LOGINThalia's POV
Maagang dumating ang pampublikong utility truck para hakutin ang natitira kong mga gamit mula sa maliit na townhouse na naging tahanan ko bago ako lumipat sa penthouse ni Damian. Pero bago pa man ako makatapak sa gate, nakaharang na ang dalawang matatangkad na security guard ng pamilya Mercer.
Nakatayo sa gitna ng garage si Corinne, nakasuot ng isa sa mga mamahaling designer coats ko na iniwan ko sa penthouse. May hawak siyang baso ng iced coffee at nakatingin sa akin na parang nakakita ng basurang pilit ibinabalik ng hangin.
"Anong ginagawa mo rito, Thalia?" maarte niyang tanong bago uminom sa coffee cup niya. "Di ba malinaw ang usapan niyo ni Damian kagabi sa ospital? Binayaran ka na sa lahat ng ginawa mo. Wala ka nang karapatang tumapak sa alinmang ari-arian na nakapangalan sa Mercer Group."
Malamig ko siyang tinitigan. "Galing sa sarili kong bulsa ang pambili ng bahay na 'to, Corinne. Bago pa man dumating si Damian sa buhay ko, akin na 'to."
Tumawa si Corinne—isang tunog na nakakarindi sa tainga. "Nakalimutan mo na ata? Yung ginawa mong pirma kagabi sa ospital... hindi lang waiver ng Del Rio Artisan Corp 'yon. Kasama roon ang lahat ng real estate properties na nakapangalan sa 'yo bilang asawa ni Damian. Technically, pagmamay-ari na 'to ng Mercer Enterprise."
Kumuha siya ng isang folder mula sa bag niya at inihagis sa paanan ko.
"Damian made sure na wala ka talagang madadalang kahit ano," dugtong niya na may kasamang malawak na ngisi. "At oh, baka nakakalimutan mo... yung nanay-nanayan mo sa probinsya? Pinatapon na rin ni Señora Valeria ang mga gamit niya mula sa apartment na pinapaupahan ng Mercer Foundation. Wala na kayong balwarte kahit saan."
Napahigpit ang hawak ko sa maliit kong sling bag. Ang matandang nag-alaga sa akin nung nagpanggap akong mahirap—damay rin sa kasakiman nila.
"Napakayabang mo para sa isang taong nabubuhay lang sa tira-tira ko, Corinne," diretso kong sabi sa kaniya, walang katiting na takot sa boses ko. "Lahat ng gamit na hawak mo ngayon, galing sa akin. Pati na rin ang lalakeng katabi mo sa kama."
Mabilis na napawi ang ngisi sa mukha ni Corinne. Mabilis siyang lumapit sa akin at itinaas ang kamay para sampalin ako, pero bago pa man tumama ang palad niya, marahas kong hinawakan ang pulso niya at pinalipit ito nang paitaas.
"Aray! Bitiwan mo ako, baliw ka!" tili niya habang namimilipit sa sakit.
"Huwag mong susubukang idampi ang marumi mong kamay sa akin," bulong ko sa kaniya habang mas pinapahirapan ang hawak ko. "Mag-enjoy ka sa mga itinapon ko, Corinne. Dahil kapag binalikan ko ang lahat ng 'to, sisiguraduhin kong wala ni isang hibla ng damit ang maiiwan sa 'yo."
Inihagis ko ang kamay niya pabalik sa kaniya kaya napaupo siya sa basang semento. Sigaw siya nang sigaw habang tinatawag ang mga security guard, pero mabilis na akong tumalikod at naglakad palabas ng subdivision.
Hindi ako umiyak. Walang patak ng luha na lumabas sa mga mata ko habang naglalakad ako sa ilalim ng mainit na sikat ng araw. Nakahawak ang isa kong kamay sa tiyan ko.
"Magtiis lang kayo nang konti, babies," pabulong kong sabi sa mga anak ko habang naglalakad ako palayo sa lugar na iyon. "Aalis na tayo sa bulok na mundong 'to."
Nang makalabas ako sa main gate ng exclusive subdivision, may humintong kulay itim na SUV sa tabi ng kalsada. Bumaba agad ang driver at binuksan ang p***o ng kotse.
Pumasok ako sa loob at natagpuan si Uncle Bernardo na nakaupo habang may hawak na tablet. Mabilis niyang itinabi ang hawak niya at tumingin sa akin nang may malalim na pag-aalala.
"Young Lady... nalaman po namin ang ginawa ng pamilya Mercer sa inyong residence at sa inyong caretaker sa probinsya," ulat ni Uncle Bernardo. "Naisasaayos na po ng ating mga tauhan ang seguridad ng inyong caretaker. Papunta na siya ngayon sa ating pribadong villa sa Switzerland."
"Salamat, Uncle," tumango ako at sumandal sa upuan. "Kumusta ang galaw ng Mercer Group matapos nilang makuha ang Del Rio Artisan Corp?"
