Share

CHAPTER 5

Author: KENJI
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-07 16:21:08

Thalia's POV

"Mommy, Cassian stole my tablet again!"

"I did not! Panoorin ko lang 'yong live stock market crash ng Mercer Group sa Manila news, eh!"

"Pareho kayong maingay. Callum, clear the schedule for Mommy's 10:00 AM board meeting. Cassian, give that back or I'll block your Wi-Fi access."

Napapailing na lang ako habang nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling window ng aking penthouse suite sa Grand Hyatt Manila. Naka-black tailored blazer suit ako, nakasampay sa balikat ang Chanel coat, at may hawak na baso ng warm lemon water.

Limang taon.

Limang taon ang mabilis na lumipas mula noong umalis akong duguan, walang-wala, at ipinagtabuyan ng pamilya Mercer na parang basahan.

Tumingin ako sa tatlong maliliit na lalaking nakaupo sa luxury sofa. Si Callum, ang panganay, na napakaseryoso at carbon copy ng mukha ni Damian pero taglay ang matalas na utak ko sa negosyo. Si Cassian, ang pangalawa, na medyo pilyo at tech genius sa edad na apat. At si Ciel, ang bunso, na halos hindi humihiwalay sa gilid ko at laging nag-aalaga sa aming apat.

I taugh them everything. Pero higit sa lahat, pinalaki ko silang kilala kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng kapangyarihan.

"Mommy," lumapit sa akin si Ciel habang hawak ang isang maliit na folder. "Uncle Kaelan sent the final list of attendees for tonight's Charity Gala at the Shangri-La Ballroom. Damian Mercer and Corinne Madrigal are on the VIP guest list."

Kinuha ko ang folder at dahan-dahang binuksan ito.

May nakadikit doon na litrato ni Damian. Malaki ang ipinagbago ng mukha niya sa loob ng limang taon. Wala na ang dating dating niyang kumpiyansa. May malalalim na maitim na bilog sa ilalim ng mga mata niya at mukhang pagod na pagod. Sa tabi niya, si Corinne ay pilit na nag-aayos ng mamahaling alahas pero balita sa buong alta siyudad na baon na sa utang ang Mercer Enterprise matapos bumagsak ang Del Rio Artisan Corp na inagaw nila sa akin.

Naniwala silang bankrupt na kumpanya ang nakuha nila. Hindi nila alam, ang mismong supply chain na ginamit nila ay naka-design para unt-unting hihitit sa pondo ng Mercer Group hanggang sa mawalan sila ng liquidity.

"Mommy, dadalo ka ba talaga?" tanong ni Callum habang tumatayo at inaayos ang kaniyang maliit na bow tie. "We can just buy their company today if you want. Less hassle."

Natawa ako nang mahina at hinaplos ang buhok ng panganay ko. " hindi masaya kapag binili natin agad, Callum. Gusto kong makita muna nila kung sino ang binangga nila limang taon na ang nakararaan."

"Can we come, Mommy?" singit ni Cassian na may kasamang nakakalokong ngisi. "Gusto kong makita ang mukha ng tinatawag nilang 'ex-husband' mo kapag nalaman niyang hindi lang isa, kundi tatlo ang kamukha niya."

"Not yet, my loves," ngumiti ako sa kanila. "Kayo ang pinakamalaki kong alas. Lalabas lang kayo kapag umiiyak na sila sa harap ko."

Ganap na ikawalo ng gabi nang huminto ang aking pasadyang Rolls-Royce Phantom sa red carpet entrance ng Shangri-La Ballroom.

Nakatutok ang lahat ng camera ng media sa p***o ng sasakyan. Walang nakakaalam kung sino ang misteryosong bagong Chairwoman at Global CEO ng Del Rio International Maritime Group na kaka-landing lang mula sa Geneva para isaayos ang bilyon-bilyong investment sa bansa.

Bumaba si Uncle Bernardo mula sa passenger seat at buong galang na binuksan ang p***o para sa akin.

Inilabas ko ang aking kanang binti na nakasuot ng Christian Louboutin heels, bago tuluyang tumayo nang buong taas-noo. Ang aking emerald green backless silk gown ay sumasayaw sa hangin, habang ang kulay-gintong hiyas sa aking leeg—ang pinakamahaling heirloom necklace ng pamilya Del Rio—ay kumikislap sa ilalim ng mga ilaw.

Natahimik ang buong paligid ng press. Sumunod ang sunod-sunod na ilaw ng mga camera flashlight.

"Is that... Thalia Del Rio?!"

"Diyos ko, siya nga! Ang dating asawa ni Damian Mercer!"

"Akala ko ba pinalayas siya at nawalan ng pera limang taon na ang nakararaan?"

"Anong pinalayas?! Siya ang nag-iisang tagapagmana ng Del Rio Maritime Shipping!"

Hindi ko pinansin ang bulungan ng media habang dahan-dahan akong naglalakad pumasok sa ballroom. Hawak ko ang aking clutch bag habang ang bawat hakbang ko ay puno ng awtoridad at elegance.

