Share

Kabanata 3

Pero dahil simula pa nung una, ang Ama ni Brayan ay lumayas sa lupain ng mga Brilliones,

at napadpad sa Maharlika sa malayong Lugar kung saan ang Lupain ng kanilang angkan ay sobrang layo,

ito ang dahilan kung bakit hindi mahanap hanap ni Jorge Henry Brilliones ang Pamilya ni Brayan, bukod pa dito, ay ka agad namatay ang asawa ni Zaldy na ina ni Brayan,

kaya mas lalong nahirapan si Jorge Henry na muli pang makita si Brayan, ang nag iisang tagapag Mana na itinayo ng kanyang Ama,

Dahil si Jorge Henry Brilliones ay hindi na nakapag asawa pa ito, dahil sa buong buhay niya ay hinanap ni Jorge Henry ang Pamilya ni Brayan,

kaya Bukod tanging walang ibang tagapag Mana ng FTNS, kundi si Brayan Brilliones,

Nung nakita si Brayan ng tatlo nitong kaklase, agad pinag tawanan si Brayan ng mga ito.

Dahil sa simula palang ay mahiyain na si Brayan, di na sya nag pumilit pang pumasok sa loob ng Maxx Restaurant,

Kaya nung papa Alis na sana ito, ka agad naman syang nakita ni Jess Lorenz,

Sabay tumayo si Jess para puntahan si Brayan, na naka tayo sa tabi ng Guard,

Pagalit na sabi ni Jess sa Guard, "anong dahilan bakit ayaw mo siyang papasukin sa loob," hindi mo ba alam na isa siya sa mga VIP sa Restaurant na ito,

Sabay kuha ng isang Black Card VIP Member sa wallet ni Jess Lorenz,

At ipinakita sa isang Guard na naka tulala, dahil hindi alam kung ano ang kanyang gagawin,

Sabay tungo sa harap ni Brayan ang isang Guard, at sambit nito habang na uutal, "Pa pasensiya kana Sir. Brayan,."

Sorry po kung hindi ko po agad kayo nakilala,

"Ayos lang," sagot ni Brayan sa Guard,

Pag pasok sa loob ng Restaurant,

Nagulat sila Fernan, Alex at Ivan sa kanilang nakita at narinig,

"Ano! Isa siyang VIP Member ng Restaurant na ito?"

Gulat na gulat na sinabi ni Alex, Dalawa nitong Kaibigan,

"Baka naman hindi sa kanya yung Black Card!"

Dudang sagot bi Ivan kay Alex,

"Hahaha"

Sabay tawa ni Fernan,

"Naku naman, nakaka awa ka talaga Brayan, kailangan mo pa talagang umasa sa ibang tao,

pati ba naman dito sa loob ng Restaurant, mamamalimos kapa rin," pang asar na sinabi ni Fernan kay Brayan,

"At sino naman ang nag sabi sayo na husgahan agad ang isa sa VIP Member ng aking Restaurant,"

Isang malakas na boses ang narinig nila Fernan, Alex at Ivan sa kanilang likuran, maging si Jess ay nagulat sa kanyang narinig,

Hindi niya akalain na si Brayan pala ay totoong isang VIP Member dito sa kilalang Restaurant na ito, at bukod pa dito, mismong Owner ng Restaurant ang nag sabi nito, na si Larry Ellison,.

Dahil ang totoo, na ang ipinakita ni Jess Lorenz sa Guard kanina na Black Card ay sa Kanya mismo at hindi kay Brayan,

At ito ay may Expiration Date lamang na 3 months lang pwede magamit,

Dahil ang totoong Life Time VIP Member, Ay Gold and Black ang kulay ng Card na ito,.

"Long Time no see, Brayan," Masayang pagbati ni Larry Ellison,

Gulat at hindi maka paniwalang sagot ni Brayan kay Larry,

"Kuya Larry Ellison?

Opo matagal na rin po tayo huling nagkita,"

sagot ni Brayan sa hindi maka paniwalang si Larry ang nag mamay ari ng Maxx Restaurant,

Dahil nung tatlong taon ang naka lipas, si Brayan ang tumulong kay Larry,

Isang tindero ng Paris si Larry Ellison,

Araw at Gabi siya nag tra trabaho para sa Pamilya nito,

isang araw habang nag lalakad si Brayan, nakita nya si Larry na nag titinda ng Paris sa tabi ng Seven eleven Store,

Dahil sa pagud at gutom, naisipan ni Brayan na bumili ng Paris kay Larry,

At laking gulat ni Brayan na may kakaiba itong lasa, na hindi katulad ng ibang pang karaniwang Paris sa tabi tabi,

"Bakit hindi po kayo kuya magtayu ng sarili mong Restaurant at ang main menu mo ay Paris," Tanong ni Brayan kay Larry.