"Masayang-masaya po si Damian Mercer," malamig na tugon ng matanda habang ipinapakita sa akin ang tablet. "Nagpa-press conference sila nitong umaga para i-announce ang pagbili nila sa inyong kumpanya. Kasabay nito ang balita na opisyal na silang naghiwalay at itataguyod niya ang tambalan nila ni Corinne Madrigal bilang bagong mukha ng kanilang kumpanya."
Tiningnan ko ang screen ng tablet. Nakangiti si Damian sa harap ng mga camera, nakahawak sa baywang ni Corinne habang itinataas ang mga dokumentong pilit nilang ipinapirma sa akin kahapon.
Iniisip ng buong mundo na isa akong kawawang babae na inabandona ng mayamang asawa matapos mawalan ng pera. Iniisip ni Damian na tagumpay ang ginawa niyang pagtrato sa akin na parang basahan.
"Hayaan mo silang magdiwang," sabi ko habang nakatingin sa mukha ni Damian sa screen. "Mas mataas ang lipad nila ngayon, mas masakit ang pagbagsak nila kapag hinatak ko na ang tali."
"Naka-standby na po ang private jet sa hangar, Young Lady," dagdag ni Uncle Bernardo. "Ang inyong ama... ang Chairman... ay naghihintay na sa headquarters sa Geneva. Gusto niya pong makasiguro sa kalagayan niyo at ng mga bata."
"Let's go," utos ko sa driver. "Ayoko nang makahinga ng parehong hangin na hinihingahan ng mga taong 'yan kahit isang minuto pa."
Habang bumabyahe ang sasakyan papunta sa pribadong paliparan, pilit kong pinagmasdan ang skyline ng lungsod sa labas ng bintana. Dito ako nagpakatanga. Dito ko ibinigay ang limang taon ng buhay ko para sa lalakeng hindi man lang ako itinuring na tao.
Pero ang Thalia na nagmamahal nang walang kapalit ay namatay na sa kwarto ng ospital kahapon.
Pumarada ang SUV sa tapat ng napakalaking private jet na may nakatatak na logo ng Del Rio International Shipping—ang pinakamalaking maritime empire sa buong kontinente.
Umakyat ako sa hagdan ng eroplano nang hindi gumagamit ng tulong ng sinoman. Bawat hakbang ko paitaas ay tanda ng pagputol ko sa huling natitirang ugnayan ko kay Damian Mercer.
Pumasok ako sa loob ng luxury cabin at umupo sa tabi ng bintana. Sa dahan-dahang pag-angat ng eroplano papunta sa ulap, tumingin ako sa ibaba kung saan unt-unting kumiliit ang buong lungsod.
Nakahawak ang dalawa kong kamay sa aking tiyan, ramdam ang tibok ng tatlong maliliit na buhay sa loob ko. Sila Callum, Cassian, at Ciel. Sila ang magiging lakas ko para sa panibagong simula.
Bumulong ako sa hangin habang lumalayo ang eroplano sa Maynila.
"Magpakasaya ka muna, Damian Mercer. Dahil kapag nagkita tayong muli... hindi na ako ang babaeng pwedeng-pwede mong apak-apakan."
Thalia's POVAng pagkabigla sa mukha ni Damian ay parang isang pelikula na paulit-ulit kong pinapanood sa isip ko habang nakatayo ako sa harap niya. Limang taon ko iyong pinangarap—ang makita siyang mawalan ng kulay, ang marinig ang panginginig ng boses niya, at ang masaksihan kung paano gumuho ang yabang na pilit niyang pinanghawakan noong gabing itinapon niya ako sa ospital.Nakatitig siya sa akin na parang multo ang nakita niya. Si Corinne naman sa tabi niya ay namumutla na habang pilit itinatago ang nanginginig nitong mga kamay sa likod ng mamahaling pulang gown nito."Thalia... please, mag-usap tayo," basag ni Damian sa katahimikan. Rinig na rinig ko ang desperasyon sa boses niya, ang klase ng tono na hinding-hindi ko inasahang maririnig mula sa lalakeng minsan kong pinagkatiwalaan ng buong buhay ko. "Hindi ko alam na... ikaw pala ang... Lalo na ang pag-aari ng Del Rio...""Ngayon, nagtataka ka kung bakit ako narito?" malamig kong putol sa sasabihin niya. Inilipat ko ang tingin k
Damian's POVAng ingay ng mga taong nagtatawanan sa paligid ko ay parang mga basag na bubog na tumutusok sa tainga ko. Nakatayo ako sa gitna ng Shangri-La Ballroom, hawak ang baso ng whiskey na halos mapiga ko na sa higpit ng hawak ng mga daliri ko.Limang taon. Limang taon na ang lumipas mula noong gabing iyon sa ospital kung saan pinirmahan ni Thalia ang waiver at divorce papers. Ang gabing pinatunayan ko sa sarili ko na ang isang katulad niya—isang babaeng walang apelyido at nagmula sa wala—ay madaling itapon kapag nakuha ko na ang kailangan ko.Noong panahong kinuha ko ang Del Rio Artisan Corp, akala ko nakuha ko na ang susi para pumasok sa malaking liga. Ginamit ko ang kumpanyang iyon para i-secure ang joint venture sa mga European investors. Pero isang malaking katarantaduhan pala ang pinasok ko. Shell company lang pala ang kumpanyang ibinigay ko kay Corinne para pamahalaan. Unti-unting kinain ng mga nakatagong utang at maling logistik ang capital ng Mercer Group. Ngayon, nasa b
