Share

Chapter 4

Penulis: Glad Fortalejo
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-13 10:47:23

Chapter 4

 

Malayo sa nais niyang mangyari sa buhay niya ang nangyayari ngayon. He might have the most successful life, but that doesn't guarantee him the real happiness a man could feel. Inaamin niya na kapag sobrang abala siya sa trabaho ay nalilimutan niya si Sheryl, pero kapag siya ay nagpapahinga ay hindi na naman maalis sa isipan niya ang babaeng iyon. He gave so much of himself to that woman, never expecting to receive pain in return. 

 

Umiling siya sapagkat naalala niya ang sinabi ng babae. Napapatanong na lamang siya sa madalas na pagkakataon. Tama bang gawing rason na sawa ka na sa tao, kaya mo siya iiwanan? Para sa kaniya, hindi naman dapat mahal mo sa araw-araw ang tao. Sapat na pipiliin mo siya sa araw-araw. He could feel falling out of love for Sheryl many times, but he chose to choose her day after day. 

 

Tinapos niya ang kaniyang pagligo sa pagbanlaw ng kaniyang katawan na para bang katawan ng isang atleta. Kinuha niya ang kaniyang bathrobe at sinuot niya ito. 

 

Nagmadali siyang tumungo sa kama niya nang makita na umiilaw ang screen ng kaniyang cellphone. Tiyak ay ang kaibigan niya ang tumatawag. 

 

"Hello?" aniya nang sinagot niya ang tawag. 

 

Ang isang braso niya ay nakalihis sa gitna ng kaniyang matikas na mga dibdib upang maibsan ang lamig na humihigop sa katawan niya. 

 

"Scorps, nasaan ka na? Will I pick you up there?" 

 

Wala siya sa mood na gumala subalit nagpumilit ang kaibigan niya. Sa tuwing araw kasi ng breakup nila ni Sheryl ay mas gusto niya na mamalagi na lang sa loob ng silid niya. Bihira rin siyang lumabas dahil mas pabor sa kaniya na tumahimik na lamang at hintayin na matapos ang buong araw. He was trying his best to avoid people during this painful day, as his heart commemorates the efforts he gave but took as nothing. 

 

Akala niya talaga ay hindi na sila maghihiwalay pa ni Sheryl. Sino ba kasi ang mag-iisip na sa isang umaga na gigising siya'y maririnig niya mismo kay Sheryl na hindi na siya mahal nito? Nagsawa raw sa kaniya ang dalaga. Malaking katanungan iyon para sa kaniya. Bakit? Paano? 

 

"Scorps, kanina pa ako nagsasalita rito, pero daig ko pa ang nakikipag-usap sa salamin. Nasaan ka na? Susunduin na lang kita."

 

Umupo siya. Habang ang kaliwang palad niya ay nakatukod sa malambot na kama at ang isa naman ay nakasuporta sa cellphone niyang nakadikit sa kaniyang tainga ay nakatingala ang kaniyang mukha. 

 

"I told you to let me stay inside my room today. Puwede naman tayong gumala bukas o hindi naman ay susunod na araw na lang? Why does it have to be today?" 

 

"Nasabihan ko na si Lily na pupunta tayo ngayon. Alam mo naman ang babaeng iyon. Matampuhin siya." 

 

He got to think about Lily. Naalala niya na sa bawat pagsapit ng petsa kung kailan ang puso niya ay winasak ni Sheryl ay gumagawa ng paraan si Lily upang kahit papaano ay maibsan ang lungkot niya. Magtatampo talaga ang babaeng iyon, kapag hindi siya susulpot sa bar ngayong araw. 

 

"Ginagamit mo lang si Lily nang sa ganoon ay hindi ako makapag-hindi sa iyo, Tau." 

 

"Whatever you are thinking. Huwag ka rin mag-alala dahil kargo ng sampo ang iinumin natin magdamag. Nagkuwentahan na nga sila kagabi kung ilang libo ang ilalabas ng bawat isa." 

