MasukNagising ako mula sa liwanag na tumatama sa mga mata ko at idagdag pa ang sigawan ng mga tao sa paligid. Dahan-dahan akong bumangon mula sa malamig na sahig habang tinatakpan ang mga mata kong nasisilaw sa liwanag.
Nang masanay ang mga mata ko sa liwanag ay unti-unti kong nakikita kung anong mayroon sa paligid ko. Nasa loob ako ng isang kulungan. Pero hindi mga preso ang nakikita ko. Mga babaeng madudungis na parang isang buwang hindi nakaranas ng ligo. May iba pa na sugatan. Literal na nangmukha silang taong-grasa. Anong lugar ito? Nilibot ko pa ang tingin ko at saka ko pa lang napansin na hindi lang ito ang nag-iisang kulungan. Hindi mabilang at hindi ko rin alam kung gaano karaming babae ang naririto. Sa pinakagitna ay may isang parang boxing ring. May tatlong taong naroroon. Ang dalawa ay sugatan na at ang isa naman ay parang nagsilbing announcer. Ang sigawan ay hindi nagmumula sa mga babaeng nasa mga kulungan, kung hindi sa itaas. Doon ko lang napagtanto na parang nasa isang malaking arena kami. Hindi ko na masundan kung anong nangyayari sa loob ng ring na iyon. Napaupo na lang ako sa sulok habang yakap-yakap ang aking mga tuhod. Bakit ako dinala ng babaeng iyon dito? Nilabas niya ba ako sa kulungan para makipaglaban dito? Marami naman siyang mahahanap sa labas ng kulungan, bakit magpapakahirap pa siyang ilabas ako sa kulungan? Hindi ko napansin na bumukas pala ang pinto ng kulungan at may umupo sa harapan ko. "Maghanda ka na dahil ikaw na ang susunod." Hindi na ako nakaangal pa dahil may dalawang lalakeng humila sa akin at sapilitan akong dinala palabas ng kulungan. Napunta sa akin lahat ng mga mata, mula sa mga babaeng nasa kulungan at mula sa mga taong nasa itaas. "Mga walang kwenta." Nanlaki ang mga mata ko nang binaril ng isang babae ang dalawang babaeng nasa ring kanina. Sapul sa ulo. Nagpumiglas ako nang sapilitan akong pinapaakyat sa ring. Pakiramdam ko ay binuhusan ako nang malamig na tubig nang malipat sa akin ang atensyon ng babaeng may hawak na baril. Ngumisi siya sa akin. "Ayaw kong magsayang ng bala kaya ayusin mo." "Hoy, Laura! Be easy, nagpakahirap akong ilabas iyan sa kulungan!" Nilingon ko ang sumigaw at si Charm iyon. Nalipat sa akin ang tingin niya at nag-thumbs up lang. Ano ba itong napasok ko? Anong lugar ba ito at anong ginagawa nila sa ganito karaming babae? Nanginginig ang buo kong katawan habang nakatayo sa pinakagitna ng ring. Nakatingin ako sa dugong nagkalat sa sahig ng ring. Ganoon din ang babaeng nasa harapan ko. Ito na yata talaga ang katapusan ko. "Simple lang ang rules," sabi ng babaeng announcer. "Lumaban kung ayaw ninyong mamatay." May hinagis silang dalawang kutsilyo sa paanan namin. Nagkatinginan lamang kami ng babae. Katulad nang nakita ko kanina sa kulungan, ang babaeng nasa harapan ko ay madungis din. Sabog ang buhog at madumi ang buong katawan. Marahil ilang araw o baka ilang linggo na siyang nandito. Nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalinlangan. