Semua Bab The Obsession Of A Dominant Billionaire: Bab 401 - Bab 410
426 Bab
Kabanata 29 - Macaroons
Nagkukot ang kalooban ni Marie nang hindi niya makita kinabukasan si Gheron sa Silver Garden. Ang sabi ng Deputy Chef, may pinagawa raw ang Head Chef sa binata kaya tumulong muna siya sa ibang station Chef na nangangailangan ng kaniyang assistance.Halos hindi siya makatulog kagabi sa kakaisip kung paano magkakilala si Magnar at Gheron. Ang dami niyang gustong itanong pero naunahan siya ng galit. Sa apat na taon pagkawala ni Magnar, sinong matutuwa? Minahal niya ang lalaki sa kabila ng reyelasyong pinaglalaruan lang siya nito at pinagmukha siyang katawa-tawa nung iniwan siya nito para lang sa mayamang babae. Minahal niya si Magnar kahit isa itong mahirap na kargador sa palengke."Marunong ka mag-bake?"Napatingin siya sa pastry Chef at tumango. Marunong siyang mag-bake pero hindi siya mahilig sa mga pastry foods."Great! Then you can help me. Pinatawag kasi ako ng may-ari ng Silver Garden at kailangan na kailangan ako sa office niya. Here, ikaw muna bahala rito. Here's the recipe. Kay
Baca selengkapnya
Kabanata 30 - Magnar
HALOS durugin ni Marie ang ginagawang macaroons sa araw na iyon. May gana pa talagang magpakita sa kaniya si Gheron pagkatapos niyang malaman na kilala nito ang lalaking minsan din niyang iniyakan? Gusto niyang tanungin kung paano magkakilala ang dalawa pero naunahan na siya ng inis. Hindi niya alam kung para kanino ang inis na naramdaman niya, para kay Gheron o para sa Pastry Chef na laging nakakaasar ang tinging binibigay sa kaniya.Tahimik siya buong araw. Kahit nung bumalik si Gheron sa pwesto at tinawag siya na kailangan nito ng assistant. Seryuso na ang mukha nito at nakatali na ang mahabang buhok. Pusta niyang pinagalitan na ito ng Head Chef, mas mabuti iyon. Puro kalandian na ang iniisip nito.Natapos sila sa araw na iyon. Nagmadali siyang tinungo ang locker room at kinuha ang cellphone niya. Wala siyang chat na nakuha sa kaniyang kapatid, gusto niyang isipin na may nangyaring masama sa mga ito dahil ilang araw na rin at walang paramdam ang mga ito. Nakita niya rin ang ilang c
Baca selengkapnya
Kabanata 31 - Cookies and Donut
Bahagyang napangiwi si Magnar nang haplusin niya ang kaniyang pisnging sinuntok ni Gallagher. Pang-ilang away na ba nila ito dahil lang sa babae? In love na nga ang gagong kaibigan niya. Tinungo niya ang ref at kumuha ng yelo ron, nilagay sa icebag at sandaling ginamot ang napuruhang pisngi. Hindi siya gumanti ng suntukan sa kaibigan, binabasa niya lang ang lakas ng suntok nito. At base sa lakas ng suntok na binigay ni Gallagher, selos na selos ito at gustong-gusto siyang saktan pero nagpipigil lang dahil magkaibigan sila."That asshole is in love!" Mahina siyang natawa sa isiping magkaibigan nga talaga sila.Pareho lagi ang taste nila pagdating sa babae. But here's a problem, hindi niya kailanman minahal si Marie. Parte lang ito ng kaniyang pagpapanggap. Dating nagtitinda sa palengke ang dalaga, at para hindi halatang baguhan lang siya sa lugar na iyon at pagdudahan, sa babae siya sandaling kumapit.Gusto niya ang babae, pero hindi ito gano'n kalalim noon dahil na rin sa kadahilanang
Baca selengkapnya
Kabanata 32 - Mahal Kita