 

"Alright. Sunduin mo na lang ako. Wala ako sa huwisyo para magmaneho." 

 

Matapos silang mag-usap ay agad siyang nagbihis. Subalit bago niya tinakpan ng mga saplot ang kaniyang katawan ay kumuha siya ng lotion at banayad niya itong pinahid sa bawat sulok ng kaniyang katawan. Umambon din ng pabango sa loob ng kaniyang silid nang kaniyang ini-spray ang katawan niya ng mamahaling pabango na kaniyang nabili sa bansang France. 

 

Isang puting brief ang kaniyang sinuot. Maayos niyang pinuwesto sa loob ng kaniyang brief ang alaga niyang mahaba at mataba. Hindi niya ito maipuwesto paturo sa kaniyang tiyan sapagkat alam niyang sosobra ito kapag bigla itong tumigas. Isang fitted slacks na kulay abo ang sunod niyang sinuot at isang kulay itim na poloshirt ang pinares niya rito. Ang kaniyang leather shoes na kulay itim ang kaniyang sinuot. 

 

Maigi niyang tinitigan ang sarili sa salamin na halos kasing-tangkad niya. Inayos niya ang buhok niya at inusisa ang bigote't balbas niya na well-trimmed. 

 

Nasa ayos na ang lahat, mula sa kaniyang mukha hanggang sa porma.

 

Hiling niya na sana ay matakpan ng ngiti ang kaniyang lungkot. 

 

Ilang taon na ang lumipas, pero presko pa rin ang sugat ng puso niya. Labis na ang sakit na dulot nito. Nais niya na itong takasan, pero hindi niya alam kung paano. Paano nga ba? Paano ba takasan ang kulungan na nais niyang panatilihin kailanman? Kahit lokohin niya ang lahat ay hindi niya kayang lokohin ang puso niya. Alam niya na bahagi pa rin nito si Sheryl, at kung babalik ang babae ay buong puso niya itong yayakapin. 

 

May kumatok sa likod ng pinto ng silid niya. Kinuha niya ang wallet at cellphone niya bago niya binuksan ang pintuan. 

 

"Nasa labas na po si Sir Tau. Doon na lang daw siya maghinhintay sa inyo." 

 

Tumango siya. "Kayo na ang bahala sa bahay. Cook whatever you want. Hindi ako uuwi ngayon." 

 

"Sige po."

 

Nagmadali siyang bumaba sa hagdanan. Nang nasa baba na siya ay gumayak na siya patungo sa labas. 

 

Nakasandal sa makintab na sasakyan ang kaniyang kaibigan. Tulad niya ay naka-poloshirt din ito. 

 

"Pumasok ka na, kamahalan," sabi ni Tau sa kaniya at pinagbuksan siya nito ng pintuan. 

 

"Fuck." 

 

"If I am a woman, I will let you fuck me. Baka nga papakasalan pa kita," biro ng kaibigan niya nang pareho na silang nasa loob ng sasakyan. 

 

Kinabit niya ang seatbelt at tumingin siya sa labas ng bintana. 

 

Malungkot ang gabi. Pareho ng kaniyang damdamin ngayon na puno ng lumbay ang gabing tinahak niya. 

 

"Hey! Scorps, can you please do not show that face? Sayang iyong kaguwapuhan mo kung iyang malungkot na mukha mo ang sisira nito."

 

"Paano ba kasi maging masaya?" Batid niya na naitanong niya na ito sa mga kaibigan niya nang ilang beses, pero tinanong na naman niya ito ulit kay Taurus. 

 

"Lilipas din ang lahat. Go with the flow. Hindi natin alam na baka mamaya sa bar ay may makikilala kang babae na magpapabago ng nararamdaman mo."

 

"Tau, alam mo naman na si Sheryl lang ang makakapagpabago ng nararamdaman ko. Kung bigla na lang siyang lilitaw at sasabihan ako na magbalikan kami ay papayag ako agad-agad. Kung mangyayari iyon ay hindi niyo na ako kailangan pang pagsabihan na maging masaya. Siya ang k-kaligayahan ko."