Thalia's POV"Mommy, Cassian stole my tablet again!""I did not! Panoorin ko lang 'yong live stock market crash ng Mercer Group sa Manila news, eh!""Pareho kayong maingay. Callum, clear the schedule for Mommy's 10:00 AM board meeting. Cassian, give that back or I'll block your Wi-Fi access."Napapailing na lang ako habang nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling window ng aking penthouse suite sa Grand Hyatt Manila. Naka-black tailored blazer suit ako, nakasampay sa balikat ang Chanel coat, at may hawak na baso ng warm lemon water.Limang taon.Limang taon ang mabilis na lumipas mula noong umalis akong duguan, walang-wala, at ipinagtabuyan ng pamilya Mercer na parang basahan.Tumingin ako sa tatlong maliliit na lalaking nakaupo sa luxury sofa. Si Callum, ang panganay, na napakaseryoso at carbon copy ng mukha ni Damian pero taglay ang matalas na utak ko sa negosyo. Si Cassian, ang pangalawa, na medyo pilyo at tech genius sa edad na apat. At si Ciel, ang bunso, na halos hindi humihiwalay
Thalia's POVLumapag ang private jet sa Geneva habang pabalot na ng lamig at puting niyebe ang buong runway. Pagkabukas pa lang ng pinto ng eroplano, ramdam ko na ang hanging halos tumagos sa balat ko—isang matinding paalala na wala na ako sa mainit at madilim na bangungot ng Maynila.Nakahilera sa tarmac ang limang itim na armored Mercedes-Maybach. Nakatayo sa gitna ng convoy si Alexander Del Rio, ang ama ko—ang tinaguriang King of Asian Maritime Trade.Sa kabila ng edad niya, nandoon pa rin ang kakaibang awtoridad sa bawat kilos niya. Pero nang magtama ang mga mata namin, mabilis na nawala ang matigas na aura ng isang bilyonaryo. Lumapit siya sa akin at agad akong nirespeto ng mahigpit na yakap."My little princess..." nanginginig ang boses ni Papa habang hinahaplos ang buhok ko. "Patawarin mo ako kung hinayaan kitang magdusa sa piling ng lalakeng 'yon. Sabi ko naman sa 'yo, walang kuwenta ang mga Mercer.""Pa, decision ko 'yon," mahinang sagot ko habang nakasandal sa dibdib niya. "
Thalia's POVMaagang dumating ang pampublikong utility truck para hakutin ang natitira kong mga gamit mula sa maliit na townhouse na naging tahanan ko bago ako lumipat sa penthouse ni Damian. Pero bago pa man ako makatapak sa gate, nakaharang na ang dalawang matatangkad na security guard ng pamilya Mercer.Nakatayo sa gitna ng garage si Corinne, nakasuot ng isa sa mga mamahaling designer coats ko na iniwan ko sa penthouse. May hawak siyang baso ng iced coffee at nakatingin sa akin na parang nakakita ng basurang pilit ibinabalik ng hangin."Anong ginagawa mo rito, Thalia?" maarte niyang tanong bago uminom sa coffee cup niya. "Di ba malinaw ang usapan niyo ni Damian kagabi sa ospital? Binayaran ka na sa lahat ng ginawa mo. Wala ka nang karapatang tumapak sa alinmang ari-arian na nakapangalan sa Mercer Group."Malamig ko siyang tinitigan. "Galing sa sarili kong bulsa ang pambili ng bahay na 'to, Corinne. Bago pa man dumating si Damian sa buhay ko, akin na 'to."Tumawa si Corinne—isang tu
Thalia's POVBumubuhos ang malakas na ulan habang pilit kong pinaandar nang mabilis ang kotse ko palayo sa gusaling iyon. Halos hindi ko na maaninag ang daan sa kapal ng tubig sa windshield at sa labo ng paningin ko dahil sa mga luhang pilit kong pinipigil.Masakit. Tangina, sobrang sakit.Limang taon akong naniwalang binuo namin ang buhay na 'to nang magkasama. Na bawat puyat at pagod ko para sa Del Rio Artisan Corp ay para sa hinaharap naming dalawa. Pero para lang pala ako sa kaniya basahan na pwedeng itapon kapag nakuha na ang gusto.Biglang umalingawngaw ang malakas na busina mula sa kabilang linya.Nawalan ng kapit ang mga gulong ng kotse ko sa basang kalsada. Sinubukan kong apakan ang preno, pero huli na—sumabog ang nakabibinging tunog ng tumitiling bakal bago nagdilim ang buong paligid ko.Mabigat ang mga talukap ng mata ko nang magmulat ako. Amoy antiseptic, malamig ang hangin, at may paulit-ulit na tunog ng heart monitor sa tabi ko."Pumirma ka na rito para matapos na 'to,"







