CLAIRE (WORK)
Nicks, ano'ng oras ka papasok?
ANICKA
Why? Off ko ngayon.
CLAIRE (WORK)
Ah, gan'on ba? Sayang naman.
ANICKA
Bakit?
CLAIRE (WORK)
Usap-usapan na change management na raw tayo... may iba na raw nakabili ng WAAK. Malaki raw ang offer, kaya hindi nagdalawang isip si boss na ibenta... kahit daw tatlong WAAK puwedeng ipatayo sa laki ng offer.
ANICKA
Talaga? Bakit kaya 'yong maliit na store natin ang napili niya, kung ganoon naman pala siyang kayaman?
CLAIRE (WORK)
Ewan. Bali-balita na ngayon daw ipapakilala iyong bagong may-ari. At balita ko, ang guwapo raw. Well, ayon lang naman kay Denise, ha. Nakita niya raw nung lumabas sa office
KASALUKUYANG kumakain si Anicka nang tumunog ang cellphone niya.Si Albert."Hi, baby. Sabay tayong mag-lunch." bungad agad nito pagsagot niya ng tawag.Bahagya siyang nangiwi sa sinabi nito."Ahm... nandito kami ngayon sa Trining's."Hindi niya alam kung magandang ideya ba na papuntahin niya roon si Albert lalo at kanina niya pa nararamdaman ang pailalim na tingin ni Tyron na tila binabantayan ang lahat ng kilos niya."Ahh... d'yan ka maglu-lunch?" tanong nitong muli."Baka dito na nga kami abutin ng lunch. Hindi yata magbubukas now ang WAAK, eh." sagot niya rito.Nang matapos ipakilala ni Mr. Santos si Tyron kanina ay umalis na rin agad ang binata. Ngunit nagbilin ito na magtungo silang lahat sa Trining's at nagpahanda umano ito ng makakain doon para sa kanilang lahat.Nais daw nito na nakapalagayang loob ang mga empleyado bago magsimula ng trabaho."Ahh... bakit? At ano naman ang ginagawa mo d'yan kung hindi na
TYRONWhere are you?ANICKAOn my way, Sir.TYRONYou're already late.ANICKAI'm sorry..TYRONMasyado ka bang pinagod niAlbert at hindi ka nagising ng maaga?Mariing naipikit ni Anicka ang mga mata.Heto na naman po sila.ANICKASir, please... kapag sinagotko 'yan, hindi ka namanmaniniwala, so what's the use? Sorry po kung na-late ako... hindi na po mauulit. Ibawas n'yo na lang po sa sahod ko.TYRONDamn you! I don't fuckingcare about your salary!ANICKAKapag sumagot ako, galit ka... kapag naman hindi ako sumagot, galit ka rin.TYRONDA
ANICKA'S POV"I'm so sorry, Albert..." nakayukong sabi niya.Nang ihatid siya ni Albert ng gabing iyon ay sinabi na niya rito na nagkabalikan na sila ni Tyron at hindi na siya maaaring magpakasal dito."Are you sure about this, Anicka? Well, I guess, wala na rin akong karapatang tawagin kang baby?" halos malasahan niya ang pait sa salita nito.Guiltily, she nodded, without looking at him."Tell me, how did it happen that fast?"I don't know... it just happened. Maybe, we really love each other that much." lalong hindi siya makatingin dito sa kasinungalingang sinabi niya.Mapait pa ring ngumiti ito."I'm sorry, too, Anicka... but I can't say, that i'm happy for you. It hurts, really. Akala ko may chance na tayo. After all these years, hindi mo ba talaga ako natutunang mahalin?" mahinang sabi nito na nakayuko ang ulo."I'm so sorry." iyon lang ang kaya niyang sabihin sa
PAGKAGISING ni Anicka kinabukasan, ay wala na si Tyron sa tabi niya. Ngunit may nakita siyang isang bungkos ng mga puting rosas, na nakapatong sa ibabaw ng nightstand niya. Agad siyang bumangon at may ngiti sa mga labing inabot niya iyon at sinamyo.Masakit pa ang buong katawan niya partikular na ang bahaging iyon, dahil sa nangyari sa kanila ni Tyron ng nagdaang gabi... technically, hanggang kaninang madaling araw. Tila hindi ito napapagod at nauubusan ng lakas. Kung hindi pa nagbubukang-liwayway na ay wala pa itong balak na magpahinga at patulugin siya.Mahal,Good morning... last night was really great. Thank you.I didn't wake you up... I know you're tired. You don't have to go to work today... just rest, okay?See you later.TyronNapangiti siya nang mabasa ang nakasulat sa kalakip nitong card.Pagtingin niya sa orasan ay alas diye
