All Chapters of Secretly in Love with the Boss: Chapter 81 - Chapter 90
138 Chapters
One Night with the Boss - Chapter 13
One Night with the Boss - Chapter 13 ‘DAPAT ba siyang matuwa?’ tanong ni Abigail sa sarili. Para sa isang lihim na umiibig na katulad niya, ang dapat na maging reaksiyon ay katuwaan lang dahil may pagtingin na din pala sa kanya ang lalaking sikretong minamahal. Ngunit bakit parang mas gusto niyang magalit? Dahil hindi siya naniniwala. Paano magkakagusto sa kanya ang isang lalaking labis na umiibig sa isang babaeng nagngangalang Mia? Hinding-hindi na siguro niya makakalimutan ang mga sinabi ni Liam kahapon. ‘Kami ni Mia ay wala pang isang taon engaged… pero tatanggapin ko pa rin siya kapag bumalik sa akin.’ Pinili ni Abigail ang huwag magalit dahil taliwas sa natural na ugali niyang mapagpasensiya. Pero hindi naman niya kayang bawalan ang sarili na masaktan at maghinanakit. Laruan lang ba ang tingin ni Liam Ramsey sa kanya?
Read more
One Night with the Boss - Chapter 14
One Night with the Boss - Chapter 14 “LET’S freshen up before dinner.” Inihatid ni Liam si Abigail hanggang sa tapat ng pinto ng guest room. “Fifteen minutes?” “Opo, sir.” Tumango ang dalaga. “Good. See you later.” Tumalikod ang lalaki at maliksing lumakad patungo sa kabilang direksiyon. Nandoon marahil ang master’s bedroom. Ipinilig ni Abigail ang ulo para mawala ang pagkalito. Hindi niya dapat inuubos ang taning na kinse minutos sa pag-iisip ng kung anu-ano. Maliksing nag-shower ang dalaga. Mas mabilis siya ngayon dahil maligamgam ang tubig. Ang isinuot naman niya ngayon ay lumang slacks na itim at sweatshirt na kulay abo.  Itinali niya ang scarf na ipinahiram ni Liam sa kanyang leeg dahil medyo mababa ang kuwelyo. Ang mahabang buhok na ibinalot ng tuwalya kaya hindi nabasa ay muling ipinusod nang maluwang. Sa kusina siya nagpunta, sa halip na sa kumedor. Mainit ang pagsalu
Read more
One Night with the Boss - Chapter 15
One Night with the Boss - Chapter 15 NANG makarating sa opisina, agad na inasikaso ni Abigail ang pagpi-print sa file na ni-rush niyang i-type kaninang umaga. Nang matapos, inilagay niya sa bagong folder ang mga papeles at ipinasok sa private office ng boss. “Kailan mo ginawa ito?” Nagulat si Liam. “Kaninang umaga po, pagkagising ko.” “Hindi ka na sana nagpakapagod. Nandito pa sa hardisk ang file.” “Oo nga pala.” Natigilan rin si Abigail. Bakit ba niya nakalimutang gumagawa nga pala siya ng back-up file sa bawat project information na ipinata-type sa kanya? “Anyway, thank you at hindi mo nakalimutan ang tungkol dito.” Parang namalikmata si Abigail. Mainit ba ang ngiti ni Sir Liam sa kanya? “W-welcome po, sir. Lalabas na po ako.” Gustong mataranta ng dalaga na hindi niya mawari. Para kasing may kapangyarihan ang mga kislap na nasa mga mata ng lalaki
Read more
One Night with the Boss - Chapter 16
One Night with the Boss - Chapter 16TUMUPAD naman sa pangako si Liam. Naging maginoo na ang pakikitungo kay Abigail sa halos lahat ng oras na magkasama sila.Kung pababayaan siguro niya ang sarili na mangarap nang gising at maniwala sa mga panaginip na nagkakatutoo, baka isipin na niyang nanliligaw ang lalaki sa kanya.Pero ang iba ang babaeng minamahal ni Liam…Bumuntonghininga si Abigail habang kinakapa ang kuwintas sa leeg. Nitong mga huling araw, ginawa na niyang ‘tagagising’ ang kuwintas ni Mia para hindi siya matuluyang mahibang.Ang utak na lang kasi ang narerendahan ng tamang katwiran, hindi ang kanyang puso.“Hello, Miss Dreamer.” Kumaway pa ang nakangiting si Winnie bago ipinakita ang dalang folder.“H-ha? Ikaw pala, Winnie. Pasensiya na. Hindi kita agad napansin.”“Narito na ang mga pay checks natin. Nandiyan ba
Read more
One Night with the Boss - Chapter 17
One Night with the Boss - Chapter 17 “S-SIR!” Napasinghap siya nang magdikit ang kanilang mga katawan. Para kasing binalot ng apoy ang kabuuan niya. “Gago ka, a?” Awtomatikong umiral ang pagkabarumbado ni Kuya Lori. Nakabangon agad at dinaluhong ng malakas na suntok si Liam. “Ay! Tama na!” Iniharang ni Abigail ang sarili nang akmang susugod na naman ang kapatid. “Nakupo! Huwag na kayong mag-away, plis!” Nakiawat din si Pepang. Nangunyapit ang dalawang kamay sa isang braso ni Lori. “Sino ba’ng gago ‘yan, Abigail?” “Siya ang boss ko!” “Ako ang bagong nobyo ni Abigail!” Sabay na nagsalita sina Liam at Abigail. Napatigagal ang dalaga. Si Pepang naman ay napanganga. “Ano ba talaga?” Pakunwari na lang ang pag-angil ni Lori. May nakabahid nang pagtataka sa mabagsik na ekspresyon. “S-siya si S-sir Liam.” Ipinilig muna ni Abigail ang ulo bago sumagot nang pautal. “Ang boss namin ni Pepang.” “