 

"Siya ang kaligayahan mo pero hindi na ikaw ang nagpapaligaya sa kaniya? Pareho tayong magkakaibigan ng nararamdaman, Scorps. Naiintindihan ko naman na mahirap kalimutan ang mga babaeng nanakit sa atin. But most of the time, natatanong ko ang sarili ko. Worth it ba sila laanan ng mahabang panahon? O baka naman sayang na sayang ang mga panahon na kinulong natin ang mga sarili natin sa paghihintay sa pagbabalik nila kahit na alam natin na imposible na mangyari iyon. Baka nga ay kasal na sila sa mga lalaking pinalit nila sa atin."

 

Halos sabay silang napabuntong-hininga ng kaibigan niya. Ang pait ng kapalaran nilang magkakaibigan pagdating sa pag-ibig. Kung gaano katamis ang kapalaran nila sa negosyo ay kabaliktaran naman nito ang kapalaran nila sa pag-ibig. 

 

Sa simula ay hindi siya kumportable sa maiksi at masikip niyang uniform, pero naka-adjust din siya agad. Ginawa niya ang lahat upang maipakita kay Miss Lily na ginagalingan niya sa trabaho at maaasahan siya. Hindi naman mahirap ang ginagawa niya. Hinahatid niya lang naman sa lamesa ng mga kustomer ang order ng mga ito. Para lang din siyang bumalik sa kaniyang dating trabaho sa coffee shop, pero ang kaibahan ay parang mas abala siya rito dahil mas malawak ito at mas maraming kustomer ang dumadayo sa lugar na ito. 

 

"Lyv!" tawag sa kaniya ni Ben. Si Ben ang bartender na nagbigay ng direksyon sa kaniya kahapon patungo sa opisina ni Miss Lily. 

 

"Ano?" 

 

"Ihatid mo itong Blood Shot sa dulo." 

 

"Alright, Ben." 

 

Agad silang nagkasundo ni Ben. Mabuti na lang dahil may nakakausap siya. Abala kasi si Miss Lily at hindi niya rin ito puwedeng kausapin na parang ka-level niya lang. Mataas pa sa kung anong trabaho niya ang posisyon ni Miss Lily, kaya alam niya kung saan niya ilulugar ang kaniyang sarili. 

 

"Here's your order, ma'am," nakangiting sabi niya. 

 

"Thanks. Bago ka rito?" tanong ng babae sa kaniya. 

 

"Ah, yes po."

 

"You're beautiful."

 

"Thanks po."

 

Ngiti lang ang sukli ng babae sa kaniya.

 

Lumapit siya kung saan nagpeperform si Ben. Magaling sa paglaro ng mga bote si Ben. Paborito rin ng mga babae ang tinitimpla niyang inumin na Blood Shot. Napapatanong nga siya kung ang Blood Shot ba talaga ang paborito nila o ang lalaking ito. 

 

"Bilib ka na naman sa akin?"

 

"Alam mo, Ben, ang kapal ng apdo mo. Kakakilala pa lang natin sa isa't isa, pero masyado kang kumportable sa akin."

 

"Para ka kasing kapatid ko, Lyv." 

 

Mula kanina ay iyan ang palaging sabi ni Ben sa kaniya. 

 

"Alyvia!" 

 

Lumingon siya kay Miss Lily. Nakangiti siyang sumalubong dito.

 

"Yes, Miss Lily? May iuutos po ba kayo?" 

 

"Ah, wala. Gusto lang kitang paaalahanin na maya't maya ay ipapakilala na kita sa dalawang amo natin." 

 

"Sige po. Baka puwede ko pong ayusin saglit ang sarili ko."

 

"Sure, darling." 

 

Ngumiti siya. Nilapag niya sa taas ng counter ang food tray na nilalagyan niya ng mga order ng mga kustomer. 

 

Dumiretso siya sa silid ng mga waitress. Tumingin siya sa salamin at inayos niya ang kaniyang sarili. 

