Lahat ng Kabanata ng The Last Vampire Chronicles TAGALOG: Kabanata 41 - Kabanata 50
77 Kabanata
CHAPTER THIRTY EIGHT
NANG makita naman ni Vivian na maayos na ang pagsasanay ng triplets ay kusa na siyang umalis sa silid ng pagsasanay.Hindi aakalain ni Vivian na sa dumaan na taon ay muling magagamit iyon. Ngayon nahihinuha na niyang muling sisiklab na naman ang digmaan sa mundo ng mga tao.Pagkasara pa lang niya ng pinto ay naglakad na siya para puntahan naman si Mavy. Nadatnan niya ito sa sarili nitong opisina sa mansyon. Kasalukuyan itong nagtitipa sa keyboard ng kaharap nitong monitor."Mukhang abala ka sa araw na ito Tim," bati ni Vivian na naupo sa lamesa nito."Ikaw pala, hindi ko namalayan ang pagdating mo," bigkas naman nito. Halata na nabigla ito sa presensiya niya."Masiyado mong seneseryuso ang paghahanap sa ina ng triplets. Gayong kahit wala pa siya ay pwedi naman ako na ang pumalit sa pwestong iniwan niya." Naiiling at nangingiting sambit naman ni Vivian na mabilis ang ginawang galaw.Nagpunta siya sa likuran ng lalaki at tila ahas na lumingkis ang braso sa balikat nito. Idinikit pa ni
Magbasa pa
CHAPTER THIRTY NINE
MATAPOS na mag-walk out ni Klent sa pag-iinsayo nila ay nakarating siya sa dulong bahagi ng lupain. Kung saan isang maliit na kubo ang nakatirik doon, hindi na nag-atubiling pumasok ang binatilyo, matapos niyang mapag-alaman na walang tao mula sa loob.Nagpalinga-linga siya sa loob ng kubo, wala naman kapansin-pansin na kakaiba. Natitiyak niyang babae ang nakatira roon, dahil sa isang kuwadradong salamin at pulbos ang nakapatong sa maliit na lamesita. Katabi pa ang panuklay at pampusod sa buhok.Mula sa mga bintana na gawa sa sawali ng kawayan at nipa naman ang bubungan. Pinagtagpi-tagping kahoy ang haligi ng kubo. Bagama't maliit lamang iyon ay maayos naman ang pagkakalagay ng bawat gamit sa loob.Nag-umpisa na siyang naglakad at pumasok sa isang pinto na may tabing na kurtina. Napag-alaman niyang kusina iyon, iilan din ang mga gamit na panluto at sangkap na nakaimbak doon.Akmang lalabas siya papunta sa likuran ng kubo nang makasalubong siya ng isang magandang binibini."Sino ka a
Magbasa pa
CHAPTER FOURTY
SA Pagtapak pa lamang ng paa ni Mavy sa basang lupa ay ramdam na niya ang kakaibang dating na pumapalibot sa lugar na iyon.Ilang daan taon na rin ang nakararaan ng huli siyang magpunta roon. Isang malaking gate na gawa sa bakal ang nag-iisang mansyon na nakatiriik sa gitna ng kagubatan. Katulad ng nagmama'y ari na siyang pakay niya mismo.Dahil sa walang doorbell ang naturang gate ay siya na mismo ang nagbukas niyon para sa sarili niya. Katahimikan ang agad na sumalubong sa kanya mula sa loob ng bakuran. Kapansin-pansin na ang paghaba ng damo sa malawak na lawn.Ang mga tuyong dahon na nililipad ng hangin ay nagbibigay ng kakaibang huni sa paligid. Tila may umiiyak na bata na lalong nagbibigay kilabot sa paligid.Tuluyan napabayaan na ang lugar, ang mga iba't ibang tanim na halaman mula sa hardin ay nagkabitak-bitak na ang lupa at tuyot na. Halatang hindi na nadidiligan.Nag-umpisa ng maglakad si Mavy, wala siyang ginawang ingay sa tingin niya mas mainam iyon para hindi siya makagam
Magbasa pa
CHAPTER FOURTY ONE