Natatawang nilagok nila pareho ang laman ng kanilang mga beer. Matapos silang maghabulan ng parang mga bata sa loob ng malaking hotel room at nagkandasira-sira ang mga kagamitan sa loob, saka lang sila kumalma na parang mga bagong takas mental."Gago ka talaga Tiv, buti wala pa kami sa kondisyon na lumpuhin ka namin ng tuluyan ni Magnar.""Tangina niyo. Hindi pa ba lumpo itong ginawa niyo sa 'kin? Binalian niyo ako ng kamay." Pagrereklamo nito at tinaas ang kamay na hindi na tuwid. "Isusumbong ko kayo kay Yx!""No way dick head!" kangising sambit ni Magnar at linagok ang natitirang beer. "Ang hayop kasi ng pag-iisip mo! Kailangan ng bendisyon." Saka nagbukas ng bago si Magnar na beer at binuhos sa ulo ni Tiverius."Damn you!"Natawa siya nang malakas nang magsimulang maghabulan ulit ang dalawa. Mga walang kapaguran. Habang siya, tahimik lang na iniinom ang kaniyang beer at nakatingin sa labas ng salaming dingding.Humakbang siya at tinungo ang balkonahe. Agad sumalubong sa kaniya ang
Baca selengkapnya
Kabanata 33 - New Owner
Masuyong ginanap ni Gheron ang kaniyang pisngi at nang tingnan siya nito sa mata, doon siya tuluyan nagising sa kaniyang kabaliwan. Napahiya siya sa isiping bumigay siya agad sa masarap at matamis na halik ni Gheron. Mabilis niya itong tinulak at walang salitang tumalikod.Pero mabilis ang kamay ni Gheron para pigilan siya na huwag lumayo rito. "Marie-babes..."Winakli niya ang kamay nito. Mahirap si Gheron. Mahal niya ito iyon ang sinisigaw ng kaniyang puso pero hindi pwede. Mahal siya ng binata pero hanggang saan ang pagmamahal na iyon. Hanggang kailan siya nito mamahalin. May limitasyon ang lahat alam niya iyon. Ganiyan ang nangyari sa kanila ni Magnar."H-hindi kita mahal."Sinungaling! Mahal mo siya! maarteng sagot ng kaniyang kabilang utak.Natawa si Gheron sa kaniyang sinabi at bahagyang umiling. "I don't believe you, Marie. Nakikita ko sa mga mata mo. You feel the same way I do. Mahal mo rin ako at mahal din kita.""Talaga?" Napukaw ang galit niya. "Mahal mo ako?" Mapait siyan
Baca selengkapnya
Kabanata 34 - Perang Basehan
MARAMING nagulat sa nakitang si Gheron at ang bagong may-ari ng farm na pinagtatrabahuan nila ay iisa. Para siyang sinabuyan ng asido habang ang kaniyang mga kasama ay kaniya-kaniyang bulungan lalo na na ang mga babae. Si Judith naman sa kaniyang tabi ay parang naestatwa na nakatitig sa binata.Kung sabagay, may rason ang lahat na magulat. Pati ang kanilang Team Leader at Supervisor, gulat na gulat maliban kay Mr. Yakoto na nakatayo sa tabi ng Supervisor. Ito ang unang lumapit sa binata na kung titingnan mabuti, walang bahid ng kahirapan ang mukha nito.Rugged look itong tingnan pero mas makisig ngayon lalo na at malinis itong pagmasdan sa suot na mamahalin. Nakatali ang mahabang buhok nito at ang mata nitong laging maloko at manyakis, naging pormal. Wala siyang makita kahit anong kislap. Blangko."Everyone, listen. Mr. Gal Vensson is our new owner. I'm old, and you know that. One of the things I want is to live a normal life in America. So, selling this farm to Mr. Vensson is not a w
Baca selengkapnya
Kabanata 35 - Parang Sirang Plaka
Pinunasan ni Marie ang luhang hindi niya alam kung para saan. Basta lang itong pumatak mula sa kaniyang mata habang nagpepedal ng biseklita pabalik sa staff house. Nangangatog siya pero ininda niya iyon. Mabilis siyang nagpedal at gusto niya ng magtalukbong ng kumot sa sobrang lamig. Mapapaso yata ang kaniyang katawan!Agad siyang nagsuot ng makapal na jacket at nagtalukbong ng makapal na kumot. Umiiyak siya pero hindi niya alam kung bakit ang sakit-sakit ng kaniyang dibdib. Para itong pinipitas sa sobrang sakit.Parang sirang plakang paulit-ulit na lumitaw sa kaniyang utak ang mga masasayang sandali na kasama niya si Gheron. Ang pabiglang sulpot nito sa kung saan-saan at pang-bibwesit nito sa kaniya araw-araw. Paulit-ulit na naglalaro sa kaniyang utak ang lahat ng mga ito na mas lalong nagpasakit sa kaniyang puso.Nagising lang siya kinabukasan na mataas ang lagnat at mainit na mainit ang katawan. Inisip niyang sa malamig na klima ito kagabi kaya ito ang nangyari sa kaniya. Pangalawa
