Tinaas ni Hazel ang isang kamay. “Don’t worry, may pera naman ako,” kalmado niyang lahad.
Kaso sa huli ay si Charlotte pa rin ang nagbayad at kasalukuyang sumasakay na sila sa kotse ngayon. Nilingon siya ng kaibigan. “I’ll transfer one hundred thousand to you first, you don’t have to worry. Just take it as my gift.” Iniisip siguro nito na masasahol ang pamilya niya dahil ginagamit pa ang pera para parusahan siya. It’s so digusting, you know. Kumislap sa inis ang kanyang mga mata sa pagiging arogante ng kaibigan. Napabuntong hininga siya. “Tsk! May pera nga ako, sabi eh,” she insisted. “Paano ka magkakapera kung wala kang trabaho? Hello? Hahayaan mo na lang ba’ng mamaltratuhin ka ng masasahol pa sa demonyo mong pamilya?” Galit na galit ito na par bang nuclear missiles na handa ng lumipad para itama sa mga taong inaaway siya. “Ah, basta mahabang kwento. Meron talaga akong pera,” pamimilit niya. Para sa kanya, mahirap talaga ipaliwanag ang pagiging secret millionaire. Totoo ang nakikita ng iba na nasa piling siya ng kanyang fiance at ng pamilya niya, pero hindi ibig sabihin n’on na magiging independt siya sa pesteng mga taong iyon. Charlotted waved her hand dismissively. Her friend dismisses the fact that she can support herself alone. “Huh, come on, take my money nepo baby,” anito. Paano siya magkakaroon ng pera kung nasa ilalim siya ng mahika ni Dominic ng dalawang taon at ang pamilya Monteverde ang tanging pinagkukunan niya para maka-survive sa mundo? Of course, di agad maniniwala si Charlotte doon. “Lottie naman eh. Hindi pa ako pulubi saka mas kailangan mo ng pera.” “Kalahati lang iyon ng emergency funds ko, don’t worry. Take my money na, please.” Nahihirapan siya ngayon tanggihan ang kaibigan niya. “‘Wag mo na kong pilitin. Okay lang talaga ako. Maniwala ka,” she pleaded. Pero kahit anong pangungumbinsi niya ay ayaw nitong maniwala na may pera siya. Wala siyang ibang paraan kundi ang kaladkarin ito patungong shopping mall para bumili ng mamahaling branded at signature na damit, cosmetics at jewellry. Nanalaki ang mg mata nito at wakas ay naniwala rin. Sumigla ang mukha nito nang makita ang hawak niyang black card. “Saan mo nakuha ‘yan? Sino’ng nangbigay sa’yo? Si Dominic ba?” Tanging nasa isipan nito na si Dominic ang bumigay noon. Huli na nang namalayan niya na hinugot niya pala ang tinatagong black card sa pagmamadali. Naging makulimlim ang kanyang mga mata. “Siya?” Matunog siyang ngumisi. “Malaking himala kung bibigyan niya ako nito.” Sakim ang isang iyon kaya imposibleng bibigyan siya ng black card. “Eh, s-sino ang bumigya n’yan sa’yo?” Naghari ang pagtataka sa mukha nito. “Kung hindi si Dominic o ang pamilya mo, sino pa ba? H’wag mong sabihin na may sugar daddy ka?” “Lottie,” madiin niyang bigkas. Tumiim bagang siya pero sa halip na sagutin ang tanong nito ay hinila niya ang kamay ng kaibigan. “Let’s go somewhere for now!” Hindi na ito umangat, hinayaan lamang siyang tangayin ito. Nilisan nila ang mall na may maraming bibit na bag, iba’t ibang hugis at laki. Matapos niyang magpaalam kay Charlotte ay bumulagta kaagad siya ni Dominic sa kanyang condo unit. Matikas itong nakatindig sa entrada, makulimlim ang mukha, mistulang yelo ang mga mata at kulang na lamang ay batuhan siya ng kutsilyo. Iritable nitong sinulyapan ang relo, halatang naghintay ito ng ilang oras. “Why’s your phone off?” sita nito. “Ah, ang ingay,” she snapped back. Paminsan-minsan lang