Share

CHAPTER 4

Author: KENJI
last update publish date: 2026-10-07 16:04:35

Thalia's POV

Lumapag ang private jet sa Geneva habang pabalot na ng lamig at puting niyebe ang buong runway. Pagkabukas pa lang ng p***o ng eroplano, ramdam ko na ang hanging halos tumagos sa balat ko—isang matinding paalala na wala na ako sa mainit at madilim na bangungot ng Maynila.

Nakahilera sa tarmac ang limang itim na armored Mercedes-Maybach. Nakatayo sa gitna ng convoy si Alexander Del Rio, ang ama ko—ang tinaguriang King of Asian Maritime Trade.

Sa kabila ng edad niya, nandoon pa rin ang kakaibang awtoridad sa bawat kilos niya. Pero nang magtama ang mga mata namin, mabilis na nawala ang matigas na aura ng isang bilyonaryo. Lumapit siya sa akin at agad akong nirespeto ng mahigpit na yakap.

"My little princess..." nanginginig ang boses ni Papa habang hinahaplos ang buhok ko. "Patawarin mo ako kung hinayaan kitang magdusa sa piling ng lalakeng 'yon. Sabi ko naman sa 'yo, walang kuwenta ang mga Mercer."

"Pa, decision ko 'yon," mahinang sagot ko habang nakasandal sa dibdib niya. "Gusto kong patunayan sa sarili ko na may magmamahal sa akin nang walang kinalaman ang pera natin. Pero nagkamali ako."

Inilayo ako nang bahagya ni Papa at tinitigan ang mukha ko. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya bago bumaba ang tingin niya sa tiyan ko.

"Uncle Bernardo told me everything," humina ang boses niya pero may halong matinding galit. "Pinapirma ka nila ng waiver habang nasa ospital ka? Pinalayas ka sa sarili mong bahay?"

"Nakuha man nila ang Del Rio Artisan Corp, wala silang ideya na shell company lang 'yon," lamig ng ngiti na lumabas sa labi ko. "Naniwala silang nagmula ako sa wala. Iniisip nilang tagumpay sila, Pa."

Inakbayan ako ni Papa habang ginagabayan ako papasok sa pinakagitnang sasakyan. "Magpahinga ka muna. Bukas na bukas din, sisimulan ng legal team natin ang pag-freeze sa lahat ng international logistics routes na ginagamit ng Mercer Group. Dudurugin natin sila sa mismong larangan nila."

"No, Pa," mabilis kong pigil sa kaniya bago niya maisara ang p***o ng kotse. Umupo ako nang maayos at tinitigan ang ama ko. "Don't crush them yet. Kapag pumatay tayo ng lamok gamit ang kanyon, mabilis lang silang mamamatay. Ayokong matapos agad."

Kumunot ang noo ni Papa pero kalaunan ay lumitaw ang isang proud na ngiti sa labi niya. "Ano ang plano mo, Thalia?"

"Hayaan mong isipin ni Damian na umasenso siya dahil sa nakuha niyang kumpanya sa akin," sagot ko habang nakatingin sa naglalakihang mansyon sa pribadong bahagi ng Lake Geneva. "Palakihin natin ang illusion niya ng tagumpay. Hayaan nating magpakasal sila ni Corinne at ubusin ang pera ng Mercer Group para mag-expand sa European market."

Hinawakan ko ang tiyan ko. Ramdam ko ang tahimik na tibok ng tatlong maliliit na buhay sa loob ko.

"Bibigyan ko muna ng buong pansin ang mga anak ko," patuloy ko. "Gusto kong lumaki sila nang ligtas, malayo sa dumi at ingay ng pamilyang 'yon. At kapag handa na ang lahat... ako mismo ang babalik para kunin ang lahat ng inagaw nila."