Baca selengkapnya
Kabanata 36 - Lunch With Magnar
GAYA nga ng sabi ng kanilang Team Leader, magpahinga siya buong linggo pero hindi sa staff house. May isang silid na binigay sa kaniya kung saan doon siya pwedeng magpahinga. Kompleto sa kagamitan, mula sa sariling banyo at sariling TV. May prutas din sa mesa at ilan sa mga pagkain na nasa cupboard. Ang habilin ng Team Leader nila, siya lang mag-isa dapat doon para makapagpahinga. Malayo siya sa kaniyang mga kasamahan. Para siyang may sakit na dapat iwasan kung itrato siya ng TL nila pero okay lang.Wala na siyang lagnat. Kaya na niyang bumalik sa trabaho. Sipon na lang ang meron sa kaniya pero pasaan ba at gagaling siya. Laking mahirap ang kaniyang katawan kaya alam niyang isang araw lang na pahinga makakabawi na ang kaniyang katawan.Mabuti na lang at kaharap ng balcony ng silid niya ang malaking farm. Kahit papaano, gumagaan ang kaniyang pakiramdam. Binawalan nga pala siya ng TL nilang lumabas. Dapat pahinga lang ang kaniyang gagawin buong linggo. Para tuloy siyang bilanggo.Nasa b
Baca selengkapnya
Kabanata 37 - Promises
"Dito tayo kakain?" Nagulat siya nang bumulaga sa kaniya ang hitsura ng Silver Garden.Sa sobrang okupado ng kaniyang utak, hindi niya man lang napansin na umabot na sila sa Sapporo City."Yeah. Ang kaibigan ko ang may-ari ng Restaurant na ito. Let's go?" Ngumiti ito at naunang lumabas. Umikot ito para pagbuksan siya ng pintuan."Kaibigan?"Nagkibit ito ng balikat. "Yup. Mayaman ang kaibigan kong 'yon. Lagi nga lang naloloko." Tumawa ito ng malakas saka nagseryuso. "Shall we?"Tinanggap niya ang kamay ni Magnar na nakalahad sa kaniya nung buksan nito ang pintuan. Ngumiti ulit ito at aminado si Marie na mas lalong gumwapo si Magnar pero si Gheron na ang baliw na tinitibok ng kaniyang puso.Bigla naman siyang nanliit sa kaniyang suot na damit. Pang-manang ang suot niya at walang kadating-dating. May nakapulupot pa na makapal na scarf sa kaniyang leeg."Don't be. Maganda ka, Marie kahit wala ka pang damit.""Ano?" napanting naman ang kaniyang teynga sa narinig."Biro lang." Kinabahan ito
Baca selengkapnya
Kabanata 38 - Gold Digger
INABUTAN siya ni Magnar ng isang beer in can at agad niyang tinanggap iyon. Juice ang binigay nito ng una pero hindi niya tinanggap at siya ang nag-insist na bigyan siya nito ng beer. Nasa isang roof top sila at maganda sa roof top na iyon. Konti lang ang mga tao at halos lahat ay mga couple na masayang nag-uusap."Saan mo gustong iuwi pagkatapos nito?"Napatingin siya rito, "Ako na bahalang umuwi.""I won't let you! Mapapatay na ako ni Taurus.""Taurus?""Nothing." Tinaas nito ang beer nito at nakipag-cheers sa kaniya. "Para sa puso mong wasak!"Sinamaan niya lang ng tingin si Magnar at tahimik na tinungga ang beer. Napapikit siya sa sobrang pait. Hindi yata kinaya ng kaniyang lalamunan dahil bahagya niyang niluwa ang ibang likido."Hindi ka sanay. Juice na lang inumin mo." Muli nitong inoffer sa kaniya ang juice pero hindi niya tinanggap. "Kapag ikaw nalasing, hindi na ako makakabalik ng Pinas na buhay nito."Hindi niya pinansin ang pinagsasabi ni Magnar. Iniinom niya ang beer na na
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
383940414243
DMCA.com Protection Status