Share

It's Complicated

ANDY...

"Bro sa wakas nagpakita ka din. Almost five months ka nang missing in action ha," sabi ni Mike habang umiinom kami sa tambayan namin.

"Sorry guys, busy lang talaga sa school."

"Ows? Sa school nga ba o sa chic? Hmm, kamusta na si Ms. LRT girl?" sabi naman ni Jon.

"Actually, both." sagot ko. "Pero hindi pa KAMI officially, exclusively dating pa, maybe."

"Huh? For five months?" halos sabay pa nilang sabi. Kaya tumango ako.

"Bago yun bro, ha. Hindi ba sya nagwapuhan sa'yo? O inaalat na ang mga moves natin jan?" ani Mike.

"Naisip ko na rin 'yan. Kaso, iba talaga siya e. Pero sa maniwala kayo't hindi, never ko na-feel na naiinip ako sa set-up namin. Ang totoo niyan, lalo pa nga akong na-e-excite sa araw-araw na development ng relationship namin."

"Siguro, patok sa akin 'yong kasabihang 'it's worth the wait'."

"Good luck, pre." sabi ni Jon.

"Thanks."

Sunday, nagsimba kami ni Ash then we decided na mag-mall, first time namin manood ng sine. Sobrang saya ko, knowing na masosolo ko siya sa sine. Bumili ako ng pop corn at drinks.

Ang weird ng pakiramdam ko habang nasa loob kami ng sinehan. Parang first time ko makipag-date. Hindi ko alam kung aakbayan ko siya o kung hahawakan ko 'yong kamay niya. Nag-aalangan ako dahil sa totoo lang hindi ko alam kung paano ako kikilos sa harap niya. Hindi pa siya nagkaka-boyfriend, ayokong makagawa ng move na makakapagpabago ng tingin niya sa akin.

Then lumingon ako sa kanya, masyado siyang busy sa panonood habang kumakain ng popcorn. May dumikit na popcorn sa gilid ng bibig niya, I am tempted to kiss her there and eat that popcorn, pero sa halip, kinuha ko 'yong popcorn at kinain. Napatingin siya akin at naaninag ko na nahiya siya sa ginawa ko. Natawa ako sa reaksyon niya, "Ang cute". Napaka-naive niya. Lalo ko tuloy siyang nagugustuhan.

Maya-maya sinubukan kong hawakan ang kamay niya. Naramdaman ko 'yung pagkagulat niya, pero nagkunwari akong wala lang. Nakatingin ako sa screen, naramdaman ko ang paglingon niya sa akin, pero di naman nya binawi ang kamay niya. Nice try, at nangiti ako. Maya-maya pa, at ease na siya sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya. Ang sarap sa pakiramdam. Natapos namin ang sine nang magka-holding hands.

Pagkatapos manood ng sine, niyaya ko siyang kumain. Pero nag-excuse siya na pupunta muna sa restroom. Kaya naghintay lang ako sa labas. Nang bigla...

"Hi babe, ano'ng ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba d'yan?" Sabay yumakap siya sa akin at humalik sa labi ko na ikinagulat ko.

"Laila!? Ano'ng ginagawa mo dito?" Sabi kong pilit kumawala sa kanya, sakto naman paglingon ko nando'n na sa likuran niya si Ashanty na nakamasid sa amin.

"Shit!"

ASH...

Ganito pala ang pakiramdam ng nakikipag-date. Pagkatapos magsimba nagyaya siya manood ng sine na pinaunlakan ko naman. Naramdaman kong hindi siya mapakali habang nasa loob kami ng sinehan. Gusto ko siyang tanungin pero nahiya naman ako. Nang bigla may nakuha siyang pop corn sa may gilid ng bibig ko at kinain. Pakiramdam ko pulang pula ako sa hiya. "Ba't niya ginawa 'yon?" Ibinaling ko sa screen ang tingin ko. "Ano ba 'tong nararamdaman ko? Tinatambol ang dibdib ko." 