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa kutsilyong nasa sahig. "Hay naku! Hindi ito staring contest!" sigaw ng babaeng may hawak na baril at nagpaputok. Dahil doon ay nataranta kami ng babaeng nasa harapan ko. Sa pagkataranta ay sabay naming pinulot ang mga kutsilyo. Pero naunahan niya ako at pinulot niya ang dalawang kutsilyo. Nagtataka ko siyang tiningnan at bago pa ako makapagsalita ay tinapon niya sa labas ng ring ang kutsilyo. Kung kanina ay puno pa ng pag-aalinlangan ang ekspresyon sa mukha niya, ngayon ay parang hindi na siya ang babaeng takot na takot kanina. Para siyang isang oso na nakatingin sa akin at handa na akong lapain. "Pasensya na pero gusto ko pang mabuhay." Sa isang iglap ay isinaksak niya ang kutsilyo sa tagiliran ko. Sa sobrang bilis ng panyayari ay hindi na ako nakakilos pa o naka-react man lang. Napahawak na lang ako sa kutsilyo nakatarak sa tagiliran ko habang dumadaloy na ang dugo ko mula roon. Napuno ng sigawan ang buong paligid. "Wala namang kwenta iyang nakuha mo, Charm!" "Ganoon lang? Wala man lang bakbakan? Hays!" "Bagong salta pero mukhang mauuna pang makita si San Pedro!" Napaupo ako habang hawak pa rin ang kutsilyong nakatarak pa rin sa tagiliran ko. Ramdam na ramdam ko na kirot mula roon. Ganito na ba matatapos ang buhay ko? Ito naman ang gusto ko— ang mamatay. Bigla na bigla ko na lang naalala lahat ang sinabi ni Charm. Gusto kong magalit kay Maelynn. Pero wala namang may nagsabi na akuin ko ang kapalaran na dapat ay sa kanya. Kusa ko iyong sinalo at kasalanan ko kung ano itong nangyayari sa buhay ko. Mula sa itaas ay nakita ko si Charm. Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko alam kung nadismaya ba siya o ano. Guni-guni ko lang ba? Pero bakit sinasabi niyang dapat akong lumaban para mabuhay? Naalala ko ang sinabi niya kanina. Nagpakahirap daw siyang ilabas ako sa kulungan. Siguro iniisip niyang wala akong utang na loob. Hindi lang iyon. Naalala ko rin ang sinabi niya na hindi ko raw totoong mga magulang ang kinilala kong mga magulang. Ganito na lang ba matatapos ang lahat? Mamamatay ba akong hindi ko malalaman ang totoo? "Humihinga pa siya! Patayin mo siya!" Nabalik ang atensyon ko sa babaeng kalaban ko. Para bang nagkaroon ng apoy sa mga mata niya at gusto niyang matapos na ang lahat ng ito. Nalipat ang tingin ni Charm sa sumigaw kanina at base sa paraan niya ng pagtingin ay nababalot ng poot ang mga mata niya. Mukhang gusto ko pang mabuhay. Gusto kong malaman kung anong klaseng lugar ito at kung bakit may ganitong lugar. Gusto kong malaman bakit ako inilabas ni Charm sa kulunga na iyon. Gusto kong malaman kung anong totoo sa pagkatao ko. Tiningnan ko ang kutsilyong nakatarak pa rin sa tagiliran ko, Kapag tinanggal ko ito ay siguradong lalakas ang pagdaloy ng dugo. Nilingon ko ang babaeng kalaban ko. Handa na siyang sugurin ako ulit. Kapag hindi ko tinanggal ang kutsilyo sa tagiliran ko siguradong ito ang pupuntiryahin niya. Ididiin niya ito lalo at malalagay na talaga ang buhay ko sa alanganin. Napahigpit ang hawak ko sa kutsilyo habang nakatingin sa babaeng kalaban ko. Nanghihina na ako at bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Pero kailangan kong maging alerto. Hinihintay kong lumapit siya sa akin. Ilang sandali pa ay tumakbo siya papalapit sa akin. Parang bumagal ang takbo ng oras at hindi ko na marinig ang sigawan sa paligid. O baka ganoon lang talaga kapag malapit ka nang mamatay? Bahala na. Mas mabuting may gawin hanggang sa huling hininga. Nang ilang hakbang na lang ang layo niya sa akin ay buong lakas kong hinila ang kutsilyong nakatarak sa tagiliran ko. Sa tingin niya siguro ay sasaksakin ko siya kaya