All Chapters of Manhater (Filipino): Chapter 11 - Chapter 20
115 Chapters
Kabanata 11
"Do you believe in love at first sight?" kadalasan sa tuwing binabanggit ko iyon sa ibang kababaihan ay bigla na lang silang napapangiti at kinikilig. Iyon ang paraan ko, upang maakit at maangkin ko ang mga puso nila. At wala pang kahit na sinong babae ang tumatanggi sa akin, maliban na lamang sa isa. "She's here!" saktong pagkasabi ni Mr. Desepeda ay napalingon naman ako sa kaniya. Nung una ay hindi ko inakala na totoo pala ang usap-usapin na kumakalat tungkol sa kaniya.Indeed, she' s gorgeous! ang unang salita na sumagi kaagad sa isipan ko. Habang naglalakad siya papalapit sa amin ay parang mas lalo pa siyang gumaganda sa paningin ko. Mula ulo hanggang paa, lahat perpektong-perpekto sa kaniya.She's the ideal girl that i'm looking for. Muling bulong ko sa aking isipan habang pinagmamasdan ko ang mapupungay niyang mga mata."By the way, hija. Siya nga pala si-" naputol naman kaagad ang sinasabi ng ama nit
Read more
Kabanata 12
Halos napatayo na lamang ako sa sobrang gulat nang mapagtanto ko na wala ng pulso si Alona. "Alona! Alona, gumising ka!" ang paulit-ulit na pagtawag sa kaniya ni Ivan, habang niyuyugyog ang kabila niyang balikat. Napamaang na lamang ako sa kaniya at parang batong nanigas.Tila ba ay wala akong naririnig sa aming paligid at tangging sa kaniya lang din nakatuon ang aking atensyon. Tulala ako at hindi alam ang aking gagawin.Patay na ba siya? Ang tanong na bigla na lang sumagi sa aking isipan.Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay, pagkatapos kong mahawakan ang kaniyang pulsuhan at wala akong madamang pagtibok ng puso niya. Natauhan na lamang ako nang marinig ko ang hudyat ng pagdating ng mga ambulansya at rescuer. Napalingon ako sa kanila at tipong lalapitan ko na sana sila ay bigla naman dumaan sa gilid ko si Ivan, habang buhat-buhat niya si Alona. Natigilan
Read more
Kabanata 13 : Karlos POV
One call girl, iyon ang tawag nila kay Shaina. Nalaman ko na lang sa matalik kong kaibigan na si Kit, na isa siyang bayarang babae na nagpapagamit sa kung sinu-sino na lang lalaki. At ang mas nakakawindang pa roon ay hindi lang basta kuro-kuro o gawa-gawa lamang ang tungkol sa usapin na iyon tungkol sa kaniya. Nung una ay hindi ako naniniwala. Sa ganda ba naman niya at maamong mukha ay halos hindi mo madidikta ang tunay nitong pagkatao. Saka na lang ako naniwala nang sabihin sa akin ni Ivan na isa siya sa mga naka-one night stand niya. Sayang siya, type ko pa naman siya.Ngayon naiitindihan ko na kung bakit siya nilalayuan at iniiwasan ng iba. At tulad nga ng sinabi sa akin ni Ivan na madalas itong lapitan ng ibang kalalakihan ay tila unti-unti ko na rin napapansin iyon sa kaniya.Madalas sa tuwing pumapasok ako sa paaralan namin ay may bigla na lang bumubusinang magarang kotse at hihinto sa tapat ng gate nami
Read more
Kabanata 14