Pagkalipas ng tatlong buwan sa Switzerland, dinala ako ni Uncle Bernardo sa isa sa mga pinakaligtas na maternity clinic sa Zurich. Doon ko natagpuan ang bago kong kakampi—si Dr. Kaelan Vance.

Si Kaelan ay hindi lang basta top obstetrician sa Europe; siya rin ang nakababatang kapatid ng pinakamalaking pharma tycoon sa rehiyon at malapit na kaibigan ng pamilya Del Rio.

"Three heartbeats, Thalia," nakangiting pahayag ni Kaelan habang nakatitig sa monitor ng ultrasound machine. "Lahat sila ay napakalakas. You have three healthy boys inside you."

Napatingin ako sa black-and-white screen. Pumatak ang isang tahimik na luha sa pisngi ko—hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa sobrang galak.

"Callum, Cassian, at Ciel..." pabulong kong banggit sa mga pangalang matagal ko nang inihanda.

"Sila lang ang kailangan mo," seryosong sabi ni Kaelan habang pinupunasan ang gel sa tiyan ko. "Inayos ko na ang lahat ng medical records mo sa buong Europe at Asia. Naka-lock ang identity mo sa ilalim ng Vance Medical Group. Kahit anong gawing paghahanap ni Damian Mercer sa mga ospital sa Pilipinas o sa abroad, lalabas na wala kang anumang records ng naging anak."

"Salamat, Kaelan," nakatitig kong sabi sa kaniya. "Hinding-hindi ko makakalimutan ang tulong mo."

"You don't need to thank me," umiling siya at inabot sa akin ang panibagong set ng mga dokumento. "By the way, dumating na ang balita mula sa Manila. Damian Mercer just signed a joint venture with a fraudulent European investor. Mukhang mabilis na nauubos ang capital ng Mercer Group dahil sa mga luho ni Corinne."

Kinuha ko ang folder at binuksan ito. May mga larawan doon nina Damian at Corinne sa isang red-carpet event sa Manila. Nakasuot si Corinne ng mamahaling alahas at nakahawak sa braso ni Damian habang may malaking ngiti.

Pero kita ko sa mga mata ni Damian ang pagod. Hindi na siya tulad ng dating kumpiyansadong CEO. May bahagyang dilim na sa mga mata niya—ang unang bakas ng stress dahil sa paghawak sa kumpanyang akala niya ay ginto, pero isa palang pabigat.

"Inaakala nilang makakapasok sila sa European shipping market," natatawa kong sabi habang isinarado ang folder. "Hindi nila alam na ang bawat port na sinusubukan nilang pagdaungan ay pagmamay-ari ng Del Rio Enterprise."

"So, what's the next step, Madam Chairman?" biro ni Kaelan habang nakasandal sa mesa niya.

Tumingin ako sa bintana ng klinika kung saan malayang lumilipad ang mga ibon sa kabila ng malamig na hangin.

"Palalakhin ko ang mga anak ko," malamig at sigurado kong sagot. "Bibigyan ko sila ng pangalang walang sinoman ang makakapantay. At habang lumalaki sila, papanorin ko kung paano unt-unting sisirain nina Damian at Corinne ang sarili nilang imperyo."

Kinuha ko ang aking coat at isinuot ito bago dahan-dahang tumayo.

Lumabas ako ng klinika kasama si Uncle Bernardo at si Kaelan. Sa unang pagkakataon sa loob ng maraming buwan, nakahinga ako nang maluwag. Wala na ang takot. Wala na ang sakit ng pagtataksil.

Pumasok ako sa naghihintay na sasakyan habang hawak ang ultrasound picture ng aking triplets.

"Ihanda mo ang balita para sa Manila media, Uncle Bernardo," utos ko bago pumarada ang sasakyan sa lansangan ng Zurich. "Ibalita niyo na ang Del Rio Artisan Corp sa Maynila ay opisyal nang pumasok sa matinding bankrupt audit dahil sa mismanagement ng Mercer Group."