umiwas siya sa kamay ko, pero ang hindi niya alam ay iba ang plano ko. Inipon ko ang buong lakas ko at sinipa ang paa niya. Dahil doon ay natumba siya at diretso ang pagbagsak niya sa kamay kong may hawak ng kutsilyo. Ni hindi ko ginalaw ang kamay ko pero nasapul ko siya. Bumaon ang kutsilyo sa gilid ng leeg niya at tumagos iyon sa kabilang gilid ng leeg niya. Nanlaki ang mga mata ko. Parang biglang bumalik sa alaala ko kung paano ko pinatay ang mga magulang ko. Nanigas ang kamay kong may hawak ng kutsilyo at hindi ko man lang magalaw kahit isang daliri. Mulat na mulat ang mga mata ng babae. Pakiramdam ko ay masusuka ako. Bago pa man ang lahat ay nawalan na ako ng malay.Muntik na akong mapasigaw nang malamang ang location na binigay ay ang mismong mansyon ni Olympia Savada. "Mukhang umaayon sa atin ang tadhana."Ang misyon ay makapasok sa kampo nila. Sabihin na lang natin na wala sa mansyon ni Olympia ang kampo ng Red Serpent pero ang makapasok sa mansyon niya ay malaking bagay na.Naghanda na ako. Nilagay ko na sa mga mata ko ang undetectable contact lense. Sinuot ko na rin ang hikaw ko na isang earpiece.Nilagay sa maliit kong pouch ang salamin na may foundation, pero hindi iyon basta foundation lang. Sa loob niyon ay may iba't ibang maliliit na bagay na nagagamit namin sa mga misyon namin— may maliit na karayom na pwede maging susi, may maliit na blade, at kung ano-ano pa. Undetectable rin ito.Nagsuot ako ng mga damit na ang mga brand ay ayon sa panlasa ni Olympia."Woahhh..." bulong ni Eura habang nakatingin sa akin mula sa screen."Pwede ka rin pala maging tao, Cap?" nang-aasar na tanong ni Amariya.Nakaabang na ang medic at tech team sa monito
Kinabukasan ay maaga akong nagising at naghanda. Pagdating ko sa library ay may nakahanda ng almusal pero wala si Ivan sa loob. Nakita ko ring nasa flower vase na ang binigay niyang bulaklak kagabi."Good morning, Cap," halos sabay na bati nina Eura at Anthony na mukhang kagigising lang."Good morning," ganti kong bati. "Natulog ba kayo?"Tumangi si Eura. "Sina Sir David at Charm ang pumalit sa amin kagabi at sila naman ang natutulog ngayon. Minsan ay tumutulong din ang tech team at medic team."Tumango na lang ako at kaagad na humigop sa kape. Mainit pa naman. Nasaan ba si Ivan?"Kung hinahanap mo si Ivan ay may binili lang saglit sa convenience store," sabi pa ni Anthony."Hindi ko siya hinahanap," pagdedepensa ko."Good morning, Cap," bati ni Samantha. Kasunod niya namang nagpakita sa screen ay sina Harvey at Renzo."Good morning, guys," sabay na bati ng dalawa.Hindi nagtagal ay nasa screen na rin sina Zereen at Alaric."So, anong ganap today?" tanong ni Zereena."As usual, hihint
Nandito na kami sa library at nakaharap sa malaking screen na naka-divide sa apat— para kaming nag-group video call. Nakahanda naman ang buong plano, ang pagsasagawa na lang ang kulang, kaya wala akong ibang ginagawa kung hindi ang nakaabang sa cellphone ko at naghihintay ng messae mula kay Charmaigne."Paano kung hindi tayo makatanggap ng message o kahit anong imbitasyon mula kay Charmaigne?" tanong ni Eura mula sa kabilang linya.Hindi man namin nakikita ang lahat pero naririnig naman namin ang bawat isa dahil sa earpiece na gamit namin."Magpapapansin nang magpapapansin," sagot ni Ivan."Hindi pwede," kaagad ko namang sabi. "Makakahalata na sila kapag ganoon. Isa pa, kumalma kayo. Ni hindi pa nga nag-isang araw."Pero sa loob-loob ko, paano nga kung hindi?Back to scratch na naman.Panimulang plano na naman na hindi kami mahahalata. Kailangan iyong parang natural encounter lang. Kumbaga tinadhana talagang magtagpo ang mga landas namin. Iyong balang araw ay ituturing niya akong best