Dumampi ang aking labi sa batok niya habang hinihimas ko ang kaniyang tiyan, paakyat sa kaniyang dibdib. Pilit naman siyang nagpupumiglas sa aking mga kamay habang nakadikit pa rin ang kalahating mukha niya sa pader. "Hindi ba't ito rin naman ang gusto mo?" mahinang turan ko sa kaniya.Pagkatapos kong madampian ng halik ang batok niya ay puwersahan ko siyang pinaharap sa akin at sinungaban siya ng halik sa labi. Nalasahan ko ang mapait na pagpatak ng luha mula sa kaniyang mga mata at pilit pa rin siyang nagpupumiglas sa akin habang hawak-hawak ko ang dalawa niyang mga kamay na nakataas.Tila hindi pa ako kuntento sa aking ginawa, kung kaya't kinarga ko siya at pinaupo sa tabing bintana. Halos napakapit naman siya ng mahigpit sa aking balikat dahil sa takot nitong baka ihulog ko siya roon.Napangiwi naman ako sa aking labi nang mapansin ko ang nangangamba niyang mukha at nakikiusap na mga mata.Subali
Read more
Kabanata 15
Magmula ng araw na iyon ay tila nagkapalagayan kami ng loob ni Shaina.  Madalas pa rin naman siyang umiiwas sa akin at umaalis lang bigla sa tuwing nagkakasalubong kami ng daan.   Gayunpaman ay nagpatuloy pa rin ako sa paglapit at pangungulit sa kaniya. Hindi nagtagal ay naging magkaibigan na kaming dalawa at komportable na siyang kasa-kasama ako.   Bagamat mayroon pa ring humahadlang at humuhusga sa aming dalawa, subalit binalewala na lamang namin iyon at hindi na namin masyadong iniitindi. Alam rin naman naming parehas na lilipas din iyon at magsasawa rin sila sa kakatsismis tungkol sa aming dalawa ni Shaina. Ngunit habang lumilipas naman ang oras at araw na kasama ko siya ay tila unti-unti ring lumalalim ang pagtingin ko para sa kaniya.    Inamin ko rin naman sa kaniya noong una palang na may nararamdaman ako sa kaniya na higit pa sa bilang magkaibigan lang. 
Read more
Kabanata 16
Laking gulat ko na lamang nang mapagtanto ko ang aking sarili sa loob ng sasakyan ni Shaina, habang nakahawak naman ang dalawa kong kamay sa kaniyang leeg.   Mabilis ko siyang binitawan at kaagad din akong lumayo sa kaniya. Napahawak naman siya sa leeg niya gamit ang sariling kamay habang hinahabol ang kaniyang paghinga.   Napamaang na lamang ako sa aking mga kamay at hindi ako makapaniwala na kamuntikan ko na pala siyang mapatay.   "Hindi ko inakalang matindi pa rin ang galit mo sa akin, magpahanggang ngayon." Aniya na may pag-ngiwi mula sa kaniyang labi at hinihingal pa rin siya sa paghinga.   "Paano mo nalaman ang phone number ko? sinusundan mo ba ako? iniistalk mo ba ako?" mahina ngunit mariin kong usisa sa kaniya.Saglit naman siyang napasuklay sa kaniyang buhok gamit ang sariling kamay at muli niya akong tinignan sa mata.   "Anong akala mo sa akin? stalker mo?" t
Read more
Kabanata 17
Kasalukuyang tinatawag ni Karlos ang kaniyang mga magulang ngunit hindi siya sinasagot ng mga ito. Samantalang nasa loob naman ng sasakyan ang dalagang si Shaina, habang nakatingin siya sa kaniyang nobyo na may bakas ng pangamba sa mukha.   Sa sobrang inis ng binata ay bigla na lang din niyang inihagis ang hawak niyang cellphone sa kung saan at saka napasapo sa kaniyang noo gamit ang sariling mga kamay.   Tila nakaramdam naman ng pag-aalala ang nobya sa kaniya, kung kaya't lumabas na rin ito ng sasakyan at nilapitan ang kaniyang kasintahan.   "Babe, okay ka lang ba? may problema ba?" usisa nito sa binata na may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha.   Napabuga na lamang siya ng malalim na paghinga at saka pinulot ang kaniyang cellphone sa lupa.   "W*- wala naman, babe. Halika na't ihahatid na kita sa inyo." Ang sinabi na lamang niya na may pilit na ngiti mula sa kaniyang labi.
