MasukJhen
"Hello po Tita Lian?" "Jhen, alam ko kalabisan na dahil hiningi mo ang araw na iyon dahil birthday ng Nanay Cristy mo." Napairap ako kasi sa tuno ng salita ng manager ko mayroon sa akin hihilingin. Kung hindi lang talaga sa utang na loob. Tatanggi ako dahil mag-overnight kami sa Laguna birthday gift ko sa Nanay Cristy. Naka-booked na iyon kami lang ng mga bata at si Ate Germaine. Sa sabado na iyon huwebes na ngayon kaya nga excited ang mga bata dahil hanggang linggo ng tanghali kami roon. Wala akong taping kasi nagsabi na ako kay direk family bonding. Pumayag naman pero itong si Tita Lian mukhang singit pa. Okay naman na manager si Tita Lian. Mabait din naman wala akong masasabi. Pero ang ayaw ko lang talaga kapag tanggap siya nang tanggap ng raket kaya minsan ako na ang nagrerekalmo. Ayon hindi siya makapalag kapag nasa tama ako. "Fan mo kasi ang pamangkin ng amiga ko. Gusto n'ya sumaglit ka sa birthday n'ya sa sabado. Promise magpapakita ka lang iyon kasi ang gusto na gift. Sorry, alam ko naman may lakad kayo," aniya. Tumikhim ako. "Basta Tita Lian. Sa umaga lang po at saglit lang ako." "Really? Payag ka na?" Napairap ako dahil alam naman n'ya hindi ako basta makatanggi. "Opo Tita. Sa tanghali naman po kami aalis," "Thank you so much, Jhen." "Welcome po Tita. Putulin ko na po ang tawag nagmamaneho po ako." "Sure! Ingat kayo. Salamat ulit," sabi nito at nauna pa nito putulin ang tawag. "Dumali na naman iyan si Madam Lian. Tsk maayos ang usapan na hindi ka tatanggap ng raket sa araw na iyan." Nangiti akong saglit na lumingon sa Ate Germaine. "Ayos lang po iyon Ate." "Kaya talaga umaapaw ang blessings mo kasi napakabait mong tao." "Oi ate hindi naman ah," "At humble pa kaya hindi nagkamali ang mga fans mo na idolohin ka dahil mabait, maganda." Ngumiti na lang ako. Dahil hindi ko talaga iyon iniisip. Basta ginagawa ko lang kung anong tama at mali. “Naku namiss ko na kasama sa pamamasyal ang kambal. Tiyak tayo ang susuko sa dalawa, kapag nakarating tayo sa mall,” nakangiti sabi ng Ate Germaine nang binabagtas na namin patungo sa school ng dalawang bata. Nakangiti akong samang-ayon sa sinabi ng Ate Germaine. “Mabuti na lang talaga ate, nagbago ang isip ni direk sa time ng shooting. Akala ko maaga tayong aalis ng bahay. Timing na move ng alas-otso ng gabi, at sa Cavite lang din ang shooting, kaya kahit na six thirty na tayo umalis ng bahay hindi tayo magagahol sa oras. Alam mo na si direk, parang lion kapag mayroon na late," saad ko sa kaniya. "Bakit kaya hanggang ngayon binata pa si direk. Hindi kaya bading siya?" bigla sabi ng Ate Germaine na kina overthink ko rin. "Sayang kung bading ang lion na iyon. Aba mga kapatid n'ya masaya ang married life at mayroon na mga cute na mga anak," tugon ko sa kaniya. "Pero alam mo ba mayroon rumor," "Ate Germaine, bilib na ako sa iyo ang lakas ng signal mabilis sumagap ng chismis," sagot ko sa kaniya kina bungisngis lang n'ya. "Narinig ko lang sa studio. Mayroon pala siya babaeng inaantay," Bigla akong napalingon sa Ate Germaine. Pero hindi na lang ako sumagot para maiba na ang topic namin. Nagiging chismosa na rin ako kapag sinagot ko pa ang chismis n'ya. Kahit na nagkwentuhan kami ni Ate Germaine. Pagmamaneho pa rin ang focus ko kaya hindi ako lumingon sa kaniya habang nagsasalita siya. “At nagkaroon pa tayo ng time mamasyal. Aba straight din four days na lagi tayong walang time matulog,” saad ng Ate Germaine. “Wait, nasabihan mo na ba ang Manong Kulas? Kung anong oras dapat siya pupunta ng bahay?” “Yeah. Sinabihan ko kahit na five thirty na siya magpunta,” “Salamat ate. Mahaba