Share

You're the Father, CEO
You're the Father, CEO
Author: Ever Green

Chapter 1

"Kailangan makabalik ng buhay yang sasakyan ko, Chano, ha!" aniya ng isang lalake sa kabilang linya ng tawag. Napahagikgik na lamang siya dahil sa narinig.

"Tiwala ka saken pre! Pag-uwi ko di lang kotse mo ang buhay, pati small business naten," aniya ng lalakeng may kausap sa smartphone habang nagmamaneho ng nasabing kotse.

"Hoy, Christian Dela Cruz! Marami pa ring buang jan sa Maynila. Kahit ilang linggo mo nang pinag-aralan ang pakikibagay sa mga tao jan— Nako! Iba pa rin sila" pag-aalalang sambit ng kaibigan niya.

Napangiti naman siya dahil sa labis na pag-mamalasakit ng kanyang kaibigan. Ibinaba na ni Christian at inabante na ang sasakyang tumigil mula sa traffic. Narito siya sa Manila upang kumuha ng stocks, kagamitan, at iba pang materyales para sa kanilang binubuong small business. Matagal na niyang pangarap na makapagtayo ng sariling business upang makapagretiro na ang Ama at Tiyo sa pagsasaka sa kanilang lupa. Kahit laki siya sa probinsya ay hindi niya pinabayaan ang pag-aaral. Kaya naman nakagraduate siya ng kolehiyo, nakakuha ng maayos na trabaho, at nakapagipon upang simulan ang software company na pinapangarap niya. Sa tulong ng mga kaibigan niya na sila Robert at Makoy ay nagawa nilang bumuo ng digital database para sa kanilang baranggay. Nang makaipon pa muli saka nila napagdesisyonan na palaguin pa ang negosyo.

Mataas ang paghahangad ni Christian na ito na ang simula ng kanilang pagunlad. Nakarating na rin siya sa wakas matapos ang mahabang byahe. Pagkaparada ng kotse ay agad niyang inayos ang kurbata sabay hablot sa mga folders. Tumungo na siya sa gate ng napakataas na building na nagngangalang Xoba Technology. Sinalubong siya ng gwardya upang malaman ang kanyang identity. Nanlaki ang mga mata ng gwardya nang mabasa niya ang pangalan sa driver's license na iniabot nito.

"Christian? Kayo po yung si Sir Christian Dela Cruz?" muntikan pang mautal ang gwardya sa tanong ngunit pinanatili nito ang kanyang kompostura. Nagtataka naman si Christian sa ikinilos nito ngunit tango na lamang ang kanyang ipinagkaloob.

Pinapasok na siya ng nasabing bantay at itinuro ang isang elevator na pa-diretcho sa opisina ng boss. Bago magsara ang pinto ay narinig niya ang paggamit nito ng transceiver at nagsabi ng "VIP Guest, Sir Christian Dela Cruz. Please confirm". Sa isip-isip niya ay maaaring mabait lamang ang mga tao sa kumpanya kung kaya malugod siyang tinatanggap dito. Sa pagdating niya sa palapag kung saan siya iginabay, halos lahat ng empleyado ay bumabati sa kanya. Ngumiti naman siya at nagbalik ng pagbati. Tumaas ang confidence ni Christian na maaaring aware ang lahat sa kanyang pagdating at mas magiging maayos ang proposal ng kanyang negosyo.

Sa kabilang banda, nang makalagpas na si Christian sa mga maggagawa ay hindi nila maiwasang pag-usapan ang binata. Marami sa kanila ang nag-abang sa pagkakataon na makita ito ng personal.

"Siya na ba yung Richest Young Entrepreneur sa bansa na Christian Dela Cruz? Baka naman kapangalan lang," bulong ng isang babae.

"Naku! Tignan mo naman oh, sa pogi nyang yan pagdududahan mo pa? Saka makinis ang balat, malamang mana don sa mga magulang niyang nasa ibang bansa!" tugon ng kanyang kausap.

"Ang pogi pala niya! Bakit kasi hindi niya pa ipakita sa publiko ang mukha niya? May ipagyayabang naman mukha niya sa TV eh, baka iboto ko pa siyang presidente!" impit na pagsambit ng isa pang empleyado.

