All Chapters of Manhater (Filipino): Chapter 21 - Chapter 30
115 Chapters
Kabanata 21
"Nakikiusap ako sa'yo, gagawin ko ang lahat ng ipapautos mo pero huwag mo lang ako ibabalik sa mga taong iyon," kasalukuyang nakaluhod si Roan sa harapan ng misteryosong lalaki at paulit-ulit na nagmamakaawa sa kaniya.Nakaupo naman sa lumang bangko ang lalaki at nakatakip ang mukha nito ng itim na maskara habang pinupunasan ang sariling kamay gamit ang panyong nakuha niya mula sa bulsa ng dalaga."Alam mo ba kung gaano kalaking halaga ang inoofer nila sa akin bilang kapalit mo? sampung milyon lang naman. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang sila kainteresado sa iyo. Ngunit natuklasan ko rin kaagad na yung taong pinatay mo ay matalik na kaibigan ng lider nila. Marahil ay gusto niyang makapaghiganti sa iyo sa pamamagitan ng paggamit sa katawan mo? o sa pamamagitan ng pagpatay sa'yo." Mahinang turan nito sabay tumayo siya upang kunin yung nakatagong baril sa loob ng tool box niya.Nanlaki naman ang mga mata ni Roan sa kaniyang narinig at bigla na lang
Read more
Kabanata 22
"Sampung milyon, iyon ang halagang sinayang ko para lang sa isang katulad mo." Ani ng misteryosong lalaki sa dalagang si Roan, habang nakaupo ito sa silya at nakatali ang mga paa at kamay niya."Ang akala ko ba ay nagkasunduan na tayong dalawa?" usisa niya na may bakas ng pangamba sa kaniyang mukha."Nagkasundo? hindi ba't ikaw ang kusang lumapit sa akin? at siyaka, hindi matutumbasan ng ganoong kalaking halaga ang-" huminto ito sa pagsasalita at pinagmamasdan niya ang katawan ni Roan mula ulo hanggang paa."Hay*p ka! ginamit mo lang pala ako!" mariin niyang turan na may pamumuo ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Napangisi naman ang lalaki at bahagyang lumapit sa kaniya."Mukhang naging matapang ka na pagkatapos nung gabing may nangyari sa ating dalawa." Bulong nito sa kaniyang tenga.Matalim naman siyang tinignan sa mata ng dalaga, kung kaya't mas lalong nag-init ang dugo nito sa kaniya a
Read more
Kabanata 23
Natunton ni Roan ang kasalukuyang tinitirahan ni Shaina. Nakita niya ang kalunos-lunos na pamumuhay nito at ang bahay nila na pinagtagpi-tagping yero lamang.Tatawag pa lamang sana siya nang makarinig siya ng malakas na sigaw at kalabog mula sa bakuran nito.Sinundan niya ang tinig na kaniyang naririnig, hanggang sa napagtanto niya ang mga magulang ni Shaina sa likod non.Kasalukuyang binubugbog ng ginoo ang sarili niyang asawa habang paulit-ulit na nilulublob ang mukha nito sa isang malaking drum na punong-puno ng tubig. Halos nanlaki naman ang kaniyang mga mata sa sobrang gulat at napatakip na lamang sa kaniyang bibig.Tila bigla siyang nakaramdam ng takot at kaba mula sa kaniyang dibdib, kung kaya't napahakbang siya paatras ngunit huminto rin siya kaagad nang matamaan niya ang isang latang walang laman.Nang dahil sa ingay na dulot nito ay natigilan naman sandali ang ginoo at napatunghay sa kaniya.
Read more
Kabanata 24
Walang kamalay-malay si Shaina na si Roan ang may pakana ng lahat at ang bumili sa kaniya upang gawin siyang isang hostess nito.     Malaki kasi ang paniniwala ni Roan sa kaniyang sarili na si Shaina ang kasagutan sa lahat ng mga problema niya.   Pagkatapos nilang magkasunduan ng sarili nitong ina ay kaagad din niyang pinasundo si Shaina sa mga tauhan nila.     Tangging ang pagkakaalam lamang ng dalaga ay binenta siya ng sarili niyag ina sa mga hindi kilalang tao, subalit hindi niya alam na ang taong tinuturing niyang matalik na kaibigan ay ang siyang puno't dulo ng lahat kung bakit siya napariwara ng landas.   Walang nakakaalam ng tungkol doon, maliban na lamang sa misteryosong lalaki na nagmamay-ari ng night club na iyon at kay Roan. Wala ring nakakaalam tungkol sa relasyon nilang dalawa at tungkol sa mga napagkasunduan nila.    
Read more
Kabanata 25
"Dumating na ba si Shaina?" ang tinanong ni Roan kay Troy habang nagpupunas naman ito ng mga lamesa."Si Shaina?" aniya sabay nilibot niya ng tingin ang kanilang paligid."Wala pa yata siya. Hindi ko pa siya napapansin magmula kaninang umaga pa." Ang tinugon niya sa dalaga at muli niyang pinagpatuloy ang ginagawa niyang pagpupunas.Napadaan naman si Karen sa gawi ng binata at napansin niya sa hindi kalayuan si Roan na tila ay may hinahanap at may bakas ng pangamba sa kaniyang mukha.Napalingon naman bigla si Troy sa kaniya at gumuhit ang malawak na ngiti sa kaniyang labi."Bakit, Karen? may kailangan ka ba?" usisa nito sa dalaga.Nabaling naman ang atensyon ni Karen kay Troy na nakangiti pati na ang mga singkit nitong mga mata."Si Roan iyon, hindi ba?" turo niya gamit ang kaniyang nguso.Sinundan naman iyon ng tingin ni Troy at napansin niya na balisang-balisa ang dalaga."Oo, bakit?" ang tinuran niya na
Read more
Kabanata 26 : Shaina's POV
Tsaka lamang ako nakahinga ng maluwag nang makarating ako sa hidden room ng pinagtatrabauhan kong club. Makikita roon sa loob ng silid ang mga nagaganap sa bawat sulok.Mahigpit na pinagbabawal na pumasok sa loob non, ngunit tangging ako at si Roan lamang ang may makarapatang makapasok roon. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasundan ako ni Troy at pumasok rin siya sa loob. Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang mapatunghay ako sa kaniya at mapagtanto na kaming dalawa lang ang naroroon."A-anong ginagawa mo rito?" usisa ko sa kaniya. Napamaang naman siya sa kaniyang nakita, lalo nang mapagmasdan niya ang ilang monitor ng cctv sa loob ng club. Ang bawat kwarto kasi ay may hidden cctv rin sa loob, pero hindi namin ito ginagamit upang ipakalat o pagbantaan ang sino man bagkus ay para maseguridad namin ang kaligtasan naming lahat.May ilan kasing customer na masyadong mapangahas. Nananakit sila kapag hindi mo sinunod kaagad an
Read more
Kabanata 27
"Teka, anong ginagawa mo rito?" usisa ni Shaina sa binatang nasa harapan niya ngayon na si Troy."Hindi ko inakalang may ganito palang silid rito sa loob. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito." Namamanghang turan ng binata sa kaniya. Humakbang naman palapit si Shaina sa kaniya at saka niya ito tinataboy palabas ng silid na iyon."Hindi ka puwede rito kaya umalis ka na at baka madatnan ka pa ni Roan dito." Aniya at pilit siyang tinutulak sa kaniyang balikat nang bigla siyang hawakan nito sa pulsuhan niya at gulat na gulat na nakatitig sa cctv monitor."Saglit lang, parang pamilyar sa akin ang lalaking iyan. Saan ko nga ba siya ulit nakita?" saglit namang natigilan ang dalaga sa sinabi nito at nilingunan ang tinutukoy niya sa monitor. Napagtanto niya na si Karlos pala ang binabanggit ng binata at napukaw din ng atensyon niya ang kakaibang ginagawa ni Karen sa tabi ng kaniyang nobyo."Anong ginag
Read more
Kabanata 28 : Luz POV
Nasa tapat ako ng VIP room at tinititigan ang pintuang iyon nang mapalingon ako sa aking paligid at napukaw ng aking atensyon si Roan na kasalukuyang nakatingin naman sa kinaroroonan ko.Kaagad akong nagtago at sumilip ng bahagya sa kaniya. Laking pagtataka ko na lamang nang mapansin kong hindi pala siya sa akin nakatingi kundi sa VIP room.Nasa first floor siya at mukhang may espesyal siyang taong kinakausap ngayon sa cellphone niya.Pero, bakit ganoon na lamang siyang makatingin sa kwartong iyon? Hindi kaya may nalalaman siya tungkol sa nagmamay-ari nitong club? o baka naman magkakilala talaga silang dalawa?Sa kabila ng pagkausisa kong iyon ay sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa makaakyat siya ng hagdan at magkasalubong kaming dalawa.Sabi ko na nga ba, tama ako ng hinihinala na ang taong kinakausap niya kanina ay yung taong nasa loob ng VIP room."Anong ginagawa
Read more
Kabanata 29
"Shaina! mag-usap nga tayo!" ani ni Karlos sa dalaga habang sinusundan niya ito palabas ng club. "Shaina!" nahinto na lamang siya sa paglalakad nang pigilan siya ng binata at hinawakan sa braso niya."Bitawan mo ako," mahinang turan niya sa kaniyang nobyo.Hindi naman siya pinakinggan ng binata bagkus ay hinatak siya nito sa pulsuhan at siyaka pinasandal sa pader sabay kinulong niya ito sa kaniyang mga bisig."Ano bang ginagawa mo? lubayan mo nga ako!" pilit siyang nagpupumiglas sa lalaking nasa harapan niya ngayon at tinutulak sa dibdib niya subalit hindi siya pinapakawalan nito."Sabihin mo nga sa akin, ano yung mga nakita ko kanina? sino ang lalaking iyon? may relasyon ba kayong dalawa?" mahina ngunit mariin niyang turan sa dalaga na magkasalubong ang dalawang kilay niya."E ikaw? ano ba kasi ang ginagawa mo rito?" ani ni Shaina habang pinagmamasdan niya ito mula ulo hanggang paa, pabalik.Nakas
Read more
Kabanata 30
"Long time no see, Alona." Ang binulong nito sa kaniyang tenga.Halos balot na balot ang buong katawan nito ng itim na kasuotan at maging ang kalahating mukha niya ay natatakpan ng itim na maskara, kahit may makakita sa kaniya ay wala namang makakakilala sa tunay niyang pagkatao."Sino ka?" usisa ng dalaga sa kaniya.Ayon sa tono ng boses niya at sa tamis ng pabango na ginagamit niya ay mukhang isa siyang babae. Pero, sino siya? at bakit niya ito ginagawa sa akin? at papaano niya nalaman ang buong pangalan ko?Paglalayag ni Alona sa kaniyang isipan."Hindi mo ba ako natatandaan? ilang beses na tayong nagkita at nagkasalubong noon. Halos hindi ko na nga makalimutan 'yang maganda mong mukha, tapos kakalimutan mo lang pala ako? sabagay, wala ka nga palang pakialam sa paligid mo at tangging 'yang sarili mo lang din ang iniitindi mo, kung kaya't pati ang sarili mong mga magulang ay pinatay mo na rin. Tama ba ako, Alona?" mahina nguni
Read more
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status