Lahat ng Kabanata ng My Bestfriend's Enemy: Kabanata 31 - Kabanata 40
81 Kabanata
Chapter Thirty One
SA limang taong pagsasama nila ni Jillian ay ginawa niya talaga ang lahat para maging karapat-dapat siya sa pag-ibig nito kaya naman kahit asawa na niya ito, sinikap pa rin niyang magpaka-gentleman. Alam kasi niyang noong panahon na iyon ay masyado pang sariwa sa alaala nito si Lance kaya't kahit na igiit niya kay Jillian ang kanyang karapatan, hindi naman siya masisiyahan dahil alam niyang ibang lalaki pa rin ang maiisip nito at siyempre, ayaw niya ng ganoon. Ang nais niya kapag kinuha niya ang kanyang karapatan ay walang ibang makikita si Jillian kundi siya.  Sa kaisipang iyon ay parang gusto niyang magtawa, talaga nga bang 'makukuha' niya si Jillian gayung alam naman niyang nawalan na ng silbi ang kanyang pagkalalaki mula nu'ng maaksidente siya? Nang sabihin ng unang doktor na tumingin sa kanya na nawalan na ng silbi ang kanyang pagkalalaki ay inisip na niya agad na wala na siyang karapatang magkapamilya. Hindi na rin niya kayang paniwalaan ang sinabi ng iban
Magbasa pa
Chapter Thirty Two
NAPAGTANTO ni Lance na hindi lahat ng tama ay dapat sundin, lalo na kung hindi ito ang makapagbibigay ng kasiyahan sa kanya. Matagal na panahon na siyang nagdusa kaya gusto naman niyang sumaya at alam niyang sa kanya din naman liligaya si Jillian dahil tiyak niyang kinikimkim lang nito ang nararamdaman para sa kanya.  Hindi siya manhid para hindi mabasa sa kilos ni Jillian ang tunay nitong nararamdaman na pinipilit nitong labanan. Iniiwasan nitong mapatingin sa kanya dahil natatakot itong mabasa niya ang pa-ibig at pangungulila nito sa kanya. Kung noon ay sinasabi niyang pinaasa lang niya ang sarili, ngayong nalaman niya ang dahilan kaya siya iniwan ni Jillian ay nakatitiyak na siya. Kailanman ay hindi siya nawala sa puso ni Jillian.  Ang hindi lang malinaw sa kanya ay ang dahilan ni Jillian kung bakit kinailangan nitong pakasalan si Mark Wayne gayung siya naman pala talaga ang mahal nito. Nais lang ba talagang ipamukha sa kanya ni Jillian mas matimbang siy
Magbasa pa
Chapter Thirty Three
MASAKIT na masakit ang ulo ni Jillian nang magising siya kaya naman parang ayaw pa niyang bumangon. Saka masarap din sa pakiramdam na yakap-yakap siya ng kanyang asawa.  Si Mark Wayne? nagtatakang tanong niya sa sarili dahil hindi naman ganoon ang nararamdaman niya kapag kayakap niya ang asawa.  Ngayon kasi ay parang ang bilis-bilis ng pintid ng kanyang puso. Pakiwari niya'y may kung anong halimaw na humahabol sa kanya kaya gusto niyang tumakbo nang tumakbo. Saka, iba ang amoy nito. Sa limang taon na pagsasama nila ni Mark Wayne, hindi pa nangyaring parang nagkabuhol-buhol ang kanyang katinuan dahil sa amoy nito. Ngunit, ganoon ang nararamdaman niya kapag si Lance ang kanyang kapiling.  Si Lance! gilalas niyang sabi sabay balikwas nang bangon. Bigla rin kasing nag-flashback sa kanyang isipan ang nangyari kanina.  Masama ang loob niya dahil hindi niya alam kung ano ba talaga ang kanyang nararamdaman. Kahit kasi si Mark Wayne ang kas
Magbasa pa
Chapter Thirty Four
