Share

Kabanata 40

PINAGLABANAN ni Raquel na muling bumigay sa tukso. Matapos ipunin ang lahat ng tapang at katinuan ay tinulak niya si Zeus palayo sa kanya. Pinalis niya ang kamay nito nang hawakan siya sa braso.

“Anong nangyayari sa ‘yo, Raquel? Sa totoo lang hindi ito ang inaasahan ko para sa ‘ting dalawa.”

“Hangal ka, Zeus!” sikmat niya rito. “Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko nang unang beses tayong mag-usap? Na kung gusto kong pakasalan si Arthur ay hindi mo ako mapipigilan.”

Napasinghap siya nang mabilis nitong hinaklit ang braso niya at hinila siya palapit. Puno ng pagkamuhi ang mga mata nito nang titigan siya. “Huwag kang pakasiguro, Raquel. Masasaktan ka lang kapag ipinagpatuloy mo ang iyong kahibangan!”

“Titiyakin ko sa’yo na hindi ako masasaktan. Kay Arthur, sigurado akong maiingatan ang puso ko.”

Sandali itong natahimik. Sumimsim ito ng alak at muling nagsalita. “Pakakasalan mo pa rin ba ang kapatid ko oras na malaman mong may iba siyang mahal?”

Napakura
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status