All Chapters of The Obsession Of A Dominant Billionaire: Chapter 391 - Chapter 400
426 Chapters
Kabanata 19 - Flat White
"Marie..."Naramdaman niya ang presinsya ni Gheron sa kaniyang likuran. Ang hikbi niya ay naging hagulhol na hindi niya kayang pigilan. Masakit na masakit na at alam niya kung para saan ang luhang iyon ngayon. Alam niya pero wala siyang panahon magreklamo, wala siyang karapatan. Ito ang pamilyang namulatan niya at ito ang pinangakuan niyang gagawin niya lahat sa ngalan ng pamilya. Siya ang may trabaho. Kaya siya dapat ang magbibigay, iyon ang laging sinasabi ng kaniyang magulang.Panay patak ang kaniyang mga luha at kahit anong punas ni Marie, hindi nawawala iyon. Parang may sariling isip ang mga ito na panay ang patak."Marie, okay ka lang ba? I'm sorry."Hindi siya kumibo. Ayaw niyang may makakita sa kaniyang mahina pero heto at si Gheron pa ang nakasaksi sa kaniyang kahinaan ngayon."Marie...""Pwede ba!" Malakas niyang winaksi ang kamay ni Gheron na dumantay sa kaniyang balikat. "Pwede ba umalis ka na! Iwanan mo ako!" Tigmak sa luha ang kaniyang mata nang humarap siya rito.Masaya
Read more
Kabanata 20 - Meat o Gulay
NANG gabing iyon ay mabilis na siyang nakatulog. Hinayaan niya ang pagpapapansin ni Gheron sa messenger. May pa 'Gal Vensson' pa itong nalalaman at kung inaakala nitong mag-re-reply siya, nagkakamali ito. Hindi niya rin magawang i-block ang lalaki. Hindi dahil sa ayaw niya, kundi ayaw niyang bigyan ng rason ito na mas lalo siya nitong kukulitin kapag nalaman nitong binlock niya ito sa social media.Bukas niya na isipin ang pagpapadala ng 80 thousand para makalabas ang kaniyang kapatid. Pero hindi niya na pala kailangan gawin iyon dahil biglang nag-chat si Marites, nakalabas na ang kaniyang kapatid na lalaki at walang binayarang piyansa. Kahit papaano, masaya siya sa balitang iyon.Kaya nang umagang iyon, magana at masigla siyang bumalik sa trabaho. Maaga rin siyang binomba ng mga tanong ni Judith at kung bakit natagalan siya sa pag-uwi kagabi at kung sino ang nakilala niyang mga lalaki. Kahit kailan talaga, hinahanapan siya ng lalaki ni Judith."Maria!"Humarap siya kay Judith na blan
Read more
Kabanata 21 - Multo Ulit
ulad ng kaniyang nakasanayan tuwing day-off, nagpunta siya sa Restaurant kung saan siya nagdi-dishwasher. Maganda ang bigayan do'n at kampante siyang walang mangdidisturbo sa kaniya. Hindi niya alam kung saan ang lalaki, huling nasilayan niya rito ay nung huwebes kung saan personal na nagpunta si Inukito sa farm at dumalaw sa kaniya. Kitang-kita pa niya ang paglinya ng makapal na kilay ni Gheron. Pagkatapos n'yon, hindi niya na nakita si Gheron na labis niyang ikinatuwa."Ohayo!"Tumango lang siya kay Inukito. Baka iniisip nito na may gusto siya rito kaya ang lawak ng ngiti nito."You look beautiful today." Straight na pagsasalita nito ng English.Tango ulit ang kaniyang naging sagot at hindi na pinansin ang sinabi ng lalaki. Nagsuot siya ng apron at hair net saka siya nagsimula sa kaniyang trabaho. Nangako siyang magpapadala ng pera sa kaniyang Ina pero hindi 80 thousand ang kaniyang ipapada kundi kalahati lang. Siguro naman, maiintindihan siya nito.Maraming customer sa araw na iyon
Read more
Kabanata 22 - Suspension
