Lahat ng Kabanata ng Secret door in the dark forest: Kabanata 11 - Kabanata 20
23 Kabanata
Kabanata 11: Ang Galit ng Gold Queen at Paghihiganti
Lero POV, "Bukangliwayway na...." Sambit ko at napangiti ako. After kung umalis sa silid na kinaroroonan ng prinsesa ay pumunta ako sa tahimik na lugar na may taglay na mahika. Di ito alam ng Gold Queen dahil puno ng galit at paghihiganti nang puso niya at di nakakapasok sa lugar na yun ang mga masasama. Tahimik lang ako habang nagmamasid sa umaagos na tubig. May mga ibon din na lumilipad at yung iba naman ay nakadapo sa mga sanga. Nalaman ko ang lugar na yun dahil sa aking ina. Isa rin siyang diwata na tagapanglingkod sa palasyo. Ito ay pinakita niya sa akin kapag ako'y malungkot at kailangan kong mapag-isa. "Anak halika, at may papakita ako sayo." Paanyaya ng aking ina. Naalala ko ang mga sandali na kasama ko ang aking ina. Lumapit ako sa kanya at Napahawak sa kamay niya.  "Saan po tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Napapatingala ako dahil sa maliit pa ako ng mga oras na yun.  Nakarating kami sa isang malaking puno. Napapal
Magbasa pa
Kabanata 12: Ang Paghaharap
Callea POV, "Malapit na gumabi Lila at baka hinahanap na nila ako." Pag aalala ko. Nakaupo kami pareho sa malaking kama.  "Prinsesa may alam ako para makaalis dito." Sabi ni Lila habang may dinudukot sa kanyang bulsa. " Paano? May alam ka?" Tanong ko sa kanya. Pinakita niya sa akin ang bagay na kinuha niya sa bulsa niya. Isang kaperasong bato na kumikinang. Maliit lamang ito ngunit napakagandang tingnan.  "Ano yan?" Tanong ko ulit. Tumayo ako at bigla rin siyang tumayo. "Hindi po ito simpleng bato lamang. Ito po ay nakakagawa ng lagusan. Isipin mo lamang kung saan ka patungo at ibibigay ng batong ito ang lagusan sa gusto mo puntahan." paliwanag niya. " Itago mo muna yan, dahil hindi ko pa nakikita ang Gold Queen." Sabi ko sa kanya. Di na siya nakapagsalita at binalik niya ang bato sa kanyang maliit na bulsa. "Kamahalan may nagbubukas ng pinto." Bulong ni Lila sa akin. "Halika ka magtago tayo."
Magbasa pa
Kabanata 13: Pangitain
Lero POV, Wala na akong maisip na paraan ng mahuli kami ng Gold Queen kundi ang isuko muli ang prinsesa. Wala ring kaalam-alam ang Queen na wala na ako sa ilalim ng kanyang kapangyarihan.  "Lero, maghanda ka dahil darating ang aking mga kampon." marahan sinabi niya sa akin. Nasa tapat siya ng bintana ng mga sandaling yun at nasa likuran niya ako.  "Masusunod po kamahalan." At napayuko ako. "Kailangan ito malaman ng Prinsesa pero paano at nakabantay ang Gold Queen." Nasaisip-isip ko. "Ang aking nais ay nagaganap na, at wala ng makakapigil pa sa aking mga plano. Natutuwang sambit ng Queen sabay tawa ng malakas. "Paano po ang Prinsesa? Anong balak mo po gawin sa kanya.? "Tanong ko. Lumingon siya sa akin at biglang siyang napatigil tsaka nagsalita. "Gusto ko... na makita niya ang pagwasak ng sanlibutan at ang kanyang kaharian." At tumawa ito ng napakalakas. Nilamon na ng galit at paghihiganti ang p
Magbasa pa
Kabanat 14: Nakatagong hiwaga ng gardenya