nga itong tumatawag sa kanya, at ngayon, parang masisira ang cellphone nito dahil panay ang tawag ni Amelia. Hinugot niya ang susi, pero bago niya maisilid sa keyhole ay hinablot nito ang palapulsuhan niya. “Hazel Xaviera!” Malamig niyang iniripan ito. “Kawawa naman ng baby Amelia mo, walang nagbabantay sa kanya. Ba’t di mo samahan?” Nanuot ang galit sa mga mata nito nang marinig ang pangalan ni Amelia. “Mag-usap tayo!” “Hindi ako interesado,” diretsahan niyang sagot. Winaksi niya ang kamay nito, binuksan ang pinto, at pabalibag na sinara. Kaso wais ang lalaki, mabilis nitong sinangga ang pinto. Hinaba nito ang kamay at pinigilan ang pagsara ng pinto. Noong tinangka nitong pumasok ay agad siyang umakto at sinipa ito dahilan para mawindang at mapaupo sa sahig. Natawa pa ang iilang taong dumaan. He gritted his teeth. “You woman—!”Thank you for reading :)
Roxas Boulevard Residence.Hundreds of millions for a house.For Amelia Monteverde.Halos gusto niyang humalakhak.Para mapasaya si Amelia—-hindi ‘yon pagmamahal. Kundi isang negosyo.A bribe for the Monteverde family’s favor. At si Shaira naman, nakikilalahok ang inosente, tanga, sunod-sunurang Shaira, na niniwala pa rin sa bawat kwento ni Amelia.Kaawa-awa. Ni hindi nito alam na ang lalaking patay na patay ito—si Lucas—ay may dalawang taong bastardong anak na tinatago. Magsisisi talaga ito kapag malaman nito na hindi perpekto ang ideal man nito at ginagamit lamang ito.Initsa niya ang cellphone sa lamesita. “What a waste of sleep.” Sumandal ulit siya sa couch nang saktong umilaw ang kanyang cellphone. Si Charlotte. Mas karapat-dapat sagutin ang tawag na ito.“Beshy,” bati nito sa banayad na tono. Charlotte was one of the few she didn’t mind hearing from.“Hindi mo ba narinig ang balita?” matalim nitong turan. “Gustong bilhin ni Dominic ang Roxas Boulevard Estate para kay Amelia. Hin
Muling umalingawngaw ang boses ni Shaira na puno ng hinanakit kay Hazel. “Still pretending to be composed, huh? Some things never change.”Binaba ni Hazel ang baso, sumandal sa couch at pinag-krus ang binti. “You called to reminisce?” malamig niyang tugon.Huling-huli ng tenga niya ang maiksi pero napang-uyam na tawa. “Ruminate? Tumawag ako para ipaalala sa’yo na isa kang kaawa-awa. No wonder Dominic doesn’t want you. Tingnan mo nga ‘yang sarili mo, you’re cheap and clingy. You should be grateful nga kasi he let’s you live long enough to see what you missed.”Ngumisi siya. “Bulag ka ba? I was the one who dumped him, remember?”Kalmado ang tono niya, pero mistulang kutsilyo ang bawat salitang minutawi ng bibig niya. Saka sinundan iyon ng panandaliang nang-uuyam na tawa nito.“You dumped him?” ulit nito, tumatawa na para bang nagbibiruan sila. “Oh please, ‘wag kang mahangin. You just wanted to climb higher, right? Gusto mong yumaman? Makinig ka sa sasabihin ko—-darating din ang panahon
“Don’t talk nonsense,” seryosong turan ni Dominic.Kumurap si Amelia. “Seryoso ako, Dom.” Nanginig ang mga labi nito, namumutla ang mga ito. “Tuwing aatakehin ako, hindi ko alam kung aabutin pa ako ng umaga rito… kung makikita ko pa ba ang langin sa bintana kinabukasan.”Mahina ang boses nito, pero mistulang hinihiwa ang katahikan ng silid. Hindi pa rin umaalis ang amoy ng disinfectant sa ere, steady ang tugtog ng monitor na parang naka-countdown.Tanging ang mga taong nasa bingit ng kamatayan ang makakintindi ng totoong takot. Iyong tipong gumagapang sa mga buto, nilalamot ka sa loob-looban. Hindi maigay o madrama ang lungkot sa mga mata na tila tahimik silang nilulunod.He reached over and wrapped her cold hand in his. Mainit ang kanyang palad at walang bakas ng pangangatog. “Don’t worry,” aniya. “Ilalabas kita rito.”Kumurap ito. “Talaga?”“Drake is already arranging things,” imporma niya. “Once it’s ready, I’ll discharge you myself. Makikita mo ulit ang bukang-liwayway at takip-si
