Share

Kabanata 41

INULIT ni Mark ang tanong. “Ikaw, Ate? Excited ka rin ba sa kasal mo?”

Natigilan si Raquel sa tanong na ‘yon ng kapatid. Umiwas siya ng tingin dito. “Bakit mo naman naitanong ‘yan? Hindi ba ako mukhang excited?” Kunwari ay abala siya sa pag-aayos ng mga prutas sa basket.

“Ewan ko. Wala kasi akong makitang kislap sa ‘yong mga mata. Habang narito ako sa ospital ay nanonood ako ng mga movie at kagabi lang ay napanood ko ang ‘Marry Me Or I Will Marry You’. Nakita ko sa mukha ng mga ikakasal ang kinang at excitement sa kanilang mga mata. At iyon ang hindi ko makita sa mga mata mo, Ate.”

“Kay bata-bata mo pa para manood sa mga ganoong bagay.” Pilit siyang ngumiti upang itago ang katotohanan mula sa mga mata nito.

Tama nga ang kanyang kapatid, hindi siya tulad ng ibang babaeng ikakasal na nasasabik na maikasal. Dahil mahal nito ang lalaking pakakasalan. Wala siyang nakikitang hindi kaibig-ibig kay Arthur. Wala siyang mairereklamo rito. Ngunit wala siyang nararamdaman para
corasv

⚠️Warning: SPG–read at your own risk.

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status