Read more
Blackmailed by the Boss - Chapter 1
Blackmailed by the Boss Synopsis: Alejandra had a very dark secret in her past that she’d managed to hide now that she was a successful career woman. Until the son of the company’s owner became the boss… Dante hated her at first sight. And he was determined to destroy her... Nagsipag at nagsikap nang husto si Alejandra para maiwan sa nakaraan ang pangit na sikreto ng kanyang pagkatao. At dahil natatakot siyang mabunyag ang pinagkakatagu-tagong lihim, napilitang maging sunud-sunuran ang dalaga sa kaaway. Ngunit tila naitakda na ang muli niyang pagkasira dahil ang kanyang puso ay napaibig pa kay Dante… *     *     * Blackmailed by the Boss - Chapter 1   Biyernes. Araw ng suweldo. Hatinggabi. Isang raid ang isinagawa ng mga pulis sa isang tagong sulok ng Libertad. Kungsaan nagaganap ang mga lewd shows gabi-gabi.     &nb
Read more
Blackmailed by the Boss - Chapter 2
Blackmailed by the Boss - Chapter 2 Nakasuot siya ng cycling shorts na itim at midrib blouse na puti. Pawang ganito rin ang attireng mga kasama.   Pare-pareho silang may pagka-conservative sa pananamit. Dahilan na rin siguro sa kanilang mga nakaraan.        "Hindi ka pa ba nakakaranas ng crush o infatuation sa buong panahon na nasa labas na tayo? For example, sa kumpanyang pinapasukan mo? Wala bang mga presentableng lalaki doon?"   Tila nasa mood dumaldal si Myrza.        "Maraming presentable sa kumpanya, Mar. At karamihan ay mga disente pa. Educated at with breeding pa. Galing sa mga pamilyang may sinasabi. Mga pamilyang hindi magkakagusto sa kahit na anong eskandalo." Tumikhim si Alejandra.   "Sa palagay mo ba, babagay ang isang tulad natin sa kanila?"    &
Read more
Blackmailed by the Boss - Chapter 3
Blackmailed by the Boss - Chapter 3"Tanggapin mo na, Eli. Noon nga, ganyan din ang pakiramdam ko, hindi ba?,” pang-aamuki ni Jesusa. "Pero tingnan mo, naisauli ko ang mga titulo n'yo. At saka, tiyak na magtatampo sila," dagdag pa nito para makumbinsi na si Ofelia.      "Talagang magtatampo kami," salo ni Alexandra.      "Tutulungan ka naming. Kakaladkarin ko ang lahat ng mga kakilala ko sa restaurant mo. Ipo-promote ko ang pangalan mo sa lahat ng sulok ng trabaho ko," prisinta ni Myrza. "Marami kang magiging customers dahil nasa entertainment ako. Magiging sikat sa mga birthday, anniversary and wedding occasions ang lugar mo. Magkakaroon na ako ng palagiang venue para sa mga magic shows ko. O, di ba bongga?"      "Oo nga," dugtong ni Alejandra. Umaandar na ang
Read more
Blackmailed by the Boss - Chapter 4
Blackmailed by the Boss - Chapter 4   Napapitlag si Alejandra nang bumukas ang elevator. Napalalim na pala nang husto ang pag-iisip niya.      Dali-dali niyang iwinaksi ang mga pangit na alaala sa loob ng isipan. Hindi siya dapat nag-iisip ng mga ganitong bagay sa lugar ng trabaho.      Kinagagalitan niya ang sarili habang papapasok sa kanyang opisina.      Katulad nang dati, wala pa ang sekretarya niyang si Lenny. Mamaya pa naman ang takdang oras ng trabaho pero nakagawian na ni Alejandra ang pumasok nang maaga.      Naglabas agad siya ng mga reports na itinatago ng kumpanya sa isang malaking kaha de yero. Ang Rivalgo Research Project ang hawak niya ngayon.      Ilang sandal
Read more
Blackmailed by the Boss - Chapter 5
Blackmailed by the Boss - Chapter 5"H-hindi ko alam ang sinasabi mo, sir," sambit niya, may bahagyang nginig sa kanyang boses.      Nilamukos ni Dante ang aluminum can matapos ubusin ang laman at ibinato iyon sa trash can na nasa sulok.      Pakiramdam ni Alejandra, siya ang latang iyon na gustong wasakin ni Dante para maitapon na.      "Nasa malayong bansa ako, Alexa," pakli nito habang muling itinututok sa kanya ang matang matatalim. "Pero napasugod akong pabalik dito dahil sa mga natatanggap kong balita na isang babae ang mauupo sa trono ni Papa. At hindi si Ate Assunta iyon."      Hindi pa rin makaimik ang dalaga. Nakatitig lang siya sa lalaking nagpapakita ng malamig na galit sa kanya.      "Don't you
Read more
PREV
1
...
7891011
...
14
DMCA.com Protection Status