NAGLALAKAD na silang dalawa papunta sa silid ng pagsasanay ng triplets."Ano ng gagawin natin Tim, nakakasiguro ako na may hindi magandang binabalak si Ama sa kanyang muling pagkabuhay!" Tuloy-tuloy na wika ni Vivian na kapansin-pansin ang pagkakaligalig.Si Mavy naman ay hindi na nagkomento, dahil maging ito man ay problemado na rin sa kinakaharap nila. Hindi lang niya ipinapahalata sa kanyang kasama na, dahil lalo itong magpa-panic.Nakarating na nga sila sa harapan ng pinto. Sa isang kumpas ng kamay ni Mavy ay kusang bumukas na iyon at tuluyan silang nilamon ng liwanag na nanggagaling sa loob ng silid na iyon.Nang magmulat ng mata si Timothy at Hailey ay nasa harapan na sila nina Don Ascor at Sorayva na abala sa pagbibigay ng instruction sa triplets.Kapansin-pansin ang kapaguran sa itsura ng tatlo, ngunit tila may nag-iba na sa mga ito."Ama!" Sabay-sabay na tawag ni Aziel, Gio at Klent kay Mavy.Ngumiti lamang ito na agad nilapitan ng tatlo."Papa, narito ka ba para sunduin mo
Magbasa pa
CHAPTER FOURTY TWO
TULUYAN ibinaling ni Mavy ang pansin sa mga kasama niya sa silid na iyon na abala sa pakikipag-usap sa mga katabi ng mga ito. Tumikhm siya upang makuha na ang kanya-kanyang atensyon ng bawat isa."Maraming salamat sa muli niyong pagpapaunlak sa aking imbitasyon sa pulong na ito." Pag-uumpisa niya."Walang anuman Kuya Tim, malugod kaming pumaparito ng mga kapatid ko. Ano ba ang ating magiging diskusyon sa araw na ito?" tanong ni Moepe ang pinunong babae ng sandatahan sa kanluran ng bundok Haverna. May talas ng paningin at liksi katulad ng mga lawin na kasa-kasama rin ng grupo ng mga ito."Isa lang naman ang lagi kung idinadaing sa inyo. Tungkol ito sa patuloy na pagkawala ng aking pinakamamahal na asawa na si Kendra. Mayroon na akong kutob kung sino ang kumuha sa kanya."Muli ay napuno na naman ng bulungan sa silid na kanilang kinaroroonan."Sino sa tingin mo ang dumakip sa kanya?" tanong naman ng isa pa. Si Jerhyk ang kapanilig naman nila sa may silangan ng bundok Haverna. May lahi
Magbasa pa
CHAPTER FOURTY THREE
MULING binalikan ni Vivian si Timothy, inakay na niya ito pabalik sa kanyang silid upang makapagpahinga na ito."Gusto mo bang tumawag ako ng Doctor para magamot ang mga sugat mo?" tanong ni Vivian. Umiling lamang si Timothy pagkatapos na maihiga niya ito mula sa kama."Huwag na Viv, kusa rin gagaling ang mga ito ang mabuting gawin mo ay tignan ng buong mansiyon kung may napano sa ating mga tauhan dahil sa panloloob ni Lerryust." Utos niya sa babae."Sige... Tim, sorry pala sa ginawa ni ama. Kung may magagawa lamang ako para itaboy siya palayo sa pamilya mo ginawa ko na." Paghingi ng patawad ni Vivian sa lalaki."Huwag mo ng isipin iyon, magiging maayos din ang lahat. Ang mahalaga ngayon ay ligtas tayo at hindi niya nagawan ng masama," sabi naman ni Timothy na nginitian ang babae.Napangiti na rin si Vivian na hindi na namalayan ang sarili na yumakap na rito...GANOON naman eksena ang ipinakita ni Aureus kay Kendra na nasa isang kulungan na punong-puno ng mahika."Nakikita mo ba ang
Magbasa pa
CHAPTER FOURTY FOUR
KAHIT matagal nang hindi naniniwala si Kendra sa poong maykapal ay inumpisahan na rin niya ang pagdarasal. Pumikit siya at ginaya rin ang ginawa ni Eleezhia ang ipagsalikop ang dalawang palad sa kanyang harapan."Nanalangin ako sa iyo ama ng lahat kung naririnig mo ako. Sana pakinggan mo ang aking daing, Oh! ama ilayo mo po sa kapahamakan ang aking mag-aama. Kung nasaan man sila ngayon, patnubayan mo sila. Ano man ho ang maaring mangyari sa akin dito kayo na po ang may hawak sa akin buhay," taos sa puso na pagdarasal ni Kendra.Isang matinis na halakhak ang namutawi sa buong paligid na kanilang nadinig kaya upang maalis sa ginagawa nilang pagdarasal ang pansin nila.Kitang-kita nila ang paglapit ni Aureus sa kinaroroonan nila na may dala-dalang tray na naglalaman ng kanilang makakain sa mga sandaling iyon."Kung totoo man ang sinasamba niyong Panginoon, bakit pinabayaan niya kayo. Heto! ang pagkain, ako ang nagbigay niyan at hindi ang dinadasalan niyong nilalang! Ngayon pa lang ay ti
