"Naalala mo pa ba ang sinabi ko ten years ago kung bakit ikaw ang ginawa kong leader ng grupo ninyo?" tanong ni Vivian. "Dahil mabilis kang mag-isip. Isang katangian na dapat mayroon ang bawat leader ng grupo."Pambihira, hindi man lang kami tinanong ni Eura kung kumusta ang kalagayan namin. Narito kami sa infirmary at kaagad siyang pumunta rito. Hindi niya man lang hinintay na maging okay na kami at saka kakausapin.Sa totoo lang ay wala naman talaga kaming hinanakit sa kanya. Sa katunayan ay malaki ang respeto namin sa kanya.Bukod sa binigay niya sa amin ang apelyido niya at namumuhay kami nang marangya ngayon kaya malaki ang utang na loob namin sa kanya, isa rin sa mga rason ay dahil sa kung ano talaga ang layunin niya kung bakit itinatag niya ang Hermana— pigilan ang mga corrupt na pulitiko, mga taong sakim sa kapangyarihan at kayamanan, mga taong mapagkunwari at kilala sa lipunan, mga leader ng bansa na nagpapakasasa sa mga buwis na binabayad ng mamamayan, at higit sa lahat, mga
Last Updated : 2026-07-10 Read more