Nasa kalagitnaan ng tawag si Claudia nang marinig ang pangalan ni Lucas pati ang ospital. Hindi siya naghintay magtanong. Humigpit ang kanyang mga daliri sa cellphone; ang susunod na mangyayari ay pinagkatiwala niya si Amelia kay Dominic.“Take care of her,” aniya, sabay sukbit ng kanyang hand bag.Nang sandali niyang marating ang ward kung saan ang kanyang unico hijo ay sinalubong siya ng malalamlam na ilaw na sinamahan ng madalim na mukha ni Lucas.“Anong nangyari sa’yo?” Nangatog ang kanyang boses sa gitna ng pagkabalisa at galit. “Sino ang may gawa sa’yo nito?”Pinilit nito ang sariling bumango, lumitaw ang ilang butil ng pawis sa noo nito. “You can’t open another card for Hazel,” umiigting ang panga nitong wika. “Not this time.”May sapat na lakas pa naman itong umungol, ibig sabihin ay hindi pa ito mamatay. Ngunit, sa ganoong kaliit na bahay ay sandali niyang nakalimutan huminga.“Alam ko,” aniya, pinasadahan ang tingin ang anak. “Hindi ko bubuksan iyon. Pero tapatin mo nga ako,
“Find that doctor,” ani Claudia. “Edward Cruz ang pangalan niya. Sigurado akong kilala mo siya.”Si Edward Cruz isang mahusay na heart surgeon galing France, ang doktor na hindi nauubusan ng pasyente. His hands were once called the hands that could command the rhythm of life itself. Kaso bigla itong naglaho sa medical world dalawang taon nakakaraan. Walang nakaalam kung bakit. Wala ring nangaas magtanong.“He hasn’t taken a single case then,” dugtong ni Claudia, halatang desperada. “Pero wala ng ibang makakapagligtas kay Amelia kundi siya lang. Sinubukan kong humanap ng ibang espesyalista pero walang nakakalpas sa kanya.”Dumilim ang mukha niya. Kinuyom ang kamay na nasa tagiliran. “You’re right about his skill,” amin niya. “Pero tiyak mahihirapan tayong kumbinsihin siya.” “E di, humanap ka ng paraan,” asik nito, hindi na makontrol ang takot sa lalamunan nito. Kulang na lang ay magpapadyak ito para makalumutan ang tako. “Maawa ka, Domz. Nakita mo ang medical records ni Amelia. Mabili
Tinatamad na sumandal si Edward sa kanyang upuan. Kumikibot ang dulo ng labi niya habang pinapanood si Hazel na walang humpay sa pagsubo ng pagkain nito. Sandali itong huminto, tinaasan siya ng kilay pero muling sinubo ulit ang kanin na may ilang pirasong gulay. Napapikit ito habang ngumunguya pero nang muling dinilat ang mga mata ay tila nakakita ng multo dahil nasulubong nito ang malamig na mukha ni Killian. Sinamaan lamang ito ng tingin ng dalaga bago nilunok ang pagkain.Mahina siyang napabuntong hininga. “See? Gaya ng sinabi ko—dapat hayaan natin maging malaya na lumaki ang mga bata. Tingan mo siya, kumakain na parang lion. Gutom na gutom. She’s much better than before.”Bumaba ang temperatura ng silid nang lumutang sa ere ang kanyang biro. Pinukulan siya ng mala-kutsilyong tingin ni Killian, dahilan para sumabit sa ere ang hawak nitong kutsara’t tinidor. Bahagyang umiigitng ang panga.He only smirked, undeterred. “What? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah.”He wasn’t wrong, and