Mas lalo akong nagulat nang hawakan niya ang kamay ko, parang may kuryenteng dumaloy sa braso ko. Doon ako lumingon sa kanya pero busy siya sa panonood sa screen. Tinitigan ko siya nang husto habang nanonood siya. "Alam mo ba kung ano ang gingawa mo sa akin?" Sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Nag-iinit ang pakiramdam ko kahit malakas ang aircon. Pero masarap sa pakiramdam. "Pero ikaw, parang wala lang. Gusto ko 'yong ganitong pakiramdam. Sana hindi na matapos 'to." 

Pagkatapos manood ng sine, nagyaya siyang kumain pero minabuti kong dumaan muna sa restroom para i-compose ang sarili ko sa kilig na nararamdaman ko.

"Beshie, bakit hindi ka na sinusundo ng boyfriend mong tisoy? Wala na ba kayo?" narinig kong sabi no'ng babaeng katabi ko sa CR habang naghuhugas ako ng kamay.

"Nde noh? Busy lang siya lately kasi bumalik siya sa school. Pakakawalan ko ba naman 'yon. Gwapo na, magaling pa sa hmmm...alam mo na."

Di ko maiwasang pagmasdan sa salamin 'yong nagsalita, maganda at sexy. "Bagay siguro sila ng bf niyang tisoy daw." Pagkaraa'y lumabas na sila, sumunod na rin ako.

"Hi babe, anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba d'yan?" Laking gulat ko nang yumakap siya at humalik sa lips ni Andy!!

"Laila!? Ano'ng ginagawa mo dito?" Sabay lumingon sa akin si Andy, marahil ay hindi niya inaasahang makikita ko sila sa ganoong sitwasyon.

"Ash!" bigla ang paglapit niya sa akin. Halos magkanda-utal utal siya sa pagpapakilala. "Ash, si ...Laila nga pala...."

"Hi." putol ni Laila sa sasabihin ni Andy sabay nilahad ang kamay sa akin, nakataas ang kilay.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako nakakilos, nanlalamig ang buo kong katawan. Ayokong abutin ang kamay niya. Nanginginig ang tuhod ko, gusto kong tumakbo palayo pero hindi ko naman magawang ihakbang ang mga paa ko. 

"Friend mo?" dugtong pa ni Laila nang hindi ko abutin ang kamay niya.

"Lai, mauna na kami." sabi na lang ni Andy saka ako inalalayang maglakad. Lumayo ako sa kanya habang naglalakad kami, hindi rin ako kumikibo. 

"Ash don't think of anything else. Ex-gf ko si Laila. Matagal nang tapos 'yong sa amin..."

"Hindi mo kailangang magpaliwanag Andy, sapat na 'yong nakita ko."

"Pero Ash, hindi naman kasi..."

"Gusto ko nang umuwi." Sa totoo lang konti na lang bibigay na ang mga luha ko. Ayokong makita niya ang mga iyon. "Ano ba ang dapat kong asahan sa kanya? Imposible naman talaga na wala syang gf sa itsura niyang 'yun. Pero bakit pinagkaabalahan niya pa ako, kung lolokohin niya lang ako. Mukha ba akong tatanga-tanga kaya naisip niya na maganda akong biktima."

"Ash please..."

Iwinasiwas ko lang ang kamay ko at nagmamadali na akong tumakbo. Paglabas ko ng mall, dali-dali akong sumakay ng taxi, hindi ko na siya nilingon dahil unti-unti nang dumadaloy ang mga luha sa aking pisngi.

ANDY...

Hinabol ko si Ash pero nagmamadali siyang sumakay ng taxi. Sinubukan ko siyang tawagan ng ilang beses pero nire-reject niya ang tawag ko. Gusto kong magpaliwanag pero sarado ang isip niyang tanggapin ang paliwanag ko. Natatakot ako sa reaksyon niya. Alam kong wala akong kasalanan pero naiintindihan ko siya.

Bilang isang babaeng wala pang karanasan sa pakikipagrelasyon, natural lang na masaktan siya sa nasaksihan niyang eksena sa amin ni Laila. At natural lang din na pagdudahan niya ang intensyon ko. "Pero sana..sana Ash pakinggan mo naman ako. Hindi kita niloko, at hindi kita lolokohin kahit kailan."