Nagtatakang lumingon si Christian sa mga empleyado. Pakiramdam niya'y pinag-uusapan siya ng mga ito na para bang may mali sa kanya. Sinipat muna ang kanyang sarili sa salamin na bintana at huminga ng malalim bago pumasok sa loob ng isang conference room. Nagbulungan muli ang mga empleyado habang nagpapalitan ng kuro-kuro kung siya nga ba ang nasa likod ng misteryosong tanyag at matalino na Christian Dela Cruz.

Nakangiti siyang sinalubong ng isang lalaki na nakaupo sa kaduluhan ng mahabang lamesa. Inoofferan siya nitong umupo sa katabi nitong upuan upang pag-usapan ang nasabing kontrata. Binuksan ng lalaki ang dala-dala niyang file kasabay ang pagtataas nito ng kilay habang nagbabasa. Kinakabahan si Christian sa kung anong nais iparating nito sapagkat may dalawa lamang itong kahihinatnan. Una ay tatanggapin ito na siyang magiging dahilan ng pag-angat nila sa kahirapan, o pangalawa na itatanggi ang proposal at uulit muli sila sa umpisa. Iniwaksi na lamang niya ang mga negatibong kaisipan at umupo ng matiwasay. Nagmasid na lang siya sa ginagawa ng kanyang kaharap. Hindi rin naman nagtagal ay kinausap na rin siya nito.

"Your offer looked seamless, how can I say no to this?" aniya habang nakatitig ito sa kanya. Hindi mawari ni Christian kung nais ba siyang bigyan ng papuri nito o may iba pa itong pinapatungkulan. Nagpakita ng matipid na ngiti ang binata sa kanyang kausap bago magsalita.

"I entrust my company's lifeline to your shares, Mr. Cuanco. It's an honor for me, sir" tugon niya. Humalakhak naman ang lalaki na nagngangalang Mr. Cuanco upang pagaanin ang presensya ng lugar. Sa isipan nito'y isa ring kayamanan para sa kumpaniya nila ang magkaroon ng partnership mula sa tanyag na si Christian Dela Cruz.

Nagsimula na silang mag-usap patungkol sa kontrata. Nagpalitan ng mapagkakasunduan patungkol sa stocks, shares, materials, at kung anu-ano pang produkto ang kakailanganin ng kanyang business. Halos panay ang pag-sang ayon ni Mr. Cuanco sa lahat ng kanilang negosasyon. Nagsisimula nang makaramdam si Christian ng hindi maganda dahil sa panay na kabutihan na kanyang natatanggap. Isang malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan nang matapos na ang pirmahan ng kontrata. Nanginginig man ang kanyang kamay dahil sa kaba ay nakipagkamay pa rin siya sa Executive Director na nakausap niya. Inaya pa nga siya nitong bumili ng inumin sa malapit na coffee shop upang ituloy pa ang kaunting usapan. Pumayag naman si Christian dahil panigurado diretcho siya sa probinsya para asikasuhin naman ang mga makukuhang materials mula sa Xoba Technology.

Pagkarating sa labas ay may naabutan silang maliit na komosyon. Mayroong isang babae na naka-oversized grey polo shirt, katmataman ang tangkad, morena ang kanyang balat, at nakatali ang kanyang buhok gamit ang hair clamp. Ngunit mapapansin sa kanya ang malaking bilog sa kanyang tyan na indikasyon na siya'y nagdadalang-tao. Nang makalapit sila ay nagsimula nang magsisisgaw ang babae at hinahanap ang kanyang pangalan.

"Sinabi nang padaanin mo ko eh! Kakausapin ko lang naman si Christian, wala namang masama don hindi ba? Tumabi ka na kasi!" pagpupumiglas ng babae habang pilit na hinahawi ang gwardya.

"Sorry ma'am eh hindi nga ho pwede, wala kayong ID. Saka importanteng tao yon, pano kayo makikilala 'non!" aniya ng gwardya habang maingat na inihaharang ang sarili sa may entrance. Ilang beses na rin niya itong inililihis palabas ng gate ngunit nakakabalik pa rin ito ng paulit-ulit.

