LOGINKanina niya pa iniinspeksyon ang daliri na pinutol ko."Pinutol mo ba talaga ito?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Ivan habang hawak pa rin ang kamay ko at nakatingin sa hinliliit na pinutol ko. "Bakit parang wala man lang sugat o bakas na pinutol?""Ganyan kagaling si Amariya, ang medical expert ng grupo. Marami siyang medical experiment na tanging Hermana lang ang nakakaalam," paliwanag pa ni Eura at pinakita sa amin ang video kung saan kadarating ko lang. Makikita rin sa video ang maputlang si Eura.Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko habang siya ay nakatutok sa video. Kaagad siyang napaiwas ng tingin nang bigla kong pinutol ang daliri ko sa video."Grabe naman iyon, milabs!" Bumalik na naman siya pagiging kapalmuks. "Grabeng parusa—""At ikaw ang dahilan kung bakit umabot sa ganoon," putol ko sa sanang sasabihin niya."Pasensya naman," kaagad niyang sabi at halata sa mukha ang pagkakonsensya. "Hindi ko naman alam na magiging ganito dahil sa video na iyon.""
Nakahanap na sila ng lokasyon para sa magiging headquarters namin. Buong araw din silang naghanap at buong araw ko ring inaral ang misyon.At ang masasabi ko lang ay punyeta sila!Bakit may mga taong kayang gawin ang mga karumal-dumal na krimen.Hindi na ako nagtataka kung bakit kumilos na ang presidente at involved na ang AFP. Isa itong malawakang misyon, na kapag hindi kami nagtagumpay, marami pang inosenteng mga tao ang mawawalan ng buhay.Lumapit sa akin si Eura at binigay ang isang envelope. "Nariyan na lahat ng impormasyon ng mga taong pinapahanap mo. Pero hanggang digital information lang ang kaya ko. Forte mo ang pangangalap ng impormasyon kaya magiging malaking tulong itong mga nakuha ko.""Salamat."Kaagad siyang bumalik sa harap ng computer niya. Tiningnan ko lang ang envelope at nilagay sa ilalim ng desk ko.Biglang bumukas ang pinto ng opisina naming pito at sumilip si Charm. "Nakabalik na sila."Kaagad akong lumabas at nakasunod naman si Eura. Ang iba ay naghahanda ng mg
Para akong naglalaro ng puzzle na kulang ang mga puzzle pieces— hindi ko mapagtagpi-tagpi ang mga baga-bagay o hindi lang ako makapaniwala sa mga nangyayari?Alam ba ng Ivan na iyon na kapatid ko si Maelynn?Hindi ko pa alam kung totoo bang hindi ko talaga kapatid si Maelynn. Hindi ako naglakas-loob na alamin. Pero parang gusto ko nang alamin ngayon mismo.Ilang sandali akong napatulala matapos kong mabasa ang files ni Ivan.Pagkatos ay binasa ko kaagad ang files ni Maelynn. Matagal ko nang hinihingi ito kay Uno. Bukod sa anim na babae ay isa rin si Uno sa matatawag kong malapit na kaibigan.Nagpatulong na ako kay Eura na maghanap ng impormasyon kung nasaan si Maelynn. At ang inutos ko kay Uno ay puntahan mismo ang lokasyon ni Maelynn.Nanginginig ang mga kamay ko habang binabasa ang tatlong page na files ni Maelynn.Ang lokasyon ay sa isang mental institution. Nakasaad din sa files ni Ivan na naroon nga si Maelynn. Ibig sabihin ay nagtutugma ang mga impormasyon ng bawat file.Nagbasa
Matapos magpirmahan ay inaya sila ni Vivian na maghapunan sa hacienda.Bitbit ang envelope na naglalaman ng files ni Ivan ay sumunod na rin ako sa kanila. Nagtataka ako dahil nag-uunahan ang anim na babae sa paglalakad.Anong trip ng mga babaeng ito?"So, pwede na ba nating pag-usapan ang tungkol sa atin?"Napairap na lang ako. Ang sweet naman ng mga babaeng ito. Binigyan pa kami ng alone time ng bwesit na ito."Ano namang tungkol sa atin?" walang gana kong tanong na hindi siya nililingon."Wala lang ba sayo ang nangyari sa atin?" tanong niya at mababakas pa sa tono niya ang pagkadismaya."Una, walang tayo at pangalawa, it was just a one night stand," sagot ko sa kanya at hindi pa rin siya nililingon."Para sa akin ay big deal iyon kaya panagutan mo ako," seryoso niyang sabi.Nanlaki naman ang mga mata ko at kaagad na napaharap sa kanya. "A-Anong sabi mo? Panagutan kita?""Oo! Dapat lang! Matapos mong pagsawaan ang katawan ko ay—"Kaagad kong tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko
Dalawang minuto lang ang tinagal ng pananahimik ko at kaagad na may pumasok na ideya sa isipan ko. Literal na tahimik silang lahat at alam kong hinihintay nila akong magsalita.Naikuyom ko ang kamao ko dahil kahit anong piga ko sa utak ko ay may punto naman talaga sila. Iyon ay kung tama ako ng iniisip.Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Dahil iisa lang ng target ay hindi maiiwasan na magkakasalubong ang landas ng bawat isa sa lahat ng pagkakataon. Kapag nangyari iyon ay hindi maiiwasang magkaroon ng pagtatalo na siyang maaaring maging dahilan para mabulilyaso ang misyon. Kaya magtutulungan na lang.""Hindi na ako magtataka kung bakit ikaw ang ginawang leader ng grupo ninyo," biglang sabi ni General Barrios. "Humihingi ako ng pasensya kung bakit binigay ko ang access sa mga confidential files kay Ivan. Hindi ko alam na ang file mo pala ang pakay niya. Mas lalong hindi ko alam na iisa lang ang target natin. Kung hindi pa ako tinawagan ni Miss Vivian ay hindi ko pa malalaman na i
"First time ito na makikipagtulungan tayo sa mga awtoridad," bulong ni Eura pero dahil tahimik kaming lahat ay dinig na dinig namin iyon.Narito kami sa kwarto namin. Oo, iisa lang ang kwarto namin pero sakop nito ang buong third floor.Hinihintay naming tawagin kami ni Vivian. Hawak ko pa ang envelope na binigay niya sa akin at hindi ko pa binubuksan iyon."Anong plano, cap?" tanong ni Amariya at lahat sila ay napalingon sa akin.Nanatili akong tahimik at kapag nasa ganitong mood ako ay hindi na nila ako kinukulit.Paano nalaman ng Ivan na iyon ang tungkol sa nakaraan ko? Si Vivian ba ang nagsabi?Imposible.Alam kong hindi niya gagawin iyon.Bago pa man may makapagsalita ay bumukas ang elevator at pumasok si Charm. Nakatingin siya sa akin. "Naghihintay na sa Isla Hermana ang mga bisita at si Vivian.""Don't tell me, pinapunta ni Vivian ang mga opisyal na iyon sa Isla Hermana?" Napatayo pa si Rhiona habang nanlalaki ang mga mata.Bago pa man sila makapagreklamo ay nagsalita ako kaaga