 

"Lyv, hinahanap ka na ni Miss Lily. Bilisan mo na raw." 

 

Tumayo siya at agad na lumabas. Minasahe niya ang kaniyang mga kamay at agad na siyang lumabas. 

 

"Come here," sabi ni Miss Lily. 

 

Nakasunod siya kay Miss Lily hanggang sa tumigil sila sa tapat ng isang table. 

 

"Gentlemen, how's your moment?" 

 

"We have a great one, Lily. I think ipapakilala mo na sa amin ang newly hired waitress ng Z-Bar."

 

"Oh, yeah." Lumingon sa kaniya si Miss Lily at hinawakan siya nito sa kaniyang braso. Marahan siyang hinila nito hanggang sa magkatabi na sila. "Scorps, Tau, our newly hired waitress. She's Alyvia Delarama, but you can call her Lyv. Lyv, ang mga amo natin, sina Taurus and Scorpio." 

 

Inangat niya ang kaniyang titig sa lalaking nakatitig sa kaniya. Shit! Ang guwapo ng isang amo niya. 

 

"Hi, sir," bati niya kay Sir Taurus niya. 

 

"Hi, Lyv. I am happy that you grabbed this opportunity. Totoo nga ang sinabi ni Lily. You are really gorgeous!" 

 

Namula tuloy siya dahil sa papuri na sinabi ng kaniyang isang amo. Nakita niya na siniko ni Sir Taurus niya ang isa pang amo niya. Si Sir Scorpio. 

 

"Scorps, greet her." 

 

Mukhang may attitude ang isang ito. Napilitan lang ang lalaki na tumayo. 

 

"Hi—shit! I-Ikaw?" 

 

Nanlaki ang mga mata niya nang namukhaan niya ang lalaki. 

 

Pagkakataon nga naman kung nagbibiro. 

 

Hindi siya makagalaw nang magtama ang mga mata nila ng isa sa mga amo niya. Ang lalaking ito ay ang lalaking nakasiping niya noong lasing na lasing siya. 

 

Tumakas ang katinuan niya at binalik siya ng isipan niya sa gabing nagtatalik sila ng lalaki. Hindi niya inaasahan ang pagkakataon na ito. 

 

Gusto niyang humakbang paatras, pero nakagapos sa kung saan siya nakatayo ang mga paa niya. 

 

"Magkakilala kayo?" tanong ni Miss Lily. 

 

"Ah..."

 

"O-Oo. We met once," sabi ng lalaki. 

 

Pinagpawisan ang mga kamay niya. Naiilang siya na tumingin sa lalaki. Bigla kasi siyang dinapuan ng hiya matapos niyang maalala kung paano niya sinuko sa lalaking ito ang kaniyang bandila. 

 

"That's great news! Umupo kayo and let us celebrate tonight! Let us celebrate your first day here in Z-Bar, Lyv! Come! Iyong sampo baka hindi umabot, may emergency kasi." 

 

Tumingin siya kay Miss Lily. Tumango si Miss Lily kaya ay wala siyang magawa kun'di ang umupo sa tabi ni Sir Taurus niya. Nakaharap siya sa lalaking sinukuan niya ng kaniyang virginity, kaya naman ay mas lumala pa ang ilang na naramdaman niya. 

 

Gusto niyang umalis at kumuha ng isang timba ng ice cubes at ibuhos sa kaniyang ulo upang magising siya kung bangungot man ito. 

 

"Here, Lyv." 

 

Tinanggap niya ang tagay na binigay ni Sir Taurus niya. 

 

Nag-uusap ang tatlo habang siya naman ay tumatanggap lang ng tagay. 

 

Ilang bote na ang naubos nila. Patuloy lamang sa pagkukuwentuhan ang tatlo habang siya ay nalalasing na. 

 

Nang nilapag ni Sir Taurus ang baso sa tapat niya ay akmang kukunin niya sana ito, pero may humawak sa kaniyang pulsuhan. Uminit ang mukha niya nang matanto na ang lalaking ka one night stand niya ang pumigil sa kaniya upang inumin ang tagay na para sa kaniya.