MABILIS na lumipas ang ilang linggo at gano'n pa rin ang nangyayari sa tuwing nasa paligid si Gheron. Kung hindi nito binibwesit ang araw niya, inaasar naman siya nito at susundan kahit saan siya magpunta.Nagkasagutan na rin sila ni Marienella na inlove na inlove kay Gheron. Muntik na silang nagkasabunutan dahil sa selos na naramdaman nito. Habang si Judith na nag-iisang kaibigan niya dito sa Japan, ito ang dakilang tagabunganga at taga-cheer sa lovelife niyang mas malamig pa sa yelo.Tulad ngayon, nasa likuran na naman niya si Gheron nakasunod habang bitbit niya ang basket na may mga lamang prutas na pinitas. Nagkunwari na lang siyang hangin ang sumusunod sa kaniya. Napapansin niyang mas nagiging makulit at mapang-asar ang lalaki kapag pinapansin niya ito at pinagbubungangaan. Naubos na nga niya lahat ang na masasakit na salita pero wala itong pakialam pa rin. Nalilito siya kung manhid ba ito o sadyang matigas lang ang atay."Marie-babes, hindi ka pa rin nag-reply sa message ko kaga
Read more
Kabanata 23 - Sapphoro
Hindi maipenta ang mukha ni Marie na nakaupo sa balcony nang gabing iyon. Suspende siya sa trabaho at paano na ngayon? Maghahanap na lang muna siya ng part time job hanggang sa makabalik siya sa trabaho rito sa farm. Sinusumpa niya si Gheron ngayon sa kaniyang isipan at gustong-gusto niya itong harapin ngayon para pagsasampal-sampalin at ipamukha rito kung anong kamalasanan ang naging dala sa kaniya. Ang bilis pa nitong nawala kanina. Hindi niya tuloy ito nakompronta at nasigawan sa galit pagkalabas niya sa opisina ni Mrs. Ajinomoto. Pareho silang suspende ni Gheron at tuwang-tuwa pa ito nung nalaman suspende sila samantalang siya ay parang maiiyak na. Pero hindi siya iiyak, hangga't nasa Japan siya, maraming pwedeng pag-applyan na part time job. Ang tanong lang, malaki ba ang sahod? Nagtitipid na nga siya at heto, mapapagastos pa. Sa pamasahe niya araw-araw at pagkain sa daan? Talagang sinasagad ni Gheron ang kaniyang pasensya! Sa inis niya, binuksan niya ang kaniyang messenger at
Read more
Kabanata 24 - Mr. Nossnevs
KUNG gaano kabilis na masuspende si Marie sa trabaho, gano'n din kabilis ang swerte sa kaniya na matanggap sa Silver Garden. Hindi lang iyon, stay in siya ayon sa Manager na kaniyang nakausap at ang Silver Garden na Restaurant na napuntahan niya ay hindi basta-bastang Restaurant lang. Isa itong 5-star Restaurant ayon sa review na nakita niya sa google at marami itong branches worldwide!Gusto niyang tanungin ang sarili kung malas ba siya talaga o swerte dahil hanggang ngayon 'di pa rin siya makapaniwala. Stay in siya sa loob ng dalawang linggo, libre pagkain, kuryente, lahat na mga kailangan niya ay libre. Ang tanging gawin niya ay gampanan ang pagiging kitchen assistant at maging masunurin sa Chef na kung saan siya i-assign. Sa parteng iyon, medyo naguluhan siya pero inisip na din niyang very convenient ito sa kaniyang parte. Iisang tao lang ang kaniyang pagsisilbihan at susundin ang utos.Maraming sinabi sa kaniya ang Manager ng Silver Garden. Mga rules at regulations ng Restaurant
Read more
Kabanata 25 - Kainin Kita
MALAS na kung malas, walang magawa si Marie kundi ang sundin lahat ng utos ni Gheron sa kaniya bilang assistant nito. Marami siyang mga katanungan tulad ng pagiging kitchen assistant nya pero bakit sa isang tao lang at bakit sa daming Chef, kay Gheron pa?!Hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang lalaki. Magsasaka ba o Chef? Hindi basta-basta ang makakapasok sa Silver Garden, iyon ang kaniyang unang basehan. Unang-una, five-star ito ayon sa internet. Pangalawa, strikto ang Head Chef na si Mr. Santos. Pangatlo, isang Chef de Tournant si Gheron? Sa parteng 'yan pa lang, sobrang imposible!May hindi pa siya alam sa pagkatao ng binata? Totoong magsasaka lang ba ito o nagpanggap lang din ito tulad nung unang lalaking nakilala niya? Ayaw niyang isipin kung sino ito at anong totoong katauhan ng binata pero hindi niya mapigilan lalo na at pagdating sa kusina, mabilis ang galaw nito at parang sanay na sanay ito sa pagluluto."Marie?""H-ha?" Nagbalik siya sa hwesyo nang tawagin ni Gheron
Read more
Kabanata 26 - Oo na!