"Ano bang nangyayari ha? Manong, what's her purpose?" aniya ni Mr. Cuanco na may halong inis sa kanyang tono. Lumingon naman ang gwardya nang kumalma ang babae.

"Sir Christian, Sir Cuanco! Naku pasensya na po, kanina pa po kasi niya pinagpipilitan na kilala daw po siya ni Sir Christian eh," aniya ng gwardya sabay kamot sa kanyang batok.

Naging mapagmasid naman ang babae sa ikinilos ng gwardya. Napagtanto niya na ang Sir Christian ay yung matangkad na binata na may makinis na balat, mapupungaw na pilikmata, at may mapulang labi habang ang Sir Cuanco ang katabi nitong nasa mid-40's na ginoo. Malakas ang kutob niyang ito na nga ang hinahanap niya. Huminga siya ng malalim at nagsimulang lumakad papunta sa kanya. Hindi siya nagawang pigilan ng gwardya dahil sa nawala ang kanyang atensyon mula rito. Nakatitig lamang siya sa mga mata ng binata at gayundin ito sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ngunit malakas ang kutob niya na sa tagal ng paghahanap ay maaaring ito na nga ang tamang tao.

Hinugot niya ang kanyang tsinelas at itinapat sa mukha ng binata. Napaatras naman ng kaunti ang binata dahil sa ikinilos ng babae. Nais na niyang magsalita ngunit mukhang napupuno ng sama ng loob ang babaeng nasa harapan niya.

"Ikaw ba yung Christian Dela Cruz?" mahinahong pagtatanong ng babae sa kanya. Lumingon si Christian sa dalawang tao na alam niyang saksi ng pangyayari. Nakaabang lang ang mga ito sa kanyang sasabihin kung kaya sumagot siya.

"Oo, ako nga. Paano mo ko nakila—? Ah— Aray!" aniya. Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin sapagkat nagsimula na siyang hampasin ng tsinelas ng babae. Hindi naman ganoon kakapal ang tsinelas pero sadyang malakas ang hampas nito sa kanya.

"Siraulo kang hayop ka! Pano mo nagawang mambaboy ng babae tapos di mo magawang magpakilala ha? Ano? Wala ka bang balak panagutan 'tong bata, ha?!?!" ani ng babae habang pinipigilan siya ng gwardya sa paghampas. Sinubukan naman ni Mr. Cuanco na isingit ang sarili niya upang protektahan ang ka-negosyo.

Nais ibuhos ng babae lahat ng hinanakit na dinala niya sa nakalipas na walong buwan para sa bata. Isang hampas pa ang nais niyang gawin ngunit naramdaman na niyang mawawalan na siya ng malay. Nagsimula na ring magkaroon ng ilang empleyado sa lobby at na-witness ang komosyon. Nagkaroon ng mga bulungan patungkol sa nasaksihan nila. Punong-puno pa rin ng katanungan ang isipan ni Christian kung bakit sya sinugod ng babae. Kahit na nararamdaman pa rin niya ang hampas ng tsinelas ay nilapitan niya ang babae upang kamustahin.

"Manong, just call an ambulance! Get that trespasser out of our sight!" utos ni Mr. Cuanco. Akma namang dumampot ng transceiver ang gwardya upang humingi ng back up nang magsalita si Christian.

"Hindi na, mukhang matagal pa yun dumating. Susubukan ko na lang ihatid siya. May I know the directions to the hospital?" giit ni Christian. Nagulat naman ang lahat sa kanyang sinabi. Halos walang makapagreact sa kanyang tanong kaya muli siyang nagsalita.

"Buntis yung tao, kailangan niya ng immediate help!" aniya.

Tumalima naman ang gwardya upang tulungan siyang buhatin ang babae. Tumulong din ang ibang empleyado upang maidala sa kotse nito. Hindi maiwasan na magkaroon pa rin ng pag-uusap ang ibang empleyado dahil sa inakto nito. Dumilat ang nasabing babae, hinaplos ang mukha ng lalake at umusal ng ikinabigla ng mga taong nakapaligid.

"Iligtas mo ang anak natin.."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status