oras din makasasama ko ang mga anak ko. Kailangan kong sulitin. Baka naman sa next day, puro tayo trabaho,” natatawa kong sabi. “Kasi malapit na rin kasi ito lumabas sa sinehan kaya talaga nag-ra-rush si Direk Yurich,” sagot ng Ate Germaine. Pagkaalala sa showing. Kinakabahan ako. Paano kaya kung hindi kagatin ng mga fans namin ni Emir. Kasi dati kong ka-loveteam aminado ako na maraming nawala sa dati kong fans simula nang palitan ng management ang love team ko. Wala akong magagawa dahil business ito. Kung sa tingin nila ang may potential na mag-click sa masa iyon ang kukunin nila Sobrang thankful ako kasi hindi ako nawawalan ng project para bang RMTV baby ako. Kaya hindi nakapagtataka na marami mga lihim na plastic sa akin dahil nga may narinig ako na favorite raw ako ng management. Dedma ko lang ang usap-usapan dahil alam ko naman sarili ko kung ano ako ngayon. Pinaghirapan at nagtiyaga ako para makuha ko iyon. Kaya pinagbubuti ko bawat project na ibinigay sa akin. Para hindi sila magsisi ako ang pinili. Proud ako naibigay ko naman sa kanila ang nais nila, kasi hindi naman siguro ako magkakaroon ng sunod-sunod na project kung hindi kumita ang mga palabas sa TV man o sinehan na pinagbidahan ko. “Basta Ate Germaine. Sigurado ka wala kang ibang lakad, ha?” “Wala. Hindi natuloy ang dapat ka-date ko,” sabi nito kaya mabilis akong napalingon sa kaniya bumungisngis siya reaksyon ko. “Ate, hindi ka pa ba nadala kahit ilang beses ka nang nasaktan?” tanong ko sa kaniya. "Natural lang naman masaktan. Bakit naman ako magiging martir kung p'wede naman mag-collect para makapili ng the best," "Dahil d'yan expert ka na," wika ko sabay bumungisngis. Kasi naka ilan boyfriend na ito. Thirty one na ang Ate Germaine at single siya ulit ngayon. Kaya umabot siya sa edad na ito dahil breadwinner siya sa pamilya n'ya. Tagaroon siya sa Laguna. Pero ngayon marunong na ang Ate Germaine, maghawak ng pera. Aba, dapat lang naman malaki ang sweldo niya sa akin. Pero noon wala s'yang ipon dahil palagi siyang nagbibigay sa pamilya n'ya. Ngayon niya lang na-realize mag-limit. Tinanong ko naman muna siya kung gusto n'ya, baka kasi mas pipiliin n'ya magpahinga. Gusto raw niya dahil may bibilhin na bagong bag. Sabi ko naman dahil sinamahan n'ya ako. Ako na ang bahala magbayad. Libre pa siya ng pa salon dahil dadaan muna ako sa ‘Q Salon’ bago kami gumala sa mall. Matatagpuan malapit sa SM Manila ang ‘Q Salon' na bago kong business. Iisang branch pa ito dahil nga limited lang ang time ko. Need ko kasi kahit paano dalawin para ma-monitor ang sales. Kapag siguro wala na akong project. Pwede na magtayo ng isa pang branch. Kagandahan lang sa ‘Q Salon’ hindi ko kailangan mangupahan. Dahil naglaan talaga ako ng pera para mabili ko ang two hundred fifty sqm na bakanteng lote pinatayuan ko ng building. Kaya hindi ako nangamba na wala akong ibabayad sa upa. May apat din na commercial space bukod sa salon. At swerte ko rin dahil fully occupied na lahat at start na mga tenant mag-open ng mga business nila. Sabi ko kahit doon napunta lahat ng naipon ko sa pagbili hanggang sa pagpapatuyo ng building at sa mga commercial space at ng salon ko simula ng maging artista ako, ay okay lang. Dahil lifetime investment din naman ang ipinatayo kong building. Panibago na lang ulit ipon. At least kahit na laos na akong artista sabi ng mga inggit na kasamahan ko sa industry. May income pa rin ako kapag wala na talaga kukuha sa akin, gaya sa mga chismis ng kapwa kong arista. Okay lang dahil may naipundar akong sariling bahay at business na masasabi kong akin. Galing sa pagod at