PAKIRAMDAM  ni Jillian ay hindi na niya kaya pang pigilan ang kanyang sarili. Miss na miss na rin naman kasi niya ang halik ni Lance kaya nagawa pa niya itong yakapin habang tumutugon siya sa halik nito. Sabi kasi ng puso't katawan niya, si Lance lang ang karapat-dapat na umangkin sa kanyang katawan.  Ngunit, bigla niyang naitulak si Lance, nang pumasok sa isip niya si Mark Wayne. Ang kanilang kasal. Ang init ng pag-ibig na kani-kanina lamang ay nararamdaman niya'y parang binuhusan ng malamig na tubig. Kung hindi man niya kayang ibigay kay Mark Wayne ang pag-ibig na ibinuhos niya kay Lance, hindi niya dapat kalimutang irespeto ang bestfriend niya bilang asawa.  "I hate you, Lance!" sigaw niya. Kung nagagalit siya sa kanyang sarili, mas matinding galit ang nararamdaman niya ngayon sa kanyang ex-boyfriend.  Kung hindi ito muling pumasok sa kanyang buhay, hindi magugulo ang emosyon niya. Hindi dapat siya nakakaramdam ng matinding guilt ngayon
Magbasa pa
Chapter Thirty Five
"HINDI mo na ako madadaan sa pag-iyak kaya tigilan mo na 'yan." Bahagya lang niyang tinapunan ng tingin si Lance dahil alam niyang nagsisinungaling ito. Wala naman kasi siyang tigas na naririnig sa boses nito kaya alam niyang naaapektuhan din ito sa pagluha niya. Gaya noon. Kapag may gusto siya't ayaw nitong pagbigyan, idinadaan niya sa pagluha. Sa huli tuloy ay sinusunod din siya nito.  Ngunit, agad niyang nakalimutan ang mga ginawa nito sa kanya dahil lang sa simpleng mga salitang narinig niya.  "Dito ka lang. Sa piling ko." "Kawawa naman ang anak...ko," wika niya. Muntik na niyang masabing natin. Ngunit, kung ibinulalas niya ang katagang natin ay sigurado siyang agad siya nitong hihilahing pabalik ng Manila. Para kunin si Apple. At iyon ang hindi niya mapapayagan dahil alam niyang mas masasaktan si Mark Wayne.  "Gusto mong kunin ko siya?" "No," mariin niyang sabi. "Hayaan mo siya sa...Daddy niya." Marahas na b
Magbasa pa
Chapter Thirty Six
KUNG inaakala ninyo na tatanggapin ko ang aking pagkatalo, nagkakamali kayo! paulit-ulit na sabi ni Bianca sa sarili.  Hindi naman kasi siya ang tipo ng taong basta-basta tumatanggap ng pagkatalo.  Ipinilig lang niya ang kanyang ulo nang pumasok sa isipan niya ang kanyang boyfriend na nang-iwan sa kanya, si Joshua, tapos ay nagpakasal sa ibang babae. Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan dahil hindi naman niya nagantihan ang manloloko niyang ex-dyowa. Ang dahilan, nakilala na niya si Ysmael Lance Madrigal.  Nang maisip niya ang lalaking itinitibok ngayon ng kanyang puso, hindi niya napigilan ang mapangiti ng todo. Sobra kasi niyang hinahangaan at minamahal ito kaya parang himalang napawi ang sakit na naramdaman niya sa naunang pag-ibig. Kaya naman gagawin niya ang lahat para hindi na mawala si Lance sa kanyang buhay. Wala rin siyang pakialam kung mayroon itong ibang minamahal.  Basta ang nais niya, kanya lang si Lance.&n
Magbasa pa
Chapter Thirty Seven
SA tingin ni Jillian ay hindi siya basta-basta pawawalan ni Lance kaya kailangan na niyang gumawa ng paraan kung paano makakawala rito. Kung magwawala siya palagi, sigurado siyang mas maghihigpit lang ito sa kanya. Kaya, ang dapat niyang gawin ay kunin ang loob nito. Kailangan niya itong papaniwalain na gagawin niya ang lahat ng gusto nito.  Gusto nga lang ba niya itong papaniwalain? tanong niya sa sarili.  Nang magsayaw sila ni Lance, nakaramdam siya ng kaluwalhatian sa mga bisig nito. Parang ayaw na niyang kumawala pa sa yakap nito habambuhay. Parang gusto niyang damhin lang ang mga haplos nito, langhapin ang bango nito para lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kaya lang, kumokontra ang kanyang utak.  Alam niya kung ano ang tamang gawin at hindi 'yung manatili siya sa piling ni Lance. Kahit pa ang sinisigaw ng puso niya ay ang pangalan nito.  Noon, inakala niyang kapag hindi na sila nagkita ay mawawala na rin ito sa kanyang