PAGDATING niya sa canteen ay inabutan niya ang inang tila hapong naka-upo sa tabi ng counter, masama raw ang pakiramdam nito."Dadalhin ko na po kayo sa ospital, Nay." agad niyang sabi rito.Iwinasiwas lang nito ang kamay. "Sus, para kang si Bench. Nahapo lang ako at naparami ang luto ko. May paluto kasing kare-kare si Mrs. de Guzman, eh, sayang din naman kaya tinanggap ko.""Nanay naman, eh. Sabi ko naman sa inyo huwag kayong masyadong nagpapagod, eh." tila nakukunsuming sermon niya sa ina. "Isara n'yo na lang kaya itong canteen. Nay, kaya ko naman po kayong buhayin kahit wala itong canteen.""Heh!" anitong pinandilatan siya ng mga mata. "At ano'ng gusto mong gawin ko? Maghilata lang sa bahay? Naku, anak, mas lalo akong manghihina kapag wala akong ginagawa.""Kaysa naman po ganyan," nag-aalala pa ring sabi niya."Huwag kang mag-alala, anak, hindi na ulit ako tatanggap ng ekstrang paluto. Ito na lang talagang canteen ang aasikasuhin ko. Nari
TYRONWHERE are you?Damn it, Anicka, lagi na lang bang ganito ang bungad text ko sa'yo? Lagi na lang kitang hinahanap!ANICKANasa WAAK na ako, bakit ba?TYRONHindi ba sabi ko sa iyo kaninang umaga, babalik ako? Maliligo lang ako at magbibihis.ANICKANakalimutan ko.TYRONNakalimutan, o, kinalimutan? Magkaiba 'yon!Anicka...ANICKAOh?TYRONBakit hindi ka na sumagot?ANICKAAyokong makipag-away, ang aga-aga.TYRONKung hinintay mo ako, wala sanang problema!ANICKABakit ba kasi kailangang sabay pa tayong pumasok?TYRON
PANAY ang pag-agos ng mga luha ni Anicka habang binabasa ang mga text sa kanya ni Tyron.Alam niya naman na hindi niya ito matatakasan. Gusto lamang sana niyang ipahinga ang sarili sa sakit na dulot nito.Ngunit mukhang sa tindi ng galit sa kanya ng binata ay wala itong balak na bigyan siya ng kahit na kaunting konsiderasyon.ANICKATyron, please, huwag ngayon.TYRONNo! Mag-uusap tayo, ngayon! Nasaan ka ba?ANICKANandito lang ako sa loob ng mansyon.Wala nang nagawang sagot niya sa mensahe nito.TYRONNandito ako sa labas... walang tao sa mansyon.ANICKAPumasok ka na.TYRONBuksan mo ang pinto.TYRON'
ISANG linggo nang hindi nagpapakita si Tyron kay Anicka. Mula ng araw na iyon, na wala sa loob na nasabi niyang mahal niya ito, ay hindi na siya mapakali.Nakita niya ang pagkagulat sa mga mata nito sa sinabi niya. Hindi na lamang siya muling kumibo atwala sa sariling nagbihis na, at nagpasyang umalis. Ngunit bago siya lumabas ng pintuan ay iniwan niya ito ng isang mariing halik sa labi at marahang halik sa noo. Tila nakapaloob sa mga halik na iyon ang lahat ng gusto niyang sabibin, ngunit hindi niya alam kung papaano. Tahimik naman nitong tinanggap iyon at matamang nakatigin lang sa kanya.Aaminin niyang naduduwag siya. Naduduwag siyang aminin sa sarili na makalipas ang maraming taon, ay hindi pa rin nagbabago, o, hindi man lamang nabawasan ang pagmamahal niya para dito.Siya pa rin ang dating Tyron, na abot hanggang langit ang pagmamahal dito.Ngunit paano kung katulad noon, ay masaktan na naman siya?Paano kung gi