"Gustohin ko man sana Boy, kaso kulang at sapat lang ang kinikita ko sa araw araw para sa Pamilya ko,"

nakakalungkot na sambit ni Larry kay Brayan,

Si Brayan ay may hawak na 50,000 Pesos, papunta na sana siyang Banko para ilagay sa kanyang FTNS Wallet, para sa karagdagang Investment sa FTNS Crypto,

Pero dahil simula pagka bata, si Brayan ay lumaki sa mahirap, nauunawaan nya ang hirap na pinag dadaanan ni Larry Ellison,

Likas na mabait at matulungin si Brayan,

Kaya hindi sya nag alinlangan na tumulong kay Larry,

Ito po Kuya, idagdag mo sa iyong puhunan,

sabay abot ni Brayan kay Larry ng 50,000 Pesos, dahil kaka ani lang ng kanyang Palayan, nakapag Benta si Brayan, 300 sakong Palay,

Sa puntong ito, medyo maganda na ang

Buhay ni Brayan, dahil sa magandang panahon at Sunod sunod na ani,.

Ang lahat ng kanyang kinikita ay patuloy lang niya, idina-dagdag sa Investment, kaya mas lalong lumaki ang kanyang Shared sa FTNS,

"Salamat sayo Brayan, at ito na ako ngayon, kung hindi dahil sayo, wala ako ngayon sa kalagayan ko,."

Nalilitong pabulong ni Fernan,

"Paano sila nagka kilala?

Sino ba talaga si Brayan?

at bakit kilala siya ng isa sa mayamang tao sa Maharlika,?"

bulongan ng nila Fernan at Alex

"Hindi talaga ako nagkamali nang pag pili ko ng tinulungan," masayang Sabi ni Brayan kay Larry.

Samantalang ang tatlong kaklase ni Brayan, ay pa simpling umalis sa Restaurant,

At si Jess naman ay nahihiyang tanong kay Larry, "Paano mo nakilala si Brayan?"

"Si Brayan lang ang kaisa isang tumulong sa akin para makapag simula ng Business na ito, at sa wakas ngayon ay napalaki ko ng maayos, mayroon akong 30 Branches sa Buong Maharlika,

Kaya malaking pasasalamat ko kay Brayan, dahil sya ang dahilan ng lahat ng ito,"

ngiting sagot ni Larry kay Jess,.

sabay abot ng Card kay Brayan na may kulay Gold and Black, ito ang Life Time VIP Member Card,

pasimpling lumingon si Fernan kay Brayan at kay Larry, habang papalabas na ito ng Restaurant

gulat na gulat sa kanyang nakita si Fernan, na hindi ito makapaniwala kay Brayan,

"Ano.!!

bakit ang katulad niyang mahirap at hampas lupa ay magkakaroon ng Life Time VIP Membership Card ng Maxx Restaurant,"

biglang naalala ni Fernan,

nung nag Reunion ang kanilang Pamilya sa Maxx Restaurant,

ang sabi ng isa sa mga leader ng kanilang Pamilya,

na bago ka makakuha ng Life Time VIP Membership Card,

ay kailangan, nasa 1 Billion ang Profit Earnings mo every Year,

kaya sa puntong ito,

hindi pa rin talaga makapaniwala si Fernan sa kanyang mga nakita at narinig,

sabay bulong nito sa kanyang sarili, " baka dahil kakilala lang ni Brayan ang may ari ng Maxx Restaurant na ito,?"

at nang narinig naman ni Alex ang pagka sabi ni Fernan sa kanyang sarili,

"oo tama ka, hindi pwedeng mangibabaw at malampasan niya tayo,

isa lang hamak na hampas lupa si Brayan, paano siya magiging mayaman nang ganun kadali,"

at sabay sabay sumakay sa kani kanilang mga sasakyan ang tatlong kaklase ni Brayan,

samantalang si Jess, ay sandaling lumabas, para tawagan si Mr. Jorge Henry Brilliones, na nagkita na sila ni Brayan Brilliones,.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Alex Vidal
Magandang kwento na excite ako
goodnovel comment avatar
Cecil Villegas
more Exciting Kabanata po,
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status