Magbasa pa
Chapter Thirty Eight
KAHIT alam niya mali na makatabi niyang matulog ang kanyang ex-boyfriend, hindi ito magawang itaboy ni Jillian. Gusto rin kasi niyang makasama ito kaya habang may pagkakataon pa, nagpapakasawa na siyang titigan ito. Hindi rin siya tumututol kapag hinahalikan at niyayakap siya ni Lance. Salamat na nga lang at hindi na humihiling pa si Lance ng higit pa roon dahil baka tuluyan na siyang magtaksil kay Mark Wayne.  "Kung nahihirapan ako, alam kong mas nahihirapan ka." Ang lakas ng kanyang pagsinghap nang marinig niya ang boses ni Lance. Hindi niya akalain na gising pa ito. Bigla tuloy siyang nahiya kaya agad niya itong tinalikuran saka siya pumikit. Ngunit, paano pa siya makakatulog kung alam niyang umiba ng puwesto si Lance tapos naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang balikat?  Kung hindi lang niya napigilang ang sarili, talagang mapabubulalas siya ng mahabang-mahabang 'ohhh'. Naramdaman na naman kasi niya ang mistulang kuryenteng nanulay sa kanyang
Magbasa pa
Chapter Thirty NIne
"IINOM ka na lang ba diyan sa halip na hanapin mo ang asawa mo?" sarkastikong tanong sa kanya ng isang babae.  Napahinto sa pagtungga ng alak si Mark Wayne dahil talaga namang napaisip siya sa tanong nito. Kaya, matapos niyang titigan ang bote ng alak na tinutungga niya, lumipad na ang tingin niya sa may-ari ng boses. Nang matitigan niya ito'y kumunot ang kanyang noo. Hindi nga niya ito kilala pero pamilyar naman ang mukha nito sa kanya.  "I'm Bianca Francisco," nakangiti pa rin nitong pagpapakilala sa kanya.  Matamis na matamis ang ngiti nito sa kanya na para bang gustong makuha ang kanyang loob pero tiyak naman niyang ang ngiting iyon ay hindi dahil sa gusto siyang akitin. Dahil kung sakali ngang ganoon lamang ang plano nito, hindi ito magtatagumpay.  Kahit duda niya'y nasa piling ni Lance si Jillian ngayon, wala siyang planong gumanti kay Jillian. Alam niyang hindi siya nito pagtataksilan dahil buung-buo ang tiwala niya rito. Ka
Magbasa pa
Chapter Forty
"APPLE..." sabik na bulalas ni Jillian nang makita niya ang anak. Miss na miss ma ito kaya naman hindi niya napigilan ang tumakbo. Ngunit, natigilan siya nang tumingin ito sa kanya. Puno ng pagdaramdam ang mga mata nito.  "Hindi mo na ba ako mahal?" tanong nito.  Sa klase ng tanong nito ay parang dinurog ang kanyang puso. Damang-dama niya ang hinanakit nito. Gusto niyang sabihin na mahal na mahal niya ito pero hindi niya magawa. Parang nawalan siya ng boses. Saka, hindi rin niya alam kung paano siya magpapaliwanag dito.  Kinidnap siya ng ama nito at hindi niya alam kung paano siya tatakas. Ngunit, parang tinutukso siya ng isang bahagi ng kanyang isipan. Sabi nito, kapag gusto'y mayroong paraan. Talaga lang marami siyang nahahagilap na dahilan dahil gusto niyang makasama si Lance.  "Kawawa naman kami ni Daddy," wika nitong matalim na matalim ang tingin sa kanya.  Sukat sa
Magbasa pa
PREV
1234569
DMCA.com Protection Status