Home / Romance / Yzrah, Ang Lakwatsera (Bachelorette Series 1) / Chapter 19 - Love At First Sight

Share

Chapter 19 - Love At First Sight

Author: Hinata Writes
last update publish date: 2026-07-21 23:25:43

Nakahanap na sila ng lokasyon para sa magiging headquarters namin. Buong araw din silang naghanap at buong araw ko ring inaral ang misyon.

At ang masasabi ko lang ay punyeta sila!

Bakit may mga taong kayang gawin ang mga karumal-dumal na krimen.

Hindi na ako nagtataka kung bakit kumilos na ang presidente at involved na ang AFP. Isa itong malawakang misyon, na kapag hindi kami nagtagumpay, marami pang inosenteng mga tao ang mawawalan ng buhay.

Lumapit sa akin si Eura at binigay ang isang envelop
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Yzrah, Ang Lakwatsera (Bachelorette Series 1)   Chapter 22 - Unang Target

    "Hindi lang illegal organ harvesting ang naging negosyo ng Red Serpent," pagpapatuloy ko. "Sa bawat henerasyon ay nadagdagan ang kanilang illegal business."Pinindot ko ulit ang remote."Kay Oliver Savada, nagkaroon sila ng human experiment. Kagaya ng pag-inject ng kung ano-anong kemikal sa katawan ng tao para i-test ang mga produktong ginagawa nila. At ang mga produktong iyon ay mga ilegal na droga."Huminto ako saglit. Hindi dahil nakita kong napupuno sila ng galit kung hindi dahil ako mismo ang nagagalit.Bakit may ganitong mga tao?Tumikhim ako at saka nagpatuloy. "Sa henerasyon naman ni Orlando ay nagkaroon sila ng mga tinatawag na surrogacy procedure. Mga babaeng nagiging 'vessel' para sa isang batang hindi naman kanila. At dahil hindi gaanong modernized ang mga kagamitan noon ay maraming babae ang nasawi dahil sa mga komplikasyon. At dahil sa surrogacy ay nabuo si Olympia— ang kasalukuyang namamahala ng Red Serpent. And speaking of the devil, sa henerasyon ni Olympia ang pinaka

  • Yzrah, Ang Lakwatsera (Bachelorette Series 1)   Chapter 21 - Ang Organisasyon

    “Okay, sasabihin ko muna ang bawat pares na makakasama ninyo sa buong misyon,” pagpapatuloy ko. “Nilista ko ang pangalan sa panig namin at sa panig naman ng AFP ang mga bumunot. Dahil bunutan, walang magrereklamo. Isa pa, sa misyong ito ay may pitong level. Kada level ay magbabago ang mga trabaho ninyo. Kaya hindi rin ninyo masasabing nakakaumay ang in-assigned kong roles sa inyo. For example, naka-assigned ako ngayon bilang back up, sa susunod na level ay tech team naman ako.”Napapatango naman sila. Inirapan ko si Ivan dahil panay ang pagngisi niya. Na para bang sinasabi niyang ‘wala naman talaga akong magiging reklamo’.Wala naman talaga siyang reklamo dahil sinabotahe niya ang nabunot niya. Tsk, nyeta talaga.“Pagkatapos malaman ang magiging partner ninyo saka ko sasabihin ang plano,” dagdag ko pa at nagsimulang basahin ang nasa listahan ko. “Unang pares, ang magkapatid na sina Uno at Dos. Wala sila rito ngayon at isa pa, marami silang kakayahan para maging field informants. Sila

  • Yzrah, Ang Lakwatsera (Bachelorette Series 1)   Chapter 20 - Bunutan Ng Partner

    Kanina niya pa iniinspeksyon ang daliri na pinutol ko."Pinutol mo ba talaga ito?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Ivan habang hawak pa rin ang kamay ko at nakatingin sa hinliliit na pinutol ko. "Bakit parang wala man lang sugat o bakas na pinutol?""Ganyan kagaling si Amariya, ang medical expert ng grupo. Marami siyang medical experiment na tanging Hermana lang ang nakakaalam," paliwanag pa ni Eura at pinakita sa amin ang video kung saan kadarating ko lang. Makikita rin sa video ang maputlang si Eura.Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko habang siya ay nakatutok sa video. Kaagad siyang napaiwas ng tingin nang bigla kong pinutol ang daliri ko sa video."Grabe naman iyon, milabs!" Bumalik na naman siya pagiging kapalmuks. "Grabeng parusa—""At ikaw ang dahilan kung bakit umabot sa ganoon," putol ko sa sanang sasabihin niya."Pasensya naman," kaagad niyang sabi at halata sa mukha ang pagkakonsensya. "Hindi ko naman alam na magiging ganito dahil sa video na iyon.""