MALAYO na siya. Nakahinga siya ng maluwang nang makitang 'di siya sinundan ni Gheron. Nasa loob pa rin ito ng convenient store at halatang nakipag-away sa counter. Nagkibit na lang siya ng balikat at nagmadaling maglakad. Wala siyang pakialam kung makapal ang yelo ng paligid, manhid din naman ang pagkatao niya.Awtomatikong napatigil si Marie sa paglalakad nang may humarang sa kaniyang daraaanan. Napakunot ang kaniyang noo. Tatlong hapones ang kaniyang nakikita. May mga hawak na sigarilyo at malayang hinihithit iyon sabay buga sa kaniyang harapan."Hitori de?" Alone?Tumaas ang kaniyang kilay. Hindi na lingid sa kaniya na uso sa Japan ang ganito. Hindi niya pinansin ang tatlo, lumihis siya ng nilalakaran at balak takbuhin na lang ang nasa kalayuang Staff House."Haya suginai!" Not too fast. Humarang sa kaniyan ang isa. May suot itong bonnet at maangas na bumuga ng usok sa hangin, tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa."Hitori de aruite wa ikemasen, Ojosama," You should not walk by
Read more
Kabanata 27 - French Kiss
"Done. You can open your eyes.""Ha?""Bubuksan mo ang mata mo o hahalikan kita?"Nagdikit ang kaniyang kilay sa lantaran pangmamanyak sa kaniya ni Gheron na akala nito, kinikilig siya. Nagmulat siya ng mata at gano'n na lang ang gulat ni Marie nang makitang nakahandusay na ang anim at nakabaluktot ang katawan ng iba sa sakit.Paano nangyari iyon? Dalawang minuto lang akong nakapikit tapos— Takang napatitig siya kay Gheron. Pakamot-kamot ito sa batok at kunwari shy smile pa ito sa kaniya habang ang isang kamay ay nasa bulsa ng pantalon nito."Pinatumba ko na sila, Marie-babes." Kunwari shy smile pa rin pero kuminang-kinang ang mata."Sure ka?" Nang sabihin niya iyon, d*****g sa aray ang anim na Yakuza at namimilipit na waring binugbog ng sampung demonyo. Hindi kaya nagkunwari lang ang mga ito? Ang daming dugo ang nakita niya na parang pinagsaksak ng walong aswang gamit ang matulis na baba."Naman! Pumikit ka kasi habang pinagkarate-wataaa Bruce Lee ko sila!" Umarte pa itong nag-martial
Read more
Kabanata 28 - Visitor
"MARIE-BABES, get me the potatoes."Walang imik na sinunod niya ang utos ni Gheron kahit may paglalambing sa tono nito. Nasa trabaho sila at konti na lang, sasabog na siya sa bawat paglalambing ng boses nito, na parang sila lang ang tao sa loob ng malaking kusina."Get mo some pasta."Kumuha rin siya ng pasta sa storage room. Baka may balak pa itong ipakuha, ipakuha na nito. Nahiya pa ito sa kakautos sa kaniya simula kanina. Ang trabaho niya, assistant. Ang ginawa nito sa kaniya, alila.Hindi rin siya nito pinilit na tumikim, dahil iyon ang hinding-hindi niya gagawin kahit mangisay ito. Hindi naman siya natatakam sa kahit anong luto nito. Hindi nga ba?"Ayan ho!" Pabagsak na nilagay niya ang pasta sa tabi nito at imbes na magulat ito sa kaniyang inasta, ngumiti lang ito ng simpatiko at walang paalam na pinisil ang kaniyang pisngi. Napapiksi siya sa ginawa nito."Thank you pancakes." Saka ito bumalik sa ginawang paghahanda ng lulutuin.Habang siya ay hindi makaimik sa kinakatayuan. And
Read more
PREV
1
...
383940414243
DMCA.com Protection Status