Callea POV, Isang masamang pangitain ang aking napanaginipan ng mga sandaling mahimbing akong natutulog. Napansin kong wala sa aking tabi ang munting fairy. "Lila...!Lila..!" Tawag ko sa pangalan niya.  Kahit anino ay di ko siya nakita. "Baka nagtungo siya sa mundo ng mga tao." Nasaisip ko. Di ko na magawang matulog muli kaya naisipan kung lumabas ng silid kung saan ako naroroon. Bahagya kong binuksan ang pinto at sumilip muna ako sa maliit na siwang ng pintuan. Tahimik ang paligid kaya lumabas na ako at dahan-dahan na isinara ang pintuan.  "Bat ang tahimik." Pagtataka ko. Naglakad ako at nilibot ang buong palasyo. Napakaganda tingnan ng palasyo ngunit nasira ang ganda nito dahil sa mga ginto. Habang naglalakad ay di ko namalayan na nasa truno ng ako ng totoong hari at reyna. Wala ang queen at di ko siya makita sa kung saan. " Bakit ka nandito?" pamilyar ang boses na nasa aking likuran. Paglingon ko ay nakita
Magbasa pa
Kabanat 15: Ang paghahanap sa prinsesa
Alas tres ng hapon habang naglalakad sa harden ang prinsesa kasama si Lero. Masaya ang mga sandaling magkasama silang dalawa.  "Lero, bukas na ang aking kaarawan ngunit." Natigilan ang prinsesa. "Oh bat parang natigilan ka.?" Tanong ni Lero. "Naalala ko lang mga magulang ko at mga friends ko." Sagot ng prinsesa. "Wag ka mag alala matatapos din ang lahat ng to." Niyakap siya ni Lero. " Thank you Lero at nandyan ka." Pasasalamat niya. Tumungo na sila sa palasyo.  "Lero sandali." "Ano yun?" Tanong ni Lero. Nasa tapat sila ng pintuan ng mga oras na yun. "Ah wala. Sige pumasok na tayo." Hinawakan niya si Lero sa kanang kamay at hinila papasok ng palasyo. " Be lated happy bday Cal." Ngumiti ito sa kanya habang papasok sila ng palasyo. "Thanks," Bumawi siya ng malaking ngiti kay Lero. Napansin nila na wala ang Queen sa truno. " Saan na naman nagpunta ang Queen?"
Magbasa pa
Kabanata 16: Ang gardenya at ang pagkikita ng magkakaibigan
"Hi Jack..," Bati ni Leila sa kaibigan si Jack. Nakaupo si Jack sa labas ng bahay nila sa guest area. May pinipinta siyang na kung anong bagay na kanyang pinagkakaabalahan. " Oh, hi Leila. Ano ginagawa mo dito?"  "Gusto ko lang bisitahin ka. Bawal ba, ayaw mo ba nandito ako, ha." Wika ni Leila. Naupo si Leila sa tabi ni Jack. "Ah, hindi..hindi naman sa ganun." Sagot naman ni Jack. Bahagyang ngumiti si Leila at sinamantala ang pagkataon na magkasama sila ni Jack. Bukod sa sa kanilang pakikipagkaibigan, Si Jack ang kanyang first love ngunit may ibang gusto si Jack kaya di siya napapansin nito.  "Ano yang ginagawa mo.?" Tanong ni Leila ng mapansin niya na abalang-abala si Jack sa kanyang ginagawa. " Ahh wala to, wag mo ng pansinin." Biglang itinabi ni Jack ang hawak niya at isinantabi ang kanyang ginagawa.  Dumating si Robert ng di nila namalayan. "Abahhh parang may nagaganap na sweet
Magbasa pa
Kabanata 17: Ang paghaharap
 Magkasama ang magkakaibigan at ang prinsesa ng mga sandaling nahanap nila ang isa't-isa. Si Lero ay tahimik lamang habang ang mga kaibigan ng prinsesa ay nag uusap. " Guys ano na ang gagawin natin dito, Let's go!" Wika ni Leila na naiirita. Nasa loob sila ng isang silid sa palasyo. "Leila, pwede ba manahimik ka muna dyan." Seryosong wika ni Robert. " At bakit ka ba sumasabat, ha, di naman ikaw yung tinatanong ko. Di lang naman ikaw ang kasama ko dito nohh, hmmp." Naiinis na sabi ni Leila sa kaibigang si Robert. " Alam nyo guys, kanina pa kayo nagbabangayan dyan. Pwede ba kumalma muna kayong dalawa." Wika naman ni Tin. Napansin ni Cal ang pag-aaway ng dalawa ngunit natawa lamang si Cal sa kanila. Nakita ni Cal ang kaibigang si Jack na tahimik lamang sa isang sulok kaya nilapitan niya ito. "Jack, okay ka lang?" Tanong ni Cal. Napatingin sa kanya si Jack. "Hmmm...Yeah, i'm okay." Sagot ni Jack. Malapi