pawis ko.Jhen Pagkalipas ng isang taon… "Nanay Cristy, nakita mo po mag-aama ko?" nakasalubong ko pagbaba ko sa hagdan dahil galing ako sa k'warto natagalan ako makababa nauna sila bumaba dahil timing na tumawag ang daddy kung kailan ako patapos na magbihis kaya roon ko na kinausap. "Anak, nasa hardin sila." "Sige po Nanay pupuntahan ko na lang po," tugon ko at itinuro ko lalabas na ako. Sa Baguio nakatira si Daddy, kasi ayaw naman dito sa bahay, kahit anong pilit ko. Iyong bahay kong naipundar na dating tirahan namin ng mga anak ko. Pinauupahan ko na lang dahil kahit doon ayaw rin n'ya. Gusto lang sa Baguio. Nanghinayang ako kung ipagbibili ko iyon dahil galing iyon sa kita ko sa pag-aartista. Isa sa naipundar ko kaya ayaw kong mapunta iyon sa iba. Si Ate Germaine dapat ang pinatitira ko kahit walang bayad ng upa. Ayaw naman kasi sa Laguna nakatira ang asawa ni Ate Germaine. Doon na siya lalo na dalawang buwan na iyon buntis ngayon. Happy na si Ate Germaine. Matagal din ito nakahan
JhenAlas-onse y medya ng gabi ako nakarating sa bahay. Nag-aantay na pala ang asawa ko sa malawak naming living room. Pagkakita niya sa akin ang lapad ng ngiti ng asawa ko at kaagad s'yang tumayo sa sofa para salubungin ako.“Tulog na ba ang tatlo?" mahina ko lang na tanong sa kaniya kasi tahimik na ang buong bahay.Tumango siya sabay pinasadahan n'ya ako nang tingin kaya hindi ko maiwasang hindi mamula ang mukha ko. Dahil magulo na ang buhok ko itong si Ate Germaine, kasi tinudo ang bridal shower niya. Aba'y hindi ako nakatakas sumayaw natapunan pa ng beer ang pants ko medyo tipsy na ng Ate Germaine. Kaya nagpaalm na agad akong uuwi na. Pero mga babae lang naman kaming lahat. Isa pa hindi naman ako uminom kasi nga ayaw ko maamoy ng mga bata nasa isip ko kasi baka mga gising pa inantay ako kasi wala naman pasok bukas.“Kumusta?”“Inaantok na ako,” sagot ko kasi totoo naman, talagang inaantok na ako. Nakangisi at nakataas ang kilay ni Yurich. Para bang ayaw n'yang maniwala. Mabilis pa
Yurich POV "Sure ka ba mister, makulit iyang bunso mo. Kaya mo ba talaga 'yang tatlo mong anak?" tanong ng maganda kong misis ng hapon na paalis siya. May pa-bridal shower si Germaine. Ikakasal na ito next week kaya aalis ngayon ang asawa ko mamaya uuwi rin daw siya ng alas-diyes ng gabi kahit hindi ko tinanong kung anong oras siya uuwi. Sabado naman ngayon wala akong trabaho kaya ako ang bantay sa tatlong bata. Si Nanay Cristy at isang maid dahil ang dalawa naming kasama sa bahay day-off ngayon. Isa pa gusto ko rin paminsan-minsan mag-enjoy naman ang asawa ko kasama mga kaibigan niya lalo na si Germaine na bestfriend na ni Jhen. Humakbang ako palapit sa kaniya at hinapit ko siya sa baywang n'ya. Hindi ito tumutol ng siilin ko siya ng halik sa labi. Kaya nagtagal ang halikan naming dalawa at kung hindi pa n'ya ako itunulak baka hanggang ngayon inaaangkin ko pa rin ang labi n'ya. Hindi ako magsasawa na paulit-ulit s'yang halikan kahit pa maya't maya ko pa iyon gawin hindi pa ri
Yurich POV Shit! Bakit kaya wala pa sina Jhen at Nanay Cristy? Nahalata yata ng daddy na balisa ako kaya tinapik ni Daddy ang balikat ko. “Anak ‘wag masyadong kabahan. Maya-maya lang darating na iyon si Jhen. Gano'n talaga kapag mga babae matagal sila mag-ayos,” saad ni daddy. Kung sana ganoon lang ang dahilan bakit hanggang ngayon wala pa sina Jhen at Nanay Cristy. Pero hindi ko maintindihan ang aking sarili nag-aalala ako ng sobra para kay Jhen. Iba talaga ang pakiramdam ko ngayon. Nakita ko rin parang same kami ng nararamdaman ng daddy ni Jhen. Kasi panay tinging nito sa suot na relo at sa likuran sa entrance ng venue kung saan dapat ang pasok ng bride ko roon panay lingon ni Daddy Jojo, tila hinahanap niya si Jhen. Tumayo sina Queendra at Quentin. Naroon sila kasama ng mga pinsan behave ang dalawa kong anak, pero ngayon parang same sa akin balisa ang magkapatid panay nakatingin sa akin at sa likuran nila gaya sa Lolo Jojo nila. Kaya pala tumayo sina Queendra at Quenti