  • Yzrah, Ang Lakwatsera (Bachelorette Series 1)   Chapter 19 - Love At First Sight

    Nakahanap na sila ng lokasyon para sa magiging headquarters namin. Buong araw din silang naghanap at buong araw ko ring inaral ang misyon.At ang masasabi ko lang ay punyeta sila!Bakit may mga taong kayang gawin ang mga karumal-dumal na krimen.Hindi na ako nagtataka kung bakit kumilos na ang presidente at involved na ang AFP. Isa itong malawakang misyon, na kapag hindi kami nagtagumpay, marami pang inosenteng mga tao ang mawawalan ng buhay.Lumapit sa akin si Eura at binigay ang isang envelope. "Nariyan na lahat ng impormasyon ng mga taong pinapahanap mo. Pero hanggang digital information lang ang kaya ko. Forte mo ang pangangalap ng impormasyon kaya magiging malaking tulong itong mga nakuha ko.""Salamat."Kaagad siyang bumalik sa harap ng computer niya. Tiningnan ko lang ang envelope at nilagay sa ilalim ng desk ko.Biglang bumukas ang pinto ng opisina naming pito at sumilip si Charm. "Nakabalik na sila."Kaagad akong lumabas at nakasunod naman si Eura. Ang iba ay naghahanda ng mg

  • Yzrah, Ang Lakwatsera (Bachelorette Series 1)   Chapter 18 - Kapatid

    Para akong naglalaro ng puzzle na kulang ang mga puzzle pieces— hindi ko mapagtagpi-tagpi ang mga baga-bagay o hindi lang ako makapaniwala sa mga nangyayari?Alam ba ng Ivan na iyon na kapatid ko si Maelynn?Hindi ko pa alam kung totoo bang hindi ko talaga kapatid si Maelynn. Hindi ako naglakas-loob na alamin. Pero parang gusto ko nang alamin ngayon mismo.Ilang sandali akong napatulala matapos kong mabasa ang files ni Ivan.Pagkatos ay binasa ko kaagad ang files ni Maelynn. Matagal ko nang hinihingi ito kay Uno. Bukod sa anim na babae ay isa rin si Uno sa matatawag kong malapit na kaibigan.Nagpatulong na ako kay Eura na maghanap ng impormasyon kung nasaan si Maelynn. At ang inutos ko kay Uno ay puntahan mismo ang lokasyon ni Maelynn.Nanginginig ang mga kamay ko habang binabasa ang tatlong page na files ni Maelynn.Ang lokasyon ay sa isang mental institution. Nakasaad din sa files ni Ivan na naroon nga si Maelynn. Ibig sabihin ay nagtutugma ang mga impormasyon ng bawat file.Nagbasa

  • Yzrah, Ang Lakwatsera (Bachelorette Series 1)   Chapter - Selos

    Matapos magpirmahan ay inaya sila ni Vivian na maghapunan sa hacienda.Bitbit ang envelope na naglalaman ng files ni Ivan ay sumunod na rin ako sa kanila. Nagtataka ako dahil nag-uunahan ang anim na babae sa paglalakad.Anong trip ng mga babaeng ito?"So, pwede na ba nating pag-usapan ang tungkol sa atin?"Napairap na lang ako. Ang sweet naman ng mga babaeng ito. Binigyan pa kami ng alone time ng bwesit na ito."Ano namang tungkol sa atin?" walang gana kong tanong na hindi siya nililingon."Wala lang ba sayo ang nangyari sa atin?" tanong niya at mababakas pa sa tono niya ang pagkadismaya."Una, walang tayo at pangalawa, it was just a one night stand," sagot ko sa kanya at hindi pa rin siya nililingon."Para sa akin ay big deal iyon kaya panagutan mo ako," seryoso niyang sabi.Nanlaki naman ang mga mata ko at kaagad na napaharap sa kanya. "A-Anong sabi mo? Panagutan kita?""Oo! Dapat lang! Matapos mong pagsawaan ang katawan ko ay—"Kaagad kong tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status