Kaya naman, tinawagan ko si Laila.

"Mag-usap tayo."

"Bakit mo ginawa yun?", galit kong sabi habang magkaharap kami ni Laila sa isang coffee shop.

"Ang alin?" patay-malisya niyang sabi.

"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin."

"Look, nagulat ako no'ng makita kita sa labas ng restroom. How would I know na may iba ka palang kasama? Sobra kitang na-miss, akala ko ako ang hinihintay mo. Dati pa naman, hinahalikan na kita nang ganoon, mas matindi pa nga. Ano'ng mali sa ginawa ko?"

"Ano'ng mali? Ok ka lang? Wala na tayong relasyon para halikan mo pa ako. 'Yun ang mali! Umakto kang parang tayo pa, kahit hindi na!"

"Hey, kasalanan ko ba na nag-assume siya? Eh makitid pala utak ng girl friend mo e. Wala ba siyang tiwala sa'yo?"

"Shit Laila! 'Wag mo ibahin ang usapan! Akala ko, malinaw na sa'yo ang lahat no'ng maghiwalay tayo. But it seems, wala kang naintindihan sa lahat ng pinag-usapan natin. Tapos na tayo, Laila! I guess kahit pakikipagkaibigan, hindi ko maibibigay sa'yo!" Galit kong sabi saka ko siya iniwan.

LAILA...

After 2 years of relationship, hindi ko matanggap na tinapos ni Andy ang aming relasyon nang ganoon lang. Sobra kong mahal si Andy, akala ko noong una, enjoy lang ako sa company niya. Mabait siya, sweet at enjoy sa kama. Sa lahat ng naging boy friend ko, siya lang ang pinangarap kong makasama habang buhay.

Pero biglang nakipaghiwalay siya sa akin. Dumating na ang araw na kinatatakutan ko, ang ma-inlove siya sa ibang babae. Nakita ko 'yon sa kanyang mga mata, noong araw na sabihin niyang tapusin na namin ang lahat. Masakit, hindi ko matanggap. Pero naramdaman kong desidido siyang hiwalayan ako. Natakot akong hindi ko na siya makita kahit kailan kaya nagkunwari akong maluwag kong tinatanggap ang lahat. Na willing akong maging kaibigan niya na lang.

Ok naman sana. Nagpapalitan kami ng text, nagkikita paminsan-minsan as friends. Pero iba ngayong araw na'to. Tinapos na niya nang tuluyan ang ugnayan namin sa isa't isa dahil sa babaeng 'yon. Nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. Sa kauna-unahang pagkakataon, trinato ako ni Andy ng ganoon. Dahil sa babaeng 'yun!

Binalikan ko sa isip ko ang mga pangyayari. Tinanong ako ng friend ko tungkol sa estado ng relasyon namin ni Andy. Hindi ko maamin na wala na kami. Rather, ayokong aminin na wala na kami dahil umaasa pa rin akong maaayos din namin ang lahat. Na magkakabalikan din kami. 

Kaya natuwa ako nang makita ko si Andy sa labas ng restroom. Akala ko, nakita niya akong pumasok sa CR kaya inabangan niya ang paglabas ko. Akala ko, nasabik din siyang makita ako kaya niyakap ko siya at hinalikan sa sobrang tuwa.

Nagulat ako sa reaksyon niya. Mas lalo akong nagulat sa babaeng ipinakilala niya. Hindi ako ang hinihintay niya kundi ang babaeng iyon. Napahiya ako sa harap ng mga kaibigan ko pero pinilit kong itaas ang dignidad ko.

"Hi," sabi ko saka ko siya tiningnan mula ulo hanggang paa. Inilahad ko pa ang kamay ko. "Friend mo?" sabi ko pa kay Andy. Pero hindi tinanggap ng babae ang kamay ko. Lalo akong nainis nang hilahin siya palayo ni Andy. Ito ang babaing ipinalit sa akin ni Andy. Nde ko matanggap. "Gagawin ko ang lahat mabawi lang kita, Andy. Kahit magpakamaldita pa ako."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status