Halos mapanganga ako sa hinanda niya. Nakaluto siya ng steak? Tapos ang hitsura ay parang iyong nasa restaurant talaga. Tapos ang set up ng mesa ay hinanda niya rin. May pa-wine pang nalalaman. Kulang na lang talaga ay kandila at bulaklak.Ano ba itong naiisip ko."Tikman mo muna bago mo ako purihin diyan," nakangising sabi ni Ivan.Inirapan ko lang siya at naghiwa na sa steak. "Ang aga pa para maghapunan.""Alas sais na kaya hapunan na rin na matatawag," sagot niya naman at biglang umalis.Kulang na lang ay mapapitik ako sa ere dahil ang sarap! Napapatango pa ako at naghiwa ulit at ipinatong iyon sa mashed potato bago sinubo. Ang sarap ng kombinasyon!Pero wala bang rice?Nagulat ako nang may nilapag siyang isang bouquet ng pulang rosas. "Para sayo. Bilang isang manliligaw, normal naman siguro kung magbigay ako ng bulaklak? At pula iyan, Scarlet..."Kailan pa siya nakabili nito?Napatingin ako sa kumpol ng pulang rosas. Unang beses kong makatanggap ng bulaklak. Ganito pala ang pakira
"Navy, on it.""Jade, all eyes.""Amber, standby.""Scarlet, we're ready," sabi ko habang nagtatakang tingin naman ang ibinibigay sa akin ni Ivan."Anong klaseng mga codename ba ang meron kayo?" nakataas ang kilay na tanong ni Ivan. "Tapos sayo, scarlet? Dapat sayo poison."Sinapak ko siya at kaagad naman siyang napa-aray. "Kung hindi ka bobo, mga kulay ang mga codename namin. Kaya kapag nasa misyon kami, kahit hindi namin mabasa ang mga codename, makita lang namin ang kulay, alam na namin kung sino iyon."Obvious naman kung anong kulay ang mayroon ang bawat isa sa amin kung pagbabasehan lamang ang codename namin.Scarlet ang codename ko at kulay pula iyon.Navy ang codename ni Samantha at kulay blue naman iyon.Jade ang kay Eura at obviously green iyon.Amber kay Zereena at kulay orange naman iyon.Canary ang codename ni Xena at kulay yellow iyon.Ivory ang kay Amariya at gray ang kulay niyon.Plum kay Rhiona at violet naman iyon.Sa nakalipas na mga taon ay naging paborito na namin
"Bago ko ipaliwanang ang mga detalye ng palabas na gagawin natin ay kailangan muna ninyong malaman na may pitong target tayo," pagpapaliwanag ko ulit at hindi na pinansin ang nakasimangot na si Ivan. "Nang si Olympia na ang namamahala ng Red Serpent ay muntik na itong maipasara. Pero sa tulong ng kanyang anim na kaibigan ay naisalba nila ito. Kaya sa kasalukuyan ay hindi lang si Olympia ang may-ari ng Red Serpent. Kung hindi pito silang lahat. Bawat isa sa kanila ay may departamento.""Tang ina, ang lala nila..." sabi ni Rhion. "May departamento pa silang nalalaman."Napapatango naman ang karamihan."Ibig sabihin, hindi natin mapapabagsak ang Red Serpent kung si Olympia lamang ang target. Hindi kawalan ng Red Serpent kung mawalan sila ng isang departamento," patuloy ko sa pagpapaliwanag. "Kaya ang lahat sa atin dito ay magagampanan ang role ng pagiging actor at actress. Bawat team ay may sariling target. Higit sa lahat, hindi sabay ang pag-atake sa bawat target. One at a time."Nilin







