm not saying..."

"Pero Mom, I know you. Trust me ok? Total opposite siya ni Laila."

"Eh, di mas lalong dapat ko siyang makilala."

"In time, Mom." Saka ako tumalikod papunta sa kwarto ko.

Hinayaan niya na lang ako, maya-maya narinig ko siyang may kausap na naman sa phone.

Excited ako, buong gabi wala akong ginawa kundi mag-isip kung ano ba ang dapat kong gawin. Pa'no ako haharap sa nanay niya. Do I have to bring something? Paano ba ang humarap sa magulang ng nililigawan mo? Hindi ko kasi na-experience 'yon ever. Lahat ng naging girlfriends ko, sa labas ko lang pinormahan, o mas dapat sabihin na wala talagang ligawan. Basta pag lumabas na kami, 'yon na. Pero kay Ashanty, lahat gusto kong gawin. I'm willing to do all my firsts in life with her.

ASH...

Hindi ako makatulog ng gabing 'yon. Kumakabog ang dibdib ko sa excitement. Bukas makikilala na ni nanay si Andy. Matagal ko na siyang gustong imbitahan sa bahay, pero nag-aalangan ako. At last, nagawa ko din. Hindi ko sinabi sa kanyang birthday ko, ayokong mag-assume ng kahit ano. Gusto ko lang makilala siya ni nanay.

Sa limang buwan na pagde-date namin, marami akong nalaman sa pagkatao niya. Bukod sa gwapo, mabait din pala siya. Akala ko noong una, mayabang at un-gentleman siya, pero habang nakikilala ko siya, kabaligtaran ang nakikita ko. Sobrang sweet, thoughtful, down to earth, magalang at generous. Although, ayokong sanayin ang sarili ko na naka-depende sa kanya. Lalo na't alam kong nag-aaral pa siya kaya hindi ako nagpapalibre sa kanya. Sapat na sa aking pinaglalaanan niya ako ng oras. At masaya ako sa bawat sandaling kasama ko siya.

Bihira siya magkuwento ng tungkol sa family niya, meron akong naaaninag na malalim na dahilan sa pagkatao niya. Pero lumiliwanag ang mundo niya 'pag nababanggit niya ang Mom niya. I believe he adores her so much. Positive 'yon sa akin, ibig sabihin pareho naming pinahahalagahan ang taong nagluwal sa amin.

Kinabukasan, maaga pa rin akong nagising kahit puyat ako magdamag kakaisip kay Andy. Sinamahan ako ni nanay mamalengke, magluluto kami ng ilang putahe para sa birthday ko.

"Anak, gaano ka-espesyal ang bisita mo para pagkaabalahan mo nang ganito. Dati rati, spaghetti, cake at ice cream lang, ayos nang handa sa birthday mo."

"Nay naman. Hindi na ako bata para makuntento sa spaghetti, cake at ice cream. Twenty-seven na kaya ako ngayon, kaya dapat bongga na ang handa ko," saka ako humagikhik.

"Asus, ibig bang sabihin niyan, magbo-boyfriend ka na rin?"

"Hala, si nanay talaga. May ipapakilala lang na lalaki, boyfriend agad! Hindi ba pwedeng, special friend lang."

"Sabagay nasa edad ka na rin naman para mag-boyfriend."

"Nay! Hindi nga boyfriend, kaibigan lang!"

"Ay sya, sige na magluto na tayo nang matapos kaagad."

Saktong 2pm, nakahanda na 'yong mga niluto namin ni nanay. Syempre paborito kong adobo (magkahalong chicken at pork), chopsuey, shanghai rolls, spaghetti, pansit bihon. Gumawa din ako ng buko pandan at bumili ng cake for desert.

Maya-maya pa naligo na ako at nagbihis para sunduin si Andy sa 5th Avenue. 

Nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng kotse niya na naka-park sa may drugstore. Maaga siya sa inaasahan ko. Naka-long sleeve polo na blue at maong pants. Magara talaga siyang pumorma, kahit saang anggulo mo tingnan, gwapo. Bagay talaga sa kanya ang mahaba at wavy niyang buhok. Buti tinanggap siya sa college kahit ganoon ang buhok niya.

"Hi, Andy. Kanina ka pa?"

"Ash, hindi naman. Kadarating ko lang din. I was about to call you."

"Ganoon ba, so let's go?" sabi ko. Pinagbuksan niya 'ko ng pinto, saka siya lumigid sa driver side ng kotse niya. Then, itinuro ko na lang ang way papunta sa bahay namin.

"Don't expect too much sa house namin a, dalawa lang kami ni nanay."

"Ano ka ba, ako nga itong kinakabahan. I don't know how to face your mom."

Ngumiti lang ako, napansin ko nga na medyo sweaty siya kahit may aircon naman ang kotse niya.

Nag-park siya sa tapat ng bahay namin, pinagbuksan niya akong muli ng pinto, then may kinuha siya sa likod ng sasakyan, 2 sets of bouquet. Ang isa, set of pink roses habang ang isa, white roses. Natuwa naman ako sa gesture niya. Sweet talaga siya. Iniabot niya sa akin ang pink roses, for sure sa nanay ko 'yong isa.

"Salamat," sabi ko. "Tara na sa loob."

"Magandang hapon po," bati niya sa nanay ko. Iniabot niya 'yong bouquet ng white roses kay nanay saka siya nagmano.

"Salamat, iho. Nag-abala ka pa."

"Andy po, nay. Kamusta po kayo."

"Mabuti naman. Hala, sige Ash, pakainin mo na muna ang bisita mo."

Niyaya ko siya sa may kusina at ipinaghanda ng pagkain.

"Wow, ang dami naman niyan. Niluto mo lahat 'yan para sa akin?"

Kunwa'y binatukan ko siya. "Oy, wag kang assuming 'no, birthday ko kaya ako nagluto hindi dahil darating ka."

"Birthday mo? Bakit 'di mo sinabi? Wala man lang akong nadalang regalo para sa'yo."

"Okay lang, may pa-flowers ka naman e."

"Nagustuhan mo ba? Buti naman. Di ko kasi alam kung ano bibilhin ko para sa'yo. Happy birthday." Sabay hinalikan niya ako sa pisngi. Nabigla ako sa ginawa niya. Natural na nag-blush na naman ako. Lumingon ako kung nakita ni nanay yung ginawa niya. Nakahinga ako nang maluwag na wala doon si nanay.

"Kumain ka na."

"Hmm, masarap a. Swerte ko naman 'pag ikaw napangasawa ko, sigurado lagi akong busog". Kinilig ako sa sinabi niya.

Konting kwentuhan pa, kinilala siya nang husto ni nanay at magalang naman siyang sumagot sa lahat ng tanong ni nanay. Habang ako, nakikinig lang. 

Alas-syete na no'ng magpaalam siya kay nanay na uuwi na. Inihatid ko siya sa kotse niya.

"Anak, mukhang mabait naman ang batang yun. Magalang. Kaya lang, hindi kaya maging alangan ka sa pamilya niya. Mukhang nakakaangat siya sa buhay."

"Nay, hindi naman porke't pinakilala ko siya sa inyo sasagutin ko na siya at magiging kami na habang buhay. Syempre kikilalanin ko pa rin siya. 'Wag po kayong mag-alala, hindi ako magpapa-api sa pamilya niya kung sakali."

"Anak, basta ang gusto ko, maging masaya ka lang."

"Oo naman nay. Matulog na po tayo." 

Ang saya ng puso ko, ito na ata ang pinakamasayang birthday celebration ng buhay ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status