Jhen Napakurap ako nang umpisang bumukas ang malaking glass door ng garden venue. Uminit pa ang gilid ng aking mata dahil naalala ko muntik nang hindi matuloy ang kasal namin ni Yurich, dahil sa kagagawan ni Aiko at Emir. Humugot ako nang hangin para kumalma. Bawal na akong umiyak dahil kotang-kota na ako kanina pa. At medyo maga pa rin nga ang mata ko pero kere lang naman. Ang importante tuloy na tuloy itong kasal namin ni Yurich. Wala ng hadlang sa kasal namin. Humalo ang malamig na simoy ng hangin sa amoy ng fresh rose at puting peonies na nakapalibot sa buong hardin. Habang unti-unti akong naglalakad sa aisle na pinalamutian ng puting petals, naririnig ko ang mahinang tugtog ng violin na mas lalong nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Lumingon ako sa Daddy ko. Kung kanina umiyak ito sila ng Nanay Cristy dahil sa nangyari. Ngayon nakangiti na sila pareho habang nakahawak ako sa braso nila ni Nanay Cristy. Sila dalawa ang maghahatid sa akin. Napunta naman ang mata ko sa mga a
Jhen"Emir, maraming salamat ulit," saad ko nang mag-umpisa nang tumatakbo ang sasakyan. Nagkibit balikat lang siya pero alam ko ngumiti ito ayaw lang nito lumingon sa akin.Ang saya lang dahil hindi tuluyang naging masama si, Emir. Nanaig pa rin talaga ang kabutihan n'ya gaya noong unang pagkakilala ko sa kaniya. Kaya nga kahit anong inis ni Yurich sa kaniya. Pinagtatanggol ko siya dahil iyon ang nararamdaman ko mabuti s'yang tao.Masyado niya lang talaga ako minahal at hindi agad matanggap na hindi ako ang babaeng nararapat sa kaniya. I'm sure soon makahahanap siya at kapag nangyari iyon. Doon n'ya lang mare-realize na hindi ako ang babaeng laan para sa kaniya.Medyo maayos na ang hitsura ko ngayon pero namamaga nga lang ang mata ko dahil sa matagal kong pag-iyak. Importante lang sa akin matuloy ang kasal namin ni Yurich at ilang minuto na lang makararating na ako roon.Hindi pa kami nakararating ni Emir, medyo malayo pa sa venue nang biglang dumating ang mga pulis at kilala ko ang
Yurich pov “Kuya Atlas?” “Bro! Please, sunduin mo mamayang labasan ng kambal may lakad kami ng Ate Andrea mo,” “Kuya, kagigising ko lang ngayon at mayroon ulit kami shooting mamayang alas-otso ng gabi. Kailangan kong magpahinga pa at inaantok pa ako,” reklamo ko sa kaniya. Hindi pa nga ako b
Napangiti ako nang maramdaman ko mayroon humahalik-halik sa magkabila kong pisngi, kaya biglang nawala ang antok ko lalo pa pagigil pa akong hinahalikan sa magkabila kong pisngi. Kahit nakapikit ako nakangiti akong niyakap sila naulinigan ko ang masaya hagikhik nilang dalawa. "I told you, Queendr
Jhen Sobra-sobra ang pagod ko nang matapos ang huling eksena para sa bagong movie na ginagawa ko. Ala-una y medya na ng madaling araw pero ako at buong staff, gising pa kahit na antok na antok na ako pero hindi pu-puwedeng matulog. Habang inaayos ko ang personal kong gamit. Panay ang hikab ko.
Yurich pov “Hi, miss. Mukhang pauwi ka at mag-isa ka lang. Gusto mo bang ihatid kita? Ihatid sa langit,""Bastos! Bitiw!" nagkandabuhol ang boses na galit na sabi ng babae.Lasing? Halata naman dahil nag-eekis ang tayo nito.Natigilan ako kahit na hindi tuwid ang lakad ko nang mayroon akong makita