Nagsimula nang gumalaw ang mga piyesa sa chessboard. At sa pagkakataong ito, ako na ang humahawak sa laro.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ​The CEO's Ex-Wife Returns   CHAPTER 7

    Thalia's POVAng pagkabigla sa mukha ni Damian ay parang isang pelikula na paulit-ulit kong pinapanood sa isip ko habang nakatayo ako sa harap niya. Limang taon ko iyong pinangarap—ang makita siyang mawalan ng kulay, ang marinig ang panginginig ng boses niya, at ang masaksihan kung paano gumuho ang yabang na pilit niyang pinanghawakan noong gabing itinapon niya ako sa ospital.Nakatitig siya sa akin na parang multo ang nakita niya. Si Corinne naman sa tabi niya ay namumutla na habang pilit itinatago ang nanginginig nitong mga kamay sa likod ng mamahaling pulang gown nito."Thalia... please, mag-usap tayo," basag ni Damian sa katahimikan. Rinig na rinig ko ang desperasyon sa boses niya, ang klase ng tono na hinding-hindi ko inasahang maririnig mula sa lalakeng minsan kong pinagkatiwalaan ng buong buhay ko. "Hindi ko alam na... ikaw pala ang... Lalo na ang pag-aari ng Del Rio...""Ngayon, nagtataka ka kung bakit ako narito?" malamig kong putol sa sasabihin niya. Inilipat ko ang tingin k

  • ​The CEO's Ex-Wife Returns   CHAPTER 6

    Damian's POVAng ingay ng mga taong nagtatawanan sa paligid ko ay parang mga basag na bubog na tumutusok sa tainga ko. Nakatayo ako sa gitna ng Shangri-La Ballroom, hawak ang baso ng whiskey na halos mapiga ko na sa higpit ng hawak ng mga daliri ko.Limang taon. Limang taon na ang lumipas mula noong gabing iyon sa ospital kung saan pinirmahan ni Thalia ang waiver at divorce papers. Ang gabing pinatunayan ko sa sarili ko na ang isang katulad niya—isang babaeng walang apelyido at nagmula sa wala—ay madaling itapon kapag nakuha ko na ang kailangan ko.Noong panahong kinuha ko ang Del Rio Artisan Corp, akala ko nakuha ko na ang susi para pumasok sa malaking liga. Ginamit ko ang kumpanyang iyon para i-secure ang joint venture sa mga European investors. Pero isang malaking katarantaduhan pala ang pinasok ko. Shell company lang pala ang kumpanyang ibinigay ko kay Corinne para pamahalaan. Unti-unting kinain ng mga nakatagong utang at maling logistik ang capital ng Mercer Group. Ngayon, nasa b

  • ​The CEO's Ex-Wife Returns   CHAPTER 5

    Thalia's POV"Mommy, Cassian stole my tablet again!""I did not! Panoorin ko lang 'yong live stock market crash ng Mercer Group sa Manila news, eh!""Pareho kayong maingay. Callum, clear the schedule for Mommy's 10:00 AM board meeting. Cassian, give that back or I'll block your Wi-Fi access."Napapailing na lang ako habang nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling window ng aking penthouse suite sa Grand Hyatt Manila. Naka-black tailored blazer suit ako, nakasampay sa balikat ang Chanel coat, at may hawak na baso ng warm lemon water.Limang taon.Limang taon ang mabilis na lumipas mula noong umalis akong duguan, walang-wala, at ipinagtabuyan ng pamilya Mercer na parang basahan.Tumingin ako sa tatlong maliliit na lalaking nakaupo sa luxury sofa. Si Callum, ang panganay, na napakaseryoso at carbon copy ng mukha ni Damian pero taglay ang matalas na utak ko sa negosyo. Si Cassian, ang pangalawa, na medyo pilyo at tech genius sa edad na apat. At si Ciel, ang bunso, na halos hindi humihiwalay