Sa gitna ng napakalaking hall, nakatayo si Damian Mercer na may hawak na wine glass. Katabi niya si Corinne na nakasuot ng red gown na halatang subok na subok na ipagmukhang mamahalin ang sarili. Nag-uusap sila sa ilang investor nang biglang tumahimik ang buong kwarto.

Napatingin si Damian sa p***o ng ballroom.

Nang magtama ang mga mata namin, marahas na nabitawan ni Damian ang hawak niyang wine glass. Sumabog ang salamin sa sahig, at tumapon ang pulang alak sa sapatos niya, pero hindi man lang siya gumalaw. Nanlaki ang mga mata niya, namutla ang kaniyang labi, at nanginginig ang buong katawan habang nakatitig sa akin.

"T-Thalia...?" pabulong na lumabas sa labi ni Damian.

Si Corinne naman ay napahawak nang mahigpit sa braso ni Damian, halos tumulo ang luha sa gulat at matinding takot habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa.

"Impossible..." utal na sabi ni Corinne. "Patay ka na... pinalayas ka na namin! Paanong..."

Malamig akong ngumiti sa kanila habang dahan-dahang lumalapit. Tumabi ang mga bilyonaryo at kilalang personalidad sa daan para bigyan ako ng daan.

Huminto ako sa tapat ni Damian at Corinne. Tumingin ako sa kanilang dalawa na parang dalawang langgam na pwedeng-pwede kong apakan anumang oras.

"Long time no see, Damian," marahan at malamig kong boses na umalingawngaw sa buong paligid. "Mukhang nag-enjoy kayo sa mga itinapon kong basahan limang taon na ang nakararaan."

Nanginginig na humakbang si Damian pabalik sa akin, mukhang hindi makapaniwala sa nakikita niya. "Thalia... ikaw ba talaga 'yan? Anong... anong ibig sabihin nito?"

Inayos ko ang kabilang dulo ng aking gown at tinitigan siya nang diretso sa mga mata.

"I am Thalia Del Rio," pakilala ko sa sarili ko sa harap ng lahat ng bisita. "The Owner and Global CEO of Del Rio Enterprises. At nandito ako para bawiin ang lahat ng pagmamay-ari ko."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • ​The CEO's Ex-Wife Returns   CHAPTER 7

    Thalia's POVAng pagkabigla sa mukha ni Damian ay parang isang pelikula na paulit-ulit kong pinapanood sa isip ko habang nakatayo ako sa harap niya. Limang taon ko iyong pinangarap—ang makita siyang mawalan ng kulay, ang marinig ang panginginig ng boses niya, at ang masaksihan kung paano gumuho ang yabang na pilit niyang pinanghawakan noong gabing itinapon niya ako sa ospital.Nakatitig siya sa akin na parang multo ang nakita niya. Si Corinne naman sa tabi niya ay namumutla na habang pilit itinatago ang nanginginig nitong mga kamay sa likod ng mamahaling pulang gown nito."Thalia... please, mag-usap tayo," basag ni Damian sa katahimikan. Rinig na rinig ko ang desperasyon sa boses niya, ang klase ng tono na hinding-hindi ko inasahang maririnig mula sa lalakeng minsan kong pinagkatiwalaan ng buong buhay ko. "Hindi ko alam na... ikaw pala ang... Lalo na ang pag-aari ng Del Rio...""Ngayon, nagtataka ka kung bakit ako narito?" malamig kong putol sa sasabihin niya. Inilipat ko ang tingin k

  • ​The CEO's Ex-Wife Returns   CHAPTER 6

    Damian's POVAng ingay ng mga taong nagtatawanan sa paligid ko ay parang mga basag na bubog na tumutusok sa tainga ko. Nakatayo ako sa gitna ng Shangri-La Ballroom, hawak ang baso ng whiskey na halos mapiga ko na sa higpit ng hawak ng mga daliri ko.Limang taon. Limang taon na ang lumipas mula noong gabing iyon sa ospital kung saan pinirmahan ni Thalia ang waiver at divorce papers. Ang gabing pinatunayan ko sa sarili ko na ang isang katulad niya—isang babaeng walang apelyido at nagmula sa wala—ay madaling itapon kapag nakuha ko na ang kailangan ko.Noong panahong kinuha ko ang Del Rio Artisan Corp, akala ko nakuha ko na ang susi para pumasok sa malaking liga. Ginamit ko ang kumpanyang iyon para i-secure ang joint venture sa mga European investors. Pero isang malaking katarantaduhan pala ang pinasok ko. Shell company lang pala ang kumpanyang ibinigay ko kay Corinne para pamahalaan. Unti-unting kinain ng mga nakatagong utang at maling logistik ang capital ng Mercer Group. Ngayon, nasa b