Magbasa pa
CHAPTER FOURTY FIVE
TINAPIK-TAPIK ni Mavy ang braso ni Vivian upang awatin ito mula sa pagkakayakap sa kanya."Sige na at malalim na ang gabi Viv, matulog ka na rin para makapagpahinga ka," sabi niya rito.Natitigilan naman ang babae na nagtataka sa ikinilos niya. Ramdam niya ang hindi pagiging kumportable ni Timothy sa pinagsaluhan nilang yakap.Heto siya umaasa na mapapansin ng lalaki, lalo at pag-aari na niya ngayon ang mukha at katawan ni Kendra na asawa nito.Tuwang-tuwa siya nang malaman niya na ang may kagagawan si Timothy sa pagkakapalit ng katawan niya na si Selina sa ngayon na si Kendra.Hindi niya alam kung batid pa ba iyon ng lalaki, wala na siyang pakialam ang importante ay napapalapit siya rito.Salawahan na kung salawahan, masaya naman siya kapag kasama niya si Gio. Pero iba ang dating ng ama nito sa kanya."Goodnight and sleep tight Tim. Ipagpabukas na lang natin ang mga iba mo pang iuutos sa akin. Matanong ko, ano pa lang gusto mong tanghalian para bukas. Gusto mo ba ng adobong manok?" ta
Magbasa pa
CHAPTER FOURTY SIX
NANG magising naman si Vivian kinabukasan ay hindi kaagad siya nakabangon dahil sa sobrang sama ng pakiramdam niya. Dala yata iyon ng pagbubuntis niya.Agad siyang napatakbo mula sa kama hanggang sa banyo ng silid niya at nagduwal ng diretso sa bowl. Halos yumukyok siya roon at hirap na hirap sa nangyayari sa kanya ngayon.Mayamaya ay naramdaman niya ang paghimas ng kamay sa may likuran niya. Nang balingan niya kung sino iyon ay si Mavy pala iyon."Ayos ka na ba?" tanong nito na may concern sa tinig.Tumango naman si Vivian,"Medyo nahihilo pa ako pero ayos na ako Tim. Siya nga pala h-hindi pa pala ako nakakagawa ng breakfast," ani niya."No worries, starting today ay bahala na ang mga katulong sa pagluluto rito. Unahin mo muna ang sarili mo, tara na samahan na kitang mahiga uli sa kama. After that, mag-aakyat ako ng pagkain para makakain ka," masuyo naman tugon ni Mavy.Tumango naman si Vivian at matipid na nangiti, ewan niya pero kinikilig na siya sa ipinapakita ng lalaki sa kanya.
Magbasa pa
CHAPTER FOURTY SEVEN
ILANG araw din inalagaan ni Vivian si Mavy. Nagkalagnat din kasi ito pagkatapos, hindi na rin natiis nito na sabihin kina Aziel, Klent at Gio ang totoo sa ikatlong araw na ganoon ang kalagayan ng ama ng tatlo.Humahangos na nagtatakbo ang mga ito papunta sa silid ng kanilang ama.Pagbukas pa lamang nila ng pinto at makita nito ang kalagayan ng ama ay labis na silang naawa rito."Papa, ano pong nararamdaman niyo?" tanong agad ni Aziel matapos na makalapit sa ama na nanatiling nakapikit. Ngunit walang sagot mula rito."Tita Vivian, bakit hindi gumigising si Papa. Ano ang nangyari sa kanya?"nag-aalalang tanong naman ni Gio na napaiyak na."H-hindi ko rin alam, nang dumating siya ay sugatan siya at nanghihina. Nang tinanong ko sa kanya kung sino ang may gawa sa kanya hindi na niya nagawang sabihin," umiiyak din saad ni Vivian.Napalapit naman si Klent sa ama at pinagmasdan ito sa naawang tingin, lagi man silang hindi nagkakasundo nito ay napakahalaga pa rin nito sa kanya. Napakuyom siya n
Magbasa pa
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status