  • ​The CEO's Ex-Wife Returns   CHAPTER 4

    Thalia's POVLumapag ang private jet sa Geneva habang pabalot na ng lamig at puting niyebe ang buong runway. Pagkabukas pa lang ng pinto ng eroplano, ramdam ko na ang hanging halos tumagos sa balat ko—isang matinding paalala na wala na ako sa mainit at madilim na bangungot ng Maynila.Nakahilera sa tarmac ang limang itim na armored Mercedes-Maybach. Nakatayo sa gitna ng convoy si Alexander Del Rio, ang ama ko—ang tinaguriang King of Asian Maritime Trade.Sa kabila ng edad niya, nandoon pa rin ang kakaibang awtoridad sa bawat kilos niya. Pero nang magtama ang mga mata namin, mabilis na nawala ang matigas na aura ng isang bilyonaryo. Lumapit siya sa akin at agad akong nirespeto ng mahigpit na yakap."My little princess..." nanginginig ang boses ni Papa habang hinahaplos ang buhok ko. "Patawarin mo ako kung hinayaan kitang magdusa sa piling ng lalakeng 'yon. Sabi ko naman sa 'yo, walang kuwenta ang mga Mercer.""Pa, decision ko 'yon," mahinang sagot ko habang nakasandal sa dibdib niya. "

  • ​The CEO's Ex-Wife Returns   CHAPTER 3

    Thalia's POVMaagang dumating ang pampublikong utility truck para hakutin ang natitira kong mga gamit mula sa maliit na townhouse na naging tahanan ko bago ako lumipat sa penthouse ni Damian. Pero bago pa man ako makatapak sa gate, nakaharang na ang dalawang matatangkad na security guard ng pamilya Mercer.Nakatayo sa gitna ng garage si Corinne, nakasuot ng isa sa mga mamahaling designer coats ko na iniwan ko sa penthouse. May hawak siyang baso ng iced coffee at nakatingin sa akin na parang nakakita ng basurang pilit ibinabalik ng hangin."Anong ginagawa mo rito, Thalia?" maarte niyang tanong bago uminom sa coffee cup niya. "Di ba malinaw ang usapan niyo ni Damian kagabi sa ospital? Binayaran ka na sa lahat ng ginawa mo. Wala ka nang karapatang tumapak sa alinmang ari-arian na nakapangalan sa Mercer Group."Malamig ko siyang tinitigan. "Galing sa sarili kong bulsa ang pambili ng bahay na 'to, Corinne. Bago pa man dumating si Damian sa buhay ko, akin na 'to."Tumawa si Corinne—isang tu

  • ​The CEO's Ex-Wife Returns   CHAPTER 2

    Thalia's POVBumubuhos ang malakas na ulan habang pilit kong pinaandar nang mabilis ang kotse ko palayo sa gusaling iyon. Halos hindi ko na maaninag ang daan sa kapal ng tubig sa windshield at sa labo ng paningin ko dahil sa mga luhang pilit kong pinipigil.Masakit. Tangina, sobrang sakit.Limang taon akong naniwalang binuo namin ang buhay na 'to nang magkasama. Na bawat puyat at pagod ko para sa Del Rio Artisan Corp ay para sa hinaharap naming dalawa. Pero para lang pala ako sa kaniya basahan na pwedeng itapon kapag nakuha na ang gusto.Biglang umalingawngaw ang malakas na busina mula sa kabilang linya.Nawalan ng kapit ang mga gulong ng kotse ko sa basang kalsada. Sinubukan kong apakan ang preno, pero huli na—sumabog ang nakabibinging tunog ng tumitiling bakal bago nagdilim ang buong paligid ko.Mabigat ang mga talukap ng mata ko nang magmulat ako. Amoy antiseptic, malamig ang hangin, at may paulit-ulit na tunog ng heart monitor sa tabi ko."Pumirma ka na rito para matapos na 'to,"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status