  • ​The CEO's Ex-Wife Returns   CHAPTER 5

    Thalia's POV"Mommy, Cassian stole my tablet again!""I did not! Panoorin ko lang 'yong live stock market crash ng Mercer Group sa Manila news, eh!""Pareho kayong maingay. Callum, clear the schedule for Mommy's 10:00 AM board meeting. Cassian, give that back or I'll block your Wi-Fi access."Napapailing na lang ako habang nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling window ng aking penthouse suite sa Grand Hyatt Manila. Naka-black tailored blazer suit ako, nakasampay sa balikat ang Chanel coat, at may hawak na baso ng warm lemon water.Limang taon.Limang taon ang mabilis na lumipas mula noong umalis akong duguan, walang-wala, at ipinagtabuyan ng pamilya Mercer na parang basahan.Tumingin ako sa tatlong maliliit na lalaking nakaupo sa luxury sofa. Si Callum, ang panganay, na napakaseryoso at carbon copy ng mukha ni Damian pero taglay ang matalas na utak ko sa negosyo. Si Cassian, ang pangalawa, na medyo pilyo at tech genius sa edad na apat. At si Ciel, ang bunso, na halos hindi humihiwalay

  • ​The CEO's Ex-Wife Returns   CHAPTER 4

    Thalia's POVLumapag ang private jet sa Geneva habang pabalot na ng lamig at puting niyebe ang buong runway. Pagkabukas pa lang ng pinto ng eroplano, ramdam ko na ang hanging halos tumagos sa balat ko—isang matinding paalala na wala na ako sa mainit at madilim na bangungot ng Maynila.Nakahilera sa tarmac ang limang itim na armored Mercedes-Maybach. Nakatayo sa gitna ng convoy si Alexander Del Rio, ang ama ko—ang tinaguriang King of Asian Maritime Trade.Sa kabila ng edad niya, nandoon pa rin ang kakaibang awtoridad sa bawat kilos niya. Pero nang magtama ang mga mata namin, mabilis na nawala ang matigas na aura ng isang bilyonaryo. Lumapit siya sa akin at agad akong nirespeto ng mahigpit na yakap."My little princess..." nanginginig ang boses ni Papa habang hinahaplos ang buhok ko. "Patawarin mo ako kung hinayaan kitang magdusa sa piling ng lalakeng 'yon. Sabi ko naman sa 'yo, walang kuwenta ang mga Mercer.""Pa, decision ko 'yon," mahinang sagot ko habang nakasandal sa dibdib niya. "

  • ​The CEO's Ex-Wife Returns   CHAPTER 3

    Thalia's POVMaagang dumating ang pampublikong utility truck para hakutin ang natitira kong mga gamit mula sa maliit na townhouse na naging tahanan ko bago ako lumipat sa penthouse ni Damian. Pero bago pa man ako makatapak sa gate, nakaharang na ang dalawang matatangkad na security guard ng pamilya Mercer.Nakatayo sa gitna ng garage si Corinne, nakasuot ng isa sa mga mamahaling designer coats ko na iniwan ko sa penthouse. May hawak siyang baso ng iced coffee at nakatingin sa akin na parang nakakita ng basurang pilit ibinabalik ng hangin."Anong ginagawa mo rito, Thalia?" maarte niyang tanong bago uminom sa coffee cup niya. "Di ba malinaw ang usapan niyo ni Damian kagabi sa ospital? Binayaran ka na sa lahat ng ginawa mo. Wala ka nang karapatang tumapak sa alinmang ari-arian na nakapangalan sa Mercer Group."Malamig ko siyang tinitigan. "Galing sa sarili kong bulsa ang pambili ng bahay na 'to, Corinne. Bago pa man dumating si Damian sa buhay ko, akin na 'to."Tumawa si Corinne—isang tu

  • ​The CEO's Ex-Wife Returns   CHAPTER 2

    Thalia's POVBumubuhos ang malakas na ulan habang pilit kong pinaandar nang mabilis ang kotse ko palayo sa gusaling iyon. Halos hindi ko na maaninag ang daan sa kapal ng tubig sa windshield at sa labo ng paningin ko dahil sa mga luhang pilit kong pinipigil.Masakit. Tangina, sobrang sakit.Limang taon akong naniwalang binuo namin ang buhay na 'to nang magkasama. Na bawat puyat at pagod ko para sa Del Rio Artisan Corp ay para sa hinaharap naming dalawa. Pero para lang pala ako sa kaniya basahan na pwedeng itapon kapag nakuha na ang gusto.Biglang umalingawngaw ang malakas na busina mula sa kabilang linya.Nawalan ng kapit ang mga gulong ng kotse ko sa basang kalsada. Sinubukan kong apakan ang preno, pero huli na—sumabog ang nakabibinging tunog ng tumitiling bakal bago nagdilim ang buong paligid ko.Mabigat ang mga talukap ng mata ko nang magmulat ako. Amoy antiseptic, malamig ang hangin, at may paulit-ulit na tunog ng heart monitor sa tabi ko."Pumirma ka na rito para matapos na 'to,"

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status