 

"Enough," sabi ng lalaki na biglang kinabilis ng tibok ng puso niya.

 

"Lyv, lasing ka na. I'm so sorry. Nadala ako sa usapan namin," sabi ni Miss Lily sa kaniya. 

 

Naramdaman niya na nasusuka siya. Tumayo siya at hindi na nagpaalam nang maayos sa mga kasama niya sa lamesa. Hinila niya ang kamay niyang hawak ng lalaki at agad siyang tumungo sa banyo. 

 

Nang nakapasok siya ay agad siyang sumuka nang marami. Ang sakit ng ulo niya at para bang sasabog na ang puso niya sa tapang ng alak na ininom nila. 

 

Tumitig siya sa salamin. 

 

"Shit! Siya nga!" aniya. "Bakit ba kailangan naming magkita ulit?"

 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 7

    Chapter 7Tapos na siya sa paghatid ng mga order ng mga kustomer sa bar. Napaisip siya sapagkat mamahalin ang mga inumin dito. May isang shot lang ng alak dito na nagkakahalaga ng higit sa 30,000.00. Katumbas na iyon ng sahod niya sa bar sa loob ng isang buwan. Kung siya lang ay hindi siya gagastos para lang matikman ang isang shot ng Heaven's Pee na iyon. Its worth was so much money to waste."Lyv, alam mo ba na marami na ang nalunod dahil sa malalim na pag-iisip?" Sinamaan niya ng tingin si Ben. Inis na inis siya sa lalaki dahil una itong umalis kagabi. Inirapan niya nang malagkit ang katrabaho. "Bumalik ka roon sa trabaho mo, Ben. Huwag kang umasta na wala kang ginawa kagabi.""Talaga ba? Hindi naman ako ang sinabihan ni Miss Lily na mag-over time para bantayan ang amo natin, ah." Hinila ng lalaki ang upuan at umupo ito paharap sa kaniya. Isang mapagtanong na titig ang binato ng lalaki sa kaniya. "E, sana ay nag-boluntaryo ka na lang. Ako pa talaga pinabantay niyo sa lalaking

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 6

    Chapter 6Habang pinupunasan niya ang lalaki ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng init ng katawan. Minadali na lamang niya ang pagpunas sa katawan ng lalaki. Maging ang singit nito ay pinunasan din niya. Tumayo siya at naghanap siya ng maaaring ipasuot sa lalaki. Basa na ng pawis nito ang lalaki at sinukahan pa nito ang sariling damit. Naghalungkat siya sa aparador. "Puwede na ito," aniya nang makita ang jersey short at sweater ni Lukas. "Ah. Good job." Nang nabihisan niya ang lalaki ay agad niyang nilinis ang sahig. Pumasok na rin siya sa banyo nang tapos na siya sa paglinis. Umunat siya kaya'y umayos ang pakiramdam ng mga buto-buto niyang pagod na pagod. Unang duty niya sa bar, pero pang isang linggong pagod na ang naramdaman niya. Habang binabasa niya ang sarili niya ay naiisip niya ang katawan ng lalaki. Umiling siya upang maalis ang imahe ng lalaki sa isipan niya. Mainam pa noong gabing may nangyari sa kanila sapagkat hindi masyadong klaro sa paningin niya ang detalye n

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 5

    Chapter 5Naghalo na ang kaniyang luha, pawis at laway. Gayunpaman ay umokay na ang kaniyang pakiramdam. Lumabas siya sa restroom. Tumigil siya sa paghakbang nang makita ang lalaking pumigil sa kaniya na inumin ang isa pang tagay na inalok ng isang amo niya. Umiling siya. Walang saysay kung bibigyan niya ng panahon ang lalaki. Nilibing niya sa isipan niya na ang nangyari sa kanilang dalawa ay isang gabing pagkakamali lang. Dapat nilang kalimutan iyon. "Let's talk," sabi ng lalaki subalit ay diretso lang siya sa paglakad. Wala na silang dapat pang pag-usapan. Hindi na dapat pang pag-usapan kung ano man ang nangyari sa kanila. Pinihit siya ng lalaki, kaya ay napabalik ito. Pinasandal siya nito at agad na ginuwardiya sa pagitan ng mga braso nito at ng pader. Iniwasan niyang tumitig sa mga mata ng lalaki. Ano ba ang problema nito sa kaniya? Hindi ba nito nararamdaman na siya'y naiilang sa presensya nito? "Mag-usap tayo.""Wala tayong dapat na pag-usapan.""Mayroon," maikling sabi n