Magbasa pa
Kabanata 18: kabilogan ng buwan
Sa isang kweba kung saan nagtungo ang gold queen pagkatapos ng paghaharap nila ng prinsesa.  "Isang kalapastanganan ang ginawa mo Lero. Isang hangal para saluhin ang bagsik ng aking kapangyarihan." Galit na galit na wika ng gold queen. Nagkakagulo at nag-iingay ang mga alagad ng bruha sa isang kweba na kanilang kinaroroonan kaya lalong nainis ang bruha. " Magsitahimik kayo..!" Sigaw ng gold queen.  Sumunod naman ang kanyang mga alagad at nagsitahimik ang mga ito. " Hindi ako papayag na napahiya ako sa araw na ito. Babalikan ko kayo!" Wika ng bruha. Nanghihina pa rin ang bruha dahil sa tindi ng tama ng kapangyarihan ng prinsesa/Callea sa kanya. Sa loob ng palasyo ng gardenya ay naroon pa rin ang prinsesa na luhaan habang kayakap si Lero. "Patawad mahal na prinsesa." Malungkot na wika ni Lero. "Huwag ka magsalita ng ganyan." Sabi ng prinsesa kay Lero. Tuluyan ng nabalot ng ginto ang katawan ni Le
Magbasa pa
Kabanata 19: Panganib
"Kamusta po kayo prinsesa nung nawala ako sa tabi mo?" Tanong ng fairy. "Hmmm....Mahirap sabihin ang buong pangayayari pero hindi maganda ang nangyari sa amin sa loob ng palasyo. Naabutan kasi kami ng gold queen at ginawa niyang ginto ang dalawa kong kaibigan. Maging si Lero ay muntik ng tuluyang maging ginto ngunit biglang nawala ang gintong bumalot sa kanya at hindi namin alam kung paano nangyari yun. Wala ni Isa man sa amin ang nakaalam o nakasaksi. Nakita na lang namin na unti-unting nawala ang mga ginto sa katawan ni Lero." kwento ng prinsesa. " Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyong mga kaibigan mahal na prinsesa." Wika ng fairy at dumapo ito sa balikat ng prinsesa at inilapat niya ang kanyang pisngi sa malambot na pisngi ng prinsesa. Sa mga oras na yun ay nagsisimula na silang maglakbay at tahakin ang daan patungo sa kanilang pupuntahan. Lumapit si Lero kay Cal/prinsesa bago magsalita ito. " Sa tingin ko may nagbabadyang panganib na na
Magbasa pa
Kabanata 20: Paglalakbay
"Guys, i think kailangan na nating magpatuloy sa paglalakad kasi magdidilim na." Sabi ni Tin. "Magdidilim na nga." Wika naman ni Cal. Nasa kakahuyan pa rin sila ng mga oras na yun at nagpatuloy na sa paglalakad. Tinahak nila ang daan kung saan maraming puno ang makikita lalo ng unti-unti ng nilalamon ng dilim ang paligid ng gubat. " Sana may makita manlang tayong matutuluyan." Wika ni Robert na nababahala sa kung ano ang mangyari sa kanila sa kakahuyan ng mga oras na yun. "Magtiwala lang kayo at may makikita din tayo." Wika ni Cal. " Meron akong alam na matutuluyan pero medyo may kalayuan kaya bilisan natin ang paglalakad." Seryosong sabi ni Lero. Nagmadali sa paglalakad ang lahat habang tinatahak ang masukal na gubat. Maya-maya ay lumitaw ang mga nag-iilawan na mga alitaptap sa paligid. Parami ito ng parami hanggang sa nabigyan liwanag ang paligid na kanilang kinatatayuan. Napahinto sila at namangha sa mga maliliit na insekto na nagli
Magbasa pa
PREV
123
DMCA.com Protection Status