Read more
Kabanata 18
Sa isang eskuwater kasalukuyang naninirahan ang dalagang si Shaina. Bahay, lupa, kotse at magagarang damit ay lahat ng iyon ay gawa-gawa lamang niya upang maangkin niya muli ang puso at kalooban ni Karlos sa kaniya."Shai, dito!" tawag sa kaniya ng kaibigang niyang si Roan, habang kinakawayan siya nito at may kasamang tatlong matitipunong binata. Kilalang GRO at gold digger si Shaina, pagdating sa pinagtatrabauhan niyang night club. Suki siya ng mga galante o mayayamang lalaki at foreigners, dahil sa husay niyang magpaikot at mang-akit ng mga lalaki.Hasang-hasa na siya sa pamimilog ng ulo at pagbihag sa kanilang mga puso. Sanay na siyang nababastos at nahihipunan ng iba't-ibang lalaki sapagkat alam din naman niya na parte iyon ng kaniyang trabaho.Ngunit kahit marami na siyang nakatalik na iba't-ibang lalaki sa kama ay tangging iisang lalaki pa rin ang nagpapatibok ng puso niya. Iyon ay walang iba kundi si Karlos Miguel Sermiento.
Read more
Kabanata 19
Marso 22, 2017 ang araw na nakipaghiwalay ako kay Karlos.Sa totoo lang, ayoko sanang makipaghiwalay sa kaaniya ngunit alam ko rin naman na doon din ang punta naming dalawa.Nagkataon kasing tumawag ang nakababata kong kapatid at sinabing sinugod sa hospitaal ang aming ina. Iyon ang araw na dapat ay magdi-date kaming dalawa ni Karlos, upang ipagdiwang ang ika-anim na buwan naming pagsasama bilang magkasintaahan.Subalit hindi ko siya sinipot ng gabing iyon at apurahan akong nagtungo sa nasabing hospital.Aaminin ko na sukdulan pa rin ang galit ko sa aking ina at hinding-hindi ko mapapatawad ang kasalanang nagawa niya sa akin.Ngunit sa kabila ng lahat ay hindi ko pa rin magawang ipagtabuyan o itakwil siya. Kadugo at ina ko pa rin siya kahit papaano. At alam kong marami rin siyang sinakripisyo alang-aalang sa aming magkakapatid. Kaya kahit mahirap para sa akin ay mas pinili kong manatili sa tabi niya.Nalaman ko na lang sa doktor niya
Read more
Kabanata 20
"O bakit ang ganiyan ang itsura mo?" tanong ni Roan kay Shainahabang nakapangalumbaba ito sa tabing bintana at naninigarilyo."Bakit? ano bang mayro'n sa itsura ko?" usisa niya at patingin-tingin sa reflection ng window glass."Mukha kang nalugi. Bakit ba? anong problema? nag-away na naman ba kayo ni Mister. Billionaire?" pabirong turan ng dalaga habang nagtitimpla naman ito ng kape. "Mister Billionaire? sino iyon?" usisa naman ni Lou na kakalabas lamang mula sa banyo pagkatapos maligo.Napalingon naman si Shaina sa dalawang kaboardmate niya at binuga ang usok ng sigarilyo mula sa kaniyang bibig."Sino pa nga ba? e'di yung multi-billionaire niyang nobyo!" ang tinugon ni Roan sa kaniya."Ah yung sinasabi niyang may-ari ng mga sikat na beauty products? ano nga kasi ulit ang pangalan niya? Karby? Kristan? Kier?" usisa ni Lou habang pinupunasan ang kulay pula niyang buhok gamit ang tuwalya.Lumapit naman si Shaina sa kanila at siyaka
Read more
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status