Share

Chapter 55

SAMANTALANG si Steffie naman ay umuusok ang mga butas ng ilong dahil sa galit. Sapo pa din nito ang magkabilang pisngi na sinampal ni Franki. Gaganti sana ito kay Franki, pero mabilis na iniharang ni Francine ang katawan sa harap nito.

"Hep! hep! subukan mo na muling saktan ang kapatid ko." Pigil ni Francine dito.

Ibinaba ni Steffie ang isang kamay na isasampal sana kay Franki. Matalim ang tingin na ipinukol iyon kay Francine.

"Kapatid mo ang tsimay na 'yan?!"

"Hindi lang kapatid, kadugo ko siya." Sagot ni Francine. "Nagulat ka ba?"

"Hindi," nang-uuyam na sagot ni Steffie. "Wala akong pakialam kung magkapatid kayo. Umalis na kayo dito, bago pa ako tumawag nang pulis para ipadampot kayo."

Mabilis naman na pumasok nang bahay si Franki at kinuha ang kanyang maleta na nakahanda na kahapon pa, para sana sa pag-uwi niya bukas sa bahay nila. Hindi niya maiwasan titigan ang kama na kung saan una niyang ipinaubaya ang sarili niya kay Argel.

Hindi na

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status