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 4

    Chapter 4Malayo sa nais niyang mangyari sa buhay niya ang nangyayari ngayon. He might have the most successful life, but that doesn't guarantee him the real happiness a man could feel. Inaamin niya na kapag sobrang abala siya sa trabaho ay nalilimutan niya si Sheryl, pero kapag siya ay nagpapahinga ay hindi na naman maalis sa isipan niya ang babaeng iyon. He gave so much of himself to that woman, never expecting to receive pain in return. Umiling siya sapagkat naalala niya ang sinabi ng babae. Napapatanong na lamang siya sa madalas na pagkakataon. Tama bang gawing rason na sawa ka na sa tao, kaya mo siya iiwanan? Para sa kaniya, hindi naman dapat mahal mo sa araw-araw ang tao. Sapat na pipiliin mo siya sa araw-araw. He could feel falling out of love for Sheryl many times, but he chose to choose her day after day. Tinapos niya ang kaniyang pagligo sa pagbanlaw ng kaniyang katawan na para bang katawan ng isang atleta. Kinuha niya ang kaniyang bathrobe at sinuot niya ito. Nagmadali s

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 3

    Chapter 3"Damn it!"Hinilot niya ang kaniyang batok. Nahihirapan siyang matulog nang maayos nitong nakaraang mga araw. Paano ba at bumabalik sa isipan niya ang babaeng nakatalik niya noong isang gabi. That woman made him question himself. Bakit ba binigay nito sa kaniya ang virginity nito? Kung wala lang sa babae ang nangyari ay hindi ito ganoon para sa kaniya. Taking a woman's virginity is a responsibility for him. Hindi lang basta-basta virginity ng babae ang nakuha niya, but also that woman's sanity. Alam niya na lasing silang pareho, but he could have done more to avoid a lustful ending with the woman. Pero hindi niya kinontra ang sarili hanggang sa dulo. Nagpatianod na lamang siya sa kung ano ang mangyayari."Sir, nandito po si Sir Tau. He would love to talk with you for a while." Inikot niya ang swivel chair niya. Saktong pag-ikit niya ay nasa harap na niya ang kaibigan niya. "Have a seat, Tau." Nang nakadikit sa backrest ng likod ng kaibigan niya ay narinig niya ang daing n

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 2

    Chapter 2Humingang malalim ang dalaga habang nakatanaw sa repleksyon niya sa loob ng salamin na halos kasing taas niya at doble sa katawan niya ang lapad. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang inangat niya ang mga ito upang gamiting pangtakip sa kaniyang bibig na nanginginig ang mga labi. It was impossible, but it happened. Kung sa isang panaginip pa ay napanaginipan niya ang hindi kanais-nais na kaganapan. Ang masahol ay hindi panaginip iyon, kun'di tunay na nangyari. "Shit," mura na lanang niya nang bumalik sa kaniyang isipan ang nangyari. She let a stranger own her last night out of desire. Naaalala niya ang lahat ng nangyari sa ibabaw ng kama ng lalaking iyon. Ang guwapong mukha ng lalaki ay hindi maalis sa kaniyang isipan. Hindi niya rin matatanggi na ang lalaki ay may katangian na bahagya niyang nagustuhan sapagkat wala nito ang lalaking nanakit sa kaniya kahapon. Subalit gayunpaman, hindi tama ang ginawa niya at ang nangyari.Tumungo siya sa kaniyang kama at umupo sa dul

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status