Share

Kabanata 18

Sa isang eskuwater kasalukuyang naninirahan ang dalagang si Shaina. Bahay, lupa, kotse at magagarang damit ay lahat ng iyon ay gawa-gawa lamang niya upang maangkin niya muli ang puso at kalooban ni Karlos sa kaniya.

"Shai, dito!" tawag sa kaniya ng kaibigang niyang si Roan, habang kinakawayan siya nito at may kasamang tatlong matitipunong binata.

Kilalang GRO at gold digger si Shaina, pagdating sa pinagtatrabauhan niyang night club. Suki siya ng mga galante o mayayamang lalaki at foreigners, dahil sa husay niyang magpaikot at mang-akit ng mga lalaki.

Hasang-hasa na siya sa pamimilog ng ulo at pagbihag sa kanilang mga puso. Sanay na siyang nababastos at nahihipunan ng iba't-ibang lalaki sapagkat alam din naman niya na parte iyon ng kaniyang trabaho.

Ngunit kahit marami na siyang nakatalik na iba't-ibang lalaki sa kama ay tangging iisang lalaki pa rin ang nagpapatibok ng puso niya. Iyon ay walang iba kundi